You are on page 1of 197

Aralin 1 – Pagbuo Ng Lalawigan Ayon Sa Batas

1.1.1.1(Rizal)

Takdang Panahon: 1 araw

I.Layunin:

1.Natutukoy ang kasaysayan ng pagbuo ng sariling lalawigan ayon


sa batas.
2. Naisasalaysay ang pagbuo ng sariling lalawigan

II.Paksang Aralin:

Paksa: Pagbuo ng Lalawigan Ayon sa Batas


Kagamitan: Factsheet, tsart, DLP/PPT,graphic organizer
Sanggunian: K to 12, AP 3KLR-IIa-1.1.1

III.Pamamaraan:

A. Panimula:
1. Ituro ang awit
SA BISA NG BATAS
( Tono: I’ve Got Spirit in my Head that is Keeping me
Alive)
Sa bisa ng batas
Dito sa Pilipinas
Ang lalawigan ko
Legal na nabuo

Pinasa sa Kongreso
Nilagdaan ng Pangulo
Lalawigan ay nabuo

2. Talakayin ang mensahe ng awit


Ayon sa awit , paano nabubuo ang isang lalawigan?
Ano-ano ang mga proseso sa pagpapasa sa batas?
Sa anong bisa ng batas nabuo ang lalawigan?
Alam mo ba kung paano nabuo ang lalawigan o lungsod sa
pamamagitan ng batas?

1
B. Paglinang
1. Pagbasa ng teksto sa DLP/PPT.

Ang mga lalawigan/ lungsod ay nabuo sa pamamagitan ng mga


batas. Ayon sa Local Government Code 1991, may mga hakbang
na kailangang gawin bago mabuo ang isang lalawigan batay sa
sinasabi ng batas. Narito ang mga hakbang:

1 May panukala sa kongreso na magkaroon ng bagong lalawigan

Titingnan ng kongreso kung maaaring magkaroon ng bagong lalawigan


ayon sa ilang batayan

Kapag nakapasa sa mga batayan, magkakaroon ng botohan o plebisito ng


3
mga botante sa lalawigan
2

4
Magkakaroon ng bagong lalawigan kapag karamihan sa mga tao ay
bumoto para magkaroon ng bagong lalawigan

5 Batay sa botohan ng mga tao, isasabatas ng kongreso ang pagkakaroon


ng bagong lalawigan

Papaano hindi naayunan ang panukalang magkaroon ng bagong lalawigan


o lungsod? Ito’y hindi nangyayari kapag ang panukalang lalawigan ay
hindi naging karapat-dapat batay sa mga sumusunod na batayan.

Sapat ang Sapat ang Sapat ang laki


kinikita ng dami ng ng lugar upang
lugay upang populasyon sa mamuhay na
matustusan nasabing maaliwalas ang
ang mga kasapi 2
panukalang mga kasapi nito
nito lalawigan
2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Bataysa inyong nabasa at narinig, anong batas ang nagbuo sa
lalawigan?
Sino ang may-akda ng batas na yaon?
Kailan naisasabatas ang isang lalawigan?
Sa kabuuan, paano nabubuo ang lalawigan batay sa batas?
Kailan hindi naaaprubahan ng kongreso ang pagiging isang
lungsod?
Ano-ano ang mga batayan para pumasa sa batas ang isang
lalawigan o lungsod?
Maaari bang maging lalawigan kapag hindi ito isinabatas ng
kongreso? Bakit hindi?
Sa sariling salita, paano naisasabatas ang pagkakaroon ng bagong
lalawigan?
Pareho ba ang pagsasabatas ng nabasang sanaysay at ang nangyari
sa sariling lalawigan?

3. Pangkatin ang klase sa lima ( 5 )


Gawain A – Pagsagot sa Talahanayan
Panuto: Basahin ang factsheet na naging lungsod ang Antipolo sa
Rizal at isulat ang sagot sa talahanayan na nakasulat sa cartolina.

Lungsod ng Antipolo sa Lalawigan ng Rizal

Sa ilalim ngBatas Republika Blg. 8508, naging kabahaging


lungsod ng Rizal ang Antipolo noong Abril 4, 1998 mula sa
pagiging bayan ng naturang lalawigan. Pinasinayaan ang bagong
kapitolyo ng Rizal sa lungsod noong Marso 2009, upang palitan
3
ang kapitolyo nito sa Pasig na matagal nang nasa labas ng
hurisdiksyon ng lalawigan mula pa noong 1975 nang maging
bahagi ng kalakhang Maynila ang Pasig. Sa paglipat ng kapitolyo
sa Antipolo, napipisil itong hirangin bilang bagong kabisera ng
lalawigan. Ipinroklama bilang isang lungsod na mataas ang
urbanisasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang Antipolo
noong Marso 14, 2011, ngunit ipinagpaliban sa di tiyak na panahon
ang plebisito upang magkabisa ang nasabing proklamasyon.
Ang lungsod ng Antipolo ay matatagpuan sa lalawigan ngRizal, 25
kilometro sa silangan ng Maynila. Ito ang pinakamataong lungsod
sa Luzon sa labas ng kalakhang Maynila at ika-pito naman sa
buong bansa sa populasyon nitong 633,971 noong 2007.

Lungsod Populasyon Laki/lawak ng lugar Kitang lungsod

Gawain B – Paggamit ng Graphic Organizer


Isulat sa loob ng kahon ang mga hakbang sa pagkakaroon ng bagong
lalawigan o lungsod.

Gawain C
Sagutin ang tanong.
Sa paanong paraan nakatutulong ang pamunuan upang mapabuti
ang pamumuhay sa lalawigan?
Piliin ang iyong talatang iyong bubuuin upang ipakita ang iyong
saloobin.

Sa palagay ko, nakabubuti ang pagkakaroon ng bagong lalawigan


______________________________.

4
Sa palagay ko, hindi nakabubuti ang pagkakaroon ng bagong
lalawigan _______________________________.

4. Pagtalakay sa mga ipinakitang gawa ng mga bata


Nakamit ba ng lalawigan ng Antipolo ang mga batayan?
Ano-ano ang mga hakbang sa pagpasa ng batas upang maging
lungsod o lalawigan?

Ano ang apat na hakbang sa pagkakaroon ng bagong


lalawigan o lungsod?

5. Isagawa ang paglalahat gamit ang graphic organizer na off-the-


wall.
Paano nabubuo ang lalawigan ayon sa bisa ng batas?
Ang isang lalawigan ay nabubuo sa bisa ng batas na
_______________ ng ____________ng Pilipinas.
IV. Pagtataya
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pagbuo ng bagong
lalawigan ayon sa batas batay sa mga sumusunod na pangungusap.
Isulat angbilang1para sa unang hakbang hanggang 4 para sa
pinakahuling hakbang.

Nagbotohan sa pamayanan at nanalo ang mga gusto


maging lungsod ang pamayanan.
Isinabatas ng kongreso ang panukala na magkaroon ng
bagong lalawigan.
Hiniling ng ibang sector ng lipunan na kung maaari ay
maging lungsod na ang pamayanan.
Pinag-usapan sa kongreso kung karapat-dapat ang
pamayanan maging lungsod o lalawigan ayon sa batas.

V. Takdang Aralin:
Magsaliksik tungkol sa mga pagbabago ng ating lalawigan tulad ng:
laki, pangalan, populasyon, istruktura.

5
Aralin 1 Pagbuo Ng Lalawigan Ayon Sa Batas

(1.1.1.2) Cavite

Takdang Panahon: 1 araw

I.Layunin:

1.Natutukoy ang kasaysayan ng pagbuo ng sariling lalawigan ayon


sa batas.
2. Naisasalaysay ang pagbuo ng lungsod sa lalawigan ng Cavite.

II.Paksang Aralin:

Paksa: Pagbuo ng Lungsod saLalawigan ng Cavite Ayon sa Batas


Kagamitan: Factsheet, tsart, DLP/PPT, larawan,graphic organizer, LM
Sanggunian: K to 12, AP 3KLR-IIa-1.1.1

III.Pamamaraan:

A. Panimula:
1. Magpapakita ang mga guro ng larawan. Tukuyin kung anong
batayan ang ipinahihiwatig sa bawat larawan.

6
2. Magbigay ng ilang tanong batay sa larawan.
Ano ang masasabi mo sa dami ng populasyon sa larawan?Kauntio
madami?

Ipinapakita ba sa larawan na ang mga nakatira sa lugar na ito ay


mayroong mga trabaho? Bakit mo nasabi na oo? Bakit hindi?

Ano-ano ang mga proseso o hakbang sa pagbuo ng lalawigan?

( Gagamit ang guro ng graphic organizer at doon ilalagay ng bata ang


kanilang sagot)
B. Paglinang
1. Ipakita ang larawan ng mga tao na nakapila para bumoto.

2. Talakayin ang mga sumusunod na tanong:


Sa iyong palagay, ano kaya ang ginagawa ng mga tao sa larawan?
Kailan ninyo ito nakikita?
Saan ito malimit makita?
3. Pangkatang Gawain
Gawain A - Factsheet
Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bibigyan ng guro ang bawat
grupo ng factsheet,activity sheet na may talahanayan nakasulat sa

7
cartolina na kailangan nilang sagutan pagkatapos basahin ang
factsheet.
Pangkat 1- Lungsod ng Trece Martires sa Lalawigan ng Cavite
Ang Lungsod ng Trece Martires ay naging lungsod sa bisa ng
Republic Act no. 981 noong May24, 1954.
Ito ay matatagpuan sa hilaga ng bayan ng Tanza, sa timog sa
pamamagitan ng mga bayan ng Amadeo at Indang, sa silangan ng
bayan ng General Trias at sa kanluran ng bayan ng Tanza at Naic.
Ito ay may layong 44 kilometro mula sa Maynila, 25 kilometro
mula sa lungsod ng Cavite, 23 kilometro mula sa lungsod ng
Tagaytay at 26.3 kilometro mula sa Puerto Azul.
Ito ay isang ikaapat na klaseng lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ito
ang nagsilbing kabisera ng lungsod. Ayon sa census noong 2010,
mayroon itong 104,559 na populasyon.
Ang ugnayan at transaksyong panlalawigan ay ginagawa sa
lungsod. Ito ay nahahati sa labintatlong barangay.

Pangkat 2- Ang lungsod ng Imus sa Cavite


Ang lungsod ng Imus ay ang opisyal na itinalagang lungsod ng
lalawigan ng Cavite sa Pilipinas. Opisyal na ginawang lungsod
kasunod ng isang reperendum noong Hunyo 30, 2012. Ayon sa kita
ng local na pamahalaan ng Imus noong 2010, ang dating bayan ay
nauri bilang isang first class city ng Cavite na may populasyong
301,624 ayon sa senso noong 2010. Matatagpuan sa tinatayang 19
km. mula sa kalakhang Maynila. Matatagpuan din sa lungsod ng
Imus ang Diyosesis na may hawak sa lahat ng mga simbahan sa
lalawigan ng Cavite.

Pangkat 3 – Lungsod ng Cavite sa lalawigan ng Cavite


Ang lungsod ng Cavite ay naisabatas batay sa Commonwealth Act
no. 547. Isa itong itinuturing na ikaapat na klaseng lungsod.
Matatagpuan ito sa layong 35 kilometro timog-kanluran ng
Maynila. Ang bayan ng Noveleta ay nasa timog ng lungsod. Nasa
isang hugis-kawit na tangway sa bandang hilaga ng lalawigan,
pinaliligiran ang lungsod ng tatlong look, Look Maynila sa
8
kanluran, Look ng Bacoor sa timog-silangan at ang look Canacao
sa hilagang-silangan ay isa sa tatlong lungsod sa lalawigan ng
Cavite. Ang lungsod ng Cavite ay ang kabisera ng lalawigan ng
Cavite bago ito ilipat sa lungsod ng Trece Martires noong 1954.
Ayon sa talaang bayan noong taong 2010, ang Lungsod ng Cavite
ay may bilang ng 101,120.Ang Base Militar ng Sangley Point ay
nasa lungsod at makikita sa pinakahilagang bahagi ng tangway.
Nagsilbi itong base military ng Estados Unidos.

Pangkat 4 – Lungsod ng Tagaytay sa Lalawigan ng Cavite


Naging lungsod ang Tagaytay sa kautusan ng Commonwealth Act
no. 338 noong Hunyo 21, 1938. Ang lungsod Tagaytay ay isa sa
tatlong lungsod ng lalawigan ng Cavite., na may layong 55
kilometro mula sa kalakhang Maynila kung daraan sa Emilio
Aguinaldo Highway. Ang Lungsod ng Tagaytay ay ikalawang
klase na lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ayon sa sensus ng 2010,
mayroon itong kabuuang populasyon na 62,030.
Makikita sa Tagaytay ng Bulkang Taal at ilang sikat na pasyalan.
Maipagmamalaki ng Tagaytay ang pambihira nitong mga resort,
kainan, tindahan, at pasyalang pawang kahanga-hanga lalo’t
nakaharap sa Lawa ng Taal. Mahalumigmig ang hangin doon mula
Okt. Hanggang Abril, samantalang maulan pagsapit ng Hunyo
hanggang setyembre.

Pangkat 5 – Lungsod ng Dasmarinas sa lalawigan ng Cavite


Naging lungsod ang Dasmarinas sa pamamagitan ng Republic Act
9723 na pinagkaloob ng pangulo noong Oktubre 15,2009 at
pinagtibay sa naganap na plebesito noong nakaraang Nobyembre
26, 2009.
Ang bayan ng Dasmarinas ay may sukat na 90.1 kilometrong
parisukat. Matatagpuan ito sa layong 30 kilometro timog ng
Maynila. Ito ay dating parte ng ikalawang distrito ng Lalawigan ng
Cavite ngunit, nang maging isa itong ganap na lungsod ay nagging
ikaapat na Distrito ng Cavite. Ayon sa sensus noong 2010, may
575,817 katao ang naninirahan ditto kaya ito ang bayan sa Cavite
na may pinakamaraming tao.

9
Ang Lungsod ng Dasmarinas ay isang first class municipality na
nagging isang ganap na lungsod sa lalawigan ng Cavite.

Punan ng Datos ang Talahanayan at isalaysay sa klase kung paano


ito naging lungsod

Pangkat Lungsod Batas Petsa Bilang ng Sukat/


ng cavite Kautusan Populasyon Lawak
1
2
3
4
5

4.Pag-uulat ng bawat pangkat at tatalakayin ang mga sagot ng mga


mag-aaral sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:

Base sa inyong nabasa sa factsheet at sinagutan ang mga datos, anong


batas ang nagbuo sa lalawigan?

Kailan naisabatas ang Lungsod ng Imus?Tagaytay?Trece Martires,


Dasmarinas at Cavite?

Anong lungsod sa Cavite ang tinaguriang first class city?

5.Ipabuod sa klase ang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong: (


Gagamit ng Concept Map )

Ano-ano ang mga batayan para pumasa ang isang bayan para
maging isang lungsod?

10
IV. Pagtataya
Panuto: Isalaysay kung paano nabuo o naging lungsod ang Imus,
Trece Martires, Cavite ,Dasmarinas at Tagaytay sa lalawigan ng
Cavite sa bisa ng batas.Pumili ng isa at isulat ang sagot sa sagutang
papel.
V. Takdang Aralin:
Magsaliksik tungkol sa pagbabago ng lalawigan ng Rizal tulad ng :
Laki, Populasyon, Pangalan, Istruktura

Aralin 1 Pagbuo Ng Lalawigan Ayon Sa Batas.

1.1.1.3(Batangas)

Takdang Panahon: 1 araw

I.Layunin:

1.Natutukoy ang kasaysayan ng pagbuo ng lungsod/ lalawigan


ayon sa batas.
2. Naisasalaysay ang pagbuo ng lungsod sa lalawigan ng
Batangas.

II.Paksang Aralin:

Paksa: Pagbuo ng lungsod sa Lalawigan ng Batangas Ayon sa Batas


Kagamitan: Factsheet, tsart, DLP/PPT
Sanggunian: K to 12, AP 3KLR-IIa-1.1.1

III.Pamamaraan:

A. Panimula- Let’s Vote In”


1. Magsasagawa ang mga mag-aaral na sila ay bumoboto hanggang
matapos at mabilang ang kanilang boto upang ihayag kung ang
isang bayan ay maging lungsod.
2. Talakayin ang isinagawang botohan ng mga bata.
Ano ang inyong isinakilos? Tama ba ang inyong ipinakitang kilos
mula sa umpisa hanggang matapos ang botohan?
11
Maayos ba o magulo kayo sa pila?
Bakit tayo nagsagawa nito?
Ano-ano ang mga batayan at hakbang sa pagbuo ng bagong
lungsod?
3. Magbalik-aral sa pagpapakita ng mapa ng Cavite at hayaang ituro
ng mga bata ang mga lungsod sa Cavite.

Isalaysay sa klase kung paano naging lungsod ang:


Imus, Cavite, Trece Martires at Tagaytay

B. Paglinang
1. Ipakita ang mapa ng Batangas sa klase.

2. Talakayin ang mapa ng Batangas sa paglalahad ng mga tanong:


Ilang bayan ang bumubuo sa lalawigan ng Batangas?
Masasabi mo ba kung ilan ng lungsod meron sa Batangas?
Sa iyong munting isipan, naiisip mo ba kung paano nagkakaroon
ng bagong lungsod ayon sa batas?
3. Pangkatang Gawain
Gawain A- Paggamit ng Factsheet
Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat.Bibigyan ng guro ang bawat
pangkat ng factsheet na kung saan doon nakasulat kung paano
naging lungsod ang Batangas,

12
Lipa, Tayabas at Tanauan sa lalawigan ng Batangas.

Pangkat 1- Lungsod ng Batangas sa Lalawigan ng Batangas


Ang Lungsod ng Batangas ay binuo ayon sa Republic Act 5495
noong Hunyo 21, 1969. Ito ay may kabuuang sukat na 283.30
kilometrong parisukat.
Ang lungsod ay isang baybay na hugis paikot sa timog-silangang
bahagi ng lalawigan ng Batangas at napapaligiran sa hilagang-
kanluran ng bayan ng san Pascual, hilaga ng bayan ng san Jose,
silangan ng bayan ng Ibaan, Taysan at Lobo at timog ng baybayin
ng Batangas.
Ang lungsod ay isang First Class municipality sa lalawigan ng
Batangas. Ayon sa sensus ng 2010, mayroon itong kabuuang
populasyon na 305,607.
Kilala bilang Industrial Port City of cALABARZON ang lungsod
ng Batangas dahil sa Malaki nitong pier at ngayon ay sentro ng
kalakalan sa buong lalawigan ng Batangas at CALABARZON.

Pangkat 2–Lungsod ng Lipa sa lalawigan ng Batangas


Ang Lungsod ng Lipa ay binuo ayon sa Republic Act no. 162
noong Hunyo 20,1947. Matatagpuan ang Lipa sa hangganan ng
Santo Tomas sa hilagang-silangan, Lungsod San Pablo ng
lalawigan ng Laguna at San Antonio ng lalawigan ng Quezon sa
silangan, munisipalidad ng Padre Garcia at Rosario sa timog-
silangan, munisipalidad ng Ibaan at San Jose sa timog-kanluran,
munisipalidad ng Cuenca at Mataas na Kahoy at lawa ng Taal sa
kanluran, munisipalidad ng Balete at malvar sa hilagang-kanlurang
bahagi.
Ang Lipa ay isang primera klaseng lungsod sa lalawigan ng
Batangas. Ayon sa sensus noong 2010, ito
ay may populasyon na 283,468 katao sa 41,962 na kabahayan.

Pangkat 3 – Lungsod ng Tanauan sa Lalawigan ng Batangas

Isinabatas ang pagiging lungsod ng Tanauan ayon sa Republic Act


No. 9005 noong Pebrero 2, 2001. Matatagpuan ito sa hilagang-

13
silangang bahagi ng batangas. Nasa kanluran ng tanauan ang
Talisay, ang kapwa Malvar at Balete sa timog, ang Sto.Tomas sa
silangan at ang Calamba ,Laguna sa hilaga.
Ang lungsod ng Tanauan ay isang ikatlong klaseng lungsod sa
lalawgan ng Batangas. Ayon sa sensus noong 2010 , ito ay may
populasyon na 15,393 katao sa 21,912 na kabahayan.
Malapit ang lungsod Tanauan sa dalawang mahalagang bukal ng
likas-yaman: ang lawa ngTaal na nagsusuplay ng mga isda at ang
Bundok makiling na nagdudulot naman ng mga prutas,
kahoy,hayop at iba pang mahahalagang yamang-lupa.

Talahanayan ng datos ng mga lungsod sa Quezon

Lungsod Batas Petsa Populasyon Laki


Kautusan Lawak

4. Pag-uulat ng bawat pangkat at tatalakayin ang mga sagot ng mga


mag-aaral sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:
Base sa inyong nabasa sa factsheet at sinagutan ang mga datos, anong
batas ang nagbuo sa lalawigan?

Kailan naisabatas ang Lungsod ng Batangas?Lipa?at Tanauan?

Anong lungsod sa Batangas ang tinaguriang first class municipality?

5.Ipabuod sa klase ang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong: (


Gagamit ng Concept Map )

Ano-ano ang mga batayan para pumasa ang isang bayan para
maging isang lungsod?

14
IV. Pagtataya
Panuto: Isalaysay kung paano nabuo o naging lungsod ang Batangas,
Lipa,at Tanauansa lalawigan ng Batangas sa bisa ng batas.Pumili ng
isa at isulat ang sagot sa sagutang papel.
V. Takdang Aralin:
Magsaliksik tungkol sa pagbabago ng lalawigan ng Cavite tulad ng :
Laki, Populasyon, Pangalan, Istruktura

Aralin 1 Pagbuo Ng Lalawigan Ayon Sa Batas

1.1.1.4 (Laguna)

Takdang Panahon: 1 araw

I.Layunin:

1.Natutukoy ang kasaysayan ng pagbuo ng sariling lalawigan ayon


sa batas.
2. Naisasalaysay ang pagbuo ng lungsod sa lalawigan ng Laguna.

II.Paksang Aralin:
15
Paksa: Pagbuo ng Lungsod sa Lalawigan ng Laguna Ayon sa Batas
Kagamitan: Factsheet, tsart, DLP/PPT, larawan,graphic organizer, LM
Sanggunian: K to 12, AP 3KLR-IIa-1.1.1

III.Pamamaraan:

A. Panimula- “Pick a Boo”


1. Pagpapakita ng mapa ng Laguna. Bubunot sa loob ng kahon ng
colored paper na may nakasulat na pangalan ng bayan sa Laguna at
ididikit/hahanapin nila ang tamang lokasyon nito sa mapa.

2. Pagkadikit tutukuyin ng bata kung ito ay lungsod na o hindi pa


lungsod.
3. Magbigay ng ilang mga tanong batay sa ginawang laro:
Ilang bayan mayroon ang Laguna?
Sa iyong palagay, ilan na ang lungsod dito?
Paano nagiging lungsod ang isang bayan?
Ano-ano ang mga proseso sa pagpasa ng batas?
Ano-ano ang mahahalagang batayan bago magkaroon ng botohan
para sa pagkakaroon ng bagong lungsod?

B. Paglinang:
1. Ipakitang muli ang mapa ng Laguna.Hayaang pag-aralang mabuti
ito ng mga bata.
2. Ilahad ang mga katanungan ukol sa mapa at malayang sasagutin ng
mga bata ang mga tanong.
3. Pasagutan ang mga sumusunod na Gawain.
Gawain A
Pangkatin ang klase sa tatlong pangkat.Hayaang basahing mabuti
ang factsheet nang masagutan ang datos sa loob ng kahon at
isasalaysay nila kung bakit nabuo ang lungsod sa bisa ng batas.
Factsheet #1

Lungsod ng Calamba sa Lalawigan ng Laguna


Sa pamamagitan ng Republic Act No. 16 9024 noong Abril 7,2001 at sa
pagpapatibay ng mga residente sa isang plebisito noong Abril 21, ang
Calamba ay naisulong mula sa isang munisipalidad sa ikalawang bahagi ng
Laguna na naging Lungsod pagkatapos ng San Pablo. Ito ay nasa layong 54
Factsheet # 2 Lungsod ng San Pablo sa Lalawigan ng Laguna

Ayon sa Commonwealth Act No. 520, kinilala ang San Pablo bilang isa
sa mga lungsod sa Laguna. Noong 1756, nilipat ito sa Batangas ngunit
isinauli ito sa Laguna noong 1883. Ayon sa sensus noong 2010, may
populasyon ito ng 248,890 katao.
Ang Lungsod ng San Pablo ay isang unang klaseng lungsod sa Laguna.
Ito ay tinatawag rin na “Lungsod ng Pitong Lawa”, dahil sa pitong mga
lawing makikita rito, ang Sampalok, Palakpakin, Yambo, Bunot, Pandin,
Muhikap, at Calibato. Ito ay isa sa mga pinakamatandang lungsod sa
Pilipinas. Ang Lungsod ng San Pablo ay naging bahagi ng Bay.

Factsheet # 3
Lungsod ng Sta. Rosa sa Lalawigan ng Laguna
Ang Sta. Rosa ay nagging lungsod sa bisa ng Republic Act No. 9264 na
oinagtibay ng mga mamamayan ng Sta. Rosa noong Hulyo 10, 2004. Ito ay
matatagpuan 38 kilometro sa timog na Maynila, sa pamamagitan ng South
Luzon expressway, kaya ang lungsod ay naging pammayanang suburban
residensiyal ng kalakhang Maynila. Ayon sa sensus noong 2000, ang
Lungsod ng Sta. Rosa ay may populasyong 185,633 ngunit noong 2005,
nalampasan nito ang lungsod ng San Pablo kung pagbabatayan ang
populasyon at naging pang-apat na pinakamalaking lungsod sunod sa
Calamba, San Pedro at ng Binan.
Ang Sta. Rosa ay isang primera klaseng
17 lungsod sa lalawigan ng Laguna.
Nagsisilbi rin itong daan ng mga manlalakbay na magtutungo sa Tagaytay sa
pamamagitan ng South Luzon expressway.
Lungsod Batas/Kautusan Petsa Populasyon Laki/Lawak

Gawain B- Isalaysay kung paano nabuo o naging lungsod ang


Sta.Rosa, Calamba, at San Pablosa lalawigan ng Laguna sa bisa ng batas.
Gawain C
Iguhit ang mga hakbang sa pagkakaroon ng bagong lalawigan o
lungsod. Punan ang graphic organizer upang ipakita ang hakbang.

4. Pag-uulat ng bawat pangkat at tatalakayin ang mga sagot ng mga


mag-aaral sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:
Base sa inyong nabasa sa factsheet at sinagutan ang mga datos, anong
batas ang nagbuo sa lalawigan?

Kailan naisabatas ang Lungsod ng San Pablo?Sta. Rosa?at calamba?

Anong lungsod sa Laguna ang tinaguriang lungsod ng pitong lawa?

5.Ipabuod sa klase ang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong: (


Gagamit ng Concept Map )

Ano-ano ang mga batayan para pumasa ang isang bayan para maging
isang lungsod?

18
IV. Pagtataya
Panuto: Isalaysay kung paano nabuo o naging lungsod ang Calamba,
Sta. Rosa, at San Pablo sa lalawigan ng Laguna sa bisa ng
batas.Pumili ng isa at isulat ang sagot sa sagutang papel.
V. Takdang Aralin:
Magsaliksik tungkol sa pagbabago ng lalawigan ng Batangas tulad
ng : Laki, Populasyon, Pangalan, Istruktura

Aralin 1 Pagbuo Ng Lalawigan Ayon Sa Batas

1.1.1.4 (Quezon)
Takdang Panahon: 1 araw

19
I.Layunin:

1.Natutukoy ang kasaysayan ng pagbuo ng sariling lalawigan ayon


sa batas.
2. Naisasalaysay ang pagbuo ng lungsod sa lalawigan ng Quezon.

II.Paksang Aralin:

Paksa: Pagbuo ng Lungsod sa Lalawigan ng Quezon Ayon sa Batas


Kagamitan: Factsheet, tsart, DLP/PPT, larawan,graphic organizer, LM
Sanggunian: K to 12, AP 3KLR-IIa-1.1.1

III.Pamamaraan:

A. Panimula:
1. Magbalik-aral sa araling tinalakay kahapon.Gagamit ng semantic
web at doon ilalagay ang mga sagot sa loob.

Ano-ano ang mga hakbang sa pagbuo ayon sa batas?


Tumawag ng bata upang magsalaysay kung paano nabuo ang
lungsod ng sta.Rosa, San Pablo at Calamba.

2. Puzzle - Mapa ng Quezon


Papangkatin ang klase sa lima at pagdikit-dikitin ang puzzle upang
mabuo ang mapa at sagutin ang mga tanong, isulat ang mga sagot
sa ibaba ng mapa.
Anong mapa ang inyong nabuo? Anong lalawigan?
Ilang bayan ang bumubuo sa lalawigan ng Quezon?
Sa inyong palagay, ilan ang lungsod sa lalawigan ng Quezon? Ano-
ano angmga ito?

20
B. Paglinang:
1. Basahin ang sanaysay sa factsheet kung paano nabuo ang mga
lungsod sa Quezon.

Lungsod ng Tayabas sa Lalawigan ng Quezon

Ang Lungsod ng Tayabas ay matatagpuan sa lalawigan ng Quezon.


Ito ay dating kapitolyo ng lalawigan ng Tayabas na ngayon ay
nahati sa dalawang probinsiya, ang Quezon at aurora.
Noong Marso 18,2007, ang Batas ng republika bilang 9398, Batas
na nagtatakda sa bayan ng Tayabas sa Lalawigan ng Quezon bilang
isang bahaging lungsod na tatawaging lungsod ng Tayabas, ay
naipasa. Noong Hulyo 14, 2007, nagkaroon ng plebesito sa bayan
ng Tayabas para suportahan ang nasabing
batas at naaprubahan ito sa pagboto ng karamihan bilang sang-ayon
sa nasabing batas. Ayon sa sensus noong 2010, may 91,428 na
katao ang naninirahan dito.

Lungsod ng Lucena sa Lungsod ng Quezon


Ang Lungsod ng Quezon ay sentrong lungsod sa lalawigan ng
Quezon. Ito ay binuo batay sa Republic Act No. 3271 noong
Hunyo 17, 1961 at opisyal na isinagawa noong Agosto 19,1962. Ito
ay may kabuuang sukat na 80.21 kilometrong parisukat. Batay sa
2010 senso, ang lungsod ay may populasyong 246,392.
Ang lungsod ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang ilog.,ang
Dumacaa sa silangan at Iyam sa kanluran. Ito ay mayroon ding
daungan sa Tayabas Bay kung saan ang mga Bangka at barko ay
nagtutungo mula sa lungsod patungo sa iba’t ibang lugar sa rehiyon
at Visayas. Ito ay binubuo ng 33 barangay.

2. Pangkatang Gawain:

Gawain A
Punan ang talahanayan ng tamang datos sa binasang factsheet.

Lungsod Batas/Kautusan Petsa Populasyon Lawak/Laki

21
Gawain B- Show and Tell

Ayusin sa pagkakasunud-sunod ang mga larawan at isalaysay


mula sa una at ikaapat na hakbang sa pagbuo ng lungsod ayon sa
batas.

3. Pag-uulat ng mga bata sa ginawang Gawain at maglalahad ng ilang


tanong ang guro ukol dito.
4. Pagkatapos talakayin ay ipabubuod ang aralin.
Ipabuod sa klase ang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong:
( Gagamit ng Concept Map )

Ano-ano ang mga batayan para pumasa ang isang bayan para maging
isang lungsod?

IV. Pagtataya
Panuto: Isalaysay kung paano nabuo o naging lungsod ang Tayabas
at lucena sa lalawigan ng Laguna sa bisa ng batas.Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
V. Takdang Aralin:
Magsaliksik tungkol sa pagbabago ng lalawigan ng Batangas tulad
ng : Laki, Populasyon, Pangalan, Istruktura

22
Aralin 2 Mga Pagbabago Sa Aking Lalawigan At Mga
Karatig Na Lalawigan Sa Rehiyon 1.1.2.1 (Rizal)

Takdang Panahon: 1 araw

I. Layunin
Naisasalaysay ang mga pagbabago ng sariling lalawigan at mga karatig
lalawigan sa rehiyon tulad ng laki nito, pangalan, lokasyon, populasyon, mga
istruktura at iba pa.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Pagbabago sa Aking Lalawigan at mga Karatig
na Lalawigan sa Rehiyon
Kagamitan: larawan ng lalawigan noon at ngayon,
Sanggunian: K to 12, AP3KLR-IIa-1.1.2
Integrasyon: Pagmamahal sa bayan

III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Magbalik tanaw sa nakaraang aralin tungkol sa pagbuo ng lalawigan
ayon sa batas. Hayaang sumagot ang mga bata batay sa kanilang
natutunan.
2. Maagpakita ng pares ng larawan ng lalawigan ng Rizal noon at
ngayon.

23
NOON NGAYON

Itanong: Ano-ano ang napapansin ninyo sa bawat pares


ng larawan?

3. Magkaroon ng brainstorming sa salitang “pagbabago”.


Gumamit ng semantic web para dito.

Pagbabago

B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin gamit ang mga sumusunod na susing
tanong:
 Ano kaya ang itsura ng ating lalawigan noon?

 Ano-anoMga ang naging pagbabago


Pagbabago nito sa ngayon?
sa Lalawigan ng Rizal
2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang isang seleksyon tungkol sa mga
pagbabago
Angsa lalawigan
lalawigan ngng Rizal.
Rizal ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Maynila. Ito
ay unang binuo ng 27 bayan kabilang na ang mga bayan ng Caloocan, Las Piñas,
Malabon, Makati, Parañaque, Mandaluyong, San Juan, Navotas, Muntinlupa,
Taguig, Pateros, Pasig, Marikina, San Mateo, and Montalban. Ngunit noong
Nobyembre 7, 1975, ang mga bayan ng Las Piñas, Parañaque, Muntinlupa, Taguig,
Pateros, Makati, Mandaluyong, San Juan, Malabon, Navotas, Pasig,
Marikina,kabilang na ang mga lungsod ng Caloocan, Pasay at Quezon ay sumapi
sa bagong tatag na Metro Manila Region, sa gayon ang 14 na naiwang mga bayan
ang bumubo sa lalawigan ng Rizal. Ang pangalan nito ay hango sa ating
pambansang bayani, Dr. Jose Rizal bilang pagbibigay-pugay.

Narito ang ilan sa mga larawan ng lalawigan noon at ngayon.

NOON 24 NGAYON
Itanong: May nakikita ba kayong pagbabago sa mga imprastraktura ng
lalawigan ng Rizal? Ano-ano ang mga ito? Subukin nating tukuyin isa isa.

Tingnan ang pagbabago ng populasyon ng lalawigan ng Rizal.

Population census of Rizal

Year Pop.

1990 977,448

1995 1,312,489

2000 1,707,218

2007 2,284,046
25
2010 2,484,840

Source: National Statistics Office[2]


3. Pag- usapan ang pagbabago sa lalawigan ng Rizal sa pamamagitan ng mga
sumusunod na tanong:
 Ano-ano ang mga pagbabago na napansin mo sa ating lalawigan?

 Ano sa tingin ninyo ang mga dahilan ng mga pagbabago sa ating


lalawigan?
 Bakit kaya ang isang lalawigan o rehiyon ay nagbabago paglipas ng mga
taon?
 May kabutihan bang naidudulot ang pagbabago sa isang lalawigan? Ano
o ano-ano?
 May kinalama ba ang kaunlaran sa pagbabago ng isang lalawigan o
rehiyon? Patunayan.

Gawain A
Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral.
Pumili ng pagbabago sa ating lalawigan na sa palagay ninyo ay nakabubuti o
nakatutulong sa kaunlaran. Isadula ang mga pagbabagong ito.

Gawain B
Isalaysay sa pamamagitan ng maikling talata ang mga pagbabagong naganap sa
ating lalawigan. Isulat ang talata ayon sa pagbabago ng kalsada, tirahan,
populasyon, at iba pa.

IV. Pagtataya
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang tama kung wasto ang
ipinahahayag ng pangungusap at mali kung hindi.

1. Marami ang pagbabagong naganap sa lalawigan ng Rizal noon at ngayon.


2. Ang lalawigan ng Rizal ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Maynila.
3. Bumaba ang populasyon sa lalawigan ng Rizal mula noong 1990 hanggang sa
kasalukuyan.
4. Ang pangalan ng ating lalawigan ay hango sa pangalan ng ating pambansang
bayaning si Dr. Jose Rizal.
5. Malaking pagbabago ang nangyari sa mga istruktura sa ating lalawigan.

26
V. Takdang Gawain
Magsaliksik tungkol sa mga pagbabagong naganap sa lalawigan ng
Laguna.

Inihanda ni:

Carrie Ann D. Bautista


MCSJES / Cardona

Aralin 1.1.2.2 Mga Pagbabago sa Lalawigan ng Laguna


1.1.2.2
27
Takdang Panahon: 1 araw

I. Layunin
Naisasalaysay ang mga pagbabago sa sariling lalawigan at mga karatig na
lalawigan sa rehiyon tulad ng laki nito, pangalan, lokasyon, populasyon, mga
istruktura at iba pa.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Pagbabago sa Lalawigan ng Laguna
Kagamitan: larawan ng lalawigan noon at ngayon,
malaking dice, manila paper at pentel pen
Sanggunian: K to 12, AP3KLR-IIa-1.1.2
Integrasyon: Pagmamahal sa bayan

III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Magbalik tanaw sa nakaraang aralin tungkol sa mga pagbabago sa
lalawigan ng Rizal sa pamamagitan ng pagkumpleto sa talaan.
Noon Ngayon
Laki
Pangalan
Lokasyon
Populasyon
Istruktura
2. Maagpakita ng pares ng larawan ng lalawigan ng Rizal noon at
ngayon.
NOON NGAYON

Itanong: Ano-ano ang napapansin ninyo sa bawat pares


ng larawan?
3. Sabihin: Ang pagbabago ay nakabubuti lalo na kung ito
ay para sa ikauunlad ng isang lalawigan tulad ng sa Rizal.
Ngayon ay ating alamin kung may mabuti rin bang
naidulot ang pagbabago sa lalawigan ng Laguna.

28
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin gamit ang mga sumusunod na susing
tanong:
 Ano kaya ang itsura ng ating lalawigan noon?
 Ano-ano ang naging pagbabago nito sa ngayon?
2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang isang seleksyon tungkol sa mga
pagbabago sa lalawigan ng Laguna.

Mga Pagbabago sa Lalawigan ng Laguna


Ang lalawigan ng Laguna ay matatagpuan sa south-east ng Manila,
Timog ng Rizal, west ng Quezon, hilaga ng Batangas, at east ng Cavite. Ang
pangalang Laguna ay hango sa salitang Espanyol na “lago” na ang ibig sabihin
ay lawa. Ang Laguna de Bay, pinakamalaking lawa sa bansa, ay halos
napapalibutan ng buong lalawigan ng Laguna.

Narito ang ilan sa mga larawan ng lalawigan ng Laguna noon at


ngayon.
NOON NGAYON

Itanong: May nakikita ba kayong pagbabago sa mga imprastraktura ng


lalawigan ng Laguna? Ano-ano ang mga ito?
Subukin nating tukuyin Population census of Laguna isa isa.

Tingnan ang Year Pop. pagbabago ng


populasyon ng lalawigan ng Laguna.
1990 1,370,232

1995 1,631,082

2000 1,965,872
29
2007 2,473,530

2010 2,669,847
3. Pag- usapan ang pagbabago sa lalawigan ng Laguna sa pamamagitan ng mga
sumusunod na tanong:
 Ano-ano ang mga pagbabago na napansin mo sa lalawigan ng Laguna?
 Ano sa tingin ninyo ang mga dahilan ng mga pagbabago sa lalawigan ng
Laguna?
 Bakit kaya ang isang lalawigan o rehiyon ay nagbabago paglipas ng mga
taon?
 May kabutihan bang naidudulot ang pagbabago sa isang lalawigan? Ano
o ano-ano?
 May kinalaman ba ang kaunlaran sa pagbabago ng isang lalawigan o
rehiyon? Patunayan.
 Paano mo maihahambing ang mga pagbabago sa mga lalawigan ng Rizal
at Laguna? Halimbawa, anong pagbabago ang naganap sa Laguna? Kaiba
ba ito sa Rizal?

Gawain A - “Roll the Dice”


Maghanda ng isang malaking dice na kung saan nakasulat sa bawat
bahagi nito ang mga salitang laki, pangalan, lokasyon, populasyon, istruktura, at
Laguna. Tatawag ang guro ng isang bata na magpapagulong ng dice at
ilalarawan niya ang pagbabagong naganap sa lalawigan ng Laguna sa kung saan
ito tumapat.

Gawain B
Hatiin sa apat na pangkat ang klase.Isalaysay sa pamamagitan ng
malayang pagguhit ang mga pagbabagong naganap sa lalawigan ng Laguna
noon at ngayon. Iguhit ito sa manila paper.

IV. Pagtataya
Kumpletuhin ang talaan sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga
pagbabagong naganap sa lalawigan ng Laguna noon at ngayon.

30
Noon Ngayon
Laki
Pangalan
Lokasyon
Populasyon
Istruktura

V. Takdang Gawain
Magsaliksik tungkol sa mga pagbabagong naganap sa lalawigan ng
Batangas.

Inihanda ni:

Carrie Ann D. Bautista


MCSJES / Cardona

Aralin 1.1.2.3 Mga Pagbabago sa Lalawigan ng


Batangas 1.1.2.3

Takdang Panahon: 1 araw

I. Layunin
Naisasalaysay ang mga pagbabago sa sariling lalawigan at mga karatig na
lalawigan sa rehiyon tulad ng laki nito, pangalan, lokasyon, populasyon, mga
istruktura at iba pa.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Pagbabago sa Lalawigan ng Batangas
Kagamitan: larawan ng lalawigan noon at ngayon,
malaking dice, manila paper at dice
Sanggunian: K to 12, AP3KLR-IIa-1.1.2
Integrasyon: Pagmamahal sa bayan

31
III. Pamamaraan
A. Panimula
1.Magbalik tanaw sa nakaraang aralin tungkol sa
pamamagitan ng dugtungan. Magsisimula ang guro sa
pamamagitan ng pagsasabi ng “Ang lalawigan ng Cavite
ay ________”. Dudugtungan ito ng mga bata batay sa
kung ano ang natutunan nila sa nakaraang aralin.
2. Magpakita ng pares ng larawan ng lalawigan ng
Batangasnoon at ngayon.
NOON NGAYON

Itanong: Ano-ano ang napapansin ninyo sa bawat pares


ng larawan?
3. Sabihin: Ang pagbabago ay nakabubuti lalo na kung ito
ay para sa ikauunlad ng isang lalawigan tulad ng sa Rizal.
Ngayon ay ating alamin kung may mabuti rin bang
naidulot ang pagbabago sa lalawigan ng Batangas.

B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin gamit ang mga sumusunod na susing
tanong:
 Ano kaya ang itsura ng ating lalawigan noon?
 Ano-ano ang naging pagbabago nito sa ngayon?
2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang isang seleksyon tungkol
sa mga pagbabago sa lalawigan ng Batangas.

Mga Pagbabago sa Lalawigan ng Batangas


Matatagpuan sa hilagang bahagi ng Batangas ang mga
lalawigan ng Cavite at Laguna, sa timog ang Verde Island Passage, sa silangan
ang mga lalawigan ng Quezon at Laguna, at sa kanluran ang South China Sea.
Ito ay binubuo ng 316,850 ektaryang lupain. Ang unang natalang pangalan ng
lalawigan ay Kumintang. Ang kasalukuyan niyong pangalan ay hango sa
salitang Batangan na ang kahulugan ay balsa, na siyang gamit ng mga
mamamayan sa pangingisda sa Taal Lake.
Narito ang ilan sa mga larawan ng lalawigan ng Laguna noon at ngayon.
NOON NGAYON

32
Itanong: May nakikita ba kayong pagbabago sa mga imprastraktura ng
lalawigan ng Laguna? Ano-ano ang mga ito? Subukin nating tukuyin isa isa.
Tingnan ang pagbabago ng populasyon ng lalawigan ng Batangas.

Population census of Batangas

Year Pop.

1990 1,476,783

1995 1,658,567

2000 1,905,348

2007 2,245,869

2010 2,377,395

3. Pag- usapan ang pagbabago sa lalawigan ng Batangas sa


pamamagitan ng mga sumusunod na tanong:
 Ano-ano ang mga pagbabago na napansin mo sa lalawigan ng Batangas?
 Ano sa tingin ninyo ang mga dahilan ng mga pagbabago sa lalawigan ng
Batangas?
 Bakit kaya ang isang lalawigan o rehiyon ay nagbabago paglipas ng mga
taon?
 May kabutihan bang naidudulot ang pagbabago sa isang lalawigan? Ano
o ano-ano?

33
 May kinalaman ba ang kaunlaran sa pagbabago ng isang lalawigan o
rehiyon? Patunayan.
 Paano mo maihahambing ang mga pagbabago sa mga lalawigan ng Rizal
at Batangas? Halimbawa, anong pagbabago ang naganap sa Batangas?
Kaiba ba ito sa Rizal?

Gawain A - “Roll the Dice”


 Maghanda ng isang malaking dice na kung saan nakasulat sa bawat
bahagi nito ang mga salitang laki, pangalan, lokasyon, populasyon,
istruktura, at Batangas. Tatawag ang guro ng isang bata na
magpapagulong ng dice at ilalarawan niya ang pagbabagong naganap sa
lalawigan ng Batangas sa kung saan ito tumapat.
Gawain B
Hatiin sa apat na pangkat ang klase.Isalaysay sa pamamagitan ng
malayang pagguhit ang mga pagbabagong naganap sa lalawigan ng Batangas
noon at ngayon. Iguhit ito sa manila paper.

IV. Pagtataya
Kumpletuhin ang talaan sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga
pagbabagong naganap sa lalawigan ng Batangas noon at ngayon.

Noon Ngayon
Laki
Pangalan
Lokasyon
Populasyon
Istruktura

V. Takdang Gawain
Magsaliksik tungkol sa mga pagbabagong naganap sa lalawigan ng
Cavite.

Inihanda ni:

Carrie Ann D. Bautista

MCSJES / Cardona

34
Aralin 1.1.2.4 Mga Pagbabago sa Lalawigan ng Cavite
1.1.2.4
Takdang Panahon: 1 araw

I. Layunin
Naisasalaysay ang mga pagbabago sa sariling lalawigan at mga karatig na
lalawigan sa rehiyon tulad ng laki nito, pangalan, lokasyon, populasyon, mga
istruktura at iba pa.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Pagbabago sa Lalawigan ng Cavite
Kagamitan: larawan ng lalawigan noon at ngayon,
malaking dice, manila paper at pentel pen
Sanggunian: K to 12, AP3KLR-IIa-1.1.2
Integrasyon: Pagmamahal sa bayan

III. Pamamaraan
B. Panimula
1.Magbalik tanaw sa nakaraang aralin tungkol sa mga
pagbabago sa lalawigan ng Batangas. Hayaang sumagot
ang mga bata batay sa kanilang natutunan.
2. Maagpakita ng pares ng larawan ng lalawigan ng Cavite
noon at ngayon.
NOON NGAYON

Itanong: Ano-ano ang napapansin ninyo sa bawat pares


ng larawan?
3. Sabihin: Ang pagbabago ay nakabubuti lalo na kung ito

35
ay para sa ikauunlad ng isang lalawigan tulad ng sa
Batangas. Ngayon ay ating alamin kung may mabuti rin
bang naidulot ang pagbabago sa lalawigan ng Cavite.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin gamit ang mga sumusunod na susing
tanong:
 Ano kaya ang itsura ng ating lalawigan noon?
 Ano-ano ang naging pagbabago nito sa ngayon?
2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang isang seleksyon tungkol
sa mga pagbabago sa lalawigan ng Cavite.

Mga Pagbabago sa Lalawigan ng Cavite


Isa sa mga lalawigang mabilis ang pag-unlad ay ang Cavite dahil sa
malapit ito sa Maynila, sa katimugang baybayin ng Manila Bay. Nasa silangang
bahagi ng Cavite ang lalawigan ng Laguna, hilagang-silangan ang Metro
Manila, timog ang Batangas at sa kanluran ang West Philippine Sea.
Narito ang ilan sa mga larawan ng lalawigan ng Cavite noon at
ngayon.
NOON NGAYON

Itanong: May nakikita ba kayong pagbabago sa mga imprastraktura


ng lalawigan ng Laguna? Ano-ano ang mga ito? Subukin nating tukuyin isa isa.

Tingnan ang pagbabago ng populasyon ng lalawigan ng Cavite.


Population census of Cavite

36
Year Pop.

1990 1,152,534

1995 1,610,324

2000 2,063,161

2007 2,856,765

2010 3,090,691

3. Pag- usapan ang pagbabago sa lalawigan ng Cavite sa pamamagitan ng mga


sumusunod na tanong:
 Ano-ano ang mga pagbabago na napansin mo sa lalawigan ng Cavite?
 Ano sa tingin ninyo ang mga dahilan ng mga pagbabago sa lalawigan ng
Cavite?
 Bakit kaya ang isang lalawigan o rehiyon ay nagbabago paglipas ng mga
taon?
 May kabutihan bang naidudulot ang pagbabago sa isang lalawigan? Ano
o ano-ano?
 May kinalaman ba ang kaunlaran sa pagbabago ng isang lalawigan o
rehiyon? Patunayan.
 Paano mo maihahambing ang mga pagbabago sa mga lalawigan ng Rizal
at Cavite? Halimbawa, anong pagbabago ang naganap sa Cavite? Kaiba
ba ito sa Rizal?

Gawain A - “Roll the Dice”


 Maghanda ng isang malaking dice na kung saan nakasulat sa bawat
bahagi nito ang mga salitang laki, pangalan, lokasyon, populasyon,
istruktura, at Cavite. Tatawag ang guro ng isang bata na magpapagulong
ng dice at ilalarawan niya ang pagbabagong naganap sa lalawigan ng
Cavite sa kung saan ito tumapat.

Gawain B
Hatiin sa apat na pangkat ang klase.Isalaysay sa pamamagitan ng
malayang pagguhit ang mga pagbabagong naganap sa lalawigan ng Cavite
noon at ngayon. Iguhit ito sa manila paper.

IV. Pagtataya
Kumpletuhin ang talaan sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga
pagbabagong naganap sa lalawigan ng Cavite noon at ngayon.

Noon Ngayon
37
Laki
Pangalan
Lokasyon
Populasyon
Istruktura

V. Takdang Gawain
Magsaliksik tungkol sa mga pagbabagong naganap sa lalawigan ng
Quezon.

Inihanda ni:

Carrie Ann D. Bautista


MCSJES / Cardona

Aralin 1.1.2.5 Mga Pagbabago sa Lalawigan ng Quezon


1.1.2.5
Takdang Araw: 1 araw

I. Layunin
Naisasalaysay ang mga pagbabago sa sariling lalawigan at mga karatig na
lalawigan sa rehiyon tulad ng laki nito, pangalan, lokasyon, populasyon, mga
istruktura at iba pa.

38
II. Paksang Aralin
Paksa: Mga Pagbabago sa Lalawigan ng Quezon
Kagamitan: larawan ng lalawigan noon at ngayon,
malaking dice, manila paper at pentel pen
Sanggunian: K to 12, AP3KLR-IIa-1.1.2
Integrasyon: Pagmamahal sa bayan

III. Pamamaraan
C. Panimula
1.Magbalik tanaw sa nakaraang aralin tungkol sa
pamamagitan ng dugtungan. Magsisimula ang guro sa
pamamagitan ng pagsasabi ng “Ang lalawigan ng Cavite
ay ________”. Dudugtungan ito ng mga bata batay sa
kung ano ang natutunan nila sa nakaraang aralin.
2. Maagpakita ng pares ng larawan ng lalawigan ng
Quezon noon at ngayon.
NOON NGAYON

Itanong: Ano-ano ang napapansin ninyo sa bawat pares


ng larawan?
3. Sabihin: Ang pagbabago ay nakabubuti lalo na kung ito
ay para sa ikauunlad ng isang lalawigan tulad ng sa
Cavite. Ngayon ay ating alamin kung may mabuti rin
bang naidulot ang pagbabago sa lalawigan ng Quezon.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin gamit ang mga sumusunod na susing
tanong:
 Ano kaya ang itsura ng ating lalawigan noon?
 Ano-ano ang naging pagbabago nito sa ngayon?
2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang isang seleksyon tungkol
sa mga pagbabago sa lalawigan ng Quezon.

Mga Pagbabago sa Lalawigan ng Quezon


Noong 1591, ang lalawigan ay tinawag na Kaliraya na kalaunan ay
pinalitan ng Tayabas. Ngunit noong Setyembre 7, 1946, pinalitan ito ng noo’y
pangulo na si Manuel A. Roxas ng Quezon bilang paggalang kay Manuel L.
39
Quezon. Nasa timog-silangan ng lalawigan ng Quezon ang Metro Manila,
hilaga ang Aurora, kanluran ang mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at
Batangas, at silangan ang Camarines Norte at Camarines Sur.
Narito ang ilan sa mga larawan ng lalawigan ng Quezon noon at ngayon.
NOON NGAYON

Itanong: May nakikita ba kayong pagbabago sa mga imprastraktura


ng lalawigan ng Quezon? Ano-ano ang mga ito? Subukin nating tukuyin isa isa.

Tingnan ang pagbabago ng populasyon ng lalawigan ng Quezon.


Population census of Quezon

Year Pop.

1990 1,221,831

1995 1,359,992

2000 1,482,955

2007 1,646,510

2010 1,740,638

3. Pag- usapan ang pagbabago sa lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng mga


sumusunod na tanong:
 Ano-ano ang mga pagbabago na napansin mo sa lalawigan ng Quezon?

40
 Ano sa tingin ninyo ang mga dahilan ng mga pagbabago sa lalawigan ng
Quezon?
 Bakit kaya ang isang lalawigan o rehiyon ay nagbabago paglipas ng mga
taon?
 May kabutihan bang naidudulot ang pagbabago sa isang lalawigan? Ano
o ano-ano?
 May kinalaman ba ang kaunlaran sa pagbabago ng isang lalawigan o
rehiyon? Patunayan.
 Paano mo maihahambing ang mga pagbabago sa mga lalawigan ng Rizal
at Quezon? Halimbawa, anong pagbabago ang naganap sa Quezon?
Kaiba ba ito sa Rizal?

Gawain A - “Roll the Dice”


 Maghanda ng isang malaking dice na kung saan nakasulat sa bawat
bahagi nito ang mga salitang laki, pangalan, lokasyon, populasyon,
istruktura, at Quezon. Tatawag ang guro ng isang bata na magpapagulong
ng dice at ilalarawan niya ang pagbabagong naganap sa lalawigan ng
Quezon sa kung saan ito tumapat.

Gawain B
Hatiin sa apat na pangkat ang klase.Isalaysay sa pamamagitan ng
malayang pagguhit ang mga pagbabagong naganap sa lalawigan ng Quezon
noon at ngayon. Iguhit ito sa manila paper.

IV. Pagtataya
Kumpletuhin ang talaan sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga
pagbabagong naganap sa lalawigan ng Quezon noon at ngayon.

Noon Ngayon
Laki
Pangalan
Lokasyon
Populasyon
Istruktura

V. Takdang Gawain
Magsaliksik tungkol sa mga makasaysayang pangyayari sa ating
rehiyon.

41
Inihanda ni:

Carrie Ann D. Bautista

MCSJES / Cardona

Aralin 1.2: Timeline Ng Makasaysayang Pangyayari


Sa Lalawigan Ng Laguna 1.2.1
Bilang ng Araw -1 araw

I.Layunin: Nakabubuo ng timeline ng mga makasaysayang pangyayari sa


Lalawigan ng Laguna

II. Paksang Aralin:


Paksa: Timeline ng Makasaysayang Pangyayari sa Lalawigan ng
Laguna
Kagamitan : Chart ng Timeline,cd player,tsart,larawan ng paro-paro,
Sanggunian:K to 12, AP3KLR-IIa-b-1

III.Pamamaraan
A.Panimula
1. Pakikinig ng awit ni Sampaguita? Laguna.
 Ano ang naramdaman ng umawit ng siya ay makarating sa
Laguna? Bakit kaya?
 Nakarating na ba kayo sa Laguna?
 Ilarawan mo ang Laguna ayon sa awit.
2. Tingnan mo ang timelinena nagpapakita ng paglaki ng isang paruparo

42
 Anu-anong pagbabago ang naganap sa paruparo mula
itlog hanggang maging ganap na paruparo?
3. Gumuhit ng timeline tungkol sa mga ginagawa mo
mula paggising hanggang sa pagtulog.

4. Ipaskil ang Timeline na ginawa ng mga bata sa pisara

a. Itanong:

 Anu-ano ang mga ipinakita sa timeline ?


 Paano nakatutulong ang timeline sa pagpapakita ng
mahahalagang pangyayari sa buhay ninyo?
 Mas madali bang magkwento ng mga pangyayari kung
gagamitan ninyo ng Timeline?
 Ano pa kaya ang pangyayaring maaring gamitan ng
timeline?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalakbay-isip o Imaginary Travelogue
Kasaysayan ng Lalawigan ng Laguna
Ang pangalan ng lalawigan ng Laguna ay isinunod sa
Laguna de Bay,isang bahagi ng katubigan na bumubuo sa
hilagang hangganan ng lalawigan.Ang lalawigan ng
Laguna ay isinunod sa pangalan ng bayan ng Bay.
Si Kapitan Juan de Salcedo,kasama ng pulutong ng
isang daang sundalong Kastilang-Mehikano at ilang bilang
ng mga kakamping Bisaya ay sinakop ang lalawigan at ang
mga nakapalibot na bahagi para sa Espanya noong
1578,sinimulang magturo ng dalawang Pransiskanong mga
pari ang mga tao roon.
Taong 1580 nang itatag ang mga bayan ng
Bay,Caliraya,Majayjay,Nagcarlan,Liliw,Pila,Sta.Cruz,Lum
ban,Pangil at Siniloan.Sa pamamagitan ng paring si
Hernando Cabrera ay naitatag din ang San Pablo de
Montes(ngayon ay San Pablo City) noong 1670 at nagtayo
ng simbahang yari sa kahoy at kumbento na itinuturing na
pinakamaganda at pinakapulido sa buong probinsya.Taong
1754 naman nang lalawigan ng Laguna at Tayabas ay
43
nahahati sa pamamagitan ng Ilog ng Malinao na
naghihiwalay sa bayan ng Majayjay at Lucban. Naging
madugo ang labanan sa pagitan ng mga Intsik at Espanyol
noon. Kung kayat noong 1840 ay naghimagsik o lumaban
ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol.Ipinanganak
naman si Dr.Jose Rizal noong taong 1861 sa
Calamba ,Laguna .Ang pang –aalipusta kay Rizal ang
naging daan upang maghimagsik at sumapi sa Katipunan
ang libo-libong kababayan ni Rizal mula sa ibat-ibang
lugar sa lalawigan ng Laguna noong 1896.
2. Pagsagot sa tanong:
 Kailan sinakop ni Kapitan Juan de Salcedo ang isandaang
sundalong Kastila?
 Anong taon tinuruan ng dalawang Franciscanong pari ang
mga tao sa Laguna?
 Kailan itinatag ang bayan ng Bay Caliraya, Mahayhay, Liliw?
 Sinong pari ang nagtatag ng San Pablo de Montes?
 Kailan nagkaroon ng himagsikan ang mga Pilipino laban sa
Espanyol?
 Ano ang naging daan upang maghimagsik at sumapi sa
katipunan ang libu-libong kababayan ni Rizal?

Gawain A
Kasama ang iyong pangkat, ilagay ang mga sumusunod na
makasaysayang pangyayari sa timeline:
1. 1571 - sinakop ni Kapitan Juan de Salcedo ang isandaang
sundalong Kastila
2. 1578 - tinuruan ng dalawang Franciscanong pari ang mga tao sa
Laguna
3. 1580 - itinatag ang bayan ng Bay Caliraya, Mahayhay, Liliw
4. 1670 – itinatag ni Fr. Hernando Cabrera ang San Pablo de Montes
5. 1840 - nagkaroon ng himagsikan ang mga Pilipino laban sa
Espanyol

44
6. 1896 - Naghimagsik at sumapi sa katipunan ang libu-libong
kababayan ni Rizal dahil sa pang-aalipusta ng mga Espanyol.

Gawain B
Kasama ang inyong pangkat, pag-aralan ang timeline ng Laguna.
Mula sa binasang Kasaysayan.Isulat ang mga mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan ng Laguna

Kopyahin ang tsart sa sariling papel

Mahahalagang taon o Makasaysayang Pangyayari


petsa
1571
1578
1580
1670
1840
1861
1896
Markahan kung saang banda sa timeline ang mga sagot sa talahanayan.

Gawain C
( horizontal timeline)
Ilagay ang mga sumusunod na makasaysayang pangyayari sa timeline

1571 - sinakop ni Kapitan Juan de Salcedo ang isandaang


sundalong Kastila
1578 - tinuruan ng dalawang Franciscanong pari ang mga tao sa
Laguna
1580 - itinatag ang bayan ng Bay Caliraya, Mahayhay, Liliw
1670 – itinatag ni Fr. Hernando Cabrera ang San Pablo de Montes

45
1840 - nagkaroon ng himagsikan ang mga Pilipino laban sa
Espanyol
1896 - Naghimagsik at sumapi sa katipunan ang libu-libong
kababayan ni Rizal dahil sa pang-aalipusta ng mga Espanyol.

IV. Pagtataya

Panuto:Gumawa ng timeline mula sa binasang Kasaysayan ng


Laguna.Isulat ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
Laguna. Kopyahin ang tsart sa sariling papel. Ilagay sa bilog ang mga
taon at mahahalagang pangyayari.

Mahahalagang taon o Makasaysayang Pangyayari


petsa
1571
1578
1580

1670

1840

1861

1896

V. Takdang Gawain
Pag-aralan ang kasaysayan ng Cavite.

Inihanda ni:

GNG. GINA SD. FERRERA

46
Guro, Baras ES

Aralin 3: Timeline Ng Makasaysayang Pangyayari


Sa Lalawigan Ng Cavite 1.2.2
Bilang ng Araw -1 araw

II. Layunin: Nakabubuo ng timeline ng mga makasaysayang pangyayari


sa Lalawigan ng Cavite

II. Paksang Aralin:


Paksa: Timeline ng Makasaysayang Pangyayari sa Lalawigan ng
Cavite
Kagamitan : Chart ng Timeline,power point ,
Sanggunian:K to 12, AP3KLR-IIa-b-1

III. Pamamaraan:
A. Panimula
1. Inside and Out
 Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.
 Gumawa ng dalawang bilog sa gitna ng klase gamit ang
dalawang pangkat. May isang pangkat na nasa loob at isang
pangkat na nasa labas.
 Nagmamasid lamang ang nasa labas ng bilog. Ang pangkat
na nasa loob ang magtatalakayan.
Tanong:

47
 Ano ang iba’t ibang uri ng timeline?
 Ano ang ipinakikita sa timeline?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagbasa ng Talata sa powerpoint
Mga Kuwento ng Makasaysayang Pook O
Pangyayari sa Lalawigan ng Cavite

Bago sumiklab ang himagsikan ng 1896, ang mga taga


lalawigan ng Cavite ay aktibo sa pag oorganiza ng katipunan.Ang
malawak na kilusan ay nahahati sa dalawang pangkat sa Cavite ,ang
pangkat ng mga magdalo sa Cavite at palipaligid na pinamumunuan ni
Don Baldomero Aguinaldo at isa pang pangkat ang mga Magdiwang
sa bandang Noveleta na pinamumunuan ni Mariano Alvarez.

Sa Noveleta , ang mga naghimagsik na pinamunuan ni


Artemio Ricarte ay nakakuha ng mga sandata mula sa mga Espanyol.
Ito ang ginamit upang talunin ang mga sandatahan ni General

2.Mula sa binasang Kasaysayan .Isulat ang mga mahahalagang


pangyayari sa kasaysayan ng Cavite

Kopyahin ang tsart sa sariling papel

Mahahalagang taon o Makasaysayang


petsa Pangyayari
Nov .9,1896
Nov.11,1986

March 12,1987

Markahan kung saang banda sa timeline ang mga sagot sa


talahanayan

48
Gawain A
Horizontal timeline
Ilagay ang mga sumusunod na makasaysayang pangyayari sa
timeline:

Nobyembre 9,1986 – himagsikan sa pamumuno ni Artemio


Ricarte
March 12, 1897- nagpulong ang mga katipunero sa
pamumuno ni Andres Bonifacio
Hunyo12,1989-kalayaan ng Pilipinas sa Kawit Cavite

Gawain B
Vertical Timeline
Kasama ang inyong pangkat pag aralan ang timeline ng mga
pangyayari sa Cavite
Sagutin ang mga sumusunod :
a.Batay sa Timeline Kailan sumiklab ang himagsikan sa Cavite?
b. Gaano katagal nabawi ng mga Sundalong Espanyol ang imbakan ng
pulbura ng Binakayan?
c. kailan nagpulong ang pangunahing pinuno ng katipunan
d Sino ang nanguna sa halalan?pangalawa?Pangatlo? Bakit?
e.Kailan ipinahayag ang kalayaan ng pilipinas?

49
Gawain C
Sumulat ng 1-2 talata tungkol sa iyong saloobin sa paggamit
ng timeline.Naging madali ba ang pag-aaral n gating kasaysayan kung
mat timeline? Paano nakakatulong ang timeline sa pag-unawa ng mga
pangyayari sa sariling lalawigan?

IV Pagtataya
Panuto : Alamin ang mahalagang pangyayari sa taong 1896 ng
lalawigan ng Cavite. Ipakita sa timeline.

V. Takdang Gawain
Magsaliksik ng Kasaysayan ng Rizal. Gumawa ng Timeline.

Aralin 3: Timeline Ng Makasaysayang Pangyayari


Sa Lalawigan Ng Rizal 1.2.3
Bilang ng Araw -1 araw

50
IV. Layunin: Nakabubuo ng timeline ng mga makasaysayang pangyayari
sa Lalawigan ng Rizal

II. Paksang Aralin:


Paksa: Timeline ng Makasaysayang Pangyayari sa Lalawigan ng
Rizal
Kagamitan : Chart ng Timeline,puzzle
Sanggunian:K to 12, AP3KLR-IIa-b-1

III. Pamamaraan:
A. Panimula
1. Pagbuo ng Puzzle
Bigyan ang mag-aaral ng picture puzzle na nasa envelope.
Ginupit gupit na larawan ng lalawigan ng Rizal. Buuin at idikit
ito sa Manila Paper.
 Anong lalawigan ang nabuo?
 Anong alam ninyo tungkol sa lalawigan ng Rizal?
B. Panlinang na Gawain
1. Joint Story Telling
Kasaysayan ng Lalawigan ng Rizal – Kaunlaran pp. 65 – 66
Lalawigan ng Rizal
Noong Hunyo 11,1901,ang lalawigan ng Rizal ay opisyal at
legal na nilikha sa pamamagitan ng Act No. 137 ng First
Phillippine Commission nang ang tumatayo bilang unicameral
body ay ang pambatasan sa isla ng Luzon.
Ito ay may 20 kilometro ang layo sa Maynila. Ang Rizal ay
hango sa pangalan ni Jose Rizal .Lungsod ng Antipolo ang kabisera
ng lalawigan kahit na ang kapitolyo ay matatagpuan sa Kalakhang
Maynila.
Nasa Kalakhang Maynila ang lalawigan ng
Rizal.Mabundok ang lupain ng lalawigan, at karamihan sa mga
bayan sa katimugang bahagi ay nahahanggan sa Lawa ng Laguna.
Noong bago dumating ang mga Espanol, ang pakikipag-ayos
sa kahabaan ng lakeshore ng Laguna de Bay at sa timog baybayin
ng Ilog Pasig ay pinasiyahan sa pamamagitan ni Raha Soliman,
pamangkin ni Raha Lakandula, ang mga namumuno sa Tondo.

51
Napabagsak ni Miguel Lopez de Legazpi ang puwersa ng
mga raha dahil sa kataasan ng uri ng kanilang armas, at kahit na
ang katapangan, kabayanihan at pakikipaglaban ng mga lokal na
mandirigma ay ipinadala ng unang Espanyol Gobernador General
ang kanyang pamangking lalaki, ang batang kapitang si Juan de
Salcedo, upang lupigin at mapatahimik ang mga bayan sa
katimugang distrito ng Luzon.
Noong 1571, natalo ni Salcedo ang bawat bayan, sa
pamamagitan ng magandang pakikitungo, pakikipagkaibigan at
pagtitiwala ng katutubo.
Ang mga bayan ay isinaayos sa mga munisipal na mga yunit
ng pamahalaan sa Maynila. Pagkatapos, ang mga misyonerong
Espanyol, Pransiskano at Heswita, ay ipinadala upang bumuo ng
mga simbahan o kapilya sa mga bagong isinasaayos na bayan,
upang palaganapin ang tenets ng relihiyong Katoliko, upang
maging kristiyano at mabinyag ang mga tao, upang maikalat
kasama ng mga ito ang kultura ng Espanyol.
Bago maging isang lalawigan ang Rizal, ang lalawigan ng
Tondo at Laguna ang nasasakupan nito sa panahon ng Espanyol.
Gayunpaman, ang ilan sa mga bayan nito tulad ng Pasig, ngayon
ang Provincial Capital, Paranaque, Taytay at Cainta, ay bahagi na
ng Tagalog at nakikibahagi sa kalakalan ng mga Tsino at iba pang
taga-Asyang bansa bago pa dumating ang mga Espanyol sa
Pilipinas noong 1521. Noong 1853, ang mga bayan ay nagsimulang
pangalanang Distrito Politico-Militar de los Montes de San Mateo.
Pagkalipas ng apat na taon, ito ay binago bilang Distrito-Militar de
Morong, upang maiwasan ang mga maling akala na ang San Mateo
ang kabisera sa halip na ang Morong. Ang pagbabagong ito ang
naging simula ng pagbubuo sa lalawigan ng Rizal. Taong 1860,
nang ang Tondo ay naging bahagi ng Maynila at lahat ng lugar dito
ay napasailalim ng gobernador ng Maynila.
Ang Rizal ang tinatawag na “Duyan ng Pambansang
Sining”. Ang mga Pambansang Alagad ng Sining na sina Carlos
“Botong” Francisco, Vicente Manansala, Maestro Lucio San Pedro
ay pawang galing sa Rizal.
Sa ngayon, ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
naninirahan sa Rizal ay ang pagbababuyan, pagsasaka at

52
pakikipagkalakalan. Maraming taga-Maynila ang nagpapaalaga ng
baboy sa mga taga-Rizal habang ang pagsasaka ang ikinabubuhay
ng mga taga-gawing hilaga at ang mga nakatira sa katimugang
bahagi ng lalawigan ay pangingisda ang ikinabubuhay.

2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


 Anong batas ang opisyal na lumikha at kumilala sa
Lalawigan ng Rizal?
 Kailan naging opisyal na lalawigan ang Rizal?
 Kaninong bayani naipangalan ang ating lalawigan?
 Ano ang kabisera ng lalawigan ng Rizal?
 Bakit napapagsak ni Miguel Lopez de Legazpi ang
pwersa ng mga rajah?
 Kailan natalo ni Salcedo ang bawat bayan sa katimugang
distrito ng Luzon?

 Bago, naging lalawigan ang Rizal, ano ang nasasakupan


nito noong panahon ng Espanyol?

 Anong taon nagsimulang pangalanan ang Rizal ng


Distrito Politoco-Militar de los Montes de San Mateo?
 Ano ang isa pang bansag o tawag sa Rizal?
 Sino sinong mga Pambansang Alagad ng Sining ang
kilala sa Rizal?
 Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Rizal?

Gawain A
Think – Pair – Share
 Pangkatin ang klase sa dalawa.
 Bigyan ng mga tanong at suliranin ang bawat pangkat.
 Mag-isip sandali
 Sa hudyat ng guro, ibabahagi sa klase ang nagawang timeline sa
kasaysayan ng lalawigan Rizal.
Gawain B

Mock Meeting

 Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.

53
 Magpulong ang mga kasapi sa pangkat
 Gumawa ng timeline tungkol sa Kasaysayan ng lalawigan ng Rizal

Gawain C

Joint Storytelling

 Hatiin ang klase sa tatlong pangkat


 Ipakita ang mga pangyayaring naganap sa Rizal sa pamamagitan ng
timeline na ilalahad gamit ang pagkwekwento.
IV. Pagtataya

Panuto : Mula sa binasang Kasaysayan .Isulat ang mga mahahalagang


pangyayari sa kasaysayan ng Rizal

Kopyahin ang tsart sa sariling papel

Mahahalagang taon o Makasaysayang


petsa Pangyayari
1521
1571
1853
1901

Markahan kung saang banda sa timeline ang mga sagot sa


talahanayan

V. Takdang Gawain
Magsaliksik tungkol sa kasaysayan ng Batangas.

54
Aralin 3: Timeline Ng Makasaysayang Pangyayari
Sa Lalawigan Ng Batangas 1.2.4
Bilang ng Araw -1 araw

VI. Layunin: Nakabubuo ng timeline ng mga makasaysayang pangyayari


sa Lalawigan ng Batangas

II. Paksang Aralin:


Paksa: Timeline ng Makasaysayang Pangyayari sa Lalawigan ng
Batangas
Kagamitan :
Sanggunian:K to 12, AP3KLR-IIa-b-1

III. Pamamaraan:
C. Panimula
2. Laro Family Feud
Bumuo ng 2 pangkat Pamilya Maganda at Pamilya Makisig
Makinig ;Mag –uunahan ang bawat miyembro sa pagsagot sa
mga tanong
Quiz Master-Ayon sa Survey,anu-ano ang magandang
tanawin sa Batangas ang madalas puntahan ng mga
turista?
Bulkang Taal----50 puntos
Mabini Shrine—40 puntos
Anilao Beach—30 puntos
Malvar Museum ---20 puntos
D. Panlinang na Gawain
3. Pagpapakita ng ibat-ibang tanawin sa Batangas
4. Pagbasa sa kwento

55
BATANGAS

Alam mo bang sentro ng negosyo at pahahakot ng mga kargo ang


Batangas noon? May ebidensya na maglalahadng impormasyong
ito.Ito ay ayon sa nahukay na ebidensya rito.Nangyari ito noong
ika-13 hanggang ika-15 siglo.
1570-1572-Dalawang dayuhang Kastila ang nanirahan sa baybayin
ng ilog Taal,Nagtayo sila ng kauna-unahang simbahang bato rito.
1581-Itinatag ang lungsod ng Batangas ,sumunod dito ang Lipa at
Balayan
1754-Naging kapital ang Lungsod ng Batangas hanggang ngayon
1896- Isa sa mga naghimagsik laban sa mga Kastila ang lalawigan
ng Batangas
1900- Digmaan ng mga Kastila at Amerikano.Dito tumanyag ang
kabayanihan nina Mabini at Malvar.
Nakilala rito ang Batangas bilang kanlungan (cradle)
Ng mga bayani at makabagong Pilipino

5. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


 Bakit naging sentro ng negosyo at paghakot ng kargo ang
Batangas?
 Kailan dumating ang dayuhang Kastila?
 Anong taon ng naging kapital ang lungsod ng Batangas?
 Bakit naging tanyag sina Mabini at Malvar?

Gawain A
Sequence Organizer

 Pangkatin ang klase sa dalawa.


 Bigyan ng mga tanong at suliranin ang bawat pangkat.
 Mag-isip sandali
 Sa hudyat ng guro, ibabahagi sa klase ang nagawang timeline sa
kasaysayan ng Batangas
56
 Sagutin ang mga sumusunod
 Batay sa timeline,sino ang nanirahan sa baybayin ng Ilog Taal?
 Kailan itinatag ang Lungsod ng Batangas?
 Kailan naging Kapital ang Lungsod ng Batangas?
 Anong lugar ang naghimagsik laban sa mga Kastila?
 Sino sino ang mga bayaning naging tanyag noong Digmaang
Kastila at Amerikano?
Gawain B

Pagtalunton sa Bakas ng Kahapon

Maggugupit ang mga bata ng papel na sukat sa kanilang paa.Isusulat


dito ang mga pangyayari sa bayan ng Batangas.Ipapaayos ang mga paa sa
Manila Paper ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.Saka ito lagyan ng petsa.

Gawain C

Event Tableu

 Hatiin ang klase sa tatlong pangkat


 Ipakita ang mga pangyayaring naganap sa Batangas sa
pamamagitan ng Event Tableu

IV. Pagtataya

Panuto : Saan dapat ilagay ang mga sumusunod na pangyayari ?Gamitin


ang Timeline sa pagtatala ng mga sumusunod na pangyayari.

1570-1572-Dalawang 1581-Itinatag ang


dayuhang Kastila ang lungsod ng
nanirahan sa baybayin Batangas ,sumunod dito
ng ilog Taal,Nagtayo ang Lipa at Balayan

57
sila ng kauna-unahang
simbahang bato rito.
1754-Naging kapital ang 1896- Isa sa mga
Lungsod ng Batangas naghimagsik laban sa
hanggang ngayon mga Kastila ang
lalawigan ng Batangas
1900- Digmaan ng mga Nakilala rito ang
Kastila at Batangas bilang
Amerikano.Dito kanlungan (cradle)
tumanyag ang
kabayanihan nina
Mabini at Malvar.
Ng mga bayani at
makabagong Pilipino

Markahan kung saang banda sa timeline ang mga sagot sa


talahanayan

VII. Takdang Gawain


Magsaliksik tungkol sa kasaysayan ng Quezon

58
Aralin 3: Timeline Ng Makasaysayang Pangyayari
Sa Lalawigan ng Quezon 1.2.5
Bilang ng Araw -1 araw

VIII. Layunin: Nakabubuo ng timeline ng mga makasaysayang pangyayari


sa Lalawigan ng Quezon

II. Paksang Aralin:


Paksa: Timeline ng Makasaysayang Pangyayari sa Lalawigan ng
Quezon
Kagamitan : Mahiwagang Kahon,Puppet,time line,
Sanggunian:K to 12, AP3KLR-IIa-b-1

III. Pamamaraan:
E. Panimula
3. Mahiwagang Kahon
Sagutin ang sumusunod na tanong
Makinig ;Mag –uunahan ang bawat miyembro sa pagsagot sa
mga tanong
1.Sino ang p angalawang pangulo ng Rebublika ng Pilipinas?

59
2.Anong pinakatanyag na pagdiriwang sa Quezon kung saan
makikita mo ang mga bahay ay pinupuno ng palamuting kiping?

F. Panlinang na Gawain
1. Travel Dream
Ipikit ang mga mata. Hayaan ninyong maglakbay ang inyong
diwa…kung saang bayan ninyo gustong makarating.
2.Paglalahad
Puppet Show
Pagsasalaysay ng guro sa mahalagang pangyayari sa kasaysayan
ng Quezon gamit ang puppet

Quezon
Ang Quezon ay nasa Rehiyon ng CALABARZON . Hango sa
pangalan ng Pangulong Manuel L. Quezon ,ang ikalawang pangulo
ng Republika ng Pilipinas.Ang Bundok Banahaw ang pangunahing
atraksyon sa quezon. Sinasabing ang kabundukang ito ay
napapalibutan ng espiritu at hiwaga. Maraming kulto at deboto ang
pumupunta at nanatili sa banal na lugar na ito tuwing sasapit ang
Mahal na Araw.

1571-1572-Naging pamamahala noon ang Quezon ng ibat-ibang


lalawigan
- Nasa kapangyarihan noon ng Batangas ang Quezon
- Nahati ang Laguna at Nueva Ecija sa hilagang
bahagi ng Quezon
- Nahati ang mga lalawigan ng Mindoro,Marinduque
at Camarines

1591- Nakilala ang Tayabas bilang isang lalawigan Kaliyaan


ang ngalan nito noon
1901-1902- Naitatag ang Pamahalaang Sibil .Naging kabisera ang
Quezon at Lucena
- Nadagdag ang distrito ng Principe sa Nueva Ecija at
Infanta at Pollilio sa Tayabas
1946-Binago ang ngalan ng Tayabas at naging Quezon

Ito

60
1951- Nilikha ang bayan ng Aurora bilang lalawigan ng Quezon,
kalaunan nailipat ito sa rehiyon III Central Luzon

Gawain A

Pangkatang Gawain

1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


2. Gumawa ng Accordion ipakita ang pagkakasunod –sunod ng mga
pangyayari sa kasaysayan ng Quezon.
a.Batay sa timeline,anong taon naging pamamahala ng Quezon ang
ibat-ibang lalawigan?

b.Kailan naging lalawigan ang Tayabas?

c.Ano ang dating pangalan ng Tayabas?

d.Kailan naging kabisera ang Quezon at Lucena?

e. Anu-ano ang nadagdag na distrito noong 1901-1902 ?

f. Kailan binago ang pangalan ng Tayabas at naging Quezon ito?

g.Anong bayan ang napabilang sa lalawigan ng Quezon?

h. Sa ngayon , saan napuntang rehiyon ang Bayan ng Aurora?

Gawain B

Mock TV Patrol

Kunyari ay may Anchor Personality na tatangap ng balita sa paligid ng


lalawigan ng Quezon.Ipapakita ng Anchor ang timeline ng kasaysayan ng
Quezon habang nagbibigay ng opinyon ang mga manonood.

61
Gawain C

Collage Making

Hatiin ang mga mag-aaral sa 4 na pangkat. Hayaan gumawa ng katulad ng mga


naganap na pangyayari sa kasaysayan ng Quezon.

Pagtataya

Panuto:Ilagay ang mga makasaysayang pangyayari sa timeline

1571-1572-Naging pamamahala noon ang Quezon ng ibat-ibang lalawigan


- Nasa kapangyarihan noon ng Batangas ang Quezon
- Nahati ang Laguna at Nueva Ecija sa hilagang bahagi ng Quezon
- Nahati ang mga lalawigan ng Mindoro,Marinduque at Camarines
1591- Nakilala ang Tayabas bilang isang lalawigan Kaliyaan ang ngalan
nito noon
1901-1902- Naitatag ang Pamahalaang Sibil .Naging kabisera ang Quezon
at Lucena
- Nadagdag ang distrito ng Principe sa Nueva Ecija at Infanta at
Pollilio sa Tayabas
1946-Binago ang ngalan ng Tayabas at naging Quezon

1951- Nilikha ang bayan ng Aurora bilang lalawigan ng Quezon,


kalaunan nailipat ito sa rehiyon III Central Luzon

Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa mga produkto,industriya ,hanapbuhay at likas na yaman


sa rehiyon ng CALABARZON.

Aralin 4 Paraan Ng Pakikipagtulungan Ng Mga Lalawigan Sa


A
Kinabibilangang Rehiyon

Takdang Panahon : 1 araw

62
I. Layunin:
1. Makapagsasabi ng mga paraan ng pakikipagtulungan ng
mga lalawigan sa rehiyon noon at sa kasalukuyan
2. Makapagsasabi ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng
mga lalawigan .

II. Paksang Aralin:


Paksa: Paraan ng Pagtutulungan
Kagamitan: factsheet, larawan, tsart
Sanggunian: K to 12, AP3KLR-IIb-1.3

Integrasyon: Kahalagahan ng Pag-aasahan

III. Pamamaraan:

A. Panimula: Paggamit ng graphic organizer


1. Magpakita ng mga larawan ng pinagkukunang-yaman ng
mga lalawigan sa ating rehiyon.
2. Papangkatin ang klase sa limang ( 5 ) pangkat. Bibigyan
ang bawat pangkat ng mga larawan at ididikit nila ito sa
graphic organizer.

3. Pagkatapos isagawa ang pagdidikit ng larawan itanong


ang mga sumusunod na tanong:

Mga Yaman sa ( Lalawigan )

63
Pangunahing Produkto Natatanging Atraksiyon

Hanapbuhay Industriya

Mga Likas na Yaman

Batay sa graphic organizer , ano ang mga inambag ng


bawat lalawigan isa’t isa?
Ano-ano ang maaaring iangkat ng lalawigan ng Quezon
sa Laguna na wala sa kanilang lugar?
Ano-ano ang mga likas na yaman na makikita sa sariling
lalawigan at sa karatig na lalawigan? Isa-isahin nga natin.
Ano naman ang mga produkto na hindi nakikita sa bawat
lalawigan?
Bakit hindi lahat ng produkto ay nakikita sa bawat
lalawigan?
Ano ang katangian ng bawat lalawigan na angkop sa
kanilang produkto?
4. Magpakita ng mga produkto galing sa grocery gaya ng
sardinas na delata at hayaan ang mga bata tukuyin kung
saang lalawigan ito nagmula o ginawa.

B. Paglinang:

1. Ilahad ang aralin sa paggamit ng datus na grap. ( Tingnan


sa Kagamitan ng Mag-aaral )

64
2. Ilahad ang mga katanungan at hayaan ang mga bata na
sagutin ang mga tanong:

Batay sa datus, aling lalawigan ang may pinakamalaking


produksiyon ng palay?
Anong mangyayari kapag mas Malaki ang
pangangailangan ng palay kaysa nagagawa nito?
Saan siya mag-aangkat ng palay?
Aling mga lalawigan ang sapat ang kanilang produksiyon
ng palay sa kanilang pangangailangan?
Alin naman ang nangangailangan pa ng palay?
Bakit sa Quezon nag-aangkat ang mga ibang lalawigan
ng rehiyon?
Sa palagay mo, mas tataas baa ng presyo ng palay kung
nag-aangkat ang mga lalawigan sa ibang rehiyon? Bakit
mo nasabi ito?
Ano ang ambag ng lalawigan ng Quezon sa buong
rehiyon ng IV-A CALABARZON? Bakit mo ito nasabi?

3. Pangkatang Gawain:

Gawain A- Paggamit ng Venn Diagram

Ang bawat lalawigan sa rehiyon ay may mga sariling


pangangailangan. Minsan, hindi lahat ng
pangangailangan ay natutugunan sa loob ng lalawigan
kung hindi sa pakikipag-ugnayan sa ibang karatig na
lalawigan. Batay sa mga napag-aralan na mga produkto
ng ibat-ibang lalawigan ng rehiyon. Magbigay ng 1-3
mungkahi kung paano matutugunan ng bawat lalawigan
ang kanialng pangangailangan sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan sa karatig na lalawigan. Saa-saan sila
makikipag-ugnayan?

Pangkat !- Kakulangan sa Prutas


Pangkat 2- Kakulangan sa yamang dagat
Pangkat 3- Kakulangan sa gulay
65
Pangkat 4 – Kakulangan sa bigas

Gawain B- Brainstorming
Pag-uusapan ng bawat pangkat ang kakulangan sa isang
lalawigan at tatalakayin nila kung saan ito aangkatin
upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao sa
kanilang lugar.

Pangkat !- Lalawigan ng Rizal


Pangkat 2- Lalawigan ng Cavite
Pangkat 3- Lalawigan ng Batangas
Pangkat 4- Lalawigan ng Quezon
Pangkat 5- Lalawigan ng Laguna

4. Pag-uulat/ Pagtalakay sa mga ipinakitang gawa ng bawat


pangkat. Kung may maling kasagutan, ipaliwanag at
iwasto ito.

5. Ipabuod ang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa


tanong:
Paano nagkakatulungan ang bawat lalawigan sa kani-
kanilang pangangailangan noon hanggang sa
kasalukuyan.

IV. Pagtataya:
Magbigay ng mga paraan kung paano nagkakatulungan ang
mga bawat lalawigan sa ating rehiyon upang matugunan ang
pangangailangan ng bawat lalawigan sa isang rehiyon.

V. Takdang Aralin:

Sagutin ang mga tanong:

66
Ano ang maaaring maangkat ng Lalawigan ng Quezon sa
Laguna?ng Lalawigan ng Cavite sa Batangas?

Aralin 4 Paraan Ng Pakikipagtulungan Ng Mga Lalawigan Sa


Kinabibilangang Rehiyon

67
Takdang Panahon : 1 araw

I. Layunin:

1. Makapagsasabi ng mga paraan ng pakikipagtulungan ng


mga lalawigan sa rehiyon noon at sa kasalukuyan
2. Makapagsasabi ang kahalagahan ng pakikipagtulungan
ng mga lalawigan .

II. Paksang Aralin:


Paksa: Paraan ng Pagtutulungan
Kagamitan: factsheet, larawan, tsart
Sanggunian: K to 12, AP3KLR-IIb-1.3

Integrasyon: Kahalagahan ng Pag-aasahan

III. Pamamaraan:

A. Panimula: Show and Tell!


1. Magpakita ng isang kahon at maglagay ng mga
larawan ng yaman sa bawat lalawigan sa ating
rehiyon.
2. Tumawag ng ilang bata upang kumuha ng larawan
sa kahon at tukuyin kung saang lalawigan ito
matatagpuan.
Halimbawa:
Karne- Cavite
Niyog- Laguna
Bindok Makiling- Laguna
Saging- Cavite
3. Sabihin kung ang mga nasa larawan ay
pangunahing produkto, natatanging atraksyon,
hanapbuhay, industriya o likas na yaman ng isang
lalawigan.
4. Magbigay ng ilang mga tanong sa ginawang laro:

68
Kung sakaling gusto ng mga tao ang isang produkto
na hindi nakikita sa kanilang lalawigan, ano kaya
ang maaaring gawin nila?
Sa ating lalawigan, ano ang produkto na hindi natin
ginagawa ngunit binibili natin sa ibang lalawigan?

B. Paglinang:

1. Sa paggamit ng jumbled letter, ayusin ang mga titik


ng mabuo ang salitang consumer at producer sa
pamamagitan ng pagbibigay ng clue ng guro.
2. Pagbasa ng teksto- paggamit ng factsheet

Pakikipagtulungan sa Pangangalakal
( pakitingnan ang teksto sa kagamitan ng mag-aaral
aralin 1.3 )

3. Pagtatalakayan ukol sa binasang teksto. Ilahad ang


mga tanong at hayaang malayang sagutin ng mga
bata ang mga tanong.

Paano ipinapakita ng bawat lalawigan ang


pagtutulungan ukol sa kanilang kalakal?
Magkakapareho ba ng kalakal ang mga lalawigan
sa ating rehiyon?
Ano ang kahalagahan ng pagtutulungan ng isang
lalawigan o rehiyon?
Ano ang paraan ng pagtutulungan noon at ngayon
sa ating lalawigan o rehiyon?
Paano natutugunan ng isang lalawigan ang kanilang
pangangailangan?
Ano ang kanilang pamamaraan uoang matugunan
ang pangangailangan ng mga tao?

69
4. Pangkatang Gawain:

Gawain A- Malikhaing Pagsasalaysay


Papangkatin ang klase sa apat. Basahin ang
sitwasyon, bigyan ng paliwanag kung paano
umaasa ang mga bayan sa mga lalawigan sa
rehiyon. Isulat ang sagot sa cartolina.

Sitwasyon:

Sa lalawigan ng Batangas, ang bayan ng Anilao ay naging


puntahan ng maraming turista dahil sa ganda ng ”diving spots” nito.
Dahil sa pagdagsa ng turista, dumami ang mga nanirahan dito.
Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga naninirahan sa paglikha ng mga
ibat ibnag produkto na kilala sa kniang lugar upang mahalina ang mga
turista. Ang pagdagsa ng mga tao ay pagdami ng pangangailangan. Una
na dito ang pagkain na mabibili sa lugar dahil wala namang gaanong
taniman sa lugar. Nakikipagkalakalan pa ang mga taga doon sa ibang
bayan o sa sentro upang bumili ng mga pangangailangan. Sa karatig
bayan naman ng _____________, ang pangunahing pangkabuhayan ay
ang agrikultura. Anong pakikipag-ugnayan ang dapat gawin ng taga
Anilao at karatig bayan nito?

Gawain B- Paggamit ng factsheet

Nagmungkahi ang Pamahalaang Nasyonal na pag-ibayuhin ang


mga natatanging produkto ng lahat ng lalawigan ng bansa. Bukod pa
dito, ang layunin ng proyekto ay upang bigyan ng sapat na kita ang mga
lalawigan sa bawat produkto. Inatasan nito ang Department of Trade
and Industry (DTI) na ilunsad ang ”One Town, One Product” Project. Sa
proyektong ito, hinihikyat ang bawat lalawigan na ipakita (advertise) ang
kanilang produkto sa mga ”trade and expo shows” o sa mga piling lugar
ng bansa. Magagawa lamang ito kapag hindi magdodoble ang mga
produktong ginawa ng bawat lalawigan. Kapag magkakaiba ang mga
produkto, hindi magkakaroon ng kompetisyon ang mga lalawigan sa
gagamit ng kanilang produkto, kaya mas magiging malaki ang kita ng
mga lalawigan. Isa pang dahilan sa pagkakaroon nito ay upang
mahimok ang mga lalawigan na makipag-ugnayan sa isa’t isa sa
pamamagitan ng kalakal. Kung tutuusin hindi lahat ng kapaligiran ay

70
pare pareho. May mga produkto na angkop sa klase ng kapaligiran.
Kaya ninanais ng pamahalaan na mapadali ang produksyon ng mga tao
sa pamamagitan ng pagpili ng produktong madaling pagyabungin sa
kapaligiran. Dahil nagkaroon ng mga sari-sariling produkto,
nangangailangan na ang mga lalawigan ay mas makikipag-ugnay sa iba
sa pagtugon ng pangangailangan nito.

Sagutin ang mga tanong tungkol sa talata.


1. Ano ang paraan ng pakikipagtutulungang ipinakita sa
sanaysay?
2. Ano ang ginagampanan ng pamahalaan upang matulungan
ang mga lalawigan?
5. Pag-uulat/ Pagtalakay sa mga ipinakitang gawa ng
bawat pangkat. Kung may maling kasagutan,
ipaliwanag at iwasto ito.
6. Ipabuod ang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa
tanong:
Paano nagkakatulungan ang bawat lalawigan sa
kani-kanilang pangangailangan noon hanggang sa
kasalukuyan?

Malaki ang maitutulong ng mga iba’t ibang yaman


ng isang lugar sa paraan ng pag-aasahan, ang pag-
aasahan mula sa karatig lugar ay may malaking
maitutulong upang maging matatag ang isang
bayan o lalawigan.

IV.Pagtataya:
Magbigay ng mga paraan kung paano
nagkakatulungan ang mga bawat lalawigan sa ating
rehiyon upang matugunan ang pangangailangan ng
bawat lalawigan sa isang rehiyon.

V. Takdang Aralin:
Sagutin ang mga tanong:
Ano ang maaaring maangkat ng Lalawigan ng
Quezon sa Laguna?ng Lalawigan ng Cavite sa
Batangas?ng Rizal sa Laguna? ng Batangas sa
Quezon?
71
Aralin 5: Mga Pagbabago At Nagpapatuloy Sa Aking Lalawigan

2.1 (Rizal)

BilangngAraw : 1 araw

I. Layunin:

1.Natatalakayangmgapagbabago at nagpapatuloysa
sarilinglalawigan at kinabibilangangrehiyon

II. PaksangAralin:

Paksa: MgaPagbabago at Nagpapatuloy SaSariling


Lalawigan

Kagamitan :Mgalarawanng Rizal noon at ngayon, A_NNA Chart,cd player,

Sanggunian : K to 12 AP3KLR-IIc-2

III. Pamamaraan:

A. Panimula
1. Pag-awitng Rizal Mabuhay
2. Pagsagotsamgatanong
 Anoangmensahengawit?
 Bakitmapaladangtaga-Rizal?
 Sapaanongparaanmomaipapakitaangpagmamahalsaatingl
alawigan?
1.Pagsagotsa A-NNA Chart

Alam NaisMalaman Natutunan

Anoangalamninyotungkolsalalawiganng Rizal?

72
B.Panlinang

1.Pagbasasa Tula

AngLalawiganng Rizal Noon at Ngayon

Ang Rizal angitinuturingnaPangunahingLalawigan

Sapagkatito ay sentrongkalakalan

Matataasnagusali at pagawaan

Ditoynakatayo at pinagkakakitaan.

Itoybinubuongdalawampu’tanimnabayan

Na nagtutulungansakanilangkaunlaran

At lalongumuunladhabangtao’ynagdadaan

Kaya’tnabansagangpinakamayamayamanglalawigan.

Ngunitisangarawang Rizal ay nabawasan

PagkatsiPangulong Marcos ay may kahilingan

Na ilipatangibangbayansaKamaynilaan

Angmasakit pa nito ,lahatitoymayayaman

Kaya ngangayo’ylabing-apatnalamang

Angbayangbumubuosaatinglalawigan

Ngunitganun pa man,lahatito ‘y nagtutulungan

Na maibalikang dating karangalanng Rizal.

Ipinagmamalakikoangmahalkonglalawigan

73
Dito’ylahatngtao ay may angkingkakayahan

Samaayosnapaggamitnitongkalikasan

Kaya’tkaunlara’ymadalingmakamtan

Angmganamumuno ay talagangmaaasahan

Pagkatlahatngorassila’ylagingnandiyan

Paglulusadngproyekto’ywalangwalangkatapusan

Sapagkathangadnila’yatingkabutihan.

Masmaramingdayuhangditoýnamumuhunan

Masmalalakinggusali at mgapagawaan

Angditoýitatatag at ilalaan

Para samgakabataanngPilipinas 2000

Di naakomagtataka kung maging capital ngPilipinas

Anglalawiganng Rizal napatuloysapaghataw

At angpag-unladnito’y di namapigilan

Basta’tkailanganlamangangpagtutulungan

2. Pagsagotsamgatanong

 May mgabagayka bang napansinsaatinglalawigan?


 May nakitaka bang pagbabagosaatinglalawiganngayon?
 Ano-anoangmgaito?
 Angpisikalnakapaligiranbangatinglalawigan ay nagbago?
 Pareparehobaangmgahanapbuhayngmgatao?
 Ano-anongnagbagosaatinglalawigan?
 Ano-anonamanangnagpapatuloy at
nakikitaparinhanggangngayon?

74
 Anongmabuti at di mabutingepektonitosaatingpamumuhay?
 Bilangisang mag-aaral may
magagawakabaupangmabagoangatinglalawigan?
 Sapaanongparaankamakakatulongsabayan?

Gawain A

Pangkat 1

Pagsagotsa graphic organizer

Bagaynanabagosa Rizal Bagaynanagpapatuloysa Rizal

Gawain B

Magbrain storming kasamaanginyongpangkat at


punanangtalahanayantungkolsamgabagaynanagbago at
nanatilisalalawiganng Rizal

AngLalawiganng Rizal

Lalawigan Mganagbago MgaNanatili

Gawain C

Sumulatng 1-2 talatatungkolsamgabagaynanagbago


salalawigan

IV.Pagtataya

75
Gumawang scrap book tungkolsapagbabagong
sarilinglalawigan.Sabihinkunganoangmabuti at hindi
mabutingnaidudulotngmgapagbabagongitosa
pamumuhayngmgataosalalawigan.

V. TakdangAralin

MagsaliksiktungkolsalalawiganngCavite

Aralin 5 : Mga Pagbabago At Nagpapatuloy Sa Aking Lalawigan

2.2 (Laguna)

BilangngAraw : 1araw

I.Layunin:

1.Natatalakayangmgapagbabago at nagpapatuloysa
sarilinglalawigan at kinabibilangangrehiyon

II. PaksangAralin:

Paksa: MgaPagbabago at Nagpapatuloy SaSariling


Lalawigan

Kagamitan :Mgalarawanng Laguna noon at ngayon ,bubble map

76
Sanggunian : K to 12 AP3KLR-IIc-2

III. Pamamaraan :

A.Panimula

1. Pakikinig sa awit

Himno ng Laguna

Laguna,o Laguna

Lalawigang marangal

Tanging Pinagpala

Ng butihing Bathala

Supling mo ang napili

Na bayani ng lahi

Kapurihan at dangal

Ng liping kayumanggi

Laguna ang iyong pangalan

Sagisag ng kagitingan

Sa lawa mo’t kaparangan

Mga bayani’y nahihimlay

Kadluan ng minimithing pangarap

Sa bukirin,bundok mo’t gubat

Ikaw,Laguna ang buhay

77
At tanging patnubay

2. Itanong

Ano ang sinasabi tungkol sa lalawigan ng Laguna?

Bakit kaya sinabi na ang Laguna ay lalawigang marangal?

Sino ang tinutukoy na supling na napili?

Bakit nabanggit na ang Laguna ay sagisag ng kagitingan?

Ano-ano ang likas na yamang nabanggit sa awit?

Kung ikaw ang gumawa ng awit ano pa ang idadagtag mo upang


maipagmalaki ang sariling lalawigan?

4. Isulatangsagotsa Bubble Map

Nagpapatuloy Pagbabago

3.Sabihinnaangtatalakayinngayon ay tungkolsa
pagbabagonglalawiganng Laguna

4. Hikayatinangmga mag –aaralnabumuongsuliraninmula sapaksa.

Mgasuliraningmaaringmabuo:

 Ano-anoangmgapagbabagosalalawiganng Laguna?
 Paanoitonakatulongsapag-unlad atpagsulongnglalawiganng
Laguna?

78
B. Panlinangna Gawain

1. Pagbasasatalata (Power point)Kaunlaran pp. 60-63

2. Itanong:

 Anongpagbabagoangnapansinmosamgasumusunod?

Pangalan Gusali Populasyon Tirahan

Bakit kaya nagbabagoangisanglalawigan o rehiyon?

 May kinalamanbaangpag-unladsapagbabagongisanglalawigan o
rehiyon?
Gawain A

1. Gumawang TV Commercial o
Patalastasnanagpapakitangmgabagaynanagbagosalalawigan at
bagaynanagpapatuloy pa salalawiganng Cavite.

Gawain B
Gumawangawitnanagpapakitangmgabagaynanagbago at
bagaynanagpapatuloy pa salalawiganng Cavite.

Gawain C
Dance Interpretation
Sapamamagitanngisangsayaw, ipakitaangmgaNabago at nagpapatuloy
pang pagbabagosalalawiganng Cavite

IV. Pagtataya
Panuto:Igawang timeline angmgapangyayarisa lalawiganng Cavite
1896-himagsikan saNovelata
1897-Nahalalnapangulosi Emilio Aguinaldo
1954-kabisera nglalawigan

V. TakdangAralin
79
Magtanongsamagulang o kamag-
anakngmgakwentotungkolsalalawiganngBatangas.

80
Aralin 6: Mga Kwento Ng Kasaysayan At Mga Makasaysayang Pook o
Pangyayari Sa Lalawigan Ng Cavite (3.1)
Takdang Panahon: 1 araw

I.Layunin:

Naisasalaysay o naisasadula ang kwento ng mga makasaysayang pook


o pangyayaring nagpapakilala sa lalawigan ng Cavite.

II.Paksang Aralin:

Paksa: Makasaysayang Pangyayari saLalawigan ng Cavite


Kagamitan: Mapa ng Cavite, teksto ng Kasaysayan ng Lalawigan ng
Cavite,DLP/PPT, CD
Sanggunian: K to 12, AP 3KLR-IId-3

III.Pamamaraan:

A. Panimula:
1. Paggamit ng Video Presentation - Pelikula na “Emilio Aguinaldo”
Pagpapakita ng larawan ng bayaning sina Andres Bonifacio at
Emilio Aguinaldo.

Ilarawan ang dalawang bayani.


Sa napanood ninyong pelikula, sino sa dalawa ang bantog na
katipunero?

Kailan ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas?


Ano ang makasaysayang lugar at pangyayari ang nakita ninyo sa
video?
2. Pagsasadula ng kapana-panabik na pangyayari sa napanood na video

81
B.Paglinang:

1.Pagbasa ng teksto ( DLP/PPT)

Mga Kwento ng Makasaysayang Pook o Pangyayari sa


Lalawigan ng Cavite.

Bago sumiklab ang himagsikan ng 1896, ang mga taga-lalawigan ng


Cavite ay aktibo sa pag-oorganisa ng Katipunan. Ang malawak na
kilusan ay nahati sa dalawang pangkat sa Cavite, ang pangkat ng mga
Magdalo sa Kawit at pali-paligid na pinamunuan ni Don Baldomero
Aguinaldo at ang isa pang pangkat, ang mga Magdiwang sa bandang
Noveleta na pinamumunuan ni Mariano Alvarez.

Sa Noveleta, ang mga naghihimagsik na pinamumunuan ni Artemio


Ricarte ay nakakuha ng mga sandata mula sa mga Espanyol,ito ang
ginamit upang talunin ang mga sandatahan ni General Ramon Blanco
noong Nobyembre 9, 1896.

Sa Kawit naman, nabawi ng mga sundalong Espanyol ang imbakan ng


pulbura ng Binakayan ngunit pagkaraan ng ilang araw, nilusob muli at
nagapi sila ng mga katipunero noong Nobyembre 11, 1896 sa pamumuno
ni Candido Tirona, na napatay sa labanan at ni Emilio Aguinaldo, ang
alcalde ng kabayanan ng Kawit.

Nagpulong ang mga pangunahing pinuno ng Katipunan sa hacienda ng


Tejeros noong Marso 12, 1897. Nanguna si Andres Bonifacio. Si Emilio
Aguinaldo ang nahalal na pangulo at si Mariano Trias ang nagwaging
pangalawang pangulo. Si Andres Bonifaio ang pangatlong pinuno at
director ng kagawarang panloob ngunit nilibak siya ng ilang kasapi sa
pulong dahil wala siyang pinag-aralan.

82
Noong Hunyo 12,1898 ioinahayag ni Aguinaldo ang Kalayaan ng
Pilipinas sa Kawit Cavite at nagtatag ng UnangRepublika ng Pilipinas sa
ilalim ng unang Demokratikong Konstitusyon ng Asya.

Ilan lamang ito sa mga makasaysayang pook at pangyayari na naganap sa


lalawigang ito.

2.Pagsagawa ng timeline mula sa binasang kasaysayan.

3. Pag-uulat ng mga bata sa ginawang timeline ng kasaysayan


4. Pag-uusapan ang binasang teksto sa pamamagitan ng pagtatanong ng
guro.
Anong pangyayari ang naganap noong taong 1896?
Bakit nahati ang pangkat?
Saan nila ginamit ang nakuhang sandata? Nagtagumpay ba sila sa
labanan?
Nabawi ba ng mga Espanyol ang imbakan ng pulbura?
Sino-sino ang mga pangunahing pinuno ng Katipunan?
Bakit nilibak sa pulong si Andres Bonifacio?

5. Pangkatang Gawain
Gawain A
Hahatiin ang klase sa lima (5). Isadula ang makasaysayang
pangyayaring nafganap sa lalawigan Cavite.

Pangkat I

Ang pagkakahati ng Katipunan sa dalawang pangkat

Pangkat 2

Paghihimagsik na pinamumunuan ni Artemio Ricarte

Pangkat 3

Pagkakabawi ng mga sundalong


83 Espanyol sa imbakan ng
pulbura ng Binakayan
Pangkat 4

Pagpupulong ng mga pangunahing pinuno ng Katipunan sa


hacienda ng Tejeros noong Marso 12, 1897

Pangkat 5

Pagpapahayag ni Aguinaldo saKalayaan ng Pilipinas sa


Kawit

Gawain B- “Story Board”


Magbrainstorm ng mga ideya tulad ng mga pangyayari sakasaysayan at isulat ang
ideya sa index card at idikit sa posterboard at ito’y pagsunud-sunurin ayon sa
wastong pagkakasunud-sunod sa pangyayari.
Gawain C- “Lights, Camera ,Action”
Bawat pangkat ay pipili kung isasalaysa o isasadula ang buong makasaysayang
pangyayari sa Lalawigan ng Cavite.

6. Pag-uulat ng bawat pangkat at talakayin ang ipinakitang dula-dulaan.


7. Ipabuod ang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong :
Paano maipapakita ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
isang lalawigan?

IV. Pagtataya

Panuto: Gumawa ng isang piping palabas tungkol sa mga kwento ng mga


makasaysayang pangyayari sa Cavite.

84
V.Takdang –Aralin:

Magsaliksik ng makasaysayang pangyayari sa lalawigan ng Laguna.

Aralin 6- Mga Kwento Ng Kasaysayan At Mga Makasaysayang


Pook o Pangyayari Sa Lalawigan Ng Laguna (3.2)

I.Layunin:

Naisasalaysay o naisasadula ang kwento ng mga makasaysayang pook


o pangyayaring nagpapakilala sa lalawigan ng Laguna.

II.Paksang Aralin:

Paksa: Makasaysayang Pangyayari sa Lalawigan ng Laguna


Kagamitan: Mapa ng Cavite, teksto ng Kasaysayan ng Lalawigan ng
Cavite ,DLP/PPT, cassette,larawan, mapa
Sanggunian: K to 12, AP 3KLR-IId-3

III.Pamamaraan:

1. Panimula:
A. Panimula – Pakikinig sa awiting “Laguna”
1. Hayaang makinig ang mga bata sa awit.
2. Pagtalakay ukol sa awit
Sino ang kumanta ng awiting ito?
Ano sa tingin ninyo ang pakiramdam ng umawit noong makarating
siya sa Laguna?
85
Pagsasakilos ng bata sa awit.
3. Pagpapakita ng Mapa ng Laguna

Anong lawa ang nakapaligid sa ating bayan at karatig pook ?


Ilang bayan ang bumubuo sa Lalawigan ng Laguna?
Sinong bayani ang ipinganak salalawigan ng Laguna?
May alam ba kayong makasaysayang pangyayari o pook sa
lalawigan ng Laguna?

2. Panlinang

1.Magpapakita ang guro ng mga larawan ng magagandang tanawin o


makasaysayang pook sa Laguna.

Alin sa dalawang larawan ang maynaganap na pangyayari sa


kasaysayan ng Laguna o sa ating bansa?

Bakit mo nasabing ito’y mahalagang pangyayari?


86
Paano lumaban ang ating pambansang bayani sa mga Kastila?

Isakilos o ipakita sa klase kung paano pinatay si Dr. Jose Rizal sa


Luneta?
2.Pagbasa ng teksto sa pamamagitan ng DLP/PPT

Makasaysayang Pangyayari sa Lalawigan ng Laguna


Ang pangalan ng lalawigan ng Lagunaay isinunod sa Laguna de Bay,
isang bahagi ng katubigan na bumubuo sa hilagang hangganan ng
lalawigan. Ang Laguna de Bay naman ay isinunod sa pangalan ng bayan
ng Bay.

Si Kapitan Juan de Salcedo kasama ng pulutong ng isang daang


sundalong Kastilang-Mehikano at ilang bilang ng mga kakamping Bisaya
ay sinakop ang lalawigan at ang mga nakapalibot na bahagi para sa
Espanya noong 1571. Noong taon 1578, sinimulang magturo ng
dalawang Pransiskanong mga Paris ang mga tao roon.

Taong 1580 nang itatag ang mga bayan ng Bay, Caliraya, Majayjay,
Nagcarlan, Liliw, Pila, Sta. Cruz, Lumban, Pangil at Siniloan. Sa
pamamagitan ng paring si Hernando Cabrera ay naitatag din ang San
Pablo de Montes( ngayon ay San Pablo) noong 1670 at nagtayo ng
simbahang yari sa kahoy at kumbento na itinuturing na pinakamaanda at
pinakapulido sa buong probinsya. Taong 1754 naman nang ang lalawigan
ng Laguna at Tayabas ay nahati sa pamamagitan ng ilog Malinao na
naghihiwalay sa bayan ng Majayjay at Lucban. Naging madugo ang
labanan sa pagitan ng mga Intsik atEspanol noon. Kung kaya’t noong
1840 ay naghimagsik o lumaban ang mga Pilipino laban sa mga Espanol.
Ipinanganak naman si Dr Jose Rizal at samga magulang nitoay naging
daan upang maghimagsik at sumapi sa Katipunan ang libo-libong
kababayan ni Rizal mula sa ibat’ibang lugar sa lalawigan ng Laguna
noong 1896.

87
3.Talakayin ang mga sumusunod na tanong:
Ilang sundalong Kastilang – Mehikano ang sumakop sa lalawigan
ng Laguna?
Anong taon nagturo ang dalawang Pransiskanong mga Paris sa mga
tao sa Laguna?
Ano-anong bayan ang itinatag noong taong 1580?
Kailan naghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Espanol?
Ano ang pinakamasaysayang pangyayari sa lalawigan ng Laguna?
Bakit nila itinuturing na makasaysayan ito?
Kung isasalaysay mo ang kuwento ng pag-alipusta kay Rizal at sa mga
magulang nito, paano mo ito gagawin?

4.Pasagutan ang mga sumusunod na Gawain

Gawain A- Role Playing


Hahatiin ang klase sa limang pangkat at kanilang isasakilos ang
mahahalagang pangyayari .
I- Pagsakop ni Kapitan Salcedo sa lalawigan ng Laguna
II- Pagtuturo ng 2 Pransiskano
III- Labanan ng Intsik at Espanol
IV- Pag-alipusta kay Rizal at sa pamilya nito
V- Paghihimagsik ng mga Pilipino sa espanol
Gawain B- “Kaya Mo Ito”

Bubunot ang ilang bata sa loob ng kahon na kanila itong bibigyang buhay
o isasakilos ayon sa mga tauhan sa binasang teksto.
Dr. Jose Pransiskanong Kap.Juan de Paring Hernando
Rizal guro Salcedo Cabrera

5.Pagkatapos magpakitang kilos o pagsadula ng bawat pangkat, ipabuod


ang aralin sa pamamagitan ng pagtatanong:
Paano maipapakita ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
isang lalawigan?

I. Pagtataya

88
Panuto: Gumawa ng isang piping palabas tungkol sa mga kwento ng mga
makasaysayang pook o pangyayari sa lalawigan ng Laguna.

II. Takdang Aralin:


Magsaliksik ng makasaysayang pangyayari sa lalawigan ng Batangas.

Aralin 6 – Mga Kwento Ng Kasaysayan At Mga Makasaysayang Pook o


Pangyayari Sa Lalawigan Ng Batangas(3.3)

Takdang Panahon: 1 araw

I.Layunin:

Naisasalaysay o naisasadula ang kwento ng mga makasaysayang pook


o pangyayaring nagpapakilala sa lalawigan ng Batangas.

II.Paksang Aralin:

Paksa: Makasaysayang Pangyayari sa Lalawigan ng Batangas

89
Kagamitan: Mapa ng Batangas, teksto ng Kasaysayan ng Lalawigan ng
Batangas ,DLP/PPT,larawan, watawat
Sanggunian: K to 12, AP 3KLR-IId-3

III.Pamamaraan:

A. Panimula:
1. Magbalik-tanaw sa nakaraang aralin tungkol sa mga makasaysayang
pangyayari.
Magpapakita ang guro ng larawan ng mga makasaysayang pook at
tukuyin kung saan ito makikitang lalawigan at hayaang isakilos nang
mga bata ang kaganapang nangyari.

2. Ang guro ay magpapakita ng bandila ng Pilipinas at tatanungin ang


mga bata ukol sa kasaysayan ng ating watawat.

Ano ang isinasagisag ng araw sa ating watawat?ng walong bituin?


Sa iyong palagay, sino kaya ang unang gumawa ng ating watawat?
Saan kaya ito unang iwinagayway?
Ipapakita ng mga piling mag-aaral ang pagwawagayway ng watawat
sa klase.

B. Paglinang
1. Basahin ang makasaysayang pangyayari sa lalawigan gamit ang
DLP/PPT.

Ang Makasaysayang Pangyayari sa Lalawigan ng Batangas


90
Ang kasaysayan ng Batangas bilang isang lalawigan ay hindi maaaring ihiwalay
mula sa kasaysayan ng mga Kristiyanismo. Sa taong 1570,si Heneral Martin de
Goiti at Juan de Salcedo ay ginalugad ang baybayin ng Batangas. Sa taong 1572,
ang mga Augustinians, itinatag sa lugar ng Wawa, ngayon San Nicolas, at mula
doon ay nagsimula ang pangangaral sa Balayan at sa lahat ng mga malaking
pamayanan sa paligid ng lawa ng Bombon (Taal)ng Kristiyanismo. Ang Batangas
ang pangalawang pinaka-mahalagang sentro ng relihiyon ng Archipelago, Sa
katunayan, hanggang sa ngayon, ang Batangas ay nananatiling isa sa mga pinaka
'Christianised' at pinaka 'Catholic' Province sa Pilipinas.

Ang unang misyonero ay ang mga Augustinians. At sa panahon ng mga unang


sampung taon, ang buong rehiyon sa paligid ng Lawa ng Bombon(ngayon ay Taal)
ay ganap na bininyagan. Ito ay ginawa sa pamamagitan ng pangangaral ng mga tao
na may natutunan - ang unang abakada ng wika ng mga tao. Kasabay nito, sila ay
nagsimula sa pagsulat ng manual ng debosyon sa Tagalog, tulad ng novenas.

Ang lalawigan ng Batangas ay kabilang sa mga unang walong lalawigan upang


mag-alsa laban sa Espanya.

Si Marcela Agoncillo,angunang gumawa ng bandila ng Pilipinas. Sa katunayan,


ang mga opisyal na bandila ng Pilipinas ay may isang araw na may walong sinag
na kumakatawan sa mga walong lalawigan na naghimagsik sa mga Espanyol.

2. Ilahad ang mga katanungan at hayaang malayang sagutin ng mga bata


ang mga tanong.

Bakit sinabi na ang lalawigan ng Batangas ay isa sa pinaka-


Christianized na lugar sa ating bansa?
Anong relihiyon ang lumawig sa lalawigan?
Sa iyong palagay, bakit naggawa ng banila si Marcela Agoncillo?
Sino at saan kaya unang iwinagayway ang ating bandila? At Bakit?

3. Isalaysay/ isadula ang mga Gawain .


Gawain A - “Teach Me How”
Pagsasadula ng pagtuturong ginawa ng mga misyonerong Augustinians
sa mga taga- Batangueno.
91
Gawain B – “ TV Patrol News”
Pagwawagayway ng bandila ni Heneral Aguinaldo sa kanyang mansion
habang may ilang news reporter na kinakapanayam ang mga nakasaksi sa
kaganapan ng Araw ng Kalayaan.

4. Pagsasadula o pagpapakitang kilos ng bawat pangkat.


5. Talakayin ang nasaksihang dula-dulaan
Maganda ba ang epekto nito sa atin sa pagtuturo nila ng abakada at ng
relihiyong Kristiyanismo? Bakit?
Ano naman ang kasamaan ng paglagi nila sa ating bansa?
Tama ba na tumahi o gumawa ng unang bandila?
Sa iyong palagay bakit ito iwinagayway ni Heneral Emilio
Aguinaldo?
6. Pagkatapos magsagot, ipabuod ang aralin sa pamamagitan ng
pagtatanong:

sa kasaysayan ng isang lalawigan?


IV. Pagtataya
Panuto: Gumawa ng isang piping palabas tungkol sa mga kwento ng mga
makasaysayang pook o pangyayari sa lalawigan ng Batangas.

V. Takdang Aralin:
Magsaliksik ng makasaysayang pangyayari sa lalawigan ng Quezon.

Aralin 6 –Mga Kwento Ng Kasaysayan At Makasaysayang Pook o


Pangyayari Sa Lalawigan Ng Quezon(3.4)

Sa lalawigan ng Quezon
92
Takdang Panahon: 1 araw

I.Layunin:

Naisasalaysay o naisasadula ang kwento ng mga makasaysayang pook


o pangyayaring nagpapakilala sa lalawigan ng Quezon.

II.Paksang Aralin:

Paksa: Makasaysayang Pangyayari sa Lalawigan ng Quezon


Kagamitan: Mapa ng Quezon , teksto ng Kasaysayan ng Lalawigan ng
Quezon ,DLP/PPT,larawan, puzzle
Sanggunian: K to 12, AP 3KLR-IId-3

III.Pamamaraan:

A. Panimula –“ Picture Puzzle”


1. Pangkatin ang klase sa tatlo at bubuuin ang picture puzzle ni Manuel
L. Quezon, Heneral Malvar at Apolinario dela Cruz (Paule) sa manila
paper.

2. Magbigay ng ilang tanong batay sa ginawang puzzle.


Kilala ba ninyo ang nasa larawan?
Sino sa tatlo ang Ama ng Wika Pambansa? Ang rebolusyonaryong
Pilipino?
Sa iyong palagay, anong lalawigan sa ating rehiyon isinunod ang
pangalan ng lalawigan sa kanyang pangalan?
3. Panonod ng movie clips ni Apolinario dela Cruz at hayaan ang mga
bata na magbigay ng kuru-kuro ukol sa napanood na talambuhay ni
Hermano Paule.

B. Paglinang
93
1. Basahin ang makasaysayang pangyayari sa lalawigan ng Quezon
gamit ang DLP/PPT.
Ang Makasaysayang Pangyayari sa Lalawigan ng Quezon

Taong 1591, ang mga lalawigan ay nilikha at tinawag na Kaliraya o Kalilayan,ang


kabisera ng bayan kung saan naging Unisan. Sa kalagitnaan ng taong 1700( ika-18
siglo), ang kabisera ay nailipat sa bayan ng Tayabas,

Ang panloloob at pandarambong ng mga Moro ay laganap sa panahon ng rehimeng


Espanyol, dahil tutol sila sa pananakop nito, lalo na sa pagsisikap ng mga Espanyol
na maikalat ang Kristiyanismo sa lalawigan.

Ang pinaka-mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng lalawigan ay ang Confradia


de San jose na umalsa sa taong 1841, ng sikatna Lucbano, si Apolinario dela Cruz,
kilala bilang Hermano Pule. Itinatag niya ito para lamang sa mga Katutubo o
mestizo na walang Espanyol na kasapi sa samahan.

Ang lalawigan, sa ilalim ni Gen. Miguel Malvar, ay kabilang sa mga


pinakamaagang sumali sa Rebolusyong Pilipino laban sa mga Espanyol.

Dumating ang mga Amerikano at gustong isanib ang Pilipinas sa Estados Unidos.
Ang pamahalaan sibil ay itinatag sa lalawigan noong Marso 2, 1901, sa Lucena
bilang kabisera nito.

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong Disyembre 23, 1941,


ang mga Japanese Imperial Army landed sa Atimonan laban sa Estados Unidos.

Pagkatapos ng digmaan, noong Setyembre 7, 1946, binago ng Republic Act No.


14 ang pangalang Tayabas sa Quezon, sa karangalan ni Manuel L. Quezon, ang
Commonwealth presidente na nagmula sa Baler, na kung saan ay isa sa mga bayan
ng lalawigan.

2. Talakayin ang mga sumusunod na tanong ukol sa binasang teksto.


Kailan dumating ang mga Hapones sa ating bansa?
Anong klaseng pamahalaan ang itinatag ng mga Amerikano sa
Quezon?
Paano at bakit binago ang pangalang Tayabas na naging Quezon?

94
Ano ang pinakamasaysayang pangyayari sa lalawigan ng Quezon?
Bakit nila ito itinuturing na makasaysayan?

3. Pangkatang Gawain

Gawain A
Isalaysay ang kwento o naganap na pangyayari sa pagpapalit ng
pangalan ng lalawigan. Isulat ang inyong sagot sa index card.

Gawain B
Pumili ng isang pangyayari sa binasang teksto at isadula

Gawain C
Dramatic Skit
Pag-aaralan ng mga mag-aaral ang bahaging gagampanan at
mga sasabihin na ipinakikita ng mahahalagang pangyayari sa
lalawigan.

4.Pag-uulat ng bawat pangkat sa pamamagitan ng dula-


dulaan at pagsasalaysay.
5.Talakayin ang ipinakita ng bawat pangkat sa pagtatanong
ng mga sumusunod:

Paano mo mapahahalagahan ang mga makasaysayang


pangyayari sa isang lugar o lalawigan?
Dapat ba itong ipagmalaki? Bakit?
Sa iyong palagay, kung buhay pa si Manuel L. Quezon,
pumayag kaya siya na gawing Quezon isunod sa kanyang

95
apelyido ang dating lalawigan na Tayabas?Bakit oo? Bakit
hindi?

IV. Pagtataya
Panuto: Gumawa ng isang piping palabas tungkol sa mga kwento ng mga
makasaysayang pook o pangyayari sa lalawigan ng Quezon.

V. Takdang Aralin:
Magsaliksik ng iba pang makasaysayang pangyayari sa lalawigan ng
Quezon.
Aralin 6: Mga Kwento Ng Kasaysayan At Mga Makasaysayang Pook o
Pangyayari Sa Aking Lalawigan (Rizal) 3.5
M
Takdang Panahon: 1 araw

III. Layunin:
Naisasalaysay o naisasadula ang kwento ng mga makasaysayang pook
o pangyayaring nagpapakilala sa sariling lalawigan.
IV. Paksang Aralin:

Paksa: Makasaysayang Pangyayari sa Aking Lalawigan


Kagamitan: Mapa ng Rizal, teksto ng Kasaysayan ng Lalawigan ng Rizal,
DLP/PPT
Sanggunian: K to 12, AP 3KLR-IId-3
V. Pamamaraan:
A. Panimula:
1. Pangkatin ang klase at isagawa gamit ang “timeline” sa pagbabalik-tanaw
ng mga mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay.
•Pag-uulat ng bawat pangkat maaaring ito’y isalaysay o isadula.
•Pagtalakay ukol sa ginawang timeline ng bawat grupo.

Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa iyong buhay?


96
Bakit mo nasabing ito’y mahalagang pangyayari sa iyong buhay?
Sa iyong palagay, maiuugnay mo ba ang mga mahahalagang pangyayari
sa iyong buhay sa mga mahahalagang pangyayari sa ating lalawigan?
May alam ba kayong kwento o pangyayari ukol sa makasaysayang
pangyayari sa ating lalawigan?
Isalaysay mo nga ang kwento ng isang makasaysayang pook o
pangyayari sa ating lalawigan?

B. Panlinang:

1. Pagbasa ng kwento ukol sa makasaysayang pook o pangyayari sa


Lalawigan ng Rizal gamit ang DLP/PPT.

Mga Kwento ng Makasaysayang Pook o Pangyayari sa Lalawigan ng


Rizal
Ayon sa kasaysayan noong taong 1582 hanggang 1583 naitala na ang mga
Encomiendas ng Moron ay nasa pamamahala ng Franciscan Order sa
Probinsya ng La Laguna samantalang ang mga Encomiendas ng Passi,Taitay
at Tagui ay sa pamamahala ng Tondo.

Taong 1853 ng magsimula ang pampulitikang paghihiwalay at pagbubuo –


Probinsya ng Tondo ay ang bayan ng Antipolo, Bosoboso, Cainta at Taytay
at mga bayan ng Morong, Baras, Tanay, Pililla Angono, Binangonan at
Jalajala mula naman sa probinsya ng La Laguna.

Noong Agosto 23,1896 Unang Sigaw sa PugadLawin sa lugar ng Kalookan


na noo’y sakop pa ng Lalawiganng Rizal ay dito naganap ang unang
paghihimagsik ng mga Fipilino laban sa mga Espanya.

Taong Pebrero 4, 1899 sumiklab ang digmaang Filipino laban sa mga


Amerikano sa tulay ng San Juan.

Noong Pebrero 6, 1901, matapos ang sigalot sa pagitan ng Filipino-Espanol


at Filipino-Amerikano tinangkang itatag ang gobyerno-sibil sa bansa.

97
2. Pagtatalakayan ukol sa binasang teksto. Ilahad ang mga katanungan at
hayaang malayang sagutin ng mga bata ang mga tanong.
•Anong bantayog ang itinayo ngayon sa paggunita ng makasaysayang
pangyayari sa Kalookan na dati ay sakop pa ng Rizal?
•Bakit mahalaga ang mga ito sa paggunita ng kasaysayan ng isang pook?
•Mahalaga bang magkaroon ng bantayog upang gunitain ang mga
mahahalagang pangyayari? Bakit?
•Paano mo mapapahalagahan ang mga mahahalagang pangyayari sa
inyong lugar?

3. Pangkatang Gawain:
Gawain A - “Lights Camera Action!”
Hahatiin ang klase sa limang pangkat upang isadula o isalaysay ang
makasaysayang pangyayaring naganap sa lalawigan ng Rizal.
Gawain B- Slogan
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga makasaysayang pook /
pangyayari sa ating lalawigan?
Iguhit o isalaysay ito sa sagutang papel.
Gawain C - Mock Meeting
Magkakaroon ng kunwang pagpupulong at tatalakayin ang pagkakahati-hati
ng mga bayan sa lalawigan ng Rizal.

4. Pag- uulat/ Pagtalakay sa mga ipinakita ng bawat pangkat.


Anong bayan ang kabilang sa La Laguna?sa probinsya ng Tondo?
Sa iyong palagay sino ang namuno sa unang Sigaw sa PugadLawin? Sino
sa palagay mong bayani ang namuno sa labanan?
Sa iyong palagay, sino ang nanalo sa labanang Filipino at Amerikano?
Ipakita nga sa buong klase ang mahahlgang pangyayaring iyon?

5. Ipabuod ang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong :


Paano maipapakita ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
isang lalawigan?
98
IV.Pagtataya:

Panuto: Gumawa ng isang piping palabas tungkol sa mga kwento ng mga


makasaysayang pook o pangyayari sa ating lalawigan.

V. Takdang Aralin:

Magsaliksik ng isang pangyayaring naganap sa lalawigan ng Cavite.

Aralin 7 : Kahulugan Ng Mga Simbolo At Sagisag Ng


Aking Lalawigan(4.1 Cavite)
Bilang ng Araw : 1 araw
I. Layunin :

Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag ng lalawigan ng


Cavite.
II. Paksang Aralin :

Paksa : Mga Simbolo at Sagisag ng


Lalawigan ng Cavite
Kagamitan : Mga larawan ng mga simbolo , picture
puzzle , logo ng lalawigan ng Cavite
Sanggunian : K to 12 , AP3KLR – IIe-4

III. Pamamaraan :

Panimula - “ Buuin Mo… “

99
Papupunan ng guro sa mga bata ang nawawalang titik upang mabuo ang
salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan nito.

S B L
Ito ay tanda o tatak ng isang lugar.

A I A
Pagkakakinlan o tatak ng anumang bagay na
may kinalaman sa isang lugar.
Itatanong ng guro kung saan- saan nila nakikita ang mga simbolo o sagisag
na ito .

B. Paglinang

1. Itatanong ng guro sa mga bata kung sila ay


nakarating na sa lalawigan ng Cavite . Hayaang

magkuwento ang bata ng mga nakita nila sa


lalawigang ito.

2. Sasabihin ng guro na may mahalagang bagay na


sa isang lugar na dapat nilang malaman ang simbolo
o sagisag ng lalawigan.

Ipakikita ng guro ang logo ng lalawigan ng Cavite. Hayaang pag-aralan ito


ng mga bata.

100
4.Talakayin ang mga sumusunod na tanong:
Ano-anong mga larawan ang makikita sa logo ng lalawigan ng Cavite ?
Nakakita na ba kayo ng ganitong uri ng logo?
Saan ito malimit makita?

5.Ipabasa ang maikling kuwento tungkol sa kung paano


binuo ang logo ng lalawigan ng Cavite at ang
kahulugan ng mga sagisag.

Ang Kabite ay isang sa katimugang baybayin ng Look ng Maynila sa


rehiyon ng CALABARZON ng Luzon, 30 kilometro sa timog ng Maynila.
Trece Martires ang kabisera nito at ang nanatiling sentro ng pamahalaang
panlalawigan kung saan matatagpuan ang kapitolyo. Pinalilubutan ang
Kabite ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa Timog . Sa
kanluran matataguan ang dagat Timog Tsina.

Nagmula ang pangalang "Cavite" sa kinastilang salitang tagalog na kawit


na pinaikling kalawit, bilang pantukoy sa kalupaan sa tangway ng Kabite
na nakausli sa Look ng Maynila.Ang Kabite ay isa sa mga lalawigan
mabilis ang pag-angat ng ekonomiya sa Pilipinas dahil sa kalapitan nito sa
Metro Manila. Apat na SM Malls at tatlong Robinsons malls ang
matatagpuan sa lalawigan ng Kabite.

Ang dating pagsasaka ay nalahukan na ng mga industriya at mga kompanya


na gumagawa ng ibat ibang produkto na gamit di lang sa bansa kundi para
pangangailangan ng technologia sa ibang panig ng daigdig.

Ang lalawigan ng Cavite ang isa sa pinaka mayaman sa tradisyon sa ating


bansa. Maraming kapistahan ang ipinagdiriwang sa bawat barrio at bayan
101
nito. Ilan din dito ay ang kapistahan ni San Agustin sa Tanza, Sto Nino sa
Ternate, Sta Maria Magdalena ng Kawit, Sto Rosario de Caracol ng
Salinas, Birhen ng Candelaria sa Silang at ang Nuestra Señora de la
Ang kalakhan ng lalawigan ay patag at tumataas lamang patunong katimugan
patunong Tagaytay, kung saan ay matatanaw ang Lawa ng Taal sa Batangas.
Sa Lungsod ng Tagaytay makikita ang pinakamagandang tanaw ng Bulkan
Taal. Ang Lungsod ng Tagaytay ay ang pinakamataas na bahagi ng
lalawigan .Nahahati ang lalawigan ng limang pangunahing ilog: Ang
Maragondon, Labac, Cañas, Ilang-Ilang at ang ilog ng Imus, lahat ay patungo
sa Lawa ng Bay. Ang Kabite ay may dalawang uri ng Klima, ang panahon ng
Tag-tuyot,

Dahil sa makasaysayan at maituturing na isa sa mauunlad na


lalawigan , nakasaad sa logo nito ang sinasalamin ng laalwigan. Ang
dalawang taong nakalarawan ay naglalarawan ng kung anong uri ng
mamamayan mayroon ang lalawigan. Sinisimbolo ng dalawang taong ito
6. ang kasipagan
Talakayin ang ,mga
tiyaga , may pagmamahal
sumusunod na tanong :sa paggawa , at may pagsisikap
anumang uri ng hanapbuhay mayroon sila. Ang watawat ng Pilipinas ay
* Anong rehiyon
sumisimbolo nabibilang
sa pagmamahal ang lalawigan
sa lalawigan ng Cavite sa dangal at
, pagpapahalaga
kalayaang
* Gaano tinatamasa
ang layo ng lalawigan
isang lalawigan.
sa lungsod ng Maynila ?
* Mayaman rin ba sa mga likas na yaman ang lalawigan ?
* Ano ang masasabi ninyo sa uri ng klima sa Cavite ?
* Ano ang masasabi ninyo sa logo ng Cavite ?
kaugnayan ba ito sa kasaysayan ng lalawigan ? Paano ?
* Ano – ano ang makikita sa logo ng lalawigan ?
* Ano kaya ang sinasagisag ng bawat larawan ?
* Ano ang nagpapakilala sa isang lugar o lalawigan ?
* Ano-ano ang pangunahing hanapbuhay sa lalawigan ?
* May kaugnayan ba ang mga hanapbuhay na ito sa
larawang makikita sa simbolo ? Ipaliwanag .
* Mahalaga ba ang simbolo sa isang lalawigan ? Bakit ?
* Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na bumuo o
gumuhit ng simbolo ng inyong lugar o lalawigan , ganoon
din ba ang iguguhit mo ? Bakit ?

102
GAWAIN A “ Bihisan Mo … “
Lilikha ang mga bata ng sarili niyang logo o simbolo batay sa isinasaad ng
kasaysayan ng lalawigan ng Cavite.

GAWAIN B “ Buuin Mo… “


Aayusin ng mga bata ang ginupit –gupit na logo ng lalawigan . Ihanda ang sarili sa
pag-uulat ng sinasagisag ng simbolo o logo.

GAWAIN C “ Talino Mo , Gamitin Mo “


Sasagutin ng mga bata ang tanong upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
* Anong L ang tawag sa simbolo ng isang lugar ?
* Anong C ang lalawigang kabilang sa CALABARZON na
tinalakay natin ngayon ?
* Anong T ANG sumasagisag sa anumang uri ng hanapbuhay
ng mga Caviteno ?
* Anong K ang sumisimbolo sa tinatamasang buhay ng mga
Caviteno ?
* Anong W ang kinikilala bilang pagmamahal sa bansa o
lalawigan ?

7. Talakayin ang mga ginawa ng mga bata sa bawat gawain.


8. Bigyang diin ang natutuhan ng mga bata sa aralin.

IV . Pagtataya

Lagyan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang


isinasaad ng talata . Piliin sa ibaba ang wastong
sagot.

Ang dalawang taong nakalarawan sa logo ng lalawigan ng __________


ay kumakatawan sa anumang uri ng hanapbuhay mayroon sa lalawigan na

103
sinasagisag ang _____________, _____________ at ______________ .
Ang watawat ng Pilipinas ay sumisimbolo sa pagmamahal sa ___________
at pagpapahalaga sa _______ at sa _________.

dangal kasipagan Kalayaan

Cavite Rizal

tiyaga pagmamahal sa paggawa lalawigan

barangay batas

V.Takdang Gawain
Magsaliksik ng mga logo ng mga bayan sa lalawigan ng
Cavite. Idikit sa kuwaderno.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III – TES

Aralin 7 : Kahulugan Ng Mga Simbolo At Sagisag Ng


Aking Lalawigan(4.2 Laguna)
Bilang ng Araw : 1 araw

104
I. Layunin :

1. Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag


ng lalawigan ng Laguna .

II. Paksang Aralin :

Paksa : Mga Simbolo at Sagisag ng Lalawigan ng


Laguna
Kagamitan : Mga larawan ng mga simbolo ,
logo ng lalawigan ng Laguna
Sanggunian : K to 12 , AP3KLR – IIe-4

III. Pamamaraan :

Panimula - “ Awitin Mo at Isasayaw Ko “


Itatanong ng guro sa mga bata kung nakarating na sila sa Laguna . Hayaang
magkuwento ang bata ng kanilang karanasan.
Iparirinig ng guro ang awit sa mga bata gamit ang DVD / CD. Hayaang
sumabay ang mga bata sa awit.
Sasabihin ng guro na tumayo at sabay-sabay na await kasabay ng paggalaw
ng katawan .

Laguna : by Sampaguita

Ah hah hah hah hah hah hah hah hah 4x


Halika ka na sa kabukiran, at ang paligid ay masdan
Sari-saring mga tanawin , ang makikita sa daan
Sariwang hangin sa tabing baybayin
Parang pangarap na tanawin
Bundok na kagubatan , gintong palayan
105
malawak na karagatan

Mga ibong nagliliparan At pagdapo’y nag-aawitan


Mga punong nagtataasan para-paraisong tingnan
Ibang paningin ang mapapansin
Na gigising sa iyong damdamin
Malalagim ka sa iyong makikita
Pagkat walang kasing ganda

( Laguna ) ng ito ay marating


( Laguna ) Para bang ako’y nagbago
( Laguna ) Kakaibang damdamin
Kung iisipin mo.

Laguna ay isang larawan , ng tunay na kaligayahan


Ito ay Ina ng Kalikasan , na nasa puso ninuman
Kahit nasaan ay nasa isipan at nararamdaman
Sa paglalakbay ay lagging kasama ko ang magandang karanasan
( Laguna ) ng ito ay marating ko
( Laguna ) Para bang ako’y nagbago
( Laguna ) kakaibang damdamin
Kung iisipin ko
Ah hah hah hah hah hah hah hah hah

Tatalakayin ang nilalaman ng awit.


* Anong lalawigan ang tinutukoy na larawan ng
kaligayahan ?
* Mahal ba ng mga taga Laguna ang kanilang
lalawigan ? Bakit ?
* Ipaliwanag kung paanong nagbago ang

106
pakiramdam ng marating ang lugar na ito ?
* Ano-anong likas na yaman ang binanggit sa awit ?
* Kaya mo bang ipagmalaki sa iba na may roong
magagandang lalawigan na bumabalot sa
rehiyon katulad ng sa Laguna ?
* Nais mo rin bang marating at masilayan ang
kagandahan ng lalawigan ? Bakit ?
B. Paglinang
1. Itatanong ng guro kung nakita na nila ang tatak o
pagkakakilanlan ng lalawigan ng Laguna .

Ipakikita ng guro ang logo o simbolo ng lalawigan ng


Laguna .

Hayaang pag-aralan ng mga bata ang logo ng lalawigan.


Itanong :
Ano ang nakikita ninyo sa logo ?
Ano kaya ang sinasagisag ng bawat larawan sa
logo o simbolo ?

107
Ipababasa ng guro ang ilang impormasyong pagkakakilanlan sa lalawigan ng
Laguna.

Ang Laguna ay isang lalawigan ng Pilipinas na


matatagpuan sa bahagingCALABARZON sa
Luzon. Santa Cruz ang luklukan ng pamahalaan
nito at matatagpuan sa timog-silangan ng
Kalakhang Maynila, timog ng lalawigan ng
Rizal, kanluran ng Quezon, hilaga ng Batangas
at silangan ng Cavite. Halos pinapaligiran ng
Laguna ang Laguna de Bay, ang
pinakamalaking lawa sa bansa. Nakuha ng
lalawigan ang pangalan nito mula sa Kastilang
salita na lago, na nangangahulugang lawa.

Kilala ang Laguna bilang pook ng


kapanganakan ni José Rizal, ang
pambansang bayani ng Pilipinas. Kilala
din sa mga dayuhang namamasyal ang
Talon ng Pagsanjan, Liwasang Bayan ng
Pila, Laguna, ang mga inukit na kahoy
na nilikha na mga tao sa Paete at Pakil,
ang mga maiinit na bukal sa Los Baños
sa gulod ng Bundok
108 Makiling at ang
Hidden Valley Springssa Calauan.
Ang pangalan ng lalawigan ng Laguna ay isinunod sa
Laguna de Bay, isang bahagi ng katubigan na bumubuo
sa hilagang hangganan ng lalawigan. Ang Laguna de
Bay naman, ay isinunod sa pangalan ng bayan ng Bay
(Ang salitang Laguna de Bay ay hango sa salitang
Kastila na nangangahulugang "Lawa ng Bay"), ang
pinakaunang punong bayan ng lalawigan.

Makikita sa simbolo o logo ang Malaki at malawak


na katubigan na nakapaligid sa lalawigan . Ito ay
sumasagisag sa pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga taga
Laguna . Ang lahat ng yaman na nakukuha sa dagat ang
isang dahilan ng maunlad at masaganang lalawigan, Ang
mga puno na siyang nagbibigay ng pagkakakitaan ng mga
tao. Mayaman ang lalawigan sa likas na yaman . Kaya’t
gayon na lamang ang kanilang pagmamahal at pangagalaga
sa kalikasan.
5. Talakayin ang nilalaman ng talata.
Itanong :
* Saan matatagpuan ang lalawigan ng Laguna ?
* Ano ang nakapaligid sa Laguna de Bay na
pinakamalaking lawa sa bansa ?
* Ano-anong magagandang pook sa Laguna ang
binanggit sa talata?
* Ano –ano ang makikita sa logo ng lalawigan ?
* Angkop ba ang logo sa isinasaad ng talata ?
* Ano kaya ang sinasagisag ng malaking katubigan ?
* Ano ang pakahulugan ng mga puno na nasa logo ?
* Mahalaga ba para sa isang lalawigan ang magkaroon
ng sariling simbolo o logo ? Bakit ?
109
GAWAIN A - “ Hanapin Mo “
Ipahahanap ng guro ang mga salita sa loob ng puzzle na may kinalaman sa mga
bagay na makikita sa lalawigan ng Laguna.

L D Y E H U K P
I A R M U Y Z U
V G W B G D L N
D A F A H S A O
E T A L O N G M
O M N J A L U T
B U K A L P N O
T S O G U B A T

GAWAIN B - “ Hulaan Mo”


Pagbibigayin ang mga bata ng mga sagot upang mabuo ang diwa ng talata.

Mayaman sa _______K_______ ang lalawigan ng Laguna. Ito ang


pangunahin nilang ______P_________ ng ikabubuhay. Napaliligiran ng Laguna
ang _____LB_______. Sariwa at malinis na
____ H____ Maraming tao ang pumapasyal sa lalawigan dahil maraming
_______MP _________ ang matatagpuan dito.

GAWAIN C - “ Paganahin Mo ” ( Pangkatang Gawain )


Iguguhit ng mga bata ang kalikasan sa lalawigan ng Laguna.Pagaganahin nila ang
kanilang imahinasyon upang makalikha ng magandang larawan ng lalawigan.
Bigyang buhay ang larawan.

110
6.Talakayin ang natapos na gawain ng mga bata.
7. Bigyang diin ang natutuhan ng mga bata sa aralin.

IV. Pagtataya

Piliin ang titik na nagsasaad ng tungkol sa nilalaman ng logo ng


lalawigan ng Laguna.
Ang malaking katubigan ay sumasagisag sa Laguna de Bay .
Iba’-ibang klase ng puno ang makikita sa lalawigan ng
Laguna.
Mayaman ang lalawigan sa mga likas na yaman.
Pawang mga malalaking gusali lamang ang pinagkakakitaan
sa lalawigan ng Cavite.
Malayo sa polusyon ang mga nakatira sa lalawigan.
Malinis na kapaligiran ang maaasahan mo sa ganitong uri ng kapaligiran.
Walang pag-unlad sa lalawigan ng Laguna dahil kalikasan lamang ang
pinagkukunan ng ikabubuhay.

V. Takdang Gawain

Magtipon ng mga larawan ng magaganda at


makasaysayang pook sa lalawigan ng Laguna.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III -TES

111
Aralin 7 : Kahulugan Ng Mga Simbolo At Sagisag Ng
Aking Lalawigan(4.3 Batangas)
Bilang ng Araw : 1 araw

I. Layunin :

1. Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag


ng lalawigan ng Batangas .

II. Paksang Aralin :

Paksa : Mga Simbolo at Sagisag ng Lalawigan ng


Batangas
Kagamitan : Mga larawan ng mga simbolo ,
logo ng lalawigan ng Batangas
Sanggunian : K to 12 , AP3KLR – IIe-4

III. Pamamaraan :

Panimula - “ Awitrap
Aawitin ng mga bata na sasaliwan ng rap sa tono ng “ Mga Kababayan Ko

Mga kababayan ko, halina’t pasyalan ako

Batangas lang naman ito , na maipagmamalaki ninyo

Kalikasan ay number I , na siya naming pinagkukunan

Maraming pook na pasyalan , na inyong matutuklasan

Ang lahat magnanais , na dito’y manirahan

Kaya’t ang hamon ko sa inyo , subukan ninyo naman ako


2. Tatalakayin ang awit rap
BATANGAS ang pangalan , na kailangang puntahan
112
Itanong :

Anong lugar ang nag-aanyaya na siya ay puntahan?


Bakit niya inaanyayahan ang kanyang mga kababayan ?
Anong mayroon sa Batangas ?
Nais mo pa rin bang puntahan ang lugar na ito kahit
napuntahan mo na ? Bakit ?

B. Paglinang

1. Itatanong ng guro sa mga bata kung nasiyahan sila sa likhang


awit rap .
2. Sasabihin na ang inawit ay may kinalaman sa bagong aralin.
3. Ipakita ang logo ng Lalawigan ng Batangas.
Itanong :
* Ano-ano ang makikita sa logo
* Alam ba ninyo kung ano ang sinasagisag ng kabayo ?
karagatan ? barko ? ng prutas ?

4. Pag-aaralan ng mga bata ang nilalaman ng talat

Ang lalawigan ng Batangas ay matatagpuan sa timog-


kanlurang parte ng Luzon at kabilang sa rehiyon ng

113
CALABARZON. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Batangas
at napapalibutan ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Quezon. Kilala ang
Batangas bilang isa sa mga pinakamagandang destinasyon para magbakasyon dahil
sa mga resort at diving spots na makikita rito. Ilan sa mga pinakakilalang mga
resort ay ang Anilao na matatagpuan sa bayan ng Mabini, Matabungkay at Punta
Fuego sa bayan ng Nasugbu, Calatagan, at Laiya. Matatagpuan din ang Bulkan ng
Taal, na kilala bialng isa sa mga Decade Volcanoes sa Batangas. Kilala rin ang
lalawigan bilang “Puso ng Katagalugan”.

Ang mga salitang “Batangueño” o “Batangueña” ay ginagamit bilang paglalarawan


sa mga tao o bagay na nagmula sa Batangas.

Ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Batangueño ay ang pagsasaka at


pangingisda, dahil na rin sa lokasyon ng lalawigan. Kilala rin ang mga ito bilang
malakas sa pag-inom ng alak at pagkain ng matatamis. Isa sa mga itinuturong
dahilan nito ang Central Azucarera Don Pedro, na itinuturing na pinakamalaking
tagagawa ng asukal sa buong bansa. Isa naman sa pinakakilalang produkto ng
lalawigan ang kapeng barako, gayon din ang balisong.

Sa simbolo o logo ng lalawigan ng Batangas makikita rito ang larawan ng


isang kabayo na sumasagisag sa pagiging maliksing kumilos ng mga mamamayan
ng Batangas. Ang karagatan na sumasagisag sa hanapbuhay ng mga tao . may
larawan ng barko na sumisimbolo sa kanilang kalakal o paninda. Isa rin sa mga
larawan sa bahaging ibaba ng logo ang prutas na sumasagisag sa ani ng mga taga
Batangas.

Batangas … lalawigang pinagpala.

5. Talakayin ang nilalaman ng talata.


* Ano ang pangunahing produktong pinagkakakitaan
sa lalawigan ng Batangas ?
* Ano pa ang pangunahing hanapbuhay o
pinagkakakitan sa lalawigang ito ?

114
* Ano kaya ang sinasagisag ng kabayo sa logo ng
lalawigan ? ng karagatan ? ng barko ? ng prutas ?
* May kinalaman ba ang mga larawan sa logo sa
hanapbuhay ng mga tao ?
* Ano ang bahaging ginagampanan ng simbolo o ng
logo at kailangang mayroon nito sa bawat lugar ?

GAWAIN A “ Itala Mo ‘
Gamit ang graphic organizer itatala ang mga bata ang mga makasaysayang pook ,
hanapbuhay at mga produkto ng lalawigan.
Makasysayang Pook Hanapbuhay Produkto

GAWAIN B “ Pasyalan Mo “( Indibiduwal na Gawain )


Papipiliin ang mga bata ng isa sa mga magagandang pook –pasyalan na nais nilang
mapuntahan sa lalawigan . Ipapaliliwanag kung bakit nais nila itong puntahan.

GAWAIN C “ Tulain Mo “ ( Indibiduwal na Gawain )


Ipababasa sa mga bata ang maikling tula ng may damdamin.
Gawin ito sa harap ng klase.

Mahilig ako sa kalikasan ,


Kaya’t anumang layo ito’y aking pupuntahan
Dadamhin ko ang kaligayahan
Ng medyo maiba naman ang karanasan
Pasyal dito , ligo doon

115
Simba syempre sa Poon
Huwag palalampasin
Pagkakataon ay damhin
Sagot sa iyong isipin
Batangas po lamang kung nanaisin
6.Talakayin ang natapos na gawain ng mga bata.
7. Bigyang diin ang natutuhan ng mga bata sa aralin.

IV . Pagtataya.
Punan nang wastong sagot ang bawat patlang . Piliin sa ibaba ang tamang
sagot.
Ang lalawigan ng Batangas ay may sariling ______.
May __________ ang bawat larawan na makikita sa logo.
Ang ___________ ay sumasagisag sa liksi ng mga Batangueno.
Samantalang ang ___________ ay sumisimbolo sa hanapbuhay ng mga tao
sa lalawigan.
Ang logo o simbolo ang siyang ___________ ng lalawigan.

Batas pagkakakilanlan pera

Logo karagatan kabayo

kahulugan

V. Takdang Gawain

Magsaliksik ng mga logo o simbolo ng bawat bayan sa laalwigan ng


Batangas.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III – TES
116
Aralin 7 : Kahulugan Ng Mga Simbolo At Sagisag Ng
Aking Lalawigan(4.4 Quezon)
Bilang ng Araw : 1 araw

I. Layunin :

1. Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag


ng lalawigan ng Quezon .

II. Paksang Aralin :

Paksa : Mga Simbolo at Sagisag ng Lalawigan ng


Quezon

117
Kagamitan : Mga larawan ng mga simbolo ,
logo ng lalawigan ng Quezon
Sanggunian : K to 12 , AP3KLR – IIe-4

III. Pamamaraan :

Panimula - “ Tulain Mo “
Pakikinggan ng mga bata ang likhang tula ng guro.

Kahit saan , kahit kaylan ,


QUEZON ang pangalan
Mapa daan , mapa bayan
Pati na rin sa lalawigan
Maging sa pangkat sa eskwelahan
Ginagamit na katawagan
Kilalang kilala lalo na sa pangalan
Anim na letra po lamang
Inyong tatandaan
Maraming nagawang di malilimutan
At tunay na maitatanim sa ating isipan.

Tatalakayin ang tula


Itanong :
Ano raw ang malimit na marinig na pangalan?
Saan – saan daw ito matatagpuan ?
San ito ginagamit ?
Sino ang kilala ninyong Quezon na may
nagawang kabayanihan ?

Paglinang

118
Sasabihin ng guro na ang pag-aaralan ay may kaugnayan sa tulang binasa
kanina.
Pagmamasdan ng mga bata ang opisyal na logo ng
lalawigan ng Quezon
Talakayin ang larawan sa logo.
Itanong :
* Ano ang nakikita ninyo sa opisyal na logo ?
* Ano ang kaya ang sinasagisag ng mga larawang ito ?

4. Babasahin ng mga bata ang talata tungkol sa lalawigan


ng Quezon.

Ang Quezón ay isang lalawigan sa Pilipinas.


Pinalilibutan ito ng mga lalawigan ng Camarines Sur,
Camarines Norte, Aurora , Laguna,at Batangas. Kabilang
din sa lalawigang ito ang mga Isla ng Polilio na nasa
Dagat ng Pilipinas

Pangunahing pinagkukunan ng produktong niyog ang


lalawigang ito na ginagamit sa mga produkto tulad ng
langis ng niyog at copra. Maraming mga planta ng niyog
ang matatagpuan sa malaking bahagi ng lalawigan. Isa
ring pangunahing bahagi ng ekonomiya ng Quezon ang
pangingisda.

119
Makikita sa simbolo na siyang pinagkakakilanlan ng
isang lalawigan ang larawan ng karagatan na
sumisimbolo sa iba’t-ibang yamang dagat na makukuha
dito. Ang puno na sumisimbolo sa mga niyog na naaani
ng mga taong ang hanapbuhay ay pagtatanim. Ang
kabundukan ay sumasagisag sa lahat ng pananim na
siyang pinagkakakitaan ng mga mamamayan sa
lalawigan. Ang larawan ng tao na siyang namumuno at
nagpapatakbo para sa ikakaganda ng isang lalawigan.
Ang araw ay sumisimbolo sa liwanag na tanda ng
maaliwalas na lalawigan. Ang bahaghari na nagbibigay
kulay sa ganda ng buhay sa lalawigan.

5. Talakayin ang nilalaman ng talata.


* Ano ang pangunahing produktong pinagkakakitaan
sa lalawigan ng Quezon ?
* Ano pa ang pangunahing hanapbuhay o
pinagkakakitan sa lalawigang ito ?
* Ano kaya ang sinasagisag ng karagatan sa logo ng
lalawigan ? ng puno ? ng bahaghari ? ng araw ? ng
kabundukan ?
* May kinalaman ba ang mga larawan sa logo sa
hanapbuhay ng mga tao ?
* Ano ang bahaging ginagampanan ng simbolo o ng
logo at kailangang mayroon nito sa bawat lugar ?

GAWAIN A - “ AKROSTIK “ ( Pangkatang Gawain )


Bubuo ng Akrostik ang mga bata mula sa pangalang
Quezon na ang isinasaad ay ang lahat ng mga bagay na
makikita sa lalawigan.

GAWAIN B - “ Ipagmalaki Mo “
Pupunta sa unahan ang mga bata at isa –isa nilang
120
ipapahayag sa harap ng klase ang ganda ng buhay sa
lalawigan ng Quezon.
Halimbawa : Nais kong manirahan sa lalawigan ng Quezon
dahil…

GAWAIN C - “ Dugtungan Mo “
Dudugtungan ng mga bata ang pangungusap upang
mabuo ang diwa ng pangungusap.
Matagal ko ng pangarap ang makarating sa lalawigan ng
___________ . Maliligo agad ako sa _________ dahil nais kong
madama ang lamig ng ______. Kakain ako ng sariwang _______
Papasyalan ko ang buong __________. Susulitin ko ang _____ sa
______________ dito.

6. Talakayin Ang natapos na gawain ng mga bata.


7. Bigyang diin ang natutuhang aralin.

IV. Pagtataya
Pag-aralan ang logo ng lalawigan at ilagay sa tapat ng larawan ang sinasagisag
nito.

1. ________

121
2.________

3. _______

5. __________

4. _________
Takdang Gawain
Magsaliksik ng mga logo ng mga bayan sa lalawigan
ng Quezon. Idikit sa kuwaderno.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III –TES

122
Aralin 7 : Kahulugan Ng Mga Simbolo At Sagisag Ng
Aking Lalawigan(4.5 Rizal)
Bilang ng Araw : 1 araw

Layunin :
Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag ng sariling
lalawigan at rehiyon.

Paksang Aralin :
Paksa : Mga Simbolo at Sagisag ng
Lalawigan ng Rizal
Kagamitan : Mga larawan ng mga simbolo , picture
puzzle , logo ng lalawigan ng Rizal
Sanggunian : K to 12 , AP3KLR – IIe-4

Pamamaraan :
Panimula -“ Show and Tell”
Magpakita ng isang kahon. Sa loob ng kahon ay maglagay ng mga larawan
tulad ng isda, palayan, kalapati, teknolohiya at larawan ng ating pambansang
bayani.
Tumawag ng ilang bata upang bumunot ng larawan mula sa kahon.
Hayaang ibigay ng mga bata ang ngalan ng larawan at ipasabi ang katangian
nito.
Halimbawa:
isda- masarap
palayan - malawak
123
kalapati - malaya
teknolohiya - maunlad
larawan ni Rizal - pambansang bayani
Magbigay ng ilang mga tanong batay sa ginawang laro:

* Ano-anong mga larawan ang nasa loob ng

kahon?

* Ang mga larawan ba sa loob ng kahon ay


nakikita ninyo sa inyong lugar?

* Ano-anong mga katangian ang ibinigay


ninyo sa mga larawan?

* Kapag nakakita ka ng isda, ano ang


sinisimbolo nito? (Ipaliwanag ang salitang
simbolo)

* Ano ang sinisimbolo ng palayan?


teknolohiya?Dr. Jose Rizal? kalapati? at krus?
( Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara)

Paglinang

Ipakita ang logo ng lalawigan ng Rizal. Hayaang pag-aralan ito ng mga bata.

Talakayin ang mga sumusunod na tanong:

124
Ano-anong mga larawan ang makikita sa logo ng lalawigan ng Rizal?
Nakakita na ba kayo ng ganitong uri ng logo?
Saan ito malimit makita?
Ipabasa ang maikling kuwento sa pinagmulan na nagbibigay kahulugan na
sumisimbolo sa logo ng lalawigan ng Rizal.
Nakarating ka na ba sa lalawigan ng Rizal ?

Ang lalawigan ng Rizal ay matatagpuan sa rehiyon ng CALABARZON sa Luzon


. Nasa hanggahan ng Kalakhang Maynila sa kanluran ang lalawigang ito , Bulacan sa
hilaga , Quezon sa silangan at Laguna ng timog.Nakahimlay sa hilagang baybayin ng
Lawa ng Laguna . May layo itong 20 kilometro sa Maynila. Binubuo ang lalawigan
ng 13 munisipalidad , ang Angono , Binangonan , Cainta , Cardona , Jalajala ,
Morong , Pililia , Rodriguez, San Mateo , Tanay , Taytay at Teresa at isang lungsod
ng Antipolo na siyang kabesera . Hango sa pangalan ng ating Pambansang Bayani na
si Dr. Jose Rizal ang lalawigan.

Bawat lalawigan ay may sari-sariling simbolo na siyang nagpapakilala sa


lalawigan . Sa katunayan hinati sa limang bahagi ang simbolong ito . Sa bahaging
itaas , mapapansin ang larawan ng kalapati na sumasagisag sa pagiging malaya ng
lalawigan , sa kanang bahagi naman ay larawan ng korona , aklat at krus na
nagpapakilala na pagiging matagumpay , matalino at Makadiyos ng mga taong
naninirahan dito . Sa gitnang bahagi ay ang larawan n gating pambansang bayani na si
Dr. Jose Rizal na sumasagisag sa pagiging matapang ng mga Rizalenos. Makikita sa
kaliwang bahagi sa ibaba ang larawan ng iba’t –ibang teknolohiya na sumasagisag sa
pagiging maunlad ng lalawigan. Larawan naman ng palayan at isda ang nasa gawing
ibaba sa kanan na nagpapakita mayaman sa ang lalawigang ito sa mga likas na yaman.
Pangunahin
Ang nilang
simbolohanapbuhayang pagsasaka , pagbababuyan
ay tunay na nagpapakilala kung ano ang, mayroon
pangingisda at
sa isang
pakikipagkalakalan.
lalawigan . Mahalaga ang ginagampanan ng simbolong ito upang lubos na makilala at
matandaan ang lalawigan ng Rizal .

May simbolo rin ba ang lalawigan ninyo ? May pagkakahawig ba ito sa simbolo
ng lalawigan ng Rizal ?

ka na ba sa Narito ang opisyaldrado na simbolo ng lalawigan ng Rizal . Makikita ang mahahalagang


kasaysayan ng lalawigang ito. Ano kaya ang pinapakita ng sagisag ng lalawigan ?
Anong rehiyon nabibilang ang lalawigan ng
125
Rizal ?
Ano-anong munisipalidad ang bumubuo sa
lalawigan ng Rizal ?
Gaano ang layo ng lalawigan sa lungsod ng
Maynila ?
Ano ang nagpapakilala sa isang lugar o
lalawigan ?
Sa ilang bahagi hinati ang mga larawan sa
simbolo ?
Anong larawan ang makikita sa kanang
bahagi sa itaas ng simbolo ? Ano ang
sinasagisag nito ? sa kaliwang bahagi sa
itaas ? sa gitnang bahagi ? sa kaliwang
bahagi sa ibaba ? sa kanang bahagi sa
ibaba?
Ano-ano ang pangunahing hanapbuhay sa
lalawigan ?
May kaugnayan ba ang mga hanapbuhay
na ito sa larawang makikita sa simbolo ?
Ipaliwanag ?
Mahalaga ba ang simbolo sa isang
lalawigan ? Bakit ?
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na
bumuo o gumuhit ng simbolo ng inyong
lugar o lalawigan , ganoon din ba ang
gagawin mo ? Bakit ?

Gawain A “Pagbuo ng puzzle”


Bigyan ang mga mag-aaral ng picture puzzle
na nasa envelop ( ginupit – gupit na larawan ng
logo). Ipadikit ang nabuong puzzle sa manila
paper. Ipabuo ang puzzle sa loob ng dalawang
minuto .
126
Gawain B“ Kaya Mo Yan”
Isulat ang simbolo ng mga sumusunod na larawan.

(ilagay ang mga larawan)

Gawain C
Isulat ang tamang sagot ayon sa hinihingi ng pangungusap.

Ang palayan ay sumisimbolo ng ______________.

b. Ang isda ay sumisimbolo ng _____________.

c. Sinasagisag ng teknolohiya ang _________.

d. Ang krus , bibliya at korona ay sumisimbolo ng ____.

e. Si Dr. Jose Rizal ang ating _____________.

Pagtataya

Panuto : Punan ng sagot ang bawat patlang sa


talata.

Ito ang opisyal na simbolo ng


lalawigan ng Rizal. Makikita ang
mahahalagang sagisag ng lalawigan .
May limang bahagi ang simbolo, ang
unang bahagi ay ang kalapati na
ipinahihiwatig ay ________ . Ang ikalawang larawan ay
ang krus, bibliya at korona na sumisimbolo ng __________. Ang
teknolohiya naman ay sumasagisag ng _____________. Ang nasa gitna ay
ang larawan ni ________ na ating pambansang bayani. Sa bahaging ibaba
naman ay ang palayan at isda na ipinahihiwatig ang __________.
127
Takdang Gawain

Magsaliksik sa mga simbolo o sagisag ng inyong

pook o bayan o karatig lalawigan. Ihambing ito sa


aralin ngayon.
Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III, Teresa ES

Aralin 8: Ilang Simbolo At Sagisag Ng Nagpapakilala Sa


Iba’t ibang Lalawigan Sa Rehiyon (5.1)

Takdang Panahon: 1 araw

I. Layunin
1. Nasusuri ang mga simbolo at sagisag ng lalawigan ng
Laguna;
2. Naihahambing ng ilang simbolo at sagisag na
nagpapakilala ng iba’t ibang lalawigan sa sariling rehiyon.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagpapahalaga sa mga Sagisag ng Kinabibilangang
Lalawigan at Rehiyon
Kagamitan: larawan ng sagisag at simbolo ng lalawigan ng
Laguna
Sanggunian: K to 12, AP3KLR-IIf-5
Integrasyon: Sining , Filipino

III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Magbalik-aral sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga
kahulugan ng ilang simbolo at sagisag ng lalawigan ng
Rizal. ( Maghahanda ang guro ng mga larawan ng
simbolo at ididikit ito sa pisara). Kukuha ang isang mag-
128
aaral ng larawan ng simbolo at sasabihin nito kung ano
ang kahulugan nito.
2. Itanong: Nakapunta na ba kayo sa lalawigan ng Laguna?
Magkaroon ng talakayan tungkol sa kanilang karanasan
sa pagpunta sa lalawigan ng Laguna. Hayaang maibigay
ng mga bata ang mga produkto at likas yaman sa
lalawigan.

B. Paglinang
1. Ipakita ang larawan ng logo ng lalawigan ng Laguna.
Hayaang pag-aralan ito ng mga mag-aaral.

2. Talakayin ang mga sumusunod na tanong:


a. Ano-anong mga larawan ang makikita sa logo ng
Laguna?
b. Ano kaya ang kahulugan ng mga larawang ito?
3. Ipabasa ang maikling sanaysay tungkol sa kahulugan ng
mga larawang sumisimbolo sa logo ng lalawigan ng
Laguna.Tulad ng lalawigan ng Rizal, ang lalawigan ng Laguna
ay mayroon ding sariling logo o seal na nagpapakilala sa
lalawigan.

Ang mga puno ng niyog at sumisimbolo sa mayamang


industriya nila ng bukuhan. Maraming mga produkto mula sa
buko ang kilala sa probinsya. Ilan sa mga ito ay ang buko pie at
lambanog. Ang talon ay kumakatawan sa maraming anyong
tubig na matatagpuan sa lalawigan. At ang mangingisda ay
nagpapakilala sa pangunahing hanapbuhay ng lalawigan.

4. Talakayin ang mga sumusunod na tanong:


 Ano-ano ang mga larawan na makikita sa seal ng Cavite?
 Ano ang kahulugan ng bawat larawan sa seal ng Cavite?
129
 May kaugnayan ba ang mga larawan sa mga katangian ng mga tao sa
lalawigan ng Cavite?
 Ano ang pagkakatulad ng simbolo sa logo ng lalawigan ng Rizal at
Cavite?
 Paano naman naiiiba ang simbolo ng lalawigan ng Rizal sa lalawigan ng
Cavite?
 Paano ipinapakita sa seal ang kanilang natatanging pagkakakilanlan
bilang mga lalawigan?

Gawain A “Pagbuo ng Puzzle”


Bigyan ang mga mag-aaral ng picture puzzle na nasa envelop
( ginupit-gupit na larawan ng logo ng mga lalawigan ng Rizal at Laguna). Ipadikit
ang nabuong puzzle sa manila paper.

Gawain B Pangkatang Gawain


Paghambingin ang mga simbolo ng mga lalawigan ngn Rizal at
Laguna gamit ang Venn Diagram. Ano-ano ang pagkakaiba at ano-ano ang
pagkakapareho nito?

Rizal Laguna
IV. Pagtataya
Alin sa dalawang lalawigan ang tinitukoy ng mga katangian na ito batay sa
kanilang opisyal na simbolo? Maaaring ilagay ang lalawgan sa marami o lahat ng
kolum.

Katapangan Kasipagan Pagpapahalaga sa


Kalikasan

Pagpapahalaga sa Pagpapahalaga sa Diyos


Hanapbuhay

130
V. Takdang Gawain
Magsaliksik ng karagdagang impormasyon tungkol sa sagisag ng lalawigan
ng Laguna.

Inihanda ni:

Aralin 8: Ilang Simbolo At Sagisag Ng


Carrie Ann D. Bautista
MCSJES / Cardona Nagpapakilala Sa Iba’t ibang
Lalawigan Sa Rehiyon(5.2)

Takdang Panahon: 1 araw

I. Layunin
1. Nasusuri ang mga simbolo at sagisag ng lalawigan ng
Cavite;
2. Naihahambing ng ilang simbolo at sagisag na
nagpapakilala ng iba’t ibang lalawigan sa sariling rehiyon.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagpapahalaga sa mga Sagisag ng Kinabibilangang
Lalawigan at Rehiyon
Kagamitan: larawan ng sagisag at simbolo ng lalawigan ng
Cavite, roleta
Sanggunian: K to 12, AP3KLR-IIf-5
Integrasyon: Sining , Filipino

III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Maghahanda ang guro ng isang roleta na kung
saan nakadikit ang mga simbolo sa sagisag ng Cavite tulad
ng araw, magsasaka,mangingisda, kalasag, kulay pula,
asul,puti, dilaw.
2. Paiikutin ng isang mag- aaral ang roleta at kung saang
larawan ito tumigil ay sasabihin nito kung ano ang
katangian nito.

3. Magbigay ng ilang mga tanong tungkol sa ginawang laro.


 Ano-anong mga larawan ang nasa roleta?

131
 Ang mga larawan ba sa loob ng kahon nakikita ninyo sa inyong
lugar?
 Ano-anong mga katangian ang ibinigay ninyo sa mga larawan?
 Kapag nakakita ka ng kulay pula, ano ang
 sinisimbolo nito?
II. Paglinang
(Bago pa magsimula ang aralin ay magtakda na ng anim na
mag-aaral na magsisilbing mga “reporters” tungkol sa
mga sagisag at simbolo ng lalawigan ng Laguna. Bigyan
ang mga mag-aaral ng kopya ng balita at larawan ng
sagisag bago magsimula
ang klase upang kanilang mapag-aralan.)
1. Sabihin: Nakapanood na ba kayo ng TV Patrol o 24 Oras?
Sino-sino ang mga mapapanood natin doon?
Ano ang ginagawa nila? Bakit kailangan nating
malaman ang mga balita?
Ngayon, ay makakapanood tayo ng isang balita
tungkol sa sagisag ng lalawigan ng Cavite.
2. Tawagin sa harap ng klase ang mga “reporters” upang
mag-ulat sa klase.

Ang magsasaka at mangingisda ay sumisimbolo sa


hanapbuhay at pangunahing ikinabubuhay ng mga
mamamayan sa Cavite.

Ang hugis kalasag ay sumisimbolo sa katapangan


ng mga Caviteno. Ang mga kulay nito na pula, puti, asul
at dilaw ay sumisimbolo sa katapatan ng mga
mamamayan sa kanilang pamahalaan.

Ang walong sinag ay kumakatawan sa walong


lalawigang lumaban sa mga Espanyol noong 1896
kabilang na rito ang Cavite.

Ang “obelisk” naman ay alaala ng 13 martir ng Cavite


na pinatay ng mga Espanyol noong Setyembre 12, 1896.

132
Ang watawat ay sumisimbolo sa pagiging
Makabansa ng mga Kabitenyo at ang piyesa ng
musika ay sumisimbolo kay Julian Felipe,
kompositor ng ating Pambansang Awit.

3. Pagkatapos mag-ulat ay ididikit ng mga mag-aaral ang mga bahagi ng


sagisag sa isang malaking larawan ng sagisag upang mabuo ito.

4. Talakayin ang mga sumusunod na tanong:


 Ano-ano ang mga larawan na makikita sa seal ng Cavite?
 Ano ang kahulugan ng bawat larawan sa seal ng Cavite?
 May kaugnayan ba ang mga larawan sa mga katangian ng mga tao sa
lalawigan ng Cavite?
 Ano ang pagkakatulad ng simbolo sa logo ng lalawigan ng Rizal at
Cavite?
 Paano naman naiiiba ang simbolo ng lalawigan ng Rizal sa lalawigan ng
Cavite?
 Paano ipinapakita sa seal ang kanilang natatanging pagkakakilanlan
bilang mga lalawigan?

Gawain A
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bawat pangkat ay bibigyan ng
envelop na naglalaman ng mga piraso ng puzzle na bubuo sa logo ng Rizal at
Cavite.

Gawain B
Pangkatang Gawain
Paghambingin ang mga simbolo ng mga lalawigan ng Rizal at Cavite gamit
ang Venn Diagram. Ano-ano ang pagkakaiba at ano-ano ang pagkakapareho nito?

Rizal Cavite
IV. Pagtataya

133
Alin sa dalawang lalawigan ang tinitukoy ng mga katangian na ito batay sa
kanilang opisyal na simbolo? Maaaring ilagay ang lalawgan sa marami o lahat ng
kolum.

Katapangan Kasipagan Pagpapahalaga sa


Kalikasan

Pagpapahalaga sa Pagpapahalaga sa Diyos


Hanapbuhay

V. Takdang Gawain
Magsaliksik ng karagdagang impormasyon tungkol sa sagisag ng lalawigan
ng Cavite.

Iihanda ni:

Carrie Ann D. Bautista


MCSJES / Cardona

Aralin 8: Ilang Simbolo At Sagisag Ng


Nagpapakilala Sa Iba’t ibang
Lalawigan Sa Rehiyon(5.3)

134
Takdang Panahon: 1 araw

I. Layunin
1. Nasusuri ang mga simbolo at sagisag ng lalawigan ng
Batangas;
2. Naihahambing ng ilang simbolo at sagisag na
nagpapakilala ng iba’t ibang lalawigan sa sariling rehiyon.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagpapahalaga sa mga Sagisag ng Kinabibilangang
Lalawigan at Rehiyon
Kagamitan: larawan ng sagisag at simbolo ng lalawigan ng
Batangas, malaking dice
Sanggunian: K to 12, AP3KLR-IIf-5
Integrasyon: Sining , Filipino

III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Magbalik-aral sa pamamagitan ng pagpapagulong ng
dice na kung saan nakasulat sa bawat bahagi nito ang
mga larawan sa seal ng Cavite. Sasabihin ng mag-aaral
ang kahulugan ng larawan.
2. Itanong: Nakapunta na ba kayo sa lalawigan ng
Batangas? Magkaroon ng talakayan tungkol sa kanilang
karanasan sa pagpunta sa lalawigan ng Laguna.
Hayaang maibigay ng mga bata ang mga produkto at
likas yaman sa lalawigan.

B. Paglinang
1. Ipakita ang larawan ng logo ng lalawigan ng Laguna.
Hayaang pag-aralan ito ng mga mag-aaral.

2. Talakayin ang mga sumusunod na tanong:


a. Ano-anong mga larawan ang makikita sa logo ng
Batangas?
135
b. Ano kaya ang kahulugan ng mga larawang ito?
3. Ipabasa ang maikling sanaysay tungkol sa kahulugan ng
mga larawang sumisimbolo sa logo ng lalawigan ng
Batangas.

Mayaman sa kultura ang lalawigan ng Batangas. Makikilala


natin ito sa sa kanilang logo o seal. Ang hugis kalasag ay
sumisimbolo sa katapangan ng mga Batanggenyo. Ang taong 1581
ay ang taon ng pagkakatatag nito. Ang balisong na humahati sa
gitna ng kalasag ay ang pangunahing kilalang produkto mula sa
lalawigang ito. Ang larawan naman ng barkong nasa dagat ang
siyang nagpapakilala sa kanilang mga pantalan. Taal Volcano
naman ang ipinapakita sa larawan ng bulkas dahil ito ay kilala
bilang pinakamaliit ng bulkan sa ating bansa.

4. Talakayin ang mga sumusunod na tanong:


 Ano-ano ang mga larawan na makikita sa seal ng Batangas?
 Ano ang kahulugan ng bawat larawan sa seal ng Batangas?
 May kaugnayan ba ang mga larawan sa mga katangian ng mga tao sa
lalawigan ng Batangas?
 Ano ang pagkakatulad ng simbolo sa logo ng lalawigan ng Rizal at
Batangas?
 Paano naman naiiiba ang simbolo ng lalawigan ng Rizal sa lalawigan ng
Batangas?
 Paano ipinapakita sa seal ang kanilang natatanging pagkakakilanlan
bilang mga lalawigan?

Gawain A
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bawat pangkat ay bibigyan ng
envelop na naglalaman ng mga piraso ng puzzle na bubuo sa logo ng Rizal at
Batangas.

Gawain B
Pangkatang Gawain
136
Paghambingin ang mga simbolo ng mga lalawigan ng Rizal at Cavite gamit
ang Venn Diagram. Ano-ano ang pagkakaiba at ano-ano ang pagkakapareho nito?

Rizal Cavite

IV. Pagtataya
Alin sa dalawang lalawigan ang tinitukoy ng mga katangian na ito batay sa
kanilang opisyal na simbolo? Maaaring ilagay ang lalawgan sa marami o lahat ng
kolum.
Katapangan Kasipagan Pagpapahalaga sa
Kalikasan

V. Pagpapahalaga sa Pagpapahalaga sa Diyos


Hanapbuhay

Takdang Gawain
Magsaliksik ng karagdagang impormasyon tungkol sa sagisag ng lalawigan
ng Cavite.

Inihanda ni:

Carrie Ann D. Bautista


MCSJES / Cardona

137
Aralin 8: Ilang Simbolo At Sagisag Ng
Nagpapakilala Sa Iba’t ibang
Lalawigan Sa Rehiyon(5.4)

Takdang Panahon: 1 araw

I. Layunin
1. Nasusuri ang mga simbolo at sagisag ng lalawigan ng
Quezon;
2. Naihahambing ng ilang simbolo at sagisag na
nagpapakilala ng iba’t ibang lalawigan sa sariling rehiyon.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagpapahalaga sa mga Sagisag ng Kinabibilangang
Lalawigan at Rehiyon
Kagamitan: larawan ng sagisag at simbolo ng lalawigan ng
Quezon, roleta
Sanggunian: K to 12, AP3KLR-IIf-5
Integrasyon: Sining , Filipino

138
III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Maghahanda ang guro ng isang roleta na kung
saan nakadikit ang mga simbolo sa sagisag ng Quezon
tulad ng araw, dagat, isda, puno ng buko, at bundok.
2. Paiikutin ng isang mag- aaral ang roleta at kung saang
larawan ito tumigil ay sasabihin nito kung ano ang
katangian nito.

3. Magbigay ng ilang mga tanong tungkol sa ginawang laro.


 Ano-anong mga larawan ang nasa roleta?
 Ang mga larawan ba sa loob ng kahon nakikita ninyo sa inyong
lugar?
 Ano-anong mga katangian ang ibinigay ninyo sa mga larawan?
 Kapag nakakita ka ng kulay pula, ano ang
 sinisimbolo nito?
II. Paglinang
(Bago pa magsimula ang aralin ay magtakda na ng anim na mag-aaral na
magsisilbing mga “reporters” tungkol sa
mga sagisag at simbolo ng lalawigan ng Quezon. Bigyan
ang mga mag-aaral ng kopya ng balita at larawan ng
sagisag bago magsimula ang klase upang kanilang
mapag-aralan.)
1. Sabihin: Ngayon, ay makakapanood tayo ng isang balita
tungkol sa sagisag ng lalawigan ng Quezon.
2. Tawagin sa harap ng klase ang mga “reporters” upang
mag-ulat sa klase.

Ang puno ng buko ay sumasalamin sa


katangian ng mga taga-Quezon. Pag-asa sa
kinabukasan naman ang ipinapakita ng larawan
ng araw.

Isda ang pangunahing pinagkakakitaan


sa lalawigan ng Quezon dahil malaking bahagi
nito ang nasa baybaying dagat.

139
Matatagpuan sa Quezon
ang ilang bahagi ng Sierra Madre na
nagsisilbi nitong pananggalang sa mga bagyo na nagmumula sa kanlurang bahagi
ng bansa.

Karagatan naman ang sumasalamin


Sa malaking bahagi ng hanapbuhay ng mga taga-
Quezon, ang pangingisda.

3. Pagkatapos mag-ulat ay ididikit ng mga mag-aaral ang mga bahagi ng


sagisag sa isang malaking larawan ng sagisag upang mabuo ito.

4. Talakayin ang mga sumusunod na tanong:


 Ano-ano ang mga larawan na makikita sa seal ng Cavite?
 Ano ang kahulugan ng bawat larawan sa seal ng Cavite?
 May kaugnayan ba ang mga larawan sa mga katangian ng mga tao sa
lalawigan ng Cavite?
 Ano ang pagkakatulad ng simbolo sa logo ng lalawigan ng Rizal at
Cavite?
 Paano naman naiiiba ang simbolo ng lalawigan ng Rizal sa lalawigan ng
Cavite?
 Paano ipinapakita sa seal ang kanilang natatanging pagkakakilanlan
bilang mga lalawigan?
Gawain A
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bawat pangkat ay bibigyan ng
envelop na naglalaman ng mga piraso ng puzzle na bubuo sa logo ng Rizal at
Quezon.

Gawain B
Pangkatang Gawain
Paghambingin ang mga simbolo ng mga lalawigan ng Rizal at Quezon gamit
ang Venn Diagram. Ano-ano ang pagkakaiba at ano-ano ang pagkakapareho nito?

140
Rizal Quezon
IV. Pagtataya
Alin sa dalawang lalawigan ang tinitukoy ng mga katangian na ito batay sa
kanilang opisyal na simbolo? Maaaring ilagay ang lalawgan sa marami o lahat ng
kolum.

Katapangan Kasipagan Pagpapahalaga sa


Kalikasan

Pagpapahalaga sa Pagpapahalaga sa Diyos


Hanapbuhay

V. Takdang Gawain
Magsaliksik ng karagdagang impormasyon tungkol sa sagisag ng lalawigan
ng Quezon.

Inihanda ni:

141
Aralin 8: Ilang Simbolo At Sagisag Ng
Nagpapakilala Sa Iba’t ibang
Lalawigan Sa Rehiyon(5.5)
Takdang Panahon: 1 araw

I. Layunin
1. Nasusuri ang mga simbolo at sagisag ng lalawigan ng
Rizal;
2. Naihahambing ng ilang simbolo at sagisag na
nagpapakilala ng iba’t ibang lalawigan sa sariling rehiyon.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagpapahalaga sa mga Sagisag ng Kinabibilangang
Lalawigan at Rehiyon
Kagamitan: larawan ng sagisag at simbolo ng lalawigan ng
Rizal
Sanggunian: K to 12, AP3KLR-IIf-5
Integrasyon: Sining , Filipino

III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Magbalik-aral sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga
kahulugan ng ilang simbolo at sagisag ng lalawigan ng
Laguna . ( Maghahanda ang guro ng mga larawan ng
simbolo at ididikit ito sa pisara). Kukuha ang isang mag-
aaral ng larawan ng simbolo at sasabihin nito kung ano
ang kahulugan nito.

B. Paglinang
1. Ipakita ang larawan ng logo ng lalawigan ng Rizal.
Hayaang pag-aralan ito ng mga mag-aaral.

142
2. Talakayin ang mga sumusunod na tanong:
a. Ano-anong mga larawan ang makikita sa logo ng
Rizal?
b. Ano kaya ang kahulugan ng mga larawang ito?
3. Ipabasa ang maikling sanaysay tungkol sa kahulugan ng
mga larawang sumisimbolo sa logo ng lalawigan ng
Laguna.
Tulad ng lalawigan ng Laguna, ang lalawigan ng Rizal
ay mayroon ding sariling logo o seal na nagpapakilala sa
lalawigan.

Sa bahaging itaas ng logo ay mapapansin ang larawan


ng kalapati na sumasagisag sa pagiging malaya ng lalawigan ,
sa kanang bahagi naman ay larawan ng korona , aklat at krus
na nagpapakilala na pagiging matagumpay , matalino at
Makadiyos ng mga taong naninirahan dito . Sa gitnang bahagi
ay ang larawan ngating pambansang bayani na si Dr. Jose
Rizal na sumasagisag sa pagiging matapang ng mga Rizalenos.
Makikita sa kaliwang bahagi sa ibaba ang larawan ng iba’t –
ibang teknolohiya na sumasagisag sa pagiging maunlad ng
lalawigan. Larawan naman ng palayan at isda ang nasa gawing
ibaba sa kanan na nagpapakita ng likas na yaman ng lalawigan.
Pangunahing hanapbuhay rito ang pagsasaka , pagbababuyan ,
pangingisda at pakikipagkalakalan.

4. Talakayin ang mga sumusunod na tanong:


 Ano-ano ang mga larawan na makikita sa seal ng Rizal?
143
 Ano ang kahulugan ng bawat larawan sa seal ng Rizal?
 May kaugnayan ba ang mga larawan sa mga katangian ng mga tao sa
lalawigan ng Rizal?
 Ano ang pagkakatulad ng simbolo sa logo ng lalawigan ng Rizal at
Laguna?
 Paano naman naiiiba ang simbolo ng lalawigan ng Rizal sa lalawigan ng
Laguna?
 Paano ipinapakita sa seal ang kanilang natatanging pagkakakilanlan
bilang mga lalawigan?

Gawain A “Pagbuo ng Puzzle”


Bigyan ang mga mag-aaral ng picture puzzle na nasa envelop
( ginupit-gupit na larawan ng logo ng mga lalawigan ng Rizal at Laguna). Ipadikit
ang nabuong puzzle sa manila paper.

Gawain B
Pangkatang Gawain
Paghambingin ang mga simbolo ng mga lalawigan ng Rizal at Laguna gamit
ang Venn Diagram. Ano-ano ang pagkakaiba at ano-ano ang pagkakapareho nito?

Rizal Laguna
IV. Pagtataya
Alin sa dalawang lalawigan ang tinitukoy ng mga katangian na ito batay sa
kanilang opisyal na simbolo? Maaaring ilagay ang lalawgan sa marami o lahat ng
kolum.

Katapangan Kasipagan Pagpapahalaga sa


Kalikasan

Pagpapahalaga sa Pagpapahalaga sa Diyos

144
Hanapbuhay

V. Takdang Gawain
Magsaliksik ng karagdagang impormasyon tungkol sa sagisag ng lalawigan
ng Batangas.

Inihanda ni:

Carrie Ann D. Bautista


MCSJES / Cardona

Aralin 9 : Kahulugan Ng “ Official Hymn “


Nagpapakilala Ng Sariling Lalawigan
At Rehiyon (6.1)
Bilang ng Araw : 1 araw

145
Layunin :
Natatalakay ang kahulugan ng “ official hymn “ ng lalawigan ng Cavite .

Paksang Aralin :
Paksa : “ Official Hymn “ ng Lalawigan ng Cavite
Kagamitan : sipi ng awit , DVD Player , strip ng kartolina ,
pangkulay
Sanggunian : K to 12 , AP3KLR- IIg-6

Pamamaraan :

Panimula - “ Awitin Mo “
Awitin ang likhang awit sa himig ng “ Leron leron Sinta “

Kaming Caviteno’y likas na matapang


Sa mga labanan di paiiwan
Huwag na huwag ninyo kaming susubukan
Magsisisi kayo pag kami’y kinalaban

Matapang mang tunay mababait naman


Handang tumulong kahit kaninuman
Walang pinipili na paglilingkuran
Patas kaming tunay anumang usapan
Talakayin ang nilalaman ng awitin.
Tungkol saan ang awitin ?
Anong sinasabi sa mga taga Caviteno ?
Patas ba ang Caviteno sa anumang bagay ?
Paano ?
Katulad din ba kayo ng mga taga Cavite ?
Sa paanong paran kayo nagkakatulad ?

Panlinang na Gawain
146
Ano ang kahalagahan ng isang awit ? Nakapagbibigay saya ba ito sa mga
taong umaawit at nakapakikinig sa awit ?
Ipakita ang sipi ng awit ng “ Himno ng Cavite “ na nakasulat sa
manila paper.

Bayang Cavite aking mahal


laging patnubay ng maykapal
sa yakap mo ay langit ang buhay
at laging makulay
may isang siglo nang nagdaan
bayan mong kawit ang kung saan
ay isinilang ng kalayaan ang lahat ay nagdiwang

Cavite Cavite
lagi ka sa puso ko
Cavite Cavite
buhay koy hnadog sayo
kung maapi lakas ko'y laan
ang maglingkod sayo ay kaygaan

Cavite Cavite
ang lalawigan kong mahal
mahal kita Cavite
tangi lang sa may kapal

Bigyan ng konting panahon ang mga bata na pag-aralan ito .


Iparinig ang awit, gamit ang DVD . Hayang pakinggan nila itong mabuti.
Talakayin ang mga sumusunod na tanong .
Ayon sa awit saan daw isinilang ang kalayaan ?
Ano ang buhay ayon sa sinasabi sa awit ?
Kailan handang ilaan ang buhay para sa bayan ng mga Caviteno ?
* Isinaad ba sa awit kung gaano kahalaga para sa Caviteno ang kanilang
lalawigan ?
* Ano ang tawag natin sa awit ng lalawigan ?
* Mahalaga ba ito para sa mga mamamayan ng

147
lalawigan ? Bakit ?
Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang himno ?
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng opisyal na himno ng lalawigan ? Bakit ?
* Ano kaya ang nadarama ng mga taga- Cavite
habang ito ay inaawit ?
* Babaguhin panandali ang buhay mo , ikaw ay taga Cavite , kaya mo bang
ipagmalaki ang himno ng iyong lalawigan ?

Gawain A “ Sabay - Sabay Tayo “


Patugtugin ang awit o himno at sabayan ang awit
habang ito ay tumutugtog.

Gawain B “ Lumikha ka… “


Sa isang manila paper , gumawa ng collage tungkol sa
sinasabi ng himno ng lalawigan . Idisplay sa harap ng klase.

Gawain C “ Ihayag mo… “

Iulat saharap ng klase ang nilalaman ng awit o himno ng


lalawigan. Gawin ito sa pamamagitan ng tatlo hanggang
limang pangungusap.

Talakayin ang mga naging sagot ng mga bata sa mga gawain.


Muling sabayan ang awitin o himno ng lalawigan ng Cavite gamit ang
DVD.
Bigyang diin ang natutuhan ng mga bata sa aralin.

Pagtataya
Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng

148
pangungusap. Piliin ang titik na nagpapaliwanag ng tungkol sa himno ng
lalawigan.

Ang himno ay ang pagkakakilanlan sa ati ng lalawigan.


May kinalaman ang kasaysayan ng lalawigan sa nilalaman ng himno.
Walang kaugnayan ang himno sa lalawigan.
Masarap awitin ang himno kung ito ay isasapuso lamang.
Nararapat na ipagmalaki ng mga taga lalawigan ang kanilang sariling awit o
himno.
Malaking sagabal pagkakaron ng panahon sa himno ng lalawigan.
Ang lahat ng mamamayan ngbisang lalawigan ay may karapatang malaman
ang sariling himno.

Takdang Aralin

Pakinggang mabuti ang kaibahan ng himno ng lalawigan ng Rizal sa


lalawigan ng Cavite. Itala ang pagkakaiba ng dalawang lalawigan.

Inihanda ni :

Aralin 9 : Kahulugan Ng “ Official Hymn “


Nagpapakilala Ng Sariling Lalawigan

149
At Rehiyon (6.2)
Bilang ng Araw : 1 araw
I. Layunin
Natatalakay ang kahulugan ng “ official hymn “ ng lalawigan ng Quezon .

Paksang Aralin :
Paksa : “ Official Hymn “ ng Lalawigan ng Quezon
Kagamitan : sipi ng awit , DVD Player , strip ng kartolina ,
pangkulay
Sanggunian : K to 12 , AP3KLR- IIg-6

Pamamaraan :

Panimula
Ipakita sa mga bata ang mapa.
Itanong kung ano anong lugar ang nakikita sa mapa.

Itanong sa mga bata


Nakapunta na
ba kayo sa lalawigan ng Quezon ?
Anong rehiyon ito nabibilang ?
Anong masasabi ninyo sa lalawigang ito ?

150
Ipaawit sa mga bata sa tono ng “ Bahay Kubo “

Dugong Quezon sa ugat namin


May mabuting asal at taglay na hinhin
Maawain sa kapwa, mabait matiyaga
Masipag , matulungin at mapagkumbaba.

Sa likas na yaman sagana ang lalawigan


Mata ninyo’y bubusugin ng kagandahan
Huwag na huwag ninyong di kami pagbigyan
Pook namin inyong pasyalan …

Talakayin ang awit


Anong sinasabi sa awit ?
Ano-anong ugali mayroon ang mga taga Quezon
na binanggit sa awit ?
Saan sila masagana?
Ano kaya ang madarama ng mga taong

151
papasyal sa lalawigan ng Quezon ?
Pauunlakan mob a ang kanilang paanyaya na
pasyalan ang lugar nila ?

B. Paglinang
1. Pag-usapan kung ano ang nadama nila ng inawit nila ang awit ?
2. Ipakita sipi ng awit ng Himno ng Lalawigan ng Quezon .
Hayaang pag- aralan at basahin ito nang tahimik ng mga
bata.
3. Iparinig ang Himno ng Lalawigan ng Quezon sa mga bata
gamit ang DVD / CD . Hayaang pakinggan nila itong
mabuti.

Lalawigan ng Quezon

Lalawigan…lalawigan ng Quezon
Ang bayan kong sinilangan ay tunay kong minamahal
Ang bayan kong tinubuan dapat nating ikarangal
Tahimik at maligaya , mahirap man o dukha
Sagana sa lahat ng bagay , sa dagat at kabundukan
Ito an gaming lalawigan, pinagpala ng Maykapal
Ang buhay ay mapayapa , sa lahat ng dako
Sa lahat ng nayon , lalawigan ng Quezon
Lalawigan ng Quezon ay aming tinatanghal
Lalawigan ng Quezon ay aming minamahal

4. Talakayin ang mga sumusunod na tanong :


* Ano ang pamagat ng awit ?
* Anong lalawigan ang tinutukoy sa awit ?
* Ano ano ang mga katangian ng lalawigan ayon sa
awit ?
* Bakit dapat na mahalin at ikarangal ang iyong
lalawigan ?
* Bakit sinabing pinagpala ang iyong lalawigan ?
Naniniwala k aba ditto ? Bakit ?

152
* Anong pagpapahalaga sa lalawigan ang nais
ipabatid ng himno ?

GAWAIN A “ Iguhit Mo “ ( Indibiduwal na Gawain )


Iguguhit sa papel ng mga bata ang larawan ng lalawigan
ng Quezon ayon sa isinasaad ng awit o himno . Bigyang kulay ang lawaran.
GAWAIN B “ Punuin Mo “ ( Indibiduwal na Gawain )
Punan ang mga patlang nang nawawalang salita upang mabuo ang opisyal na awit
ng lalawigan .
I
Lalawigan…lalawigan ng Quezon
Ang bayan kong ___________ ay tunay kong minamahal
Ang bayan kong tinubuan dapat nating __________
_____________ at maligaya , mahirap man o dukha
Sagana sa lahat ng bagay , sa ______ at kabundukan
Ito ang aming lalawigan, pinagpala ng Maykapal
Ang buhay ay __________ , sa lahat ng dako
Sa lahat ng nayon , lalawigan ng Quezon
Lalawigan ng Quezon ay aming tinatanghal
Lalawigan ng Quezon ay aming minamahal

GAWAIN C “ Lumikha Ka “
Lilikha ang mga bata ng interpretasyon o galaw batay sa isinasaad ng himno.
Ipakikita sa harap ng klase ang nabuong interpretasyon o galaw .

5. Talakayin ang mga naging sagot ng mga bata sa bawat gawain.


6. Muling ipaawit sa mga bata ang opisyal na himno ng lalawigan
sa tulong ng DVD /CD .
7.Bigyahng diin ang natutuhan ng mga bata sa aralin.
IV. Pagtataya
Piliin ang titik na naglalaman ng wastong paliwanag ng
tungkol sa opisyal na himno ng lalawigan.

153
Himno ang tawag sa opisyal na awit ng isang lalawigan.
Kahit anong awit ay matatawag na himno ng isang lalawigan.
Isang matibay na pagkakakilanlan ang opisyal na himno.
Walang pagkakaiba ang may himno at walang himno.
Ang himno ay maaaring isang sukatan upang malaman kung ang isang
lalawigan ay maunlad.
Batid ng lahat na mahalaga ang ginagampanan ng opisyal na himno ng
isang lalawigan.
Ang lahat ay may karapatang malaman at awitin ang sariling himno .
V. Takdang Gawain

Sumulat ng talata ng iyong sariling saloobin sa himno.

Inihanda ni :

Aralin 9 : Kahulugan Ng “ Official Hymn “


Nagpapakilala Ng Sariling Lalawigan
At Rehiyon (6.3)
Bilang ng Araw : 1 araw
I. Layunin
Natatalakay ang kahulugan ng “ official hymn “ ng lalawigan ng Batangas .

II. Paksang Aralin :


Paksa : “ Official Hymn “ ng Lalawigan ng Batangas

154
Kagamitan : sipi ng awit , DVD Player , strip ng kartolina ,
pangkulay
Sanggunian : K to 12 , AP3KLR- IIg-6

III. Pamamaraan :
A. Panimula - “ HALO LETRA “
Magpapakita ang guro ng mga titik . Aayusin ng mga bata ang titik upang
makabuo ng salita na tinutukoy ng guro .
Halimbawa : A B S A G A T A N
Ito ay isang lugar sa rehiyon IV– A CALABARZON
Mayaman ito sa kalikasan at dinarayo ito ng mga
turista.
Ipapabasa ng guro ang nabuong salita BATANGAS
Itanong :
Sino sa inyo ang nakarating na sa lugar na ito ?
Nais ba ninyong makarating / muling makarating
dito? Bakit /
Ipapikit ang mga mata ng mga bata at sabihing
maglalakbay sila patungo sa Batangas. Habang tumatakbo ang sasakyan
pakikinggan nila ang isang awit . Aawitin ito sa himig ng “ Ako ay may
Lobo “

155
Kami ay papasyal
Sa paboritong lugar
Excited ang lahat
Sa’ming pupuntahan
May ngiti sa labi, at masisilayan
BATANGAS lang naman na ubod ng param

Ang sariwang hangin


aming malalanghap
Luntiang paligid kaysarap pagmasdan
Limot ang problema kahit sandali lang
BATANGAS lang pala ang katapat niyan

4. Talakayin ang awit


Itanong :
Ano ang nadama nila habang naglalakbay ?
Saan sila nakarating ?
Ano ang makikita sa Batangas ?
Bakit nalilimot ang problema kahit panandalian lamang ?

B.Paglinang
156
1. Itanong :

* Masaya ba kayo habang umaawit kanina ?


* Napangingiti rin ba kayo kapag sumasabay kayo sa
isang awit ? Bakit
2. Sabihin sa mga bata na may ipakikita ang guro na isang
sipi ng awit na may kinalaman sa lalawigan ng Batangas
3. Ipaliwanag sa mga bata na ang awit na tinutukoy ay ang
Himno ng lalawigan.
HIMNO NG BATANGAS
Batangas, bukal ng kadakilaan
Ang pinakapuso ay Bulkang Taal
Kaygandang malasin, payapa’t marangal
Ngunit nagngangalit kapag nilapastangan

Batangas, hiyas sa katagalugan


May barong tagalog at bayaning tunay
Mabini, Laurel, Recto, Diokno, Kalaw
Agoncillo, Malvar sa bayan ay dangal.
Batangas, mutya sa dulong silangan
Bantayog ng sipag at kagandahan
Sulo sa dambana nitong Inang Bayan
Batangas, Batangas, ngayon at kailanman
Batangas, bukal ng kadakilaan
Ang pinakapuso ay Bulkang Taal
Kaygandang malasin, payapa’t marangal
Ngunit nagngangalit kapag nilapastangan
Batangas, hiyas sa katagalugan
May barong tagalog at bayaning tunay
Mabini, Laurel, Recto, Diokno, Kalaw
Agoncillo, Malvar sa bayan ay dangal.
(Batangas kong mahal, ngayon at kailanman)
4.Ipakita ang sipi ng awit at iparinig ang “ Himno ng Batangas
sa mga bata sa tulong ng DVD / CD
5. Talakayin ang awit . Sagutin ang mga sumusunod na tanong ;
* Ano ang pamagat ng awit ?
* Anong lalawigan ang tinutukoy sa awit?

157
* Bakit tinawag na bukal ng kadakilaan ang lalawigan ng
Batangas ? hiyas sa katagalugan ?
* Ano lamang ang kailangang gawin sa
ipinagmamalaking bulkan ?
* Sino-sino ang mga bayaning tinutukoy sa awit ?
* Ano-anong katangian mayroon ang Batangas ?
* May pagkakatulad ba ang nilalaman ng himno ng
Batangas sa mga unang lalawigang napag-aralan ?
* Bakit kaya lumikha ng himno ang mga Batangueno ?
Ano ang naidudulot nito sa lalawigan ?

GAWAIN A “ Ako’y isang makata …“


Ipatutula ng guro ang isang saknong sa mga bata. Sabihing
tulain ito ng may damdamin.
Ala ey … Batanguenong naturingan
Hindi kami mayabang , bagkus ay matapang
Hindi umuurong sa anumang labanan
Handang isugal ang aming buhay , lalo na’t ito ay
para sa lalawigan.

GAWAIN B “ Ako’y isang manunulat … “


Pasusulatin ang mga bata ng ilang pangungusap na nagpapaliwanag sa nilalaman
ng opisyal na himno ng lalawigan ng Batangas. Ito ay sa paraang patalata.

GAWAIN C “ Ako’y isang Rapper … “


Ipagagawa ng guro sa mga bata ang pag rarap ng ilang linya tunkol sa opisyal na
himno ng lalawigan.

Oh … oh…Batangueno , may sariling himno


Nagpapakilala sa amin bilang tao
Responsable at pawang totoo
Patutunayan namin sa inyo

158
Maunlad na lalawigan , kung inyong mamasdan
Dito mga tao ay nagtutulungan
Parang magkakapatid ang turingan
Kung kaya’y kami ay hinahangaan.

Oh , oh … break it down …

6. Talakayin ang mga ginawa at ang mga sagot ng mga bata sa


bawat Gawain
7. Muling iparinig ang opisyal na himno ng lalawigan .
8. Bigyang diin ang natutuhan ng mga bata sa aralin.

Pagtataya
Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik nang tamang sagot
Anong makasaysayang pook o magandang tanawin ang binanggit sa himno
ng lalawigan ?
Bulkang Taal C. Bulkang Mayon
Bulkang Apo D. Bulkang Pinatubo
Anong lalawigan ang tinutukoy sa himno na “ hiyas sa katagalugan “ ?
Rizal C. Batangas
Cavite D. Laguna
Ano ang iba pang katawagan sa awit ng lalawigan ?
Tula C. slogan’
Himno D. linya
Bakit kailangang magkaroon ng isang himno ang isang lalawigan ?
Upang maging sikat
Upang maglaban-laban
Upang may kumita
Upang mapagkakilanlan
Paano natin pahahalagahan ang himno ng ating lalawigan ?
sa pamamagitan ng pag-awit at paggalang sa
himno.

159
sa pamamagitan ng pagwawalang bahala sa himno.
Sa pamamagitan ng pakikipagtalo sa himno ng ibang
lalawigan .
Lahat ay tama

Takdang Gawain
Gumawa ng album ng mga himno ng ibat-ibang lalawigan sa Rehiyon IV –
A CALABARZON.

Inihanda ni :

Aralin 9 : Kahulugan Ng “ Official Hymn “


Nagpapakilala Ng Sariling Lalawigan
At Rehiyon (6.4)
Bilang ng Araw : 1 araw

I. Layunin

Natatalakay ang kahulugan ng “ official hymn “ ng lalawigan ng Laguna .

II. Paksang Aralin :

Paksa : “ Official Hymn “ ng Lalawigan ng Laguna

Kagamitan : sipi ng awit , DVD Player , strip ng kartolina ,

pangkulay

Sanggunian : K to 12 , AP3KLR- IIg-6

III. Pamamaraan :
160
A. Panimula - “ Sumabay , Sumayaw “
1. Iparirinig ng guro ang awit sa mga bata sa tulong ng
DVD/ CD at sipi ng awit.

Laguna : by Sampaguita

Ah hah hah hah hah hah hah hah hah 4x


Halika ka na sa kabukiran, at ang paligid ay masdan
Sari-saring mga tanawin , ang makikita sa daan
Sariwang hangin sa tabing baybayin
Parang pangarap na tanawin
Bundok na kagubatan , gintong palayan
malawak na karagatan

Mga ibong nagliliparan At pagdapo’y nag-aawitan


Mga punong nagtataasan para-paraisong tingnan

Ibang paningin ang mapapansin

Na gigising sa iyong damdamin


Malalagim ka sa iyong makikita

Pagkat walang kasing ganda

( Laguna ) ng ito ay marating

( Laguna ) Para bang ako’y nagbago

( Laguna ) Kakaibang damdamin


Kung iisipin mo.

Laguna ay isang larawan , ng tunay na kaligayahan


Ito ay Ina ng Kalikasan , na nasa puso ninuman
Kahit nasaan ay nasa isipan at nararamdaman
Sa paglalakbay ay lagging kasama ko ang magandang karanasan

161
( Laguna ) ng ito ay marating ko
( Laguna ) Para bang ako’y nagbago
( Laguna ) kakaibang damdamin
Kung iisipin ko
Ah hah hah hah hah hah hah hah hah

Tatalakayin ng guro ang nilalaman ng awit .


Itanong :
Anong lalawigan ang tinutukoy na larawan ng
kaligayahan ?
Mahal ba ng mga taga Laguna ang kanilang
lalawigan ? Bakit ?
Ipaliwanag kung paanong nagbago ang pakiramdam
ng marating ang lugar na ito ?
Ano-anong likas na yaman ang binanggit sa awit ?
Kaya mo bang ipagmalaki sa iba na may roong
magagandang lalawigan na bumabalot sa
rehiyon katulad ng sa Laguna ?
Nais mo rin bang marating at masilayan ang
kagandahan ng lalawigan ? Bakit ?

B.Paglinang

1. Itatanong ng guro sa mga bata kung ano ang kanilang

pakiramdam matapos marinig at sumabay sa awit na

“ LAGUNA “ .

2. Sasabihin sa mga bata na may isa pang awit siya na iparirinig

sa kanila na may kinalaman rin sa lalawigan ng Laguna .

3. Ipakikita ng guro ang sipi ng awit ng Himno ng Laguna na

162
nakasulat sa manila paper o makikita sa monitor . Hayaang

basahin ng guro habang sinusundan ng tingin ng mga bata.

4. Iparirinig ng guro ang Himno ng Laguna gamit ang DVD/ CD.

Hayaang pakinggan itong mabuti.

LAGUNA HYMN

Laguna , O laguna

Lalawigang Marangal

Tanging Pinagpala

Ng Butihing Bathala

Supling mo ang pinili

Ng bayani ng lahi

Kapurihan at dangal

Ng Liping Kayumanggi

Laguna ang iyong pangalan

Sagisag ng kagitingan

Sa lawa mo’t kaparangalan

Mga bayaning nahimlay

Kadluan mithi’t pangarap

Sa bukirin , bundok mo’t gubat


163
Ikaw Laguna ang buhay

At tanging patnubay

5. Talakayin ang nilalaman ng opisyal na himno ng lalawigan.

Itanong :

Ano ang pamagat ng awit ?


Anong lalawigan ang tinutukoy sa awit?
Magbigay ng ilang magagandang katangian ng lalawigan .
Saan mayaman ang lalawigan ng Laguna.
Maganda ba ang nilalaman ng himno ?
Kung ikaw ay tatanungin uulit-ulitin mo rin ba ang pagpunta sa Laguna ?
Bakit ?
Ano ang sinisimbolo ng himno ng lalawigan ?
Mahalaga ba ang himno para sa isang lalawigan ? Bakit ?

GAWAIN A “ Katha Mo Ipakita Mo “


Gagawa ng slogan tungkol sa likas na yaman na matatagpuan sa lalawigan.
Ipakita at ipaliwanag ito sa harap ng klse.

GAWAIN B “ Mangako ka “
Itataas ang kanang kamay at bibigkasin ang pangako ng isang

munting mamamayan ng lalawigan

Ako’y nangangako na mamahalin ko ang aking lalawigan

Na ibibigay ko ang buong makakaya na alagaan ang lahat na

likha ng Dakilang Maykapal.

Na poprotektahan ko sa lahat ng may masamang hangarin at

balakin .
164
Na magkakaroon ng panahon na pagyamanin ang mga

kaloob na ito ng Poong mahal

GAWAIN C “ Tanungan Tayo “


Saan karaniwang naririnig ang pag-awit ng himno?

Kailan ito inaawit ?

Ano ang kahalagahan ng himno ?

Ano ang pakiramdam ng isang tao kapag inaawit ang himno ?

6.Talakayin ang natapos na gawain ng mga bata.

7. Bigyang diin ang natutuhan ng mga bata sa aralin.

IV. Pagtataya

Ayusin ang mga titik upang mabuo ang tamang salita na tinutukoy sa bawat
bilang.

I M O H N - Awit na pagkakakilanlan ng isang lugar


Y A P U B A H H A N - pinagkakakitaan ng tao
N A S A K I L A K - nakapalibot ito sa isang lalawigan
A Y N M A A M A M- bumubuo ng populasyon sa
isang lugar
A Y I N A B - may nagawang kabutihan sa kapwa ,
bayan lalawigan o bansa

V.Takdang Gawain

Pumili ng isang lalawigan na natalakay na . Ihambing ito sa himno ng lalawigan ng


Laguna. Itala ang pagkakatulad at pagkakaiba nito.

Inihanda ni:

Guro III - TES

165
Aralin 9 : Kahulugan Ng “ Official Hymn “
Nagpapakilala Ng Sariling Lalawigan
At Rehiyon (6.5)
Bilang ng Araw : 1 araw

Layunin :
Natatalakay ang kahulugan ng “ official hymn “ at iba pang sining na
nagpapakilala ng sariling lalawigan at rehiyon .

Paksang Aralin :

Paksa : “ Official Hymn “ at Iba Pang Sining na Nagpapakilala

ng Sariling Lalawigan at Rehiyon

Kagamitan : sipi ng awit , DVD Player , strip ng kartolina ,

pangkulay

Sanggunian : K to 12 , AP3KLR- IIg-6

Pamamaraan :
Panimula - “ Awitin Mo “
Ihanda ang mga strip ng cartolina . nakasulat dito ang iba’t –ibang awitin na
kilala sa ating bansa tulad ng
“ Bahay Kubo “ , “ Leron –Leron Sinta “ , “ Lupang Hinirang “ , “ Ako ay
May Lobo “ at iba pang awitin .
Tumawag ng ilang bata upang kumuha ng isang awit . Bigyan sila ng
pagkakataong awitin ito at ipasabi kung anong nilalaman ng awit.
Halimbawa : Bahay –Kubo - Isinasaad sa awitin ang
iba’t –ibang halamang matatagpuan sa
Pilipinas.
Magbigay ng ilang tanong mula sa nilalaman ng awitin .
Ano-ano ang mga awit na ating narinig ?
Ibat- iba ba ang nilalaman ng mga awitin ?
Ano- ano ang nilalaman ng mga awitin ?

166
May kinalaman ba ang mga awiting ito sa ating bansa ?
Bakit napapaawit ang mga tao kapag narinig nilang tinutugtog ito ?
Magbigay ng ilang katangian ng mga Rizalenos na binanggit sa awitin ?
May iba pa bang awit na maririnig sa inyong sariling lugar ?

Paglinang

Pag-usapan kung ano ang kahalagahan ng isang awit.


Itatanong ng guro kung ano ang nagagawa ng isang awit sa isang tao.
Ipakita ang sipi ng awit ng Rizal Mabuhay “ na nakasulat sa manila paper .
Hayaang basahin at pag-aralan ito nang tahimik ng mga bata .
Iparinig ang “ Rizal Mabuhay” , gamit ang CD . Hayaang pakinggan nila
itong mabuti
Talakayin ang mga sumusunod na tanong
Ano ang pamagat ng awit ?
Anong lalawigan ang tinutukoy sa awit ?
Saan nangunguna ang lalawigan ng Rizal ?
Sino ang nakalaang maglingkod sa Inang Bayan ?
Bakit sinabi sa awitin na mahal ng mga Rizalenos ang kanilang lalawigan ?
Anong uri ng mga tao ang namumuno sa lalawigan ng Rizal ?
Bakit kaya sinabing mapapalad ang mga taga- Rizal ?
Alam mo ba kung ano-anong bayan ang nabibilang sa lalawigan ng Rizal
Ano ang iba pang katawagan sa awit ng lalawigan ?
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng opisyal na himno ng lalawigan ? Bakit ?
Ano ang kaya ang nadarama ng mga taga- Rizal habang ito ay kanilang
inaawit ?
Bilang isang Rizalenos , kaya mo ba ipagmalaki ang himno ng lalawigan sa
ibang tao ? Paano ?
Dahil ikaw ay isang Rizalenos, kaya mo rin bang lumikha ng isang himno
ukol sa ating lalawigan ?
Ano ang pagkaunawa mo sa kahulugan ng himno ?

167
Gawain A “Ayusin Mo “

Bubunot ng isang linya ng awit ng himno ng

lalawigan ang bawat bata at hayaang

ayusin ang pagkakasunod –sunod nito Idikit sa

pisara ang bawat linya . Ibigay ang kahulugan ng

ng awit .

Gawain B. “ Iguhit Mo “

Iguguhit sa papel ng bata ang larawan ng inyong

lalawigan ayon sa sinasabi sa awit. Kulayan upang

mas maganda sa paningin ng lahat. Ipaskil sa

pisara at talakayin ang mga sumusunod na

tanong:

Ano – ano ang mga bagay na iginuhit ayon sa nilalaman ng awit ?


Ano ang nilalaman ng himno o awit ng inyong lalawigan ?
Sa iyong palagay , kasiya- siya ba para sa mga Rizalenos ang mensahe ng
awit ?

Gawain C “ Igalaw Mo”

Ihahanda ng mga bata ang awit sa tulong ng DVD

168
Player at hayaang sabayan nila ang awit na may

indayog ng kanilang katawan.Markahan ang

galaw ng mga bata.

Talakayin ang mga sagot ng bata sa mga Gawain .


Ipaawit sa mga bata ang opisyal na himno ng lalawigan.
Bigyang diin ang natutuhan ng mga bata sa aralin.

Pagtataya

Pasagutan ang pagsasanay sa LM p. ___

Piliin sa kahon sa ibaba ang angkop na salita sa bawat patlang upang mabuo
ang isinasaad ng pangungusap.
Ang ________ ay nagpapakilala kung ano ang isang lalawigan .
Nagiging ________ ng isang lalawigan ang pagkakaroon ng himno dahil sa
paulit –ulit na pag-awit nito.
Bata man o matanda , mahirap o mayaman , may trabaho man o wala , lahat
ay may __________ na malaman ang opisyal na himno ng lalawigan.
Ibinabatay ang nilalaman ng himno sa kung ano ang makikita sa isang
____________.
Kahanga – hanga para sa mga taga _________ ang mabantog ang opisyal na
himno.

Rizal karapatan himno

Lalawigan tao malikhain

tatak

Takdang Gawain

169
Ihanda ang sarili para sa pagpapakita ng galaw o kilos ayon sa saliw ng
himno ng lalawigan. Ipakita ito sa harap ng klase.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO

Guro III, Teresa ES

Aralin 10: Iba Pang Sining Na Nagpapakilala Ng


Sariling Lalawigan At Rehiyon (7.1)
Bilang ng Araw : 1 araw

I. Layunin :

Natatalakay ang kahulugan ng iba pang sining na nagpapakilala ng sariling


lalawigan at rehiyon .

Paksang Aralin :
Paksa : Iba Pang Sining na Nagpapakilal ng Sariling
Lalawigan at Rehiyon
Kagamitan : larawan ng sining , manila paper n pandikit ,
gunting
Sanggunian : K to 12 , AP3KLR- IIg-6
Pamamaraan :

Panimula
Iparinig sa mga bata ang opisyal na awit ng sariling lalawigan .
Hayaang awitin ito ng mga bata .
Talakayin ang awit.
Ano ang pamagat ng awit ?
Ano ang nilalaman ng awit ?
Ibigay ang iba pang katawagan sa awit ng

170
Lalawigan.
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng opisyal
na himno ? Bakit?
Itanong sa mga bata ang kahulugan ng salitang
sining ?
Pagbigayin sila ng mga halimbawa ng sining
Halimbawa :
Sayaw
Awit
Paggguhit

Paglinang

Itanong sa mga bata kung may alam silang sining na makikita sa kanilang
lalawigan ?
Ipakita ang ilang sining sa pamamagitan ng larawan

Larawan A

171
Larawan B
Talakayin ang nilalaman ng mga larawan
Ano ang makikita sa unang larawan ? ikalawang larawan ?
Ano ang nais ipabatid ng gumuhit ng larawan?
Maayos ba ang pagkakaguhit nito ?
Bakit kaya naisipan na iguhit ang larawang ito ?
Alam ba ninyo kung anong bayan ang tinutukoy sa unang larawan ?
ikalawang larawan ?
Ano ang tawag natin sa mga larawang ito ?

Ipabasa sa mga bata ang talata ukol sa sining na matatagpuan sa lalawigan


ng Rizal .

Maraming bagay ang ating malalaman sa


lalawigan ng Rizal. Ang lalawigan ay mayaman sa
kalikasan, tanawin, pasyalan, kainan, at marami pang
iba na makapagdudulot sa atin ng kasiyahan at
malaking kapakinabangan. Tulad sa larangan ng
sining, Kilala ang bayan ng Angono bilang Kabisera ng
Sining ng Pilipinas.
Tahanan ito ng dalawang Pambansang Artista ng
Pilipinas, na sina Carlos V. Francisco para sa Pagpipinta
(1973) at Lucio D. San Pedro para sa musika (1991).
Kilala rin ang bayan dahil sa pinakamatandang gawa
ng sining sa Pilipinas, ang Angono Petroglyphs subalit ito
ay nasa hangganan ngAngono, Binangonan at Antipolo
sa lalawigan ng Rizal.May mangilan-ngilang na
tanghalan ng sining at estudyo sa Angono tulad ng
Blanco Family Museum, Nemiranda Arthouse &
GalleryTiamson , Art Gallery Lalawigan ng Rizal, Ang
Nuno Artists Foundation Gallery, Village Artist Gallery,
Juban Studio, Vicente Reyes Art Studio, The Second
Gallery at ang The Angono Atelier Gallery.

172
Dinadayo ng mga turista ang Higantes Festival
sa Angono tuwing fiesta ... yari sa kawayang patpat
ang katawan na dinamitan ng katutubong kulay at
disenyo.
Marahil ang ilan sa inyo ay nakakakilala kay
Dionisio Pagalunan bilang isa sa matandang
Pintor sa Bayan ng Tanay. ngunit alam nyo
ba na, isa pala siya sa limang orihinal na
founders ng Tanay Artist
Group? Kinabibilangan nila Mart Catolos,
Nestor Villarosa, Tam Austria at Cris Agno
at syempre si Mang Dionisio. Sila ang nagbigay ng pangalan at nagsimula ng
Grupong Sining Visual sa Bayan ng Tanay, Base ito sa kwento at mga lumang
larawan na pinakita nya sa amin . Kakaiba ang kanyang pagguhit dahil pati ang
ilang kwento mula sa Biblia ay nagawan nya ng Obra.

Tunay ngang matatawag na “ Duyan ng Pambansang


Sining ang lalawigan ng Rizal dahil sa maraming makikitang
kahanga- hanga at makukulay na sining sa lalawigang ito.

173
Halina,t sama-sama nating tuklasin ang iba pang bayan
sa lalawigan ng Rizal upang mapagyaman natin ang ating
sariling kultura bilang mga Pilipino .

Hayaang sagutin ng mga bata ang mga tanong.


Saan mayaman ang lalawigan ng Rizal ayon sa talata ?
Ano ang naidudulot nito sa mga naninirahan sa lalawigan ?
Anong bayan ang kilala bilang kabisera ng Sining ng Pilipinas ?
Sino ang dalawang pambansang artista ng
Pilipinas sa larangan ng pagpipinta at
musika ?
Ano ang tinutukoy na pinakamatandang gawa ng Sining sa Pilipinas ?
Magbigay ng ilang tanghalan ng sining o estudyo sa bayan ng Angono ?
Sa inyong palagay bakit kaya dinadayo ang Higantes Festival sa Angono ?
Sino naman si Dionisio Pagalunan . Ano ang masasabi ninyo sa kanya ?
Paano ang istilo niya ng pagguhit ?
Karapat-dapat bang tawagin na “ Duyan ng Pambansang Sining ang
lalawiga ng
Rizal ? Bakit ?
Kung ikaw ay may angking kakayahan sa sining , ano ang gagawin mo ?
Bakit ?
Kaya mo bang bigyan ng karangalan ang iyong lalawigan sa pamamagitan
ng pagpapakita ng iyong talento ? Bakit ?

Gawain A “ Data Retrieval Chart “


Mangangalap ang mga bata ng impormasyon at
pupunan nila ng datos ang tsart.

Mga Bayan sa Uri ng Sining Kahulugan Sining


Lalawigan ng Rizal

174
Gawain B. “ Lakbay Diwa “
Ipagpapalagay ng mga bata na sila ay nakarating na

sa iba’t – ibang bayan sa lalawigan ng Rizal . Pumili ng


isang uri ng sining na nasaksihan mo at ipaliwanag ito sa
harap ng klase.
Halimbawa :

Saang bayan ka nakarating ?


Anong uri ng sining ang nasaksihan mo ?
Ano ang nais ipakahulugan ng sining na ito
sa iyo ?

Gawain C. “ Disenyo mo , Ipakita mo “


Maghahanda ang mga bata ng mga larawan ng ibat-
ibang uri ng sining mula sa magazine.
Gupitin ang mgalarawan , idikit at iayos ito sa manila paper ayon sa
disenyong nais mo .
Markahan ang bata ayon sa kanyang ginawang disenyo.
5.Talakayin ang sagot at mga ginawa ng mga bata sa Gawain
A–C
6. Bigyang diin sa mga bata ang natutuhang aralin

IV . Pagtataya

175
Aralin 11: Mga Bayani Ng Sariling Lalawigan At
Rehiyon (7.2)

Basahing mabuti ang talata at piliin sa loob ng panaklong


ang angkop na kasagutan sa bawat patlang.

Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t-ibang rehiyon, sa


bawat rehiyon ay mayroon itong lalawigan na may sari-
sariling bayan . Anuman ang ating kinalalagyang lugar ang (
sining , pera , lupa ) ay bahagi na ng ating kultura. Kulturang
dapat ( pagyamanin , pagbawalan , pabayaan ) ng
sinuman dahil isa ito sa ( pinagkakakilanlan , mali, bisyo ) ng
isang lalawigan o rehiyon.

Upang lubos na masabing matagumpay ang isang


lalawigan kailangan ang lubos na ( pagkalimot ,
pagsasanay , pagtitiis ) upang patuloy na manatiling buhay
ang ating kulturang kinamulatan. Nangangahulugan lamang
na malaki ang bahaging ginagampanan ng mga
( mayayaman, may hanapbuhay , tao ) na nakatira sa isang
lalawigan upang ang mga sining na ito ay patuloy na
hangaan at umani ng tagumpay.

Takdang Gawain
Magpasaliksik sa mga bata ng iba’t-ibang sining na nagpapakilala sa
sariling lalawigan.

Inihanda ni :

Bilang ng Araw : 1 araw

I. Layunin :
Nakikilala ang mga bayani ng sariling lalawigan at rehiyon .

176
Paksang Aralin :

Paksa : Mga Bayani ng Sariling Lalawigan at

Rehiyon

Kagamitan : larawan ng mga bayani , tsart

Sanggunian : K to 12 , AP3KLR- IIh1-7

Pamamaraan :
Panimula
Magpakita ng mga larawan ng mga kilalang bayani ng ating bansa.
Ipaskil sa harap ng klase at talakayin :
Sino-sino ang nasa larawan ?
Ano- ano ang nagawa nila sa ating bansa ?
Paano sila natawag na isang bayani ?
Mayroon ba kayong kilala sa inyong lugar na may nagawang katangi-tangi
na nakatulong sa ating bansa ?
Itanong sa mga bata ang kahulugan ng salitang

bayani . “ semantic web “

B
Bayani

Isusulat ng guro ang mga sagot ng bata.

Paglinang
Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong
Sino-sino ang mga naging bayani ng lalawigan ng Rizal ?
Anu-ano ang kanilang nagawa para sa kanilang lalawigan ?
Ipabasa ang talata tungkol sa mga bayani ng lalawigan ng Rizal.

177
Sa pagdiriwang ng National Heroes’ Day tuwing
huling Linggo ng Agosto, laging lumulutang ang mga
pangalan nina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio at
marami pang iba. Nakaliligtaan ang pagbibigaypugay
sa iba na itinuturing na “maliliit“ na bayani na ang
kanilang mga nagawa, alaala at gunita ay nalibing sa
limot.

San Mateo , Rizal

Mababanggit na halimbawa ang lalawigan ng Rizal na noong


Himagsikan ay kilala sa tawag na Distrito Politico Militar de
Morong. Nariyan ang matapang na si Gen. Licerio Geronimo
na mula sa San Mateo , Rizal, Pio del Pilar,Vicente Leyva na
lalong kilala sa tawag na Heneral Kalentong, Guillermo
Masangcay, Gen. Edilberto Evanghelista, Gregorio Mendez,
Pedro Tanjuatco , Aurelio Tolentino at Faustino Mañalac at
marami pang magiting na rebolusyonaryong kasama sila ni
Andres Bonifacio nang gawin ang mga plano ng Himagsikan
sa loob ng kuweba ng PAMITINAN sa Montalban
(Rodriguez na ngayon). Sa madugong sagupaan sa “Battle of
San Mateo“ noong Disyembre 19, 1899, ipinamalas ang
tapang at kagitingan nina Geronimo nang mapatay nila si
Gen. Henry Lawton noong panahon ng pananakop ng ga
Amerikano.

Cainta, Rizal

178
Isa ring bayaning rebolusyonaryo si Atilano Sta. Ana na
dating municipal captain. Siya ang namuno sa madugong
bakbakan sa Morong noong umaga ng Oktubre 7, 1896.
Sinalakay niya, kasama ang may 200 manghihimagsik, ang
commandancia o munispyo ng Morong. Napatay at nabihag
ang mga Kastila at nakakuha sila ng maraming baril at bala
Tumagal nang dalawang oras ang madugong labanan.
Tulad ng ating mga pambansang bayani, sila’y matapat at
maalab ang pag-ibig sa ating bayan. Napapanahon na ang
kanilang pagibig sa bayan at pagka-makabayan ay maging
halimbawa at inspirasyon ng bawat Pilipinong nagmamahal
sa ating Inang Bayan. Tahimik man silang manghihimagsik
noon na magbubukid, magsasaka, manggawa at mangingisda.
Silang lahat ay dapat na patuloy na idambana rin sa altar ng
Kalayaan ng Pilipinas.

San Guillermo , Morong , Rizal

Bago pa man dumating ang mapanakop na kastila sa pilipinas


ay may mangila-ngilan nang naninirahang pangkat ng mga
tao sa rakong silangan sa paanan ng isang bundok na kung
tawagin ay kay Maputi,may iba naman sa may hilaga ng ilog
Morong na kung tawagin ay Kalumpang (dahil sa malaking
puno nito sa gitna ng nayon).Malalayo ang mga pagitan ng
kanilang mga bahay gayundin ang layo nila sa mga lupain ng
kanilang sinasaka.
Pagkalipas ng maraming taon dumating ang mga kastila at
nagtayo sila ng Pamahalaan at tuluyang sinakop ang
Kalumpang. Mahigpit na pinag utos ng Pamahalaang Kastila
sa mga Pilipino na sundin ang kanilang batas.Ang sinumang
lumabag ay may karampatang kaparusahan na naghihintay.
Maraming buhay ang nasawi sa Kalumpang,subalit wala

179
silang nagawa upang mapigilan ang kalupitan ng mga
Espanyol.Kaya't nagpasyang lisanin ng mga naninirahan dito
ang lugar na iyon na pinamunuan nina Leon Bernardo at
Eduardo Aporillo pinakiusapan nilang lumipat na lang sa
hilaga sa paanan ng Bulubunduking Matabuak sa Morong.
Gayun man marami ang nabahala sa kalagayan sa
katahimikan at kapayapaan ng lugar ng Kalumpang hanggang
sa lumaban at tuluyang nag aklas ang mga tao laban sa mga
kastila sa pamumuno at tubong Kalumpang na si Heneral
Guillermo na hanggang sa ikinasawi hanggang sa lumisan na
ang mga dayuhan. Kaya't mula noon ang Kalumpang ay
pinalitan ng San Guillermo bilang pagkilala sa Heneral.

Talakayin ang seleksyon / talata. Itanong :


Sino- sino ang matatapang na bayani ng San Mateo , Rizal ?
Ano- ano ang kanilang nagawa para sa kanilang bayan?
Sino ang kanilang kasama nang gawin nila ang plano ng Himagsikan ?
Saan naganap ang pagpupulong ?
Kailan naganap ang “ Battle of San Mateo ?
Sino ang kanilang napatay nang ipamalas nila ang kanilang kagitingan at
katapangan ?
Sino si Atilano Sta. Ana ?
Sino ang napatay at nabihag ng pangkat ni Atilano Sta. Ana ?
Ano-anong katangian mayroon ang kanilang pangkat at napabilang sila sa
mga bayani ng Cainta ?
Sino naman ang maituturing bayani ng Morong , Rizal ?
Sino ang dayuhang dumating at nagtatag ng kanilang pamahalaan sa
Kalumpang
Naibigan ba ng mga naninirahan dito ang mga batas na ipinatutupad ng mga
Kastila ? Bakit/
Ano ang dahilan at napilitan silang lumipat ng tirahan ?

180
Ano ang nag-udyok at napilitang labanan ng pangkat ni Heneral Guillermo
ang mga
kastila ?
Bilang pagkilala sa katapangan ni Heneral Guiilermo , ano ang naging
kapalit nito ?
Paano natin pahahalagahan ang mga nagawang ito ng ating mga bayani ?
Kaya mo rin bang gawin ang hirap at sakripisyo ng ating mga bayani ?
Ipaliwanag.
Maituturing bang isang kabayanihan ang paggawa ng kahit na maliit na
bagay na nakatulong sa iyong kapwa ? Bakit

Gawain A. “ Graphic Organizer “


Punan ang tsart ng datos tungkol sa mga naging

bayani ng lalawigan ng Rizal.

Mga Bayani ng Lalawigan ng Rizal


San Mateo Cainta Morong

Gawain B. “ Ako’y Isang Bayani “


Punan ang bawat bahagi ng larawan ng mga

katangiang dapat taglayin ng isang bayani.

181
Gawain C . “ Missing Letters “
Ayusin ang mga pangalan ng mga naging bayani sa

lalawigan ng Rizal

Matapang na heneral ng San Mateo


GEN. L I __ ERIOGER _ NIMO
Kilala sa tawag na Heneral Kalentong
V_CENTE LE_VA
Namuno Sa madugong labanan sa Morong , bayani ng Cainta.
A T I L _ NO S T A . M A R _ A
Tubong Kalumpang na ngayon ay tinawag na San
Guillermo na nakipaglaban sa mapang –aping
kastila
H E N E RAL G U I _ L E _ M

182
4.Talakayin ang mga naging sagot sa Gawain A-C

5.Bigyang –diin ang natapos na aralin .

IV. Pagtataya

Pasagutan ang pagsasanay sa LM p. __

Panuto : Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay

A.

Hanay A Hanay B

Ang Kalumpang ay pinalitan A. Vicente Leyva


ng pangalang ____ mula sa B. Licerio Geronimo
matapang na heneral C. Heneral Guillermo
Bayani ng Cainta D. Rizal
Kilala sa tawag na Heneral E. Licerio Geronimo
Kalentong F. Andres Bonifacio
Matapang na heneral ng San
Mateo
Ang mga bayaning ito ay kilala
Sa lalawigan ng ____.

V. Takdang Gawain

Mangalap ng impormasyon tungkol sa mga naging

bayani sa iba pang bayan sa lalawigan ng Rizal.

Inihanda ni :

183
Aralin 12 : Pagpapahalaga Sa Mga Bayani
Ng Lalawigan At Rehiyon(7.3)

Bilang ng Araw : 1 Araw

I. Layunin:
1. Napapahalagahan ang pagpupunyagi ng mga bayani ng sariling

lalawigan at rehiyon sa malikhaing pamamaraan

II. Paksan Aralin:

Paksa:Pagpapahalaga sa mga Bayani ng Lalawigan at

Rehiyon

184
Kagamitan : Larawan ng bantayog na bayan o landmarks o estraktura

sa sariling lalawigan at rehiyon ,mga kagamitan sa Paggawa ng

Poster,video clips,flashcards

Sanggunian : K to 12 AP3KLR-IIh-1-7

III.Pamamaraan

A. Panimula

1. Pagsali sa Game na Fact or Bluff

Pagpapakita ng mga larawan ng mga bantayog ng mga kilalang

tao sa sariling lalawigan o landmarks o estrakturang pagkakakilanlan

ng bayani sa lalawigan

2. Itanong sa bata.

185
 Saang lugar makikita ito?
 Bakit kaya sila ipinaggawa ng bantayog o monumento?
 Bakit nagdaraos ng ganitong uri ng programa o pagdiriwang?

B. Panlinang
1. Panonood ng video Clips
2.Pagsagot sa tanong
 Sino-sino ang mga bayaning nabanggit sa video clips?
 Bakit siya naging tanyag?
 Anu-ano ang naging kontribusyon o nagawa nila para sa bayan?
 Maituturing ba itong kabayanihan? Bakit?
 Ano-ano ang katangian ng mga bayaning nabanggit sa video
clips?
 Ano pa sa palagay mo ang iba pang katangian ng isang bayani?
 Sino ang kilala mong bayani sa inyong lugar?
 Ano sa palagay mo ang naging kontribusyon nila sa
lalawigan/rehiyon upang ituring silang bayani?
 Paano pinahalagahan ng inyong lalawigan ang nagawa nila sa
bayan?
 Bakit kailangang gunitain natin ang kamatayan at kabayanihan
nilang nagawa?
 Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang
pagpapahalaga at pagmamalaki sa mga bayani ng sariling
lalawigan?
 Sa inyong palagay ,ang simpleng pag-aalay ng bulaklak at
pagbalik aral sa mga nagawa nilang kabayanihan ay
maipapakita mo ang pagpapahalaga sa kanilang nagawa ?
Ipaliwang ang iyong sagot.

Gawain A
Team Accelerated Instruction
1. Hahatiin ang mga bata sa 4 na pangkat.bibigyan ng kanikanilang
kagamitan at tanong
2. Isusulat ng mga mag-aaral ang sagot flashcard.
3. Magpapalitan ng sagot ang mga magkakapangkat at itsetsek ang
kanilang sagot,
186
4. Ang score ng pangkat ay batay sa kabuuanng bilang ng tamang
sagot

1.Bayani.

2.Mga katangian

3.Mga nagawa sa lalawigan

4.Pagpapahalaga sa bayani

Gawain B
Rap Jingle
Lumikha ng isang awit na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga
bayani.

Gawain C
Sabayang Pagbigkas

Gumawa ng tula na naglalarawan ng pagpapahalaga sa mga


kontribusyon ng isang bayani ng lalawigan o rehiyon.

IV. Pagtataya
Panuto:Ilagay sa patlang ang
Kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki
sa pagpupunyagi at kabayanihan ng mga kilalang tao sa lalawigan at
rehiyon.Ilagay naman ang kung hindi.

______1. Nagdaraos ng isang maikling programa tuwing araw ng


kamatayan o pagsilang
Ng isang bayani sa lalawigan at rehiyon.

187
_____2. Isinusunod sa pangalan ng bayani ng lalawigan at rehiyon
ang mga gusaling pampubliko at daan na may malaking kaugnayan sa
kanya
______3.Binibigyang pansin ang mga espesyal na balita sa radio at
telebisyon tungkol sa bayani ng lalawigan at rehiyon.
______4. Nakikiisa sa pag –aalay ng bulaklak sa bantayog ng
bayani.
______5. Ninanais nagawing idolo ang mga artista kaysa bayani ng
lalawigan at rehiyon.

V. Takdang Aralin

Gumawa ng Scap Book na naglalarawan ng pagpapahalaga sa


mga kontribusyon ng mga bayani sa ating lalawigan

Inihanda ni:

Aralin 13 : Paglikha ng Anumang Sining Tungkol Sa


Bayani Ng Lalawigan O Rehiyon Na
Nais Tularan
Bilang ng Araw : 1-2 araw

188
I. Layunin :

Nakalilikha ng anumang sining tungkol sa bayani ng lalawigan o rehiyon na


nais tularan.

Paksang Aralin :

Paksa : Paglikha ng Anumang Sining Tungkol Sa

Bayani Ng Lalawigan o Rehiyon Na Nais

Tularan

Kagamitan : mga larawan ng sining , tsart, papel

Sanggunian : K to 12 , AP3KLR- IIh1-7

III. Pamamaraan :

Panimula
Magsasagawa ng laro ang mga bata
“ Grupo Tayo Hane ! “
Magsasama – sama ang mga bata na may hilig sa pagguhit sa unahan sa
kanang bahagi ng silid aralan , sa kaliwang bahagi sa unahan naman ang
may hilig sa pag-awit, sa hulihan sa gawing kanan ang mahilig tumula, at sa
kaliwa sa hulihan ang may hilig sa pag-arte.
Isasagawa ng bawat pangkat ang kanilang gawain sa loob ng limang minuto.
Pumili ng isang larawan na kaya ninyong
iguhit . Ipaliwanag kung bakit ito ang inyong napili.
Aawit ang pangkat ng isang awit na nais nila.
Iparinig ang inyong husay sa pagtula. Bigyan ito ng damdamin
Ipakita ang inyong hilig sa pag-arte . Pumili ng inyong pinakagustong
bahagi sa palabas na napanood.
189
Talakayin ang isinagawa ng mga bata.
Itanong :
Ano ang inyong iginuhit ?
Bakit ninyo ito napiling iguhit ?
Ano ang inyong naramdaman habang kayo ay umaawit ? Bakit ?
Bakit kailangang ipakita ang inyong damdamin habang tumutula ?
Maganda ba ang mensahe ng inyong
ginawang tula?
Nasiyahan ba kayo habang isinasagawa ninyo ang pag-arte ?

Paglinang
Ilahad ang aralin gamit ang susing tanong .
Ano- anong sining ang maaari nating gawin upang maipakita natin ang
pagpapahalaga sa mga bayaning nais nating tularan ?
Ipabasa sa mga bata ang talata.

Mga Bayani , Bakit nga ba kailangang kang tularan ?

Gumawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa , bayani ka nang


maituturing. Napakahalagang pag-aralan lalo na ng mga
kabataan ang mga bayani ng ating bansa upang matanim sa
kanilang isipan ang hirap at pagpapakasakit na kanilang
dinanas alang-alang sa ating Inang Bayan. Malaki ang
nagagawa nito sa ating sistemang ginagalawan dahil
nagbibigay inspirasyon ito sa maraming kabataan na
ipagpatuloy ang kanilang ginagawa hanggang makamit na nila
ang minimithing pangarap. Sana katulad ni Rizal malinang
sana sa atin ang kagandahang asal, pagmamahal sa bayan,
disiplinang pansarili at tupdin ang tungkuling makabayan.
Sana ikaw mismo ay may pagmamahal sa ating wika, sa
ating bayan at maging sa ating mga kapwa.
Kagaya ng winika ni Rizal “ ANG KABATAAN ANG
PAG-ASA NG ATING BAYAN”
Sa iyo ito dapat magsimula , kaya’t hindi man si Rizal maging

190
ang mga bayani ng ating lalawigan ay ating matularan.

Pasagutan sa mga bata ang mga tanong:

Paano nga ba maituturing bayani ang isang tao?


Ano ba ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga buhay nila?
Ano-ano na ang nagawang pagbabago nila sa ating sistema?
Bakit marami sa atin ang nagnanais na matularan ang kanilang mga nagawang
kabayanihan ?
Ano – ano ang dapat malinang na ugali sa isang kabataan upang madali niyang
matularan ang ninanais niyang bayani ?

Talakayin ang mga sagot sa bawat bilang.


Hatiin ang klase ayon sa kanilang hilig at isagawa ang gawain.

Gawain A. “ Buhayin mo ako“


Bigyang buhay ang larawan ng isang tagpo kung

paano nakipaglaban ang mga bayani sa ating

lalawigan sa pamamagitan ng pagkukulay sa mga

larawan.

Gawain B. “ Awitin mo at isasayaw ko “


Lumikha ng isang awit sa himig ng “Paru-parong

Bukid “ na may mensahe ng kabayanihan. Sabayan

ang pag- awit ng indayog ng katawan.

Gawain C. “ Tagisan sa pagtula “


191
Bumuo ng isang maikling tula na nagsasaad ng mga

katangian ng mga bayani na nakipaglaban para sa

ating lalawigan.

Talakayin ang mga ipinakita ng bawat pangkat.


Itanong:
Ano-anong likhang sining ang inyong nakita at narinig sa bawat pangkat ?
Naisagawa ba ang sining ng may kawastuan ?
Ano ang iyong batayan para pumili ng nais na tularan na bayani ng
lalawigan ?

Magpagawa ng isang likhang sining na naglalarawan sa bayani ng lalawigan


o rehiyon na nais tularan. Bigyan ito ng interpretasyon
Gamitin ang rubric sa pagbibigay ng kaukulang marka.

Pagtataya
Sagutan ang pagsasanay sa LM.p. __

Maaari ba akong makalikha ng sining ayon sa bayaning nais kong tularan?


Kaya ko bang makalikha ng isang awit na nagbibigay ng magandang
mensahe tungkol sa mga bayani ?
Kaya ko bang sundan ang yapak ng mga bayani nating maituturing?
May kakayahan ba akong tularan di man mapantayan ang mga bayani sa
lalawigan ng Rizal ?

Takdang Gawain
192
Paano nga ba ang maging bayani ?
Malaki o maliit man ang nagawa mo sa iyong kapwa basta ito ay
pawang kabutihan ay sapat na upang ikaw ay matawag na bayani.

Bilang pagpapaabot mo ng pasasalamat gumawa ka ng isang simpleng


kard na may nakasulat na mensahe para sa mga taong nakagawa sa iyo
ngkabutihan.

Inihanda ni :

Aralin 14: Ako At AngKwento Ng MgaLalawigan

Bilang ng Araw: 1 araw

193
I. Layunin :
1. Nakasusulat ng payak na kwento/ 1-2 talata sa lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon na naging katangi -tangi para sa sarili.

II. Paksang Aralin:

Paksa: Pagpapahalaga sa kinabibilangang lalawigan o


rehiyon

Kagamitan: Lahat ng impormasyon sa kinabibilangang


lalawigan o rehiyon ,produkto ,likas na yaman
hanapbuhay ,pagdiriwang at iba pa mapa , video
ng pagdiriwang o sayaw

Sanggunian:K to 12 AP3KLR-IIj-8

III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Laro Team Charade

2.Magpapakita ng Pantomine ang unang 3 pangkat sa


klase na nauukol sa mga pangyayaring sa naganap na sa
kwento na natalakay na.Huhulaan ng pangalawa at pangatlong
pangkat ang ipinakitang Pantomime at kung sino ang
pinakamaraming hula na tumama ang panalo.

3. Maghanda ng playing cards na may nakasulat na


mga sumusunod:

 natatanging bayani
 kasaysayan ng lalawigan
 makasaysayang pook
 natatanging pagdiriwang

B. Paglinang
1. Pagsagot sa tanong
194
a. Sa mga nabasang kasaysayan ng mga lalawigan, alin
ang naging katangi-tangi sa iyo? Bakit mo nasabi ito?

b. Anu-ano ang maaari nating ipagmalaki tungkol sa


mga lalawigan ng ating rehiyon ? Paano natin
maipararating ang mga magagandang katangian ng mga
lalawigan sa ibang tao?

c. Kaya mo ba itong ilarawan sa pamamagitan ng


pagsulat ng kwento o talata?

2.Talakayan

a. Paano natin uumpisahan ang ating kwento?

b. Maaring isulat ang 2 mahalagang pangyayari tungkol


sa pinagmulan?

c. Paano nabuo ang lalawigan ayon sa batas?

d. Ano ang napansin mong pagbabago sa lalawigan?

3. Mga Nagbago sa lalawigan

Mga Gusali Lansangan Ginagawa Iba pang bagay

 Sino-sino ang mga taong nagbigay ng ambag upang maging maunlad ito?
 Anu-ano ang kanyang katangian?
 Anu-ano ang mga produkto/pagkain/pagdiriwang /anyong
lupa/tubig/sayaw /awit/

4. Pangkatin ang mga bata

5. Pagbuod

a. Pagsagot sa mga tanong


Bakit ninyo napili ang lalawigang ito?
Paano maipararating ang mga magagandang katangian ng ng
lalawigan sa ibang tao?

195
Paano mo mailalarawan ang mga lalawigan sa kinabibilangang
rehiyon na naging katangi tangi sa iyo?

Gawain A

Pangkatang Gawain

Pumili ng lalawigan.Maghanda ng isang pagtatanghal upang


ipakilala ang napiling rehiyon

Panuto:
1. Ang bawat mag-aaral ay pipili ng lalawigan na naging katangi tangi sa
kanila. Magpapangkat –pangkat ang mag-aral na pumili ng parehong
lalawigan.
2. Pangkat 1- Iguhit ang mga katangian ng lalawigan natatanging anyong
lupa /anyong tubig ng lalawigan
3. Pangkat 2- Natatanging tao sa lalawigan at ang maipagmamalaking
katangian
4. Pangkat 3- Natatanging produkto ,sining at pagdiriwang

Gawain B
Paano naipakikita na pinahalagahan mo ang ambag sa inyong
kinabibilangang rehiyon?
Sa parehong pangkat gumawa ng awit na ipinakikilala ang katangi-
tanging lalawigan sa kinabibilangang rehiyon

Gawain C
Sumulat ng payak na kwento o 1-2 talata tungkol sa napiling
lalawigan.Ibahagi sa klase ang kwento tungkol sa lalawigan na naging
katangi tangi para sa iyo.

IV. Pagtataya

196
Panuto: Sumulat ng payak na kwento o isa hanggang
dalawang talata tungkol sa lalawigan na naging
katangi-tangi para sa sarili. Gamitin ang pamagat
“ Ako at Ang Aking lalawigan”. Ipakita ang sariling
saloobin at pagpapahalaga tungkol sa
kinabibilangang lalawigan.

V. Takdang Gawain
Panuto : Pumili ng isang kwento sa kasaysayan at
lumikha ng Imaginary History na kakaiba sa nangyari. Itanong Ano
ang mangyayari kung sakali?

Inihanda ni:

197

You might also like