Professional Documents
Culture Documents
Assigned Topic
Assigned Topic
Sinasabi dito ang mga dahilan kung bakit dapat pahalagahan ang ating pambansang wika. Atito ang
wikang“Filipino”kung saan nagmula itosa sarili nating bansa ang Pilipinas. Naririto ang mga iba’t-ibang
dahilan ni Mr.San Juan. Isa na rito ang paggamit at pagturo ng wikang Filipino sa sistema ng edukasyon,
para sa akin ito ay napakahalaga na gamitin sa paaralan, upang mas masanay pa ang mga kabataan sa
paggamit nito sa araw-araw. At kasama pa din ito dapat hanggang kolehiyo upang mas mahasa pa lalo.
At ako ay sumasang-ayon na ibahagi pa ang ating wika sa buong mundo upang mas maunawaan pa nila
at makilala na rin, kasama ng ating sariling kultura,tradisyon at iba pa. Filipino ang kaluluwa ng ating
bansa, ito ang pangunahing susi upang mas mapalawak ang panitikan,pagsulat ng
tula,kanta.kwento,atbp. At kung gagawin natin ito di lang tayo magkakaisa, mapagbubuklod pa natin ang
bawat pilipino sa paggamit nito sa edukasyon. Kung hindi ito magagamit sa kolehiyo at unibersidad sa
buong bansa. Paano ito mapapalawak at maibahagi pa sa susunod na henerasyon, at kung ititigil ito
bilang asignatura, posibleng magkaroon ito ng negatibong epekto sa ating sarili, pati na rin sa ating
bansa.