You are on page 1of 2

Alamat

-Ang alamat ay isang mitikal na kwento.


-Nilalaman nito ang pinagmulan ng mga bagay bagay .
-Karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Ito ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng
pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda
tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni't sa bandang huli
ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba.
-Nagsisimula ito sa matagal na panahon.

Maikling Kwento
-Ito ay anyo ng panitikang nagsasalaysay nang tuluy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay
-Ito ay may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng
isang kakintalan o impresyon sa isipan ng mambabasa.
- Ang kasukdulan o ang bahagi ng kwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapanabikan o
interes sa mambabasa.
-Ang kakintalan o impresyon ang kaisipang maiiwan ng mambabasa.

Pagkakapareho
-Ang pagkakapareho nila ay parehas sila nagsasalaysay.
-May aral na napupulot dito
-Ginagamitan ng Transitional Devices at Pangatnig
-Parehas Panitikang Pilipino

You might also like