You are on page 1of 7

School LUCENA SOUTH I ELEMENTARY Grade Level THREE

SCHOOL

Teacher Learning Area FILIPINO

Date / Time Quarter FIRST

WEEKLY LEARNING PLAN

Week: 2
MELC/s: Naibabahagi ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto

Day Objectives Topic/s Classroom Based Home-Based


Activities
Day 3 & 5 Naibabahagi ang Paggamit ng 1. Paghahandang Gawain Sagutan ang
naunang Naunang  Panalangin sumusunod na
Thursday and kaalaman o Kalalaman o  Pagtsetsek ng attendance Gawain sa
Friday karanasan sa pag- Karanasan sa Pag-  Pagbibigay ng Panuntunan sa Pagkatuto Bilang
unawa ng unawa ng pagsisimula ng klase 1 sa pahina 8 na
napakinggang Napakinggan at makikita sa
Nabasang Teksto A. Balik-aral inyong Modyul
teksto
Punan mo ng wastong sa FILIPINO
pangngalan ang sumusunod na
pahayag. Isulat ang letra ng iyong Isulat ang sagot
sagot. ng bawat
1. Si Bb. Helen Cruz ay isang Gawain isang
__________ na nagtuturo sa malinis na papel
paaralan. at lagyan ng
a. karpintero b. upuan c. guro pangngalan.
2. Pumunta si nanay sa
__________________. Tingnan sa
a. baso b. palengke c. Aling pahina 9 ng
Nina inyong modyul
3. Mabait si _________________ ang Gawain sa
sa kaniyang kaklase. Pagkatuto Bilang
a. aso b. Berto c. rosas 2 at sagutan ito
4. Presko ang hangin sa sa papel.
_________________.
a. unan b. bukid c.palengke
Unawain ang
5. Mabango ang
_________________ na panuto sa
sampaguita. Gawain sa
a. pabango b. bulaklak Pagkatuto Bilang
c. simbahan 3 sa pahina 9 ng
inyong modyul
B.Pagpapalawak sa FILIPINO.
ngTalasalitaan:
LUCENA SOUTH I ELEMENTARY SCHOOL
QUEZON AVENUE EXTENSION, BRGY. COTTA, LUCENA CITY
042-784-39-38
109731@deped.gov.ph
Sabihin ang kahulugan ng may Isulat ang inyong
salungguhit na salita na tamang sagot sa
matatagpuan din sa loob ng malinis na papel.
pangungusap.
Saguta ang
1. Si Kaka Felimon ang Gawai sa
pinakamatanda sa pamilya Pagkatuto Blg. 4
kaya maraming humihingi sa pahina 9 ing
ng kaniyang payo. inyong modyul

2. Ipinagmamalaki ng mga
Bikolano ang Bulkang
Mayon sa kanilang lugar.

3. Ang pamahalaang lokal ay


nagbigay ng mahalagang
anunsiyo tungkol sa
padating na bagyo sa
kanilang lugar.

4. Marami palang
malilikhang kapaki-
pakinabang na bagay mula
sa indigenous materials
tulad ng basket na gawa sa
kawayan.

C. Pagganyak
Linangin ang salitang
pista sa pamamagitan
ng concept map.

Itanong:
Nakadalo na ba kayo sa isang
pista? Ano-ano ang inyong nakita
o naranasan?
Isusulat ng guro ang sagot ng mga
bata sa concept map.

tanong:
LUCENA SOUTH I ELEMENTARY SCHOOL
QUEZON AVENUE EXTENSION, BRGY. COTTA, LUCENA CITY
042-784-39-38
109731@deped.gov.ph
Ano ang ibig sabihin ng salitang
pista? Ipagamit ang bagong salita
sa mga bata.

2. Panimulang Gawain
 Balikan ang mga bagong
salitang natutunan.
 Ipagamit sa mga bata ang
mga bagong salita sa
pangungusap

3. Paglalahad at
Pagtalakay
Itanong: Nakapunta ka na ba sa
isang pistahan?
Hayaang magbahagi
ang mga bata ng sariling
karanasan.

Sabihin ang pamagat ng


kuwentong babasahin.

Itanong: Ano ang nais ninyong


malaman sa kuwento?

Isulat sa pisara ang mga tanong


na ibibigay ng mga bata.

Gabayan sila upang


makapagbigay ng tanong.

 Basahin sa mga bata ang


kuwentong “Ang Pistang
Babalikan Ko”

Ang Pistang Babalikan Ko

Ika-28 ng Mayo noon,


isinama ako ni nanay sa bayan
upang masaksihan ang Pasayahan
sa Lucena. Maraming tao,
matanda man o bata, ang nag-
aabang sa gilid ng kalsada sa
ganitong araw.

Maya-maya ay
LUCENA SOUTH I ELEMENTARY SCHOOL
QUEZON AVENUE EXTENSION, BRGY. COTTA, LUCENA CITY
042-784-39-38
109731@deped.gov.ph
nagkagulo ang lahat, naririyan na
pala ang kanilang pinakahihintay.
Dumarating na ang mga
naglalakihang karosa. Ito ay
napapalamutian ng iba’t-ibang
produktong matatagpuan sa
siyudad na ito. Hayan na rin ang
mga street dancers na hindi
magpapatalo sa galing at husay sa
pagsayaw na nakasuot ng
makukulay na kasuotan.

“Hayan na! Hayan na!


Aaaaaaay!!!!”, ang pagtili ng mga
tao. Ang daming taong
nagsisiksikan sa kalsada! Lahat
sila ay gustong makita ang mga
artistang tila bituin sa ganda.

“Wow! Talagang
napakaganda ng pista sa Lucena.
Sana ay makapanood uli ako sa
susunod na taon,” ang nasabi ko
sa aking sarili.

Hinding- hindi ko
malilimutan ang pistang ito.
Manonood ulit ako.

Balikan ang mga tanong na


ginawa ng mga bata bago nila
basahin ang kuwento. Pasagutan
ang mga ito sa kanila.
Itanong:

 Ano ang pamagat ng


kuwento?

 Ano-ano ang pangyayari


sa kuwentong binasa?

 Ano ang katapusan ng


kuwento?

 Anong okasyon ang


inilalarawan sa kuwento?

 Nakapunta na ba kayo ng
Pistahan? Maaari mo
bang ibahagi sa klase ang
iyong mga naging
karanasan?

 Ano-anong kaugaliang
LUCENA SOUTH I ELEMENTARY SCHOOL
QUEZON AVENUE EXTENSION, BRGY. COTTA, LUCENA CITY
042-784-39-38
109731@deped.gov.ph
Pilipino ang nabanggit sa
kuwento?

 Ginagawa pa ba ang
ganito sa inyong lugar?

 Dapat pa ba ito
ipagpatuloy? Bakit?

4. Pinatnubayang Pagsasanay
Punan ng angkop na salita ang
mga pangungusap ayon sa iyong
sariling karanasan. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

1. Dumalo ako sa kaarawan


ng aking kaklase. Marami
akong kinain tulad
ng______, ______,
_______, at _______.
Nagkaroon din ng mga
palaro.

2. Tuwing buwan ng
________, nagdiriwang
ang aming baryo ng
kapistahan. Dito masaya
ang mga _____at
_________. Maraming
handang pagkain tulad ng
______, _______, at
_______ sa halos lahat ng
bahay.

Tuwing araw ng Pasko, masaya


kami sa aming________.
Naghahanda ng aking ina ng
masasarap na_______. Sabay-
sabay kaming nagtutungo sa
_______upang magpasalamat sa
Dakilang Lumikha. Nagpupunta
rin kami sa aming ______,
______, _______, ______,
________, at _______ upang
humalik sa kanilang kamay

5. Malayang Pagsasanay
Pakinggan ang maiksing
kuwento na babasahin ng guro.
Magtanong tungkol dito at
hayaang magbahagi ang mga bata
ng kanilang karanasan tulad sa
narinig nilang kwento.

Ang Pamamasyal sa Parke


LUCENA SOUTH I ELEMENTARY SCHOOL
QUEZON AVENUE EXTENSION, BRGY. COTTA, LUCENA CITY
042-784-39-38
109731@deped.gov.ph
Tuwing araw ng Linggo
pagkatapos magsimba, kaming
magkakapatid ay ipinapasyal ng
aming mga magulang sa parke.
Masaya kaming naglalaro dito ng
habulan, taguan, pagpapalipad
ng saranggola, at kung ano-ano
pang laro na aming maisip.
Tapos, kakain kami ng
masasarap na pagkaing niluto ni
Nanay. Samantala, si Tatay
naman ay abala sa pagkuha sa
amin ng mga larawan.

6. Paglalapat
Tumawag ng ilang bata upang
magbahagi ng kanilang karanasan
noong unang araw ng pasukan.

7. Paglalahat
Ano-ano ang dapat ninyong
tandaan upang makapagbahagi
kayo ng inyong sariling
karanasan?
D. Pagtataya
Sumulat ng tatlo hanggang
limang pangugusap tungkol sa
inyong naging karanasan sa
pistang inyong napuntahan

E. Takdang-aralin
Gumupit ng larawan na nakikita
kung araw ng pista.

8. Takdang-aralin

LUCENA SOUTH I ELEMENTARY SCHOOL


QUEZON AVENUE EXTENSION, BRGY. COTTA, LUCENA CITY
042-784-39-38
109731@deped.gov.ph
Prepared by:

____________________________

LUCENA SOUTH I ELEMENTARY SCHOOL


QUEZON AVENUE EXTENSION, BRGY. COTTA, LUCENA CITY
042-784-39-38
109731@deped.gov.ph

You might also like