You are on page 1of 48

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7

(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga hakbang tungo sa maayos na pagtupad ng
Pangnilalaman kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang
mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

C. Mga kasanayan sa 1. Natutukoy ang kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.
Pagkatuto. Isulat ang code EsP7PSI-g-4.1
ng bawat kasanayan 2. Naipahahayag ang sariling damdamin ukol sa kanyang tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga o nagbibinata.
3. Naipakikita ang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 37-46


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 91-116


Kagamitang Pang-Mag-
aaral

131
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5334


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, Manila paper, pentel pen, sagutang papel
Panturo
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang 1. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga hilig at interest. Ipaugnay ito
aralin at pagsisimula ng sa kanilang napiling kursong akademiko o teknikal, bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
bagong aralin. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)

2. Sagutan ang Paunang Pagtataya mula sa LM p. 92-94. (Gawin sa loob ng 7 minuto)


(Reflective Approach)

Paunang Pagtataya
Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot
sa notbuk.
1. Ang sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga o nagbibinata sa
kanyang sarili maliban sa:
a. Makabuluhang paggamit ng mga hilig
b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
c. Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito
d. Pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa yugto ng
pagdadalaga o pagbibinata

2. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para

132
sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?
a. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang
kapwa. b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang
kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili para
sa kanyang kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa
kanyang kakayahan na makipagkapwa.

3. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan?


a. Mayroong gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan.
b. Makatutulong ito upang maramdamang ikaw ay kabahagi ng lipunan.
c. Magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng tao sa lahat ng
pagkakataon. d. Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod siya sa
pamayanan.

4. Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso’t pusa sa dalas
ng kanilang pag-aaway. Madalas na sumasama ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang
hindi magandang pagpapalitan ng mga salita. Ano ang makatuwirang magagawa ni Jamir?
a. Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.
b. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang
iwasan na itong gawin.
c. Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad ng pakikitungo niya sa ibang
kakilala at mga kaibigan.
d. Maging handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid sa panahong kapwa na sila
handing kalimutan ang mga nakaraang pagtatalo.

5. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin


bilang nagdadalaga o nagbibinata?
a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.
133
b. Tataglayin ang kakayahang harapin ang susunod na yugto ng buhay.

134
c. Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang dalaga/binata.
d. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang magandang halimbawa
sa kapwa kabataan.

6. Wika ng isang manunulat sa pilosopiya, “Ang isang taong tumatalikod sa pananagutan ay


maaaring maihalintulad sa isang taong naglalakad ng walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig
ng pangungusap na ito?
a. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang mga tungkulin ay walang
maaaring maipagmalaki kanino man.
b. Ang kahihiyang dulot ng di pagtupad sa mga tungkulin ay nakababawas sa dignidad ng tao.
c. Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ng tao sa pagkatao ng
tao. d. Maaaring mahusgahan ng kapwa ang taong hindi marunong tumupad sa kanyang mga
tungkulin.

7. Ano ang pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?


a. Pataasin ang marka
b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip
c. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin
d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto

8. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?


a. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyong darating.
b. Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng
lahat ng tao.
c. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga
kalamidad. d. Lahat ng nabanggit

9. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?


a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan.

135
b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay.
c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya
d. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid.

10. Mula ng nagdalaga si Jasmin ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng


kanyang ina. Madalas na sumasama ang kanyang loob sa tuwing siya ay napagsasabihan at
napagbabawalan sa mga bagay na alam niyang hindi na nararapat na pakialaman ng kanyang
ina. Ano ang pinakamakatuwirang magagawa ni Jasmin?
a. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina ang kanyang saloobin.
b. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyon at pakikipag-ugnayan
sa kanyang ina.
c. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ng loob at matapos ito
ay kalimutan na ang sama ng loob.
d. Palaging isaisip na bilang anak kailangan niyang sumunod sa kanyang magulang sa lahat ng
pagkakataon dahil sila ang nakatatanda.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Natutukoy ang kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o
nagbibinata.
2. Naipahahayag ang sariling damdamin ukol sa kanyang tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga o nagbibinata.
3. Naipakikita ang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

B. Pakinggan ang pahayag na babasahin ng guro sa ibaba. Isulat ang kasagutan sa Show Me
Board. Ipakita sa klase at humanda sa pagbabahagi. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
 Kung naging isda ka, ano na kaya ang nangyari sa iyo?
 Gugustuhin mo bang maging ibang nilalang kaysa naging tao? Bakit? Ano kaya ang dahilan
kung bakit nilalang ang isang tao?

135
 Kung naging puno ka, gaano ka na kaya kalaki ngayon?
 Kung naging ibon ka, saan ka na kaya nakarating?
 Kung naging hayop ka, sino kaya ang nagmamay-ari sa iyo?

C. Pag-uugnay ng mga Gamit ang PowerPoint presentation, ipakita at pasagutan sa mga mag-aaral ang tseklis na nasa
halimbawa sa bagong ibaba. Sa bawat aytem, lagyan ng tsek (√) ang kolum kung nagagawa ang isinasaad sa bawat
aralin tungkulin at ekis (x) ang katabing kolum kung hindi. Maging tapat sa mga sagot upang tunay na
mataya ang kakayahan sa pagtupad ng mga tungkulin. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective
Approach)

Hindi Ko
Mga Tungkulin Nagagawa Ko
Nagagawa
1. Pagliligpit ng higaan pagkagising
2. Pagpapaalam sa magulang o kasambahay sa
pupuntahang mga lakad
3. Pag-iwas na makasagutan ang kapatid
4. Pagsasauli ng hiniram na gamit sa paaralan (hal. aklat)
5. Pagtatapon ng basura sa tamang lugar
6. Pagsisimba tuwing araw ng Linggo o araw ng pagsamba
7. Pag-iisip bago sumabay sa uso
8. Maging pinuno sa mga kaibigan na magkaroon ng
programa para sa kalikasan
9. Pagtulog nang maaga
10. Pagsunod sa payo ng mga magulang
11. Pagpaparaya sa kapatid kung kinakailangan
12. Pagpasok sa paaralan sa takdang oras
13. Paglilinis ng sariling bakuran o ng bahay
14. Pagsunod sa utos at aral ng Diyos

136
15. Pinag-iisipan muna ang bibilhing produkto
16. Pagbabahagi ng kaalamang natutuhan mula sa
paaralan tungkol sa kalikasan
17. Pag-uwi nang tama sa oras
18. Pagtulong sa mga gawaing-bahay
19. Pakikinig sa payo ng nakatatandang kapatid
20. Pagpasok sa paaralan araw-araw
21. Pakikilahok sa programa ng barangay
22. Pagtulong sa kapwang nangangailangan
23. Paggamit ng mga teknolohiya (hal. internet) nang may
disiplina
24. Paggamit muli (reuse) ng mga plastic bag
25. Pagtanggap sa sariling kahinaan
26. Pagsagot nang may paggalang sa mga nakatatanda
(hal. magulang) kapag tinatanong
27. Pagpapaalam sa kapatid bago gamitin ang kanilang
gamit
28. Pagpapasa ng mga proyekto sa takdang araw
29. Paghihiwa-hiwalay ng basura sa tahanan
30. Pag-iwas sa pagmumura at pagsasalita ng malalaswang
mga salita
31. Pagtingin hindi sa tatak (brand) ng isang produkto kundi
sa kalidad nito
32. Pagtitipid sa paggamit ng kuryente
33. Pagiging malinis sa katawan
34. Pagkonsulta sa mga magulang bago magsagawa ng
pagpapasya at kilos

137
35. Pagpapalawak ng pasensya sa pagkukulang ng mga
kapatid
36. Pakikilahok sa talakayan
37. Paglilinis ng mga kanal sa gilid ng bahay
38. Pag-iwas na makapanakit ng kapwa
39. Pag-iwas sa pagtangkilik sa mga pekeng produkto tulad
ng cd tape, sapatos, atbp.
40. Pakikiisa sa kampanya para sa isang proyektong
kasama ang iyong pamilya

D. Pagtalakay ng bagong Alamin ang naging damdamin ng mga mag-aaral sa natapos na gawain at pasagutan ang
konsepto at paglalahad ng inihandang mga tanong sa ibaba. Tumawag ng piling mag-aaral mula sa klase. (Gawin sa loob ng
bagong kasanayan #1 5 minuto) (Reflective Approach)
 Kumusta? Naging masaya ka ba sa sagot mo sa tseklis?
 Naging madali ba ang iyong pagsagot sa tseklis? Bakit? Bakit hindi?
 Sa kabuuan, ano ang iyong naging pagtataya sa iyong kakayahan sa pagtupad sa iyong mga
tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata?
 Ano ang mahalagang aral na iyong nakuha mula sa gawain?

E. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa tatlong grupo. Basahin ang sitwasyon sa ibaba at magkaroon ng
konsepto at paglalahad ng brainstorming upang mabuo ang pangkatang kasagutan. Pumili ng isang magbabahagi. (Gawin sa
bagong kasanayan #2 loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
Pangkat A. Isang batang babaeng mag-aaral ang pinagtangkaang halikan ng kanyang titser. Hindi
ito natuloy dahil biglang bumukas ang pinto ng opisina at nakita ng kaklase ang tangka
ng kanilang titser. Narinig din nila na ang titser na ito ay mahilig magnakaw ng halik sa
kanyang mga babaeng estudyante. Ano sa palagay mo ang dapat gawin ng
estudyanteng nakasaksi sa pangyayari?

Pangkat B. Nagkaroon ng raid sa inyong lugar ukol sa ipinagbabawal na gamot. Tumatakbong

138
palapit sa iyo ang isa sa mga kabataang tumatakas at inabot sa iyo ang isang piraso
ng papel at sinabing babalikan niya ito sa iyo. Dumating ang mga humahabol na pulis
at tinanong sa iyo kung saang direksyon tumakbo ang hinahabol nila, ano ang gagawin
mo sa ganitong sitwasyon?

Pangkat C. Nahihirapan sa pagsusulit ang iyong kaibigan. Mahalaga para sa kanya ang pagsusulit
na ito. Maarng ulitin niya ang asignaturang ito kapag hindi niya naipasa. Humihingi siya
ng tulong sa iyo ng mga tamang kasagutan gaya ng naipahiwatig niya bago pa lamang
magsimula ang aralin. Isa kang honor student at huwaran sa EsP. Ano ang iyong
gagawin?

F. Paglinang sa Tumawag ng tatlong mag-aral mula sa bawat pangkat na magbabahagi ng kasagutan. (Gawin
Kabihasahan (Tungo sa sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
Formative Assessment) 1. Ano ang iyong naging kasagutan sa bawat sitwasyon?
2. Paano mo binuo ang iyong desisyon sa bawat kasagutan?
3. Ano-anong tungkulin ang iyong nagampanan sa mga nabanggit na sitwasyon?

G. Paglalapat sa aralin sa Gamit ang dating pangkat, ipakita ang tugon sa sitwasyon sa pamamagitan ng isang role playing
pang-araw-araw na buhay na hindi hihigit sa 3 minuto. (Gawin sa loob ng 9 minuto) (Collaborative Approach)
 Iniimbita ka ng iyong kabarkadang dumalo sa isang pagpupulong ng isang organisasyon sa
inyong paaralan. Natuklasan mong ito pala ay isang fraternity/sorority. Muli ka nilang niyaya
para dumalo sa isang initiation ng mga bagong kasapi. Sinabi ng mga kabarkada mo na
kasapi ka na nila. Ano ang maari mong gawing bahagi ng iyong tungkulin bilang isang
kabataan?

H. Paglalahat sa aralin Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. Mahirap isalin sa ibang tao ang
responsibilidad kung hindi ito nasimulang ilapat sa sarili. Bilang isang tinedyer, may mga bagay na
dapat mong bigyang-pansin upang masabing tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa iyong
sarili.

139
I. Pagtataya ng Aralin Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng sampung pangungusap tungkol sa sariling
reyalisasyon sa mga tungkulin na iyong nagagawa at hindi nagagawa. Gawing batayan ang tseklis
na nauna nang sinagutan. Isulat sa kalahating buong papel ang kasagutan. Isang puntos kada
pangungusap. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%

J. Karagdagang gawain para Sa inyong notbuk, isulat ang mensaheng nais iparating ng awiting “Batang-Bata” ng APO Hiking
sa takdang-aralin at Society.
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa

140
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

141
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga hakbang tungo sa maayos na pagtupad ng
Pangnilalaman kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang
mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

C. Mga kasanayan sa 1. Natataya ang mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng sariling mga tungkulin bilang
Pagkatuto. Isulat ang code nagdadalaga o nagbibinata. EsP7PSIg-4.2
ng bawat kasanayan 2. Nakasusulat ng liham pasasalamat sa Panginoon tungo sa maayos na pagtupad ng sariling
mga tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata.
3. Naipahahayag ang sariling damdamin sa pagtupad ng tungkulin bilang nagdadalaga o
nagbibinata.

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 37-46


Guro

2. Mga Pahina sa
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 91-116
Kagamitang Pang-Mag-
aaral

142
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5334


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, Manila paper, pentel pen, sagutang papel, paper strips
Panturo
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng tatlong mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot tungkol sa mensahe ng awiting
aralin at pagsisimula ng “Batang-Bata” ng APO Hiking Society. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
bagong aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak
1. Natataya ang mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng sariling mga tungkulin bilang
nagdadalaga/ nagbibinata
2. Nakasusulat ng liham pasasalamat sa Panginoon tungo sa maayos na pagtupad ng sariling
mga tungkulin bilang nagdadalaga/ nagbibinata.
3. Naipahahayag ang sariling damdamin sa pagtupad ng tungkulin bilang nagdadalaga o
nagbibinata.

B. Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan ng Manila paper ang bawat pangkat. Ipamahagi sa bawat
grupo ang paper strips na may nakasulat na mata, tainga at bibig, puso, kamay, paa. Bigyan ng
2 minuto ang bawat pangkat upang isulat sa Manila paper kung ano ang katuturan para sa
kanila ng bawat bahagi ng katawang may kinalaman sa kanilang tungkulin bilang nagbibinata at
nagdadalaga. Ipaskil sa pisara ang output. Pumili ng isang pangkat na magpapaliwanag ng
kanilang natapos na gawain. Ang unang makatatapos ang idedeklarang panalo, samantalang

143
ang pinakamaingay na pangkat naman ang pinakahuli. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Collaborative Approach).

C. Pag-uugnay ng mga Sa pamamagitan ng PowerPoint presentation, ipakita ng guro ang mga sitwasyon. Tumawag ng
halimbawa sa bagong mag-aaral na magbibigay tugon sa sinabi ng tauhan kung siya ang kausap nito. Ipaalalang
aralin mahalagang maging tapat sa kasagutan. (Gawin sa loob ng 8 minuto) (Reflective Approach)

Anak, matulog nang maaga


dahil may pasok ka pa
bukas.

144
Anak, sumama ka sa
amin sa pagsamba
sa Linggo ng umaga.
Mahalagang
magpasalamat tayo
sa mga biyayang
tinanggap natin.

Inaasahan ko
Noel na
maibibigay mo sa
akin ang iyong
proyekto sa
itinakdang araw
ng pasahan.

145
Maaasahan ko ba uli ang
inyong pakikiisa sa ating
proyektong pampaaralan sa
darating na Sabado bilang ating
community service?

Tama lang iyon


Bakit mo ako dahil isinumbong
isinumbong mo rin ako dati!
kay tatay?

146
May bago na Oo nga, ano kaya ang
namang magagawa ng ating
kalamidad sa pamilya para hindi na
bansa. Malala na lumala ang problema sa
talaga ang kalikasan?
suliranin sa

Maaari kong pagkakitaan ang


aking kakayahan sa pagluluto
sa hinaharap kung
Nakakabahala ang ganoong klase ng patalastas.
Ito ay napapanood ng lahat maging ng mga bata.
Ano kaya ang puwede nating gawin?

Napanood mo
ba ang bagong
patalastas ng
alak ngayon?

D. Pagtalakay ng bagong Ipagawa ang sumusunod. Magkaroon ng talakayan ukol sa natapos na gawain. (Gawin sa loob ng
konsepto at paglalahad ng 6 minuto) (Reflective Approach)
bagong kasanayan #1 1. Kumusta ang iyong mga sagot sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag ang iyong naramdaman.
2. Sagutin ang mga kasunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong notbuk.
a. Naharap ka na ba sa mga sitwasyong nabanggit?
 Kung Oo, naging madali ba ang paninindigan mo na maisakatuparan ang iyong
tungkulin?
 Kung hindi pa, ano ang maitutulong sa iyo ng pagganap sa mga tungkulin bilang isang
kabataan? Ipaliwanag.
b. Ano ang magiging epekto sa iyong sarili kung hindi mo tutuparin ang iba’t ibang tungkulin?
Ipaliwanag.
c. Paano mapauunlad ng mga tungkuling ito ang iyong sarili bilang nagdadalaga o

148
nagbibinata?
d. Bakit nararapat na gawing positibo ang pagtingin sa mga tungkulin?
e. Ano-ano ang mga kinakailangan mong pagpapahalagang makatutulong sa iyo upang
magampanan nang mapanagutan ang iyong mga tungkulin bilang nagdadalaga o
nagbibinata?

E. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa tatlong grupo. Ipakita ang PowerPoint presentation ng Iskala ng mga Kilos.
konsepto at paglalahad ng Pasagutan ito sa Manila paper. Pagkatapos ng gawain, ibahagi ito sa klase ng isang miyembro.
bagong kasanayan #2 (Gawin sa loob ng 8 minuto) (Reflective/Collaborative Approach)
1 – Hinding-hindi OK at hindi ko gagawin
2 – Hindi OK
3 – Hindi ako sigurado sa maari kong gawin
4 – OK lang ito
5 – OK na OK at gagawin ko
1. OK lang na magsinungaling kung hinihingi ng sitwasyon para sa aking kabutihan.
2. OK lang ang magnakaw kung para sa kapakanan ng aking pamilya.
3. Ang pagkitil ng buhay ng sanggol kailanman ay hindi magiging tama.
4. Kung ang lahat ng kaklase ko ay nangongopya, OK na rin sa akin ang mangopya.
5. Hindi ko magagawang pumatay kahit ang dahilan nito ay self-defense.
6. Maaari kong subuking gumamit ng ipangbabawal na gamot.
7. OK lang ang uminom ng beer kung nakikisama sa barkada.
8. OK lang ang premarital sex dahil uso na iyan ngayon.
9. OK lang ang manood ng mga pelikulang may kinalaman sa seks.
10. Hindi kasalanan ang magkaroon ng isang homosexual activitiy.
11. OK lang na mag-cutting classes kahit na walang importanteng dahilan.
12. OK na ilaglag ang sanggol kung mabuntis nang hindi kasal.
13. OK lang ang magkaroon ng maraming boyfriend/girlfriend nang sabay-sabay.
14. OK lang na mangupit ng pera ng aking magulang kapag kailangan ko.

149
15. OK lang na ubusin ko ang aking baon sa paglalaro ng mga video games sa computer
shops.

F. Paglinang sa Kabihasahan Sagutan ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 8 minuto) (Reflective Approach)
(Tungo sa Formative 1. Ano ang ipinahihiwatig ng inyong sagot? Ng kabuuang sagot ng inyong klase?
Assessment) 2. Ano ang reaksyon mo sa mga aytem na nakasulat? Tungkol saan ang mga ito?
3. Maaari rin kaya itong gawin ng iba pang mga kabataan tulad mo? Magbigay ng mga aktuwal na
pangyayari batay sa sariling karanasan o pagmamasid sa iyong kapaligiran.
4. Ano ang masasabi mo sa mga kabataang gumagawa ng tulad ng mga nabanggit?
5. Nakikilala mo ba kung ano ang itinuturing na tama at mali ng mga kabataang tulad mo?

G. Paglalapat sa aralin sa Gumawa ng isang liham pasasalamat sa Panginoon sa paggabay sa maayos na pagtupad ng
pang-araw-araw na buhay kanyang tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata. Isilid ang liham sa isang selyadong envelop
at itabi sa portfolio. (Gawin sa loob ng 8 minuto) (Constructivist Approach)

H. Paglalahat sa aralin Ang maayos na pagtupad ng tungkulin ay nagpapakita ng tunay na pagkatao ng isang tao.
Kinakailangang simulan nang maaga ang pagtugon sa iyong mga pananagutan at tungkulin
bilang nagdadalaga o nagbibinata.

I. Pagtataya ng Aralin Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat sa patlang ang maaari mong gawin at ang
dahilan ng iyong aksyon. Dalawang puntos kada bilang. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach)

1. Nag-cutting classes ang kaklase mo. Tinanong ka ng iyong guro kung nasaan siya.
Ang iyong gagawin:
Dahilan:

2. Sinenyasan ka ng isang kaklase para pakopyahin siya sa pagsusulit.


Ang iyong gagawin:

150
Dahilan:

3. Niyaya ka ng boyfriend/girlfriend mo na pumasok sa isang motel.


Ang iyong gagawin:
Dahilan:

4. Bumili ka ng aklat na may halagang P200.00. Sinuklian ng P400.00 ang P500.00 na ibinayad
mo.
Ang iyong gagawin:
Dahilan:

5. Marami kang problema sa pamilya. Inaya ka ng barkadang magdroga upang makalimot.


Ang iyong gagawin:
Dahilan:

J. Karagdagang gawain para 1. Pangkatin ang klase sa pito. Magsagawa ng panayam ukol sa mga tungkuling inaasahan sa
sa takdang-aralin at iyo bilang nagdadalaga o nagbibinata sa sumusunod na tao:
remediation Pangkat 1-magulang, Pangkat 2- kapatid, Pangkat 3- kaibigan, Pangkat 4-guro, Pangkat 5-
kamag-aral, Pangkat 6-pari at Pangkat 7-kapitan ng brgy.
2. Ipabasa ang bahaging Pagpapalalim sa EsP 7 (Unang Bahagi) LM p. 102
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba

151
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

152
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKATLONG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga hakbang tungo sa maayos na pagtupad ng
Pangnilalaman kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang
mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

C. Mga kasanayan sa 1. Napatutunayan na ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili bilang
Pagkatuto. Isulat ang code anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng media at bilang
ng bawat kasanayan tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda
sa susunod na yugto ng buhay. EsP7PSIg-4.3
2. Nasasabi ang mga tungkulin ng nagdadalaga o nagbibinata sa sarili bilang anak, kapatid, mag-
aaral, mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng media at bilang tagapangalaga ng
kalikasan.
3. Naipahahayag ang damdamin ukol sa mga inaasahang tungkulin ng nagdadalaga o
nagbibinata sa sarili bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya,
konsyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan.

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 37-46


Guro

153
2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 91-116
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5334


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, Manila paper, pentel pen, paper strips, sagutang papel,
Panturo graphic organizer
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Isagawa ang Think-Pair-Share. Kumuha ng kapareha at pag-usapan ang isang bagay na inaakala
aralin at pagsisimula ng ninyong tama at isang mabuting nagawa ninyo simula sa paggising sa umagang ito.
bagong aralin. Pasagutan ang tanong at ibahagi sa klase. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative/Reflective
Approach)
 Sa inyong palagay, pareho ba ang kahulugan ng tama at mabuti? Ipaliwanag.
 Lahat ba ng mabuti ay tama? Lahat ba ng tama ay mabuti?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Napapatutunayan na ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili bilang
anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng media at bilang
tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang
paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.
2. Nasasabi ang mga tungkulin ng nagdadalaga o nagbibinata sa sarili bilang anak, kapatid,
mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng media at bilang tagapangalaga
ng kalikasan.

154
3. Naipahahayag ang damdamin ukol sa mga inaasahang tungkulin ng nagdadalaga o
nagbibinata sa sarili bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya,
konsyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan.

B. Sabihin ng guro: (Gawin sa loob ng 4 minuto) (Reflective Approach)


Sa pagharap mo sa malaking gampanin sa buhay, napapaligiran ka ng mga taong may
kaugnayan sa iyo bilang nagdadalaga o nagbibinata. Tumawag ng tatlong mag-aaral na
magbabahagi sa klase ang ginawang panayam sa takdang-aralin.

C. Pag-uugnay ng mga Ipaskil sa pisara ang inihandang graphic organizer katulad ng nasa ibaba. Ipamahagi sa bawat
halimbawa sa bagong pangkat ang paper strips, ipasulat dito ang nakalap na sagot mula sa panayam tungkol sa mga
aralin tungkuling inaasahan sa iyo bilang isang nagdadalaga o nagbibinata at idikit ito sa angkop na
kahon. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Integrative/Reflective Approach)

Pangkat 1-magulang Pangkat 2- kapatid Pangkat 3- kaibigan,

155
Pangkat 4-guro Pangkat 5-kamag-aral Pangkat 6-pari
Pangkat 7-kapitan ng brgy.

D. Pagtalakay ng bagong Magkaroon ng talakayan batay sa nabuong graphic organizer. Sagutin ang katanungan. (Gawin
konsepto at paglalahad ng sa loob ng 5 minuto) (Integrative/Reflective Approach)
bagong kasanayan #1 1. Ano ang iyong konklusyon sa kinalabasan ng panayam?
2. Ano ang iyong damdamin sa mga nakasulat na inaasahang tungkulin?
3. Ipaliwanag: “Ako Bilang Isang Nagdadalaga O Nagbibinata”
4. Ano-anong mga paghahanda ang dapat gawin upang magampanan mo ang mga
inaasahang tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata?

E. Pagtalakay ng bagong Hatiin ang klase sa walong grupo. Bigyan ng paksa ang bawat pangkat. Pag-aralan ito, ihanda ang
konsepto at paglalahad ng maikling buod at iulat ng lider ng pangkat. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Integrative/Reflective
bagong kasanayan #2 Approach)
MGA TUNGKULIN BILANG NAGDADALAGA O NAGBIBINATA
Sa bawat araw na dumaraan, nahaharap ka sa iba’t ibang gawaing dapat mong tuparin.
Napakaraming takdang kailangang gawin sa paaralan. Napakaraming gawain sa sariling tahanan.
May mga obligasyon ka sa iyong sambahan at pamayanan. Naghahanap ng panahon at atensyon
ang iyong mga kaibigan. Marahil sa mga pagkakataong ikaw ay nakararamdam na ng pagod,
tinatanong mo na ang iyong sarili kung paano mo hahatiin ang iyong katawan. Ngunit sabi ng
isang linya ng awitin,” Ganyan talaga ang buhay...”
Nasubukan mo na bang ihalintulad ang iyong sarili sa isang batang nagtitinda ng
sampagita sa simbahan pagkatapos niyang pumasok sa paaralan? Nasubukan mo na bang
kausapin ang isang tinedyer na nagbubuhat ng mabibigat na sako ng gulay sa Divisoria sa gabi?
Nailagay mo na ba ang iyong sarili sa katayuan ng isang tinedyer na nasa lansangan; dala-dala
ang sanggol na kapatid at kumakatok sa mga bintana ng sasakyan upang manghingi ng pera o
pagkain? Mas mahirap hindi ba? Pero hindi nagrereklamo ang karamihan sa kanila at tinatanggap
ang mga ito bilang kanilang obligasyon sa kanilang pamilya.
Maraming tao ang nagsasabi sa iyo na hindi ka na bata. Habang nadaragdagan ang iyong

156
edad ay nadaragdagan din ang iyong mga tungkulin. Mulat ka na ba sa iba’t iba mong
tungkulin? Hayaan mong tulungan ka ng babasahing ito.
Pangkat 1. Ang Tungkulin sa Sarili. Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili.
Mahirap isalin sa ibang tao ang responsibilidad kung hindi ito nasimulang ilapat sa sarili. Bilang
isang tinedyer, may mga bagay na dapat mong bigyang-pansin upang masabi mong tunay mong
natupad ang iyong tungkulin sa iyong sarili.
a. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga o
Pagbibinata. Sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata, nahaharap ang isang tinedyer sa iba’t
ibang mga pagbabago. Napagaralan sa nagdaang aralin ang mga ito. Huwang mong
hayaang bumaba ang iyong tiwala sa sarili. Sa halip gamitin mo itong pagkakataon upang
mas mapagyaman ang iyong sarili. Kailangang magsimula ka nang tama. Dito nakasalalay
ang tagumpay ng pagharap sa mga susunod pang yugto ng iyong buhay. Ito rin ang
makatutulong upang maging maligaya ka sa iyong pamumuhay.
b. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito. Isa kang obra ng
Diyos. Biniyayaan ka ng talento at kakayahang maaari mong gamitin at paunlarin. Kung hindi
ito gagamitin at pauunlarin, hindi lamang ikaw kundi maging ang lipunan ang nawalan ng
pagkakataong makinabang. Mawawala ang posibilidad na maibahagi ang kakayahang maaari
sanang magkaroon ng mahalagang gamit para sa lahat. Katulad na lamang ng isang aklat na
hindi nabigyang katuparang maisulat. Maging mga imbensyong maaari sanang
makapagpaginhawa sa buhay ng tao ngunit hindi nabigyang-buhay. Makiisa ka sa iyong
pamilya at sa paaralan sa pagpapaunlad ng iyong talento at kakayahan. Isa ito sa
mahalagang bahagi sa pagbuo ng iyong sarili at sa iyong pag-unawa sa dahilan ng iyong
pagkalalang.
c. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig. May kasabihan sa Ingles na,”Do what you love and
you will love what you do”. Ngunit hindi sapat na ginagawa mo ang gusto mo, kailangan mong
masiguro na ginagawa mo ito nang makabuluhan. Napakaraming mga tinedyer na mahusay
sa paggamit ng kompyuter. Pero sa iyong palagay, tama bang ubusin nila ang kanilang
panahon sa harap ng kompyuter at naglalaro sa halip na nag-aaral? Bakit hindi mo na lamang
pagyamanin ang mga hilig mo at gamitin upang maihanda ang iyong sarili sa isang kursong
gusto mo sa kolehiyo? O di kaya naman ay tumulong ka sa paaralan upang magturo sa mga
157
kapwa mo mag-aaral na hindi marunong gumamit ng kompyuter? Makikita mo na hindi
mabibili ng pera ang makukuha mong kapalit mula dito. Napagyaman mo pa ang iyong hilig.
Pangkat 2. Ang Tungkulin Bilang Anak. Hindi ka na nga bata. Pero hindi nangangahulugan
ito na maaari mo ng ihiwalay ang iyong sarili sa iyong pamilya. Nananatiling ang iyong pamilya
ang may pinakamalaking impluwensya sa iyong buhay. Mayroon ka ng sapat na edad upang
makibahagi sa iyong pamilya at sa tahanan.
Ang lahat ay nagsisimula sa maliit. Huwag mong pilitin ang iyong sariling gawin ang isang
bagay na hindi mo pa naman talaga kaya. Hindi mo pa kayang magtrabaho upang kumita at
makatulong sa kanila. Mas mahalaga sa kanila na mag-aral ka upang makatapos. Pero
makatutulong ka pa rin sa pamamagitan ng pagiging maingat sa paggastos. Ang kaunting baong
iyong matitipid sa araw-araw ay magiging malaki kapag naipon sa buong linggo o maaaring buong
buwan. Maaaring hindi mo kayang linisin ang buong bahay ngunit maaari mong panatilihing
malinis at maayos ang iyong sariling silid.
Katanggap-tanggap namang hindi pa maaring ipaubaya sa iyo ang pagpapasya sa loob ng
tahanan. Ngunit maaari mong ibahagi ang iyong pananaw at saloobin, pakinggan ang saloobin
ng iba upang kolektibong makabuo ng pasya.
Mahalaga rin na maunawaan mo ang halaga ng pagbuo ng isang magandang ugnayan sa
iyong mga magulang. Ito ang yugto ng pagkakaroon ng madalas na hindi pagkakaunawaan sa
pagitan mo at ng iyong magulang. Lagi mong tandaang naging tinedyer din sila minsan.
Pinagdaanan nila ang iyong mga pinagdaraanan. Ngayon iba na ang kanilang pananaw bilang
mga magulang. Pinagyaman na sila ng kanilang mga karanasan. Sila ang may pinakamalawak
na pang-unawa para sa iyo. Kung marami man silang sinasabi o hinihingi, ito ay dahil iniisip nila
ang
magiging kapakanan mo. Wala silang ibang hangad kundi ang gawin kang handa sa
pagkakataong ikaw naman ang magiging tagapagtaguyod ng pamilya at haharap sa hamon ng
buhay sa mundo ng mga matatanda. Tungkulin mong sila ay mahalin, igalang at pagkatiwalaan.
Ngunit kung may mga pagkakataong iba sa inaasahan ang nakikita sa
magulang, mahalagang pag-isipan nang husto kung ano ang nararapat na gawin.

Pangkat 3. Ang Tungkulin Bilang Kapatid. Sa bahay para kayong “aso’t pusa”. Ito ang laging
158
sinasabi ng iyong mga magulang kapag lagi kayong nag-aaway ng iyong mga kapatid. Pero ang
kapatid na lagi mong kaaway sa bahay, handa mong ipaglaban kapag inaapi ng ibang tao. Hindi
naman siguro matatawag na normal ngunit mas malaking bahagdan ng mga magkakapatid sa
tahanan ay dumaraan sa yugto ng madalas na pagtatalo at pag-aaway. Natural lamang na may
mga mabubuong hindi magagandang damdamin sa pagitan ninyong magkakapatid. Ang
kailangan lamang ay huwag itong hayaang magtagal at maipon hanggang sa lumaki. Ang selos
dahil sa pakiramdam na mas paborito ng iyong ina ang iyong kuya ay hindi dapat magtungo sa
pagkainggit mo sa kanya. Maaaring maging galit ito kung iyong pababayaan.
Mahirap kung magiging malayo ang loob ninyo sa isa’t isa. Pagsikapan mong i-enjoy ang
panahong kasama sila. Ang mabuting pakikitungo sa iyong mga kapatid ay makatutulong
upang
matuto kang makitungo nang maayos sa iyong kapwa.
Pangkat 4. Ang Tungkulin Bilang Mag-aaral. Ikaw ngayon ay nasa high school na. Nasa higit na
malaking” mundo”. Mas marami ka ng mga gawaing nararapat gawin at marami kang natutuhan
sa mga bagay na iyong ginagawa. Sa bawat gawaing iyong natatapos, karagdagang karanasan at
aral na iyong maiipon. Mas nadadagdagan ang kabuluhan ng iyong buhay. Gaano mo
pinahahalagahan ang pag-aaral? Maaari mo itong malaman sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga sumusunod na tanong.
a. Gaano kalaking panahon at pagsisikap ang inilalaan ko sa pag-aaral?
b. Paano ko gagamitin ang aking mga talento at kakayahan sa pag-aaral?
c. Paano ko magagamit ang lahat ng aking kakayanan?
d. Anong gawain sa paaralan ang kinawiwilihan kong salihan?
e. Paano ko susuportahan ang “Student Government”?
f. Sa paanong paraan ko kaya mabibigyan ng karangalan ang aking paaralan?
g. Ano ang aking inaasahan ngayon high school?

Ang iyong sagot sa mga tanong na ito ang magsasabi sa iyo kung gaano kalayo ang iyong
mararating sa iyong pag-aaral. Kung gaano karami ang maaari mong makuha dahil dito. Mas
malayo ang iyong mararating, mas mahusay. Mas maraming magandang bunga, mas mabuti.
Ang high school ang pinakadinamikong yugto sa iyong buhay. Dito mo masusubok ang iyong mga
159
kakayahan. Dito nakadepende kung ano ang mararating mo sa hinaharap. Tumingin ka sa
malayong hinaharap pero gawin mo ang lahat ng iyong makakaya ngayon. Gamiting gabay
ang mga sumusunod:
a. Mag-aral nang mabuti. Ang pagbuo ng mga magandang gawi sa pag-aaral ang makatutulong
upang mas mahasa mo ang iyong kakayahan at mailabas mo ang iyong mga potensyal.
Hindi lamang ito para sa iyong sarili, kundi maging para sa paaralan.
b. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto. Nag-aaral ka upang matuto. Sabi nga nila
hindi ka nasa paaralan para lamang sa baon araw-araw. Ang iyong masidhing pagnanais
na matuto ang tutulong sa iyong isip upang gumana nang maayos. Walang mahirap sa
isang taong nagpupursigi at may dedikasyon.
c. Pataasin ang mga marka. Hindi natin maikakaila ang halaga ng pagkakaroon ng mataas na
marka. Ito ay maaari mong magamit upang makapasok sa magandang paaralan kapag
ikaw ay pumasok sa kolehiyo. Ngunit dapat mong tandaang ang mataas na marka ay
pangalawa lamang, ang tunay mong layunin sa pag-aaral ay upang matuto at makaalam.
d. Gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay. Mahalaga ito sa proseso ng
iyong pagsisikap na matuto. Gamitin nang mahusay ang kakayahan sa pakikinig, sa
pagbabasa, sa pagsusulat at sa pagsasalita. Mahalagang kahiligan ang pagbabasa
upang malinang ang kakayahang mag-isip, magtanong, magmasid at magnilay.
e. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip. Binigyan ka ng sariling pagiisip kung kaya hindi mo
dapat hinahayaang iba ang nag-iisip para sa iyo. Wala nang iba pang makapagpapalakas sa
isip kundi ang palagi itong gamitin. Gamitin ito upang hanapin ang katotohanan, sa pakikinig
at pagtimbang sa opinyon ng iba at sa pagiging kritikal sa mga inihaing ideya.
f. Matutong lutasin ang sariling mga suliranin. Mas marami kang kakaharaping suliranin sa
yugtong ito. Kadalasan ito ay suliranin sa iyong pakikipag-ugnayan. At sa mga
pagkakataong
ito, bumubuo ka ng mga pagpapasya. Siguraduhing pipiliin mo lamang ang kabutihan.
g. Makilahok sa mga gawain sa paaralan. Hindi lang sa harap ng libro umiikot ang mundo sa
loob ng paaralan. Enjoy. Makihalubilo ka sa iba pang mga mag-aaral. Lumahok ka sa mga
pangkatang gawain para matutunan mong mamuno at sumunod. Ito ang isa sa mga
kasanayang kakailanganin mo sa iyong buong buhay.
160
Pangkat 5. Ang Tungkulin sa Aking Pamayanan. Ang isang kasapi ng pamayanan ay
malugod na tumutugon sa kanyang mga tungkulin para sa kapakanan nito. Bilang nagdadalaga
o nagbibinata may tungkulin ka na:
a. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamahalaan;
b. Makibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ng iba pang miyembro nito;
c. Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan;
d. Maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa pamayanan upang
maiparating sa mga pinuno ng pamayanan;
e. Maging tapat sa kinabibilangang pamayanan;
f. Makibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kung kinakailangan;
g. Sumasali sa mga samahang pangkabataan, kung saan ilalaan ang sarili bilang
maging mabuting tagasunod, kung hindi man maging mabuting pinuno at;
h. Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan at samahan sa
kanilang mga proyekto.

Sa sumusunod na paraan ng pakikilahok, nararamdaman mong hindi ka malayo sa mga tao


sa iyong pamayanan. Kung minsan, may mga pagkakataong hindi mo kilala ang iyong mga
kapitbahay; na hindi mo kilala ang namumuno sa inyong pamayanan. Sa pamamagitan ng
pagtugon sa mga tungkuling ito, mararamdaman mong ikaw ay kabahagi. At makatutulong ito
upang iyong mas mapaangat ang iyong halaga bilang tao.
Pangkat 6. Ang Tungkulin Bilang Mananampalataya. Paano mo ba ginagamit ang lahat ng
iyong oras sa buong maghapon? Sa anong mga gawain mas nauubos ang iyong oras? May
kabuluhan ba ang mga ito? Kasama ba ang pagsasabuhay ng iyong pananampalataya sa
iyong gawain sa araw-araw?
Alam mo namang hindi naman hinihingi ang lahat ng iyong oras para dito. Ang simpleng
pag-aalay ng panalangin araw-araw ay napakalaking bagay na para masabing isa kang tunay na
mananampalataya. “Prayer can move mountains”. Ngunit dapat mong isaisip na hindi ang ating
panalangin ang nakapagpapagalaw kundi ang Diyos. Ang panalangin ay paraan ng papuri sa
Diyos. Ito ay paraan ng pakikipag-usap sa Kanya mula sa puso. Kadalasan, ang intensyon ng
tao
161
sa pananalangin ay ang humingi ng mga bagay na ating nais o pangyayaring gusto nating
maganap. Minsan naman ay upang ihingi ng tawad ang ating mga pagkakamali dahil gusto nating
muling mapalapit sa Kanya. Ang panalangin ay para sa papuri, pasasalamat at pinakamahalaga
ay ang pag-aalay sa Kanya ng lahat ng ating mga gawain. Malalaman mo na lahat ng bagay na
nasimulan sa panalangin ay magaganap na puno ng tiwala at kahusayan. Ito ay dahil nasa ilalim
ng paggabay ng Diyos ang gawaing inialay sa Kanya.
Pangkat 7. Ang Tungkulin Bilang Konsyumer ng Midya. Maraming uso at maraming
makabago sa modernong panahon ngayon. Nakokondisyon ang iyong isip na ang mga ito ay
kailangan dahil sa husay ng presentasyon nito ng midya. Labis nang nakaaalam (Informed) ang
mga tinedyer. Wala na talaga sigurong maitatago pa. Ito ay dahil kahit pa ang mga liblib na pook
ngayon ay naaabot na ng teknolohiya. Sa dami ng mga inihahain sa iyo, minsan hindi mo na alam
kung ano ang iyong tatanggapin at paniniwalaan. Narito ang panganib. Naranasan mo na bang
umupo sa harap ng computer upang maglaro na minsan ay tumatagal ng 3 – 5 oras? Ang
makalimutang gumawa ng takdang-aralin dahil sa panonood ng telebisyon? Ang mapakapanood
ng mga
marahas na mga palabas at mga tukso na mahirap na iwasan? Lalo na kung hindi mo gagamitin
ang mapanuring pag-iisip (critical thinking). Ito ay nagtuturo sa iyo kung paano mag-isip at hindi
kung ano ang iisipin. Ito ay patuloy na proseso na madalas na nagsisimula sa isang tanong. Ito
ay ang kakayahan natin na pag-aralan ang mga bagay at ang magiging bunga bago magpasya o
pumili. Hindi lahat ng nakikita sa midya ay totoo. Kaya mo bang gamitin ito nang may
pananagutan?
Pangkat 8. Ang Tungkulin sa Kalikasan. Naranasan na natin ang baha na pumatay ng
maraming tao at sumira ng maraming ari-arian. Mulat ka na hindi sana mangyayari ang lahat ng
ito kung napangalagaan lang natin ang kalikasan. Malakas na ang panaghoy ng Inang Kalikasan.
Ang kailangan natin ay tumugon bago pa maging huli ang lahat. May magagawa ang bawat isa sa
atin. Maaari mong gawin ang mga sumusunod:
a. Mahalagang ibahagi sa mga kasama sa tahanan ang mga kaalamang natutunan sa paaralan.
Hikayatin ang bawat kasapi ng pamilya na makibahagi sa pagtulong para iligtas ang
kalikasan sa tuluyan nitong pagkasira. Halimbawa, kumbinsihin sila na magtipid ng kuryente.
Patayin ang kompyuter, telebisyon at ilaw kung hindi naman ginagamit. Ipakumpuni ang mga
162
sirang

163
gripo upang hindi maaksaya ang tubig na tumutulo mula rito. Gumamit lamang ng electric fan
o aircon kung talagang kinakailangan.
b. Mahalagang ilapat sa buhay ang anumang natutuhan sa paaralan lalo na sa siyensya. Mas
palawakin pa ang kaalaman ukol sa pagbabago ng klima (climate change), sa epekto nito at
mga solusyon sa lumalalang suliranin na bunga nito. Mamuno sa paghikayat sa buong
klase upang magkaroon ng programa para sa kalikasan. Makatutulong din kung lalahok sa
mga organisasyong may mga programang pangkalikasan.
c. Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa at sa tubig. Makibahagi sa
proyektong pampamayanan o kaya naman ay bumuo ng samahan ng mga kabataan na
tutulong upang mabawasan ang suliranin sa maruming hangin at paligid. Kung ang bawat
isang kabataan sa isang pamayanan ay magkakaroon ng panahon upang kumilos para sa
pangangalaga ng kalikasan, nakasisiguro ang positibong resulta nito. Manguna sa kampanya
para sa isang proyekto na kasali hindi lamang mga kabataan kundi maging lahat ng kasapi
ng bawat tahanan.
d. Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing pangkalikasan. Mas makabubuti
kung sa ganitong paraan uubusin ang panahon kasama ang mga kaibigan. Makatutulong ito
upang lalong mapatibay ang pagsasamahan, magdudulot pa ito ng kabutihan para sa
kalikasan. Hikayatin din ang lahat ng mga kaibigan na simulan din ang pagsasagawa ng mga
proyektong ito sa kanilang sariling tahanan.
e. Karamihan ng mga mahahalagang kaalaman ukol sa kalikasan ay napupulot ng mga
mag- aaral hindi sa paaralan kundi sa midya. Ang media ang isa sa
pinakamapakapangyarihang maaaring maging katuwang ng paaralan sa pagtuturo sa
mga kabataan. Ngunit hindi natin maikakaila na mayroong ilan na ang interes ay mas
nakakiling sa konsyumerismo at nakakaligtaan ang pananagutan para sa mga kabataang
konsyumer. Bilang isang tinedyer kailangang maging matalino sa pagtanggap ng mga
impormasyong dulot ng media. Kinakailangan ng kakayahan upang magsala ng mga
impormasyong tatanggapin at paghihiwalay nito sa mga impormasyong hindi nararapat na
tanggapin at tangkilikin.

Malakas na ang panghoy ng kalikasan, lumalala na ang kanyang sakit at tao lamang na
164
siyang pinagkatiwalaan ng Diyos ang makatutulong upang magamot ang karamdamang ito. Bilang
kabataan mayroon kang espesyal na bahaging maaaring magampanan para sa suliraning ito.
Kailangang kumilos, ngayon na . . . bago pa maging huli ang lahat. Magsimula sa iyong sarili at
nakasisigurong susunod dito ang buong mundo.
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang
namamatay, para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa, tayong lahat
ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya.” Mula sa isang awit, ipinauunawa sa atin ng mga linyang
ito ang kahalagahan ng pagtugon sa ating mga tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos.
Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na pagkatao ng tao. Ito ay dahil likas ito
sa tao. Ang taong tumatalikod dito ay maaaring maihalintulad sa isang taong naglalakad na
walang ulo (Alejo, P.B. 2004). Kaya habang maaga simulan mo ng tumugon sa iyong mga
pananagutan - lalo na sa pagtugon sa pinakamahalagang tungkulin ng tao: ang pagkamit ng
kaganapang
pansarili, hanapin ang kabanalan, upang makaalam, magmahal at maglingkod sa Diyos
nang malaya.
Ang hamong ito ay hindi madali. Ngunit dapat kang kumilos upang tugunan ito. Mahalagang
tuntungan ito patungo sa susunod na yugto ng iyong buhay. At ang tagumpay mo sa mga
susunod pang yugto ang pundasyon ng paghubog ng iyong pagkatao.

F. Paglinang sa Gumawa ng overlapping concepts graphic organizer sa pisara at gawin din sa notbuk. Tumawag
Kabihasahan (Tungo sa ng isang mag-aaral mula sa bawat pangkat upang magbahagi ng kanilang output sa klase. Sagutin
Formative Assessment) ang mga tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist/Reflective Approach)

164
Tanong:
1. Ano-ano ang mga katungkulang nakaatang at inaasahan sa isang nagbibinata o
nagdadalagang katulad mo?
2. Sa lahat ng tungkulin, alin para sa iyo ang pinakamagaan? Ipaliwanag. Alin ang
pinakamabigat? Bakit?

G. Paglalapat sa aralin sa Basahin ang mga sanaysay at sagutin ang mga tanong. Tumawag ng tatlong mag-aaral na
pang-araw-araw na buhay magbabahagi ng kanilang sagot sa klase. (Gawin sa loob ng 8 minuto) (Reflective Approach)

 Malakas na ang panaghoy ng kalikasan, lumalala na ang kanyang sakit at tao lamang na
siyang pinagkatiwalaan ng Diyos ang makatutulong upang magamot ang karamdaman na ito.
Bilang kabataan mayroon kang espesyal na bahaging maaaaring magampanan para sa
suliraning ito. Kailangan ng kumilos, ngayon na . . . bago pa maging huli ang lahat. Magsimula
sa iyong sarili at nakasisigurong susunod dito ang buong mundo.

 “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay,
para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa, tayong lahat ay tinipon
ng Diyos na kapiling Niya.”
1. Sino ang nagsasalita sa unang sanaysay? Sa awitin?
2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang unang sanaysay?
3. Bilang kabataan at bilang tao, ano ang mga paraang naiisip mo upang makatulong sa
kalikasan?
4. Sa walong tungkuling inaasahan sa isang nagbibinata o nagdadalaga, saan (maaring
mahigit sa isa) nabibilang ang awitin? Bakit?

H. Paglalahat sa aralin Ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang anak o kapatid, mag-
aaral, mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan
ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.

165
I. Pagtataya ng Aralin Sagutin ang sumusunod sa notbuk. Tatlong puntos para sa bawat tanong. (Gawin sa loob ng 10
minuto) (Reflective Approach)
a. May mga tungkulin ka pa ba sa sariling di binanggit sa sanaysay? Banggitin at ipaliwanag.
b. Alin sa mga tungkulin ng mga nagdadalaga o nagbibinata ang madalas na napapabayaan?
Patunayan.
c. Ipaliwanag: “Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na pagkatao ng tao”.
d. Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t ibang tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata?
e. Anong kasanayan ang nararapat mong taglayin upang matagumpay mong matupad ang
iyong mga tungkulin?

J. Karagdagang gawain para Ilarawan ang mga tungkulin mo sa bawat gampanin na binanggit sa sanaysay sa pamamagitan ng
sa takdang-aralin at isang poster. Gawin ito gamit ang isang bond paper.
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-

166
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

167
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKAAPAT NA ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga hakbang tungo sa maayos na pagtupad ng
Pangnilalaman kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang
mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

C. Mga kasanayan sa 1. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa
Pagkatuto. Isulat ang code bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata. EsP7PSIg-4.4
ng bawat kasanayan 2. Nakasusulat ng pagninilay tungkol sa mga dapat na paunlarin sa pagtupad ng kanyang mga
tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.
3. Naipahahayag ang tiwala sa sarili sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin
bilang nagdadalaga o nagbibinata.

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 37-46


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 91-116


Kagamitang Pang-Mag-
aaral

168
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5334


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, Manila paper, pentel pen, sagutang papel
Panturo
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng tatlong mag-aaral upang sagutin ang sumusunod na tanong. (gawin sa loob ng 5
aralin at pagsisimula ng minuto) (Reflective Approach)
bagong aralin.
 Alin sa mga tungkulin ng isang nagbibinata o nagdadalaga ang nais mong gampanan dahil
nais mo?
 Alin sa mga nabanggit na tungkulin para sa iyo ang gusto mong tanggihan kung bibigyan ka
ng pagkakataong tumanggi?
 Alin ang sa palagay mo ang dapat mong gawin dahil ito ang tama at nararapat?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin
aralin at pagganyak
1. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin
sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagdadalaga.
2. Nakasusulat ng pagninilay tungkol sa mga dapat na paunlarin sa pagtupad ng kanyang mga
tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagdadalaga.
3. Naipahahayag ang tiwala sa sarili sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa bawat
gampanin bilang nagdadalaga o nagdadalaga.

169
B. Gamit ang PowerPoint presentation, ipakita ang sumusunod. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach)

Tayahin kung gaano ang pagtitiwala mo sa sarili sa mga sitwasyong nasa ibaba. Gamitin ang
iskala mula isa (1) hanggang sampu (10). Ang bilang isa ay nangangahulugang wala kang tiwala
sa iyong sarili (ay naku, hindi ko magagawa!) at ang sampu naman ay malaking-malaki ang
pagtitiwala sa sarili (kayang-kaya!).

1. Gagawin kang lider sa pangkatang gawain sa klase.


2. Sasali ka sa paligsahan sa awit o tula sa buong paaralan.
3. Magpahayag ka ng iyong kaisipan at damdamin sa harap ng klase tungkol sa isang
mahalagang paksa.
4. Kukuha ka ng pagsusulit sa EsP sa katapusan ng taon.
5. Magsasabi ka ng iyong kagustuhan sa iyong magulang na maaaring hindi ayon sa gusto
nila.
6. Kakausapin o iinterbyuhin ka ng isang news reporter tungkol sa mga ginagawa ninyo sa
EsP.
7. Magmumungkahi ka ng isang proyekto para sa EsP Club.
8. Pinakiusapan ka ng iyong nanay na tulungan ang iyong mga batang kapatid sa kanilang
aralin.
9. Inatasan ka ng guro na tingnan ang klase habang nasa pagpupulong siya.
10. Sinabihan kang mahina ang iyong loob sa mga gawain sa paaralan.

C. Pag-uugnay ng mga Gumawa ng Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang Kabataan.
halimbawa sa bagong Magsisilbi itong gabay sa pagtatalaga sa iyong sarili tungo sa maayos na pagganap ng iyong
aralin tungkulin bilang kabataan. Sundin ang pormat na nasa kasunod na pahina. (Gawin sa loob ng
15 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)

170
a. Sa sarili
b. Bilang anak
c. Bilang kapatid
d. BIlang mag-aaral
e. Bilang mamamayan
f. Bilang mananampalataya
g. Bilang consumer ng media
h. Bilang tagapangalaga ng kalikasan

Pamamaraan ng Maayos na Dahilan sa Pagtupad ng


Tungkulin
Pagtupad ng Tungkulin Tungkulin
Halimbawa: Sa Sarili
 Palaging panatilihing Kakain ng masustansyang Upang hindi magkaroon ng
malusog ang pagkain sa lahat ng sakit o mapabayaan ang
pangangatawan pagkakataon katawan

D. Pagtalakay ng bagong Tumawag ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawa. Ipasulat ang kanilang
konsepto at paglalahad ng kasagutan sa inihandang tsart ng guro sa Manila paper o pisara. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
bagong kasanayan #1 (Reflective Approach)

171
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2

Para sa Aking Sarili

Ipakita ng guro sa pamamagitan ng Powerpoint Presentation ang dayagram na bilog na


nakalarawan sa itaas at ipakopya ito sa notbuk. Ipaliwanag ang mga konsepto at ipagawa ang
mga babanggiting panuto. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

Sabihin ng guro:
1. Sa pinakamaliit na bilog o sentro ng dayagram ay nakasulat ang mga salitang “Para sa Aking
Sarili”. Ipinahiwatig nito na nagsisimula sa sarili ang pagiging responsible o mapagpahalaga
sa pagganap ng mga tungkulin.
2. Mapapansing palaki nang palaki ang mga bilog. Ipinahihiwatig nito na may mga tungkulin o
responsibilidad ka rin hindi lamang para sa iyong sariling kapakanan. Mag-isip ka kung kanino
ka pa may tungkulin o responsibilidad. Sino o sino-sino ang mga taong mayroon kang
tungkulin o responsibilidad? Isulat ang mga ito sa bilog na sumusunod sa bilog na sumusunod
sa sentro.

172
3. Palawakin ang iyong pananaw. Sino-sino ang iyong isusulat sa pangatlong bilog na
kumakatawan sa lawak ng iyong tungkulin o responsibilidad? Isulat ang pangalan ng tao,
grupo o sector sa loob ng bilog.
4. Higit na palawakin ang iyong tungkuling sa kapwa. Isulat ang mga ito sa ikaapat na bilog.
5. Maaari mo pang dagdagan ng ikalima o higit pang bilang ng bilog ang dayagram kung
kailangan.
6. Pagkatapos mong isulat ang mga pangalan ng tao, grupo o lawak ng lipunan na sakop ng
iyong tungkulin o responsibilidad, magnilay-nilay at mag-isip kung bakit mo itinuring na may
tungkulin
ka sa mga isinulat mo sa bawat bilog.
F. Paglinang sa Kabihasahan Pasulatin ng pagninilay ang mga mag-aaral tungkol sa:
(Tungo sa Formative a. Mga dapat nilang paunlarin sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin bilang isang kabataan
Assessment) b. Mga taong makatutulong sa kanila sa mga bagay na ito.

Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Ang mga dapat kong Mga taong makatutulong


paunlarin sa pagtupad sa akin upang
ng aking mga tungkulin. maisakatuparan ko
nang maayos ang aking
mga tungkulin.

173
G. Paglalapat sa aralin sa Balikan ang ginawang tsart ng Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang
pang-araw-araw na buhay Kabataan. Isabuhay sa loob ng isang linggo ang mga natukoy na mga pamamaraaan. May
inihandang halimbawa para sa iyo. Gawin ito sa iyong notbuk. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)

Miyerkule

huwebes

Biyernes
Martes
Lunes
Pamamaraan ng maayos
Tungkulin

s
na patupad ng tungkulin

Halimbawa: Sa sarili
 Palaging panatilihing Kakain ng masustansyang
malusog ang pagkain sa lahat ng
pangangatawan pagkakataon.

H. Paglalahat sa aralin Habang umuunlad ang pagkatao, lumalawak at lumalalim ang mga tungkulin at
responsibilidad. Mahirap ang pagkilos at pagtupad sa mga responsibilidad. Kailangan ang mataas
na antas ng kamalayang baguhin ang bahagi ng ating pagkatao upang matupad ang ibat ibang
tungkulin. Ang positibong pagtanggap ng ibat ibang responsibilidad sa mga karaniwang gampaning
pang-araw-araw ay mabisang paghahanda sa higit na malawak na responsibilidad at tungkulin sa
hinaharap.

I. Pagtataya ng Aralin Isipin at maging tapat kung ikaw ay sasali o magkukusa sa paglutas ng mga sumusunod na
sitwasyon. Isulat sa puwang ang GKI (Gagawin Ko Ito) kung isasabuhay o HKMI (Hindi Ko
Magagawa Ito) kung mahihirapan kang isagawa. Isang puntos kada bilang. (Gawin sa loob ng
10 minuto) (Reflective Approach)

174
1. Panonood ng mga palabas sa telebisyon bago magsimulang mag-aral.
2. Paninigarilyo upang matanggap ng mga kaibigang naninigarilyo rin.
3. Pagpapatay ng ilaw kung hindi kinakailangan upang makatipid sa binbayarang kuryente
ang magulang.
4. Pagtatapon ng basura sa mga bakanteng loteng malapit sa sariling tahanan.
5. Pagsama sa mga kaibigang manood ng sine tungkol sa buhay ng mga kilalang bayani.
6. Pagtawa o pagkutya sa mga paraan ng pagsamba ng ibang kabataang may ibang
relihiyon.
7. Pagsali sa mga gawain o proyekto ng Sangguniang Kabataan sa barangay.
8. Pagtanggap ng tungkuling maging lider sa isang proyektong pangklase upang linisin at
pagandahin ang isang bahagi sa paaralan.
9. Pagsali sa proyektong rummage sale sa inyong simbahan upang makalikom ng perang
makatutulong sa mga batang kalye.
10. Pagsali sa rally na sumasalungat at di sumasangayon sa paglaganap ng mga
ipingbabawal na gamot

J. Karagdagang gawain para Maghanda para sa darating na markahang pagsusulit.


sa takdang-aralin at
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba

175
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

176

You might also like