You are on page 1of 1

PAGTATAYA NG ARALIN

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Isulat
sa sagutang papel ang tamang sagot.

Paglusob hudyat diplomasya hinikayat

Mandato alyansa gahaman salungat

Lakas sigalot paglipol nakakatakot

Pamamahala nagpabagsak mapanira

1. Ang pagpuksa sa mga Jew ay kagagawan ni Hitler.


2. Walang mabuting naidudulot ang digmaan sapagkat mapaminsala ito.
3. Malagim ang naging wakas ng milyon-milyong Jew sa kamay ng mga Nazi.
4. Ang Great Depression sa United States ang nagpalugmok sa ekonomiya ng
Europe.
5. Marahas ang pamamalakad ng mga diktador.
6. Ang pananalakay ng mga Kamikaze ang dahilan ng maraming pagkasira ng
gusali sa Machuria.
7. Tanda ng pagsisimula ng kapayapaan ng lumagda sa kasunduan ang bansang
kasangkut sa unang digmaan.
8. Sistema ng pakikipag-kapwa bansa ang ginawa ng United States sa mga
bansang nangangailangan ng tulong sa panahon ng kagipitan.
9. Nasa ilalim ng kapangyarihang pamahalaan ng isang bansa, ang bansa na hindi
pa handang magsarili.
10. Ang layunin ng United Nation ay pagkakaisa tungo sa kapayapaan.
11. Ang isang naging sanhi ng digmaan ay dahil sa ang pinuno ng malalakas na
bansa ay sakim sa kapangyarihan.
12. Ang hindi panig sa pagkakaisa ay kontra sa kapayapaan.
13. Hinimok ng Geramany na sumali ang Mexico sa panig ng Axis Power sa
pamamagitan ng pagpapadala ng isang Telegrama.
14. Sa panahon ng digmaan, ang kapangyarihan ng isang bansa ay nasusukat sa
dami ng lakas pandigma nito.

15. Ang hidwaan sa teritoryo ay isa sa mga naging dahilan ng unang Digmaang
Pandaigdig.

You might also like