You are on page 1of 4

Mga Batas at Kautusan na may Kinalaman sa Wikang Pambansa

Artkulo XIV, Pangkat 3 ng Saligang Batas ng 1935


“… ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon
ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na
wikang katutubo.”
Batas ng Komonwelth Blg. 184 (136)
Opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng
Nobyembre 1936.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
Ipinahayag na ang Tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang
pambansa ng Pilipinas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)
Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng
Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa at
itinagubilin din ang pagpapaturo ng wikang pambansa sa mga
paaralan, pambayan man o pribado.
Batas Komonwelth Blg. 570 (1946)
Pinagtibay na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga
wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.
Proklamasyon Blg. 12 (1954)
Nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa
ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-
kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2).
Proklamasyon Blg. 186 (1955)
Nilagdaan ni Pang. Magsaysay nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng
Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay
ng kahalagahan sa kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto 19).
Memorandum Sirkular 21 (1956)
Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng
Paaralang Bayan na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit
sa mga paaralan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959
Nilagdaan ni i Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng
noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang
Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simula sa taong-
aralan 1963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay
ipalilimbag sa wikang Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963
Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin
ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967
Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na nag
lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan
sa Filipino.
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1969)
Nilagdaan g Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran,
kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin
ang wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa.
Memorandum Sirkular Blg. 488 (1972)
Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng
Linggo ng Wika
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na nagtatakda ng mga panuntunan
sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal.
Kautusang Pangkagawaran Blg 22, s. 1987
Paggamit ng “Filipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.
Artikulo XV, Seksyon 2 at 3, Saligang Batas ng 1973
“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino
at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang
mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas”
Kautusang Pangministri Blg. 22 (1978)
Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang na
nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasang antas
Artikulo XIV, Saligang Batas ng 1987
Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino.
Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.
Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at
dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol.
Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang
pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at
mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Kautusang Blg. 52 (1987)
Pinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing na nag-uutos sa paggamit
ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)
Nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng
katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin.
CHED Memorandum Blg. 59 (1996)
Nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa
pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsiyon at nilalaman
ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2
(Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
Proklamasyon Blg. 1041 (1997)
Nilagdaan niPangulong Fidel Ramos na nagtatakda na ang buwan ng
Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa
mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang
pagdiriwang.
2001
Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang
Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001
Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.

You might also like