You are on page 1of 9

Paaralan MALAGASANG II ES Baitang 3

Guro RHODA S. DE JUAN Asignatura AP


LESSON Petsa Jun 20, 2023 Markahan Ikaapat
EXEMPLAR Bilang ng
Oras 1:00 - 2:00 PM 1 LINGGO
Araw

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin,ang mga lalaki at babaeng mag-aaral ay


inaasahang:

● matutukoy mo ang mga pamunuan sa mga lalawigan sa


iyong rehiyon, gayundin ang tungkulin at pananagutan ng
mga namumuno at ang dahilan ng paglilingkod ng
pamahalaan sa mga kasapi nito.
● nakikiisa sa tungkulin at pananagutan ng mga namumuno
sa kinabibilangang rehiyon.
● napahahalagahan ang pagkakaroon ng ng pamahalaan sa
bawat lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

A. Pamantayan Pangnilalaman Natutukoy ang mga tungkulin at pananagutan ng mga namumuno


sa mga lalawigan ng kinabibilangang rehiyon. AP3EAP-IVf-11

B. Pamantayan sa Pagganap Nakalalahok sa mga gawaing nakatutulong sa pagkakaisa,


kaayusan at kaunlaran ng sariling lalawigan at kinabibilangang
rehiyon. AP3EAP-IVi-16

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Natutukoy ang iba’t ibang paraan sa pakikiisa sa mga proyekto ng
pamahalaan ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.
AP3EAP-IVh-15

D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Naipaliliwanag ang dahilan ng paglilingkod ng pamahalaan ng


Pagkatuto (MELC) mga lalawigan sa mga kasapi nito. AP3EAP-IVg-14, MELC 30
Q4_W7-8

E. Pagpapaganang Kasanayan Walang Pampaganang Kasanayan

II. NILALAMAN Pamamahala sa Sariling Lalawigan at Rehiyon

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

a. Mga pahina sa Gabay ng Curriculum Guide AP3EAP-IVg-14, MELC 30-31


Guro

b.Mga pahina sa Kagamitang PIVOT 4A Learner’s Material Ikaapat na Markahan Unang


Pang-mag-aaral Edisyon, 2020, pp 27-36

c. Mga pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang Kagamitan https://www.google.com/search?


rlz=1C1CHBD_enPH932PH932&hl=en&q=cavite+congressman&tbm=isch&sa=X&ved=
mula sa Portal ng Learning 2ahUKEwjtuNaY-
Resource sz_AhW89jgGHYIyCCkQ0pQJegQIChAB&biw=1366&bih=625&dpr=1&safe=active&ss
ui=on

https://www.google.com/search?
q=bongbong+marcos+and+sara+duterte&tbm=isch&ved=2ahUKEwjSweay_cz_AhVkM7c
AHWZ1CpgQ2-
cCegQIABAA&oq=bongbong+marcos+and+sara+duterte&gs_lcp=CgNpbWcQAzIFCAA
QgAQ6BggAEAgQHjoGCAAQBxAeUJYJWIcUYNIZaABwAHgAgAHUA4gBkQmSA
QcwLjUuNC0xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=7g2PZNK
SM-
Tm3LUP5uqpwAk&bih=625&biw=1366&rlz=1C1CHBD_enPH932PH932&hl=en&safe=
active&ssui=on

B. Iba pang Kagamitang Panturo slide deck, mga larawan, tarpapel

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula ➔ Pagbati
➔ Panimulang Panalangin
➔ Pagbibigay ng pamantayan sa loob ng silid-aralan
(Baitang 2, Filipino 2, Ikalawang Markahan. Nasasabi ang
mensahe ng nais ipabatid ng mga babala o paalala F1PT-IIId-1.1)

➔ Balitaan – Magtawag ng mag-aaral na magbabahagi ng


balita tungkol sa napapanahong isyu.

➔ Layunin
Inaasahan na matutukoy mo ang mga pamunuan sa
mga lalawigan sa iyong rehiyon, gayundin ang tungkulin at
pananagutan ng mga namumuno at ang dahilan ng
paglilingkod ng pamahalaan sa mga kasapi nito.

Gawain sa Pagkatuto 1: Isulat ang T kung ang pahayag ay


tama at M naman kapag mali.

1. Ang Punong Bayan ay tinatawag rin nating Alkalde o


MayoGar.
2. Ang kapitan ang namumuno sa barangay.
3. Bise Alkalde ang katuwang ng Punong Bayan sa
pagpapatupad ng batas.
4. Ang Gobernador ay pinaka-ama na nangangalaga sa
kapakanan ng mamamayan.
5. Iwasang sumunod sa mga ipinapatupad na batas.

➔ Balik-aral
Gawain Pagkatuto 2: Gamit ang number code ng English
alphabet, buuin ang salitang tinutukoy sa pangugusap.

1. Ito ay isang mahalagang bahagi ng kabuhayan. Mga


halimbawa nito ay paaralan, tulay, ospital palengke at iba
pa.

I M P R A S T R A K T U R A

9 13 16 18 1 19 20 18 1 11 20 21 18 1

2. Ito ay imprastraktura na isang mahalagang proyekto ang mga


patubig sa palayan.

I R I G A S Y O N

9 18 9 7 1 19 25 15 14

3. Ito ay isang maayos na lugar kung saan maaaring


makabibili ng mga pangunahing produkto ang mga
mamamayan.

P A L E N G K E

16 1 12 5 14 7 11 5

Mga Katanungan:
1. Bakit mahalaga ang imprastraktura?
2. Ano ang naibibigay nito sa mga mamamayan?

➔ Pagganyak
HULAWHO: Kilalanin ang mga lider o pinuno. Idikit
ang pangalan ayon sa larawan
B. Pagpapaunlad Noong nakaraang taon ika-9 ng Mayo 2022, nagkaroon ng
botohan para sa bagong lider o pinuno ng ating bayan.

 Narinig mo ba kung sino ang nanalo bilang pangulo?

 Kilala mo ba ang alkalde o mayor ng iyong bayan?

Ang bawat barangay, lungsod, bayan o lalawigan ay


pinamumunuan ng taong pinili ng mamamayan.

● Paano ang ginawang pagboto ng mga mamamayan?


● Ano ang ibang tawag o kahulugan ng salitang botohan?

(Baitang 1, Filipino 1, Ikatlong Markahan. Natutukoy ang kahulugan ng


salita batay sa kasingkahulugan. F1PP-IIIh-1.4)

● Ilang taon ba dapat nakakaboto ang mga tao?


 18 taon gulang

● Kung kayo ay 10 taong gulang ngayon, anong taon kayo


mag-18 taong gulang?
 Taong 2031

● Ang mga tao ba na nasa pangkat etniko katulad ng mga


Aeta at Igorot ay nakaboboto rin? Bakit?

● Ilang taon manunungkulan ang bagong halal o nanalong


pangulo ng Pilipinas?
➢ 6 na taon

● Kung ang ating Pangulong Bongbong Marcos ay nanalo


noong 2022, anong taon ang kanyang magiging huling
termino o pagsisilbi sa Pilipinas?
➢ Taong 2028

● Paano mo nalaman na Taong 2028? Ano ang ginawa mo?


➢ 2022 + 6 = 2028

 Anong operasyon ang ginamit?

(Grade 3, Math 3, Quarter 1. Solves routine and non-routine problems


involving addition of whole numbers with sums up to 10 000 including
money using appropriate problem-solving strategies and tools. M3NS-If-
29.3)

Lider o Pinuno
➔ Ang taong namumuno o nangunguna ay tinatawag na
isang pinuno o lider, isang tao na itinuturing din bilang
kinatawan ng isang pangkat ng mga tao.

● May kilala ka bang lider o pinuno na nais mong tularan?


● Sino ito? Ano ang kanyang katangian?

Punong Barangay o Kapitan


➔ Katuwang ang mga barangay kagawad, pinananatili ni
Kapitan ang kaayusan, katahimikan at kaligtasan ng
kanyang nasasasakupan. Ang lahat ng Punong Barangay
ay sumusunod din sa Punongbayan o Lungsod. Ang mga
serbisyong dapat na naibibigay sa mamamayan ay dapat
na sinisigurado ng Kapitan.

Punongbayan o lungsod o Alkalde o Mayor


➔ Kinikilala bilang tagapanguna at tagapagbigay ng
pangkalahatang paglilingkod sa lahat ng mamamayan.
Ang pagtataguyod at pagbibigay ng serbisyong
panlipunan ang pangunahin sa kanyang mga gawain. Ito
ang batayan ng kanyang pamumuno.

Bise Alkalde
➔ Katuwang ang Alkalde at ang mga miyembro ng
Sangguniang Panlungsod ay may kahalintulad na
tungkulin, pananagutan at kapangyarihan sa mga pinuno
ng lalawigan. Ang lahat ng ito ay nakabatay sa isinasaad
ng batas Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991.

Gobernador
➔ Sila ang namumuno sa mga lalawigan na nakakasakop sa
mga bayan o lungsod maliban sa mga tinatawag na
“chartered cities”. Sa mga lungsod na “chartered”. Ayon
kay Manalo et al. (2015), ang Alkalde Mayor ay malayang
ipatupad at gastusin ang nakolektang buwis sa mga
proyekto na nakakatugon sa pangangailangan ng mga tao
sa naturang lungsod na hindi na kailangang manghingi pa
ng permiso sa gobernador.

Bise Gobernador
➔ Katuwang niya ang Gobernador at ang mga miyembro ng
Sangguniang Panlalawiga sa pagpapatupad ng batas at
tungkulin.

● Kilala mo ba ang mga namumuno sa ating barangay,


bayan o lungsod at lalawigan?
● Sino ang ating Punong Barangay sa Malagasang 2-A?
● Sino ang ating Mayor o Punong Bayan sa Lungsod ng
Imus?
● At sino ang ating Gobernador sa Cavite?
● Kung nasa harap mo ngayon ang mga namumuno o lider,
anong uri ng kaugalian ang iyong ipapakita?

(Baitang 1, ESP 1, Ikaapat na Markahan. Nakapagpapakita ng paggalang sa


paniniwala ng kapwa. EsP1PD-IVd-e – 2)

Pangunahing dapat gawin ng mga namumuno para


makapagbigay ng serbisyo-publiko:

● kaligtasan ng buhay ng lahat ng nasasakupan niya


● tinitingnan at iniingatan ang kalusugan ng lahat
● Sinisiguro na ang mga pampublikong daanan at tulay ay
maayos at ligtas para sa bawat isa.
● pagkakaroon ng malinis at ligtas na tubig, kuryente at
edukasyon para sa lahat
C. Pakikipagpalihan Gawain sa Pagkatuto 3: Iguhit ang tsek (/) kung ang pahayag ay
tama at ekis (x) naman kapag mali.

1. Ang mga lider ang dapat masunod sa lahat ng gagawin.


___
2. Dapat alam ng lider ang problema ng kanyang
nasasakupan. ___
3. Iniisip ng lider ang pansariling interes kaysa sa
nasasakupan. ___
4. Iboto ang lider na may malasakit sa kapwa. ___
5. Iniingatan ng lider ang kalusugan at kapakanan ng mga
tao. ___

D. Paglalapat  Sino ang mga pinuno na ating napag-aralan?

 Bakit mahalagang magkaroon ng lider o pinuno sa ating


lugar?

 Ano ang kanilang tungkulin o serbisyo para sa mga tao?


Pangkatang Gawain
Pangkat 1 – Kaunlaran, Aking Pangungunahan
Magbibigay ang pangkat ng mga proyektong magpapaunlad sa
komunidad.

Pangkat 2 – Nilalaman ng Aking Puso


Magpahayag ng kanilang damdamin bilang isang pinuno.

Pangkat 3 – Astig ako dahil…


Magbibigay ang pangkat ng mga katangiang dapat taglayin ng
isang pinuno.

Astig
ako
dahil...

Pangkat 4 – Bib na Bib


Ang miyembro ng bawat pangkat ay magsusulat ng mga
suliraning nais nilang lutasin ng pinuno.

Pangkat 5 – Puno ng Pangako


Ang mga miyembro ay
magsusulat ng kanilang
pangako ukol sa pagtulong
sa pinuno tungo sa kaunlaran.

Gawain sa Pagkatuto: Isulat


ang T kung ang pahayag ay
tama at M naman kapag mali.
1. Ang Punong Bayan ay tinatawag rin nating Alkalde o
Mayor.
2. Ang kapitan ang namumuno sa barangay.
3. Bise Alkalde ang katuwang ng Punong Bayan sa
pagpapatupad ng batas.
4. Ang Gobernador ay pinaka-ama na nangangalaga sa
kapakanan ng mamamayan.
5. Iwasang sumunod sa mga ipinapatupad na batas.

V. PAGNINILAY
Ipahayag sa iyong kamag-aral at guro ang iyong natutuhan mula sa
aralin gamit ang mga gabay sa ibaba:

Naunawaan ko na _________________________________

_______________________________________________.

Napagtanto ko na _________________________________

_______________________________________________.

Inihanda ni:

RHODA S. DE JUAN
Guro III

Inobserbahan ni:

KATHLYN C. CAPUNAY
Dalubguro I

You might also like