You are on page 1of 2

LAGUMANG PAGSUSULIT

11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
2022-2023
Pangalan:______________________________________ Petsa: _________________________
Taon at Seksyon:________________________________ Iskor: _________________________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Tukuyin ang tungkulin ng
wikang ginamit sa mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang TITIK ng iyong sagot.

a. Interaksiyonal e. Imahinatibo
b. Instrumental f. Heuristic
c. Regulatori g. Impormatib
d. Personal

___1. Panatilihing malinis at maayos ang ating silid-aralan.


___2. Sa palagay ko, ang mungkahi ni G. Morales ang pinakamainam sa ating mga mag-aaral.
___3. Kayo, kabataang handang umimbulog sa bagwis at pakpak ng mayang loob..
___4. Paano ba ang pagpunta sa bagong bili mong townhouse?
___5. Nakikiramay po ako sa pagyao ng mahal mong ina.
___6. Uminom ka ng gamot ng makatlong beses sa isang araw.
___7. O, ilaw, sa gabing madilim, wangis mo’y bituin sa langit.
___8. Pakikuha mo naman ako ng isang basong tubig.
___9. Ano po ang masasabi niyo sa kinasasangkutang kontrobersiya ng ating Pangulo ngayon?
___10. Natuklasan naming sa aming isinagawang pananaliksik ang mga sumusunod na datos.

II. Panuto: tukuyin ang anyo ng komunikasyong di-berbal na ginamit sa mga sumusunod na
sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

a. Chronemics g. Colorics
b. Proxemics h. Paralanguage
c. Kinesics i. Objectics
d. Oculesics j. Olfactorics
e. Haptics k. Pictics
f. Iconics l. Vocalics

___1. Pagsusuot ng damit na itim bilang pagluluksa.


___2. Haplos ng ina sa anak niyang mahal.
___3. Pagdating ng huli sa isang mahalagang appointment.
___4. Pagkindat ng isang binata sa dalagang kanyang natitipuhan.
___5. Paggamit ng simbulong bungo sa mga botelya ng lason.
___6. Pagngiti bilang pagbati.
___7. Pagtindig nang tuwid ng mga sundalo.
___8. Paglakas ng boses upang ipahiwatig ang galit.
___9. Pamumungay ng mata upang magpapansin.
___10. Pagsusuot ng maiikling damit ng isang babae upang makatawag ng pansin sa mga lalake.
___11. Kumpas ng kamay ng mga pulis upang patigilin ang mga sasakyan sa kalye.
___12. Pagtapik sa balikat ng isang kaibigan.
___13. Pagsindi ng ilaw na pula upang patigilin ang mga sasakyan sa kalye.
___14. Paghina ng boses upang ibulong ang isang sekreto.
___15. Pag-upo sa magkabilang dulo ng mesa sa hapag-kainan.
___16. Pagturo ng daliri sa isang direksyon.
___17. Paggamit ng mga simbolong pantrapiko para sa NO U-Turn, No Parking at No Left Turn.
___18. Pabilog na ayos ng mga silya sa loob ng silid aralan upang isagawa ang isang impormal na
talakayan.
___19. Pagdating nang napakaaga sa isang salu-salo.
___.20. Pagdikit ng hintuturo sa ilong at nguso ng isang guro upang patahimikin ang mga maiingay
na bata.

III. Pagpapaliwanag:

Tanong: Paano mo mailalarawan ang sitwasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan sa
kasalukuyang panahon? Sa paanong paraan ka makatutulong upang higit na mapaunlad o
mapalaganap pa ito? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

RUBRIK SA PAGSULAT NG OPINYON


PUNTOS
5
May lawak at lalim ng pagtalakay
5
Wastong gamit ng wika at malinaw ang
pagpapahayag ng opinyon
5
Paraan ng pagtalakay sa paksa at pagsunod sa tiyak
na panutong ibinigay ng guro sa kaugnay na gawain
KABUUAN 15

You might also like