You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
PANREHIYONG PAGTATASA SA KALAGITNAANG TAON SA
ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________ Iskor: __________

Panuto: Basahin ang sumusunod na katanungan. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot. Isulat ang
sagot sa isang malinis na papel.

1. Anong lokasyon ang tinutukoy sa mga anyong tubig na nakapaligid sa isang bansa?
A. Absoluto B. Bisinal C. Kritikal D. Insular

2. Ayon sa mitolohiya ng Visayas, kanino nagmula ang unang pangkat ng mga tao sa Pilipinas?
A. Mag-asawang Mandayan B. Malakas at Maganda
C. Sicalac at Sicavay D. Uvigan Bugan
3. Saan matatagpuan ang mga lipi ng mga Austronesyano?
A. Madagascar ng Timog Aprika B. Malaysia
C. Samoa D. Timog-Silangang Asya

4. Sino ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga ritwal ng mga Bisaya na pinaniniwalaang taga-
pamagitan sa mundo, diyos at tao?
A. babaylan B. ganbanes C. pari D. pomares

5. Alin sa sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong Pre-kolonyal o bago dumating
ang mga mananakop?
A. may sariling teritoryo B. may sariling pamahalaan
C. may pananampalatayang Kristiyano D. may sistema ng pagbasa at pagsulat

6. Tumutukoy ito sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong
pamamaraan ng pananaliksik.
A. mito B. relihiyon C. siyensiya D. teorya

7. Alin sa sumusunod ang sinisimbolo ng tattoo o batuk sa katawan?


A. kaayusan at kalinisan B. Kabaitan at katapatan
C. kagitingan at kagandahan D. katalinuhan at kahusayan

8. Ang Pilipinas ay tinaguriang “__________ ng Asya” dahil sa estratehiko nitong lokasyon .


A. bintana B. daanan C. daluyan D. pintuan

9. Simula noong ikasiyam na dantaon, dumating ang mga Arabong Muslim sa Pilipinas upang _____.
A. bumisita B. manakop C. makipaglaban D. makipagkalakalan

10. Sino ang sinasamba o Diyos ng mga Muslim?


A. Allah B. Hesus C. Maria D. Mohammad

11. Siya ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.


A. Janjalani Abdulah B. Rajah Baginda C. Sharif Kabungsuan D. Tuan Masha’ika

12. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, may kaalaman na ang sinaunang Pilipino sa
paggamit ng mga instrumento at sa paglikha ng musika. Sila ay may sariling ____
A. awit at sayaw B. pananalita at pagsulat C. paniniwala at paggawa D. panitikan at sining

13. Ano ang magandang naidulot ng ibat-ibang sining at panitikan sa ating mga ninuno?
A. Naging makulay at kaaya-aya ang pamumuhay ng ating mga ninuno.
B. Naisalin nila sa mga sumunod na henerasyon ang mayaman nilang kultura.
C. Naipahayag ang kanilang damdamin, paniniwala at mga karanasan ng ating mga ninuno.
D. A at B.

14. Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga sumunod na henerasyon?
A. sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw, at panitikan
B. sa pamamagitan ng patuloy na paniniwala sa mga anito
C. sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga ibat-ibang barangay D. B at C

15. Ang mga sinaunang Pilipino ay naglagay ng permanenteng disenyo, marka o tattoo sa kanilang balat
at kalaunay tinawag nila itong ______________
A. disenyo B. marka C. pintados D. tattoo

16. Ano ang kahalagahan ng pagkakatuklas sa Kweba ng Tabon sa Palawan?


A. pinatutunayan na maraming tao sa Pilipinas
B. pinatutunayan na sila ang kauna-unahang katutubong Pilipino
C. pinatutunayan na sila ay kabilang sa unang tao na nanirahan sa mundo D. B at C

17. Anong uri ng alipin ang nakatatamasa ng ilang karapatan tulad ng pagmamay-ari ng kanilang tirahan
at pumili ng kanilang mapapangasawa?.
A. aliping maharlika B. aliping namamahay
C. aliping saguiguilid D. aliping timawa

18. Sino ang namumuno sa pamahalaang barangay noong unang panahon?


A. datu B. ministro C. pari D. reyna

19. Ano ang tawag sa tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas?


A. Adat B. Hariraya C. Ruma Bichara D. Zakat

20. . Siya ang namumuno sa pamahalaang sultanato.


A. alipin B. datu C. sultan D. timawa

21. Ang sumusunod ay kasalukuyan at naging hanapbuhay ng mga Pilipino. Alin sa mga hanapbuhay ang
luminang sa pakikipagkaibigan at pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang Pilipino sa mga dayuhan? A.
paghahabi B. pagsasaka C. pangingisda D. pakikipagkalakalan

22. Sa pangkat na ito nagmumula ang mga sultan, datu, raha, lakan at kanilang mga pamilya Sila ay
itinuturing na mga pinuno ng pamayanan kaya may malaking pagpapahalaga kapag napabilang ka dito.
A. alipin B. Indones C. Maharlika D. Timawa

23. Bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, may kaalaman na ang mga Pilipino Sa paggamit ng
mga instrumento at sa paglikha ng musika. Sila ay may sariling __________
A. awit at sayaw. B. pananalita at pagsulat. C. paniniwala at paggawa. D. paitikan at sining

24. Tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino na binubuo ng 17 titik na may tatlong patinig at 14 na
katinig. A. alpabet B. Baybayin C. Panitikan D. wika

25. Bago pa dumating ang mga Espanyol, nagsusuot na ng mga palamuti ang ating mga ninuno tulad ng
isang alahas na gawa sa ginto na hugis rosas. Ano ang tawag dito?
A. ganbanes B. patadyong C. pomaras D. putong

26. Aling mga bansa ang nanguna sa paglalayag sa malalayong lugar at paghahanap ng mga bagong
lupain noong panahon ng paggalugad at pagtuklas?
A. Portugal at Tsina B. Portugal at India C. Portugal at Espanya D. Portugal at Amerika

27. Ano ang tawag sa patakaran ng tuwirang pagkontrol o pagsakop ng malalaking bansa sa isang maliliit
at mahihinang bansa? A. Imperiyalismo B. Kolonyalismo C. Kristiyanismo D. Nasyonalismo
28. Alin sa sumusunod ang HINDI layunin ng mga Espanyol sa pagtuklas ng mga lupaing kanilang
sasakupin? A. malibot ang buong mundo B. palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo
C. hirangin at tanghaling pinakamakapangyarihang bansa
D. makuha ang mga kayamanang taglay ng mga masasakop na lupain

29. Sino ang namuno sa isa sa pinakamatagumpay na paglalayag noong Panahon ng Paggalugad at
Pagtuklas mula 1519 hanggang 1522?
A. Antonio Pigafetta B. Christopher Columbus
C. Ferdinand Magellan D. Miguel Lopez de Legazpi

30. Kailan nakarating sa Pilipinas ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan?


A. Marso 6, 1521 B. Marso 16, 1521 C. Marso 19, 1521 D. Marso 26, 1521

31. Anong arkipelago ang ipinangalan ni Magellan sa Pilipinas nang ito ay kaniyang marating dahil
natapat na kapistahan ng naturang santo na iyon?
A. San Antonio B. San Felipe C. San Lazaro D. San Miguel

32. Aling pulo sa Pilipinas ang unang narating ng ekspedisyon ni Magellan?


A. Cebu B. Homonhon C. Limasawa D. Mactan

33. Saang pulo sa Pilipinas ginanap ang kauna-unahang misa?


A. Cebu B. Homonhon C. Limasawa D. Mactan

34. Sino ang pinuno ng Limasawa na nakipagsanduguan kay Magellan bilang tanda na kanilang
pagkakaibigan? A. Raja Humabon B. Raja Kolambu C. Lapu-Lapu D. Zula

35. Aling barko ang sinunog ng mga tauhan ni Lapu - Lapu matapos nilang matalo ang grupo ni Magellan?
A. Concepcion B. San Antonio C. Trinidad D. Victoria

36. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pangunahing layunin ng Espanya sa pagtuklas ng
lupain? A. karangalan B. katapangan C. kayamanan D. Kristiyanismo

37. Ano ang relihiyong ipinakilala ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino?
A. Hinduismo B. Islam C. Kristyanismo D. Paganismo

38. Ano ang iniregalo ni Magellan kay Juana na asawa ni Raja Humabon bilang simbolo ng
pakikipagkaibigan ng mga Espanyol sa mga mamamayan ng Cebu?
A. espada B. ginto C. imahen ni Sto. Nino D. krus

39. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit ang mga tao ay kailangang magbayad ng buwis sa ilalim ng
pamahalaang Espanyol?
A. pampagawa ng mga itinatayong tulay B. pambili ng mga malalawak na lupain
C. pambili ng mga armas sa pakikipaglaban
D. pagpapakita ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Espanya

40. Bakit sapilitang inilipat ng mga Espanyol ang mga katutubong Pilipino sa kabayanan?
A. upang lubusang makilala ang mga katutubong Pilipino
B. upang mabilang kung ilang lahat ang katutubong Pilipino
C. upang mapadali ang pagsakop sa mga katutubong Pilipino
D. upang dumami ang kanilang masisingil na tributo o buwis
41. Ano ang tawag sa pinakamataas na pinuno ng kolonyalismong Espanyol na siya ring
kinatawan ng Hari ng Espanya sa mga lupang sakop nito?
A. conquistador B. encomiendero C. gobernador heneral D. prayle

42. Ano ang tawag sa pamamaraan ng pagdadala ng mga produkto galing sa Maynila patungong
Mexico at mga kalakal galing Mexico patungong Maynila?
A. abaca at niyog B. barter C. boleta D. Kalakalang Galyon

43. Alin sa mga sumusunod na salaysay ang HINDI kabilang sa mahalagang epekto ng sapilitang
paggawa sa pagpapatatag ng pamahalaang kolonyal?
A.naging daan ito sa pagpapalaganap ng kolonyalismo
B.nakapagapatyao ang mga Espanyol ng iba’t ibang imprastraktura ng walang bayad
C.tumaas ang buwis na kanilang ipinapataw sa mga kaawa-awang mangagawang Pilipino
D.ang pagpapadala sa mga polista sa malalayong lugar ang naging daan upang
magkawatak-watak ang mga katutubo at maiwasan ang pag-aalsa

44. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring maging gawain o tungkulin ng kababaihan
noong panahon ng Kolonyalismong Espanyol?
A. tagapaglinis ng simbahan B. tagapag-ayos ng mga kagamitan sa simbahan
C. ipinagpatuloy ang pagiging pinunong espirituwal
D. pagahawak ng pinakmataas na posisyon sa simbahan.

45. Ano ang tawag sa ugnayan ng pamahalaan at simbahan na kung saan ang pamahalaan ay
mahalagang gampanin sa pangangasiwa at pagsuporta sa simbahan?
A. encomienda B. patronato real C. polo y servicio D. tributo

46. Alin sa sumusunod ang tumutukoy o nagsasaad ng mga aral ng simbahan?


A. eukaristiya B. katekismo C. Patronato Real D. Obras Pias

47. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga paring regular?


A. Augustinian B. Franciscan C. Jesuit D. Paring Sekular

48. Alin sa sumusunod ang prebilehiyong dapat matanggap ng isang polista alinsunod sa utos ng
hari ng Espanya maliban sa __________?
A. bawat polista ay dapat makatanggap ng ¼ reales at bigas bawat araw
B. ang bawat polista ay bibigyan ng kanilang sariling lupang sasakahin
C. hindi dapat isagawa ang polo tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani
D. ang mga polista ay hindi dapat ipinadadala sa lugar na malayo sa kanilang tahanan at pamilya.

49. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng monopolyo ng tabako?
A. nagkaroon ng kakulangan sa pagkain sapagkat tabako lamang ang maaari nilang itanim.
B. naging sentro ng pagawaan ang Pilipinas ng tabako sa buong daigdig.
C. kumita ng malaki ang Espanya mula sa paggawa ng tabako
D. nahikayat ang mga magsasaka na magtanim ng tabako.

50. Sino sino ang sapilitang pinagtatrabaho ng mga pinunong Espanyol sa polo sa loob ng
apatnapung (40) araw ?
A. kalalakihang nasa edad 16 hanggang 60 taong gulang
B. kalalakihang nasa edad 17 hanggang 60 taong gulang
C. kalalakihang nasa edad 18 hanggang 60 taong gulang
D. kalalakihang nasa edad 19 hanggang 60 taong gulan

You might also like