You are on page 1of 21

Philippine Normal University

The National Center for Teacher Education


Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Danas ng Piling Guro sa Pagtuturo sa National Learning Camp

sa Junior High School

Isang pangangailan sa pagtupad asignaturang

EPF 701 A- Pedagohiya ng Wikang Filipino

TAÑAMOR, John Francis O.

TELAN, Lorena V.

YAMA, Jetrelljoy C.

Mga Mananaliksik
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaugnay na Pag-aaral

Kaligiran ng Pag-aaral ***************** 1-3

Pagsusuri ng mga Kaugnay na Pag-aaral ***************** 3-6

Balangkas Konseptwal ***************** 7-8

Paglalahad ng Suliranin ***************** 9

Kahalagahan ng Pag-aaral ***************** 9-10

Saklaw at Limitasyon ***************** 10

Depinisyon ng mga Terminolohiya ***************** 10-11

Kabanata II

Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik ************** 12-13

Ganapan ng Pananaliksik **************** 13

Pamantayan sa Pagpili ng Kalahok **************** 13


Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Pangangalap ng Datos ***************** 13-14

Pagsusuri ng Datos **************** 14

Tungkulin ng Mananaliksik **************** 14-15

Pamamaraan ng Balidasyon *************** 15

Pagsusuri at Interpretasyon ************** 15-16

Potensyal na Usaping Etika ************** 17

Sanggunian ************* 18

Curriculum Vitae

TALAAN NG PIGURA ************** 8

TALAAN NG TALAHANAYAN ************** 13


Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaugnay na Pag-aaral

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa paglipas ng dalawang taon mula nang mag-umpisa ang pandaigdigang

pandemya, hindi lamang ang sektor ng kalusugan ang tinamaan, kundi pati na rin ang

sektor ng edukasyon. Ang pag-usbong ng suliranin sa edukasyon, lalo na pagdating sa

kakayahan ng mga kabataan sa pagbasa at pagsulat, ay isa sa mga nagiging

pangunahing alalahanin sa kasalukuyan. Ayon sa ulat ng UNESCO Institute for Statistics

(2022), hindi bababa sa 771 milyong kabataan at mga kabataang may katamtaman na

edad sa buong mundo ang hindi pa rin marunong magbasa at magsulat at 250 milyong

kabataan naman ang bumabagsak sa basic literacy skills. Bago pa man ang pag-usbong

ng pandemya, ang isyu ng kakayahan sa pagbasa at pagsulat ay isa nang malalang

problema sa sektor ng edukasyon, kung saan 617 milyong kabataan ang hindi umabot

sa minimum na antas ng pagbasa.

Sa konteksto ng Pilipinas, ayon sa datos ng World Bank (2021), sinasabing mas

pinalala pa ng pandemya ang problema sa literasiya dahil siyam sa bawat sampung

batang Pilipino ang nahihirapang magbasa at magsulat ng simpleng teksto. Ibig sabihin,

1|pahina
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

halos 90% ng mga kabataan sa bansa ay may mga kakulangan sa kanilang kakayahan

sa pagbasa at pagsulat.

Hindi lamang ang suliranin sa literasiya ang patuloy na lumulobo ngunit pati na rin

ang problema sa matematika. Batay sa pag-aaral ng Philippine Assessment for Learning

Loss Solutions (PALLS, 2022), ang average na marka ng mga mag-aaral na nasa ika-5

baitang sa Pilipinas sa aspeto ng pagsusuri ng matematika ay 288 din. Ito ay

nagpapahiwatig na sa pangkalahatan, sila ay marunong maglapat ng mga katangian ng

mga numero at mga yunit ng sukat, ngunit tanging 17% lamang ang may kakayahan na

magpatupad ng mga operasyon sa matematika, kabilang na ang mga fractions at

magpaliwanag ng mga talahanayan at grap.

Ang mga numerong ito ay nagbibigay-diin sa pangangailangan ng masusing

pagsusuri at pagtutok sa mga hakbang na maaaring gawin upang masolusyunan ang

problemang ito at mapanatili ang tunguhin ng mas mataas na antas ng literasiya at

numerasiya sa Pilipinas.

Matapos ang isang taon ng harapang klase o face to face classes mula noong

nagkapandemya, nagkaroon ng inisyatibo ang Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas

upang magkaroon ng suportang mekanismo para unti-unting matugunan ang suliranin sa

literasiya at numerasiya sa pamamagitan ng National Learning Camp.

2|pahina
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Alinsunod sa DepEd Order 14 Serye 2023, ang National Learning Camp ay isang

uri ng panlinang na programa kung saan isinasagawa ito sa pagtatapos ng taong

panuruan para sa mga mag-aaral at pati na rin sa mga guro sa elementarya hanggang

hayskul. Ito ay upang matugunan ang mga gap mula sa pandemya at para na rin

malinang ang kapasidad ng kaguruan. Matagumpay itong inilunsad noong Hulyo 24

hanggang Agosto 25 ng kasalukuyang taon. Umani ito ng iba’t ibang reaksyon dahil sa

panahon ng paglulunsad ng programa. Ito ay bagong programa pa lamang kaya’t

mayroon pa itong pagkakataong repasuhin at pagbutihin angkop sa pangangailangan ng

mga mag-aaral at ng kaguruan. Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang mga

danas ng kaguruan sa hayskul ng nasabing programa batay sa kanilang mga ginamit na

estratehiya, kagamitang pampagtuturo, pagtataya at classroom management. Nais ding

maisa-isa ang mga problema at kahirapan na danas sa pagtuturo sa National Learning

Camp at ang implikasyon ng mga natuklasan sa pag-aaral para sa pagpapaunlad ng

programang ito.

Pagsusuri ng mga Kaugnay na Pag-aaral

Para sa masusuing pagbuo ng pananaliksik, nagkaroon ang intensibong

pangangalap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral yung sa paksa. Ito ay isinaayos

sa paraang tematiko at lumabas ang mga paksa tungkol sa :

3|pahina
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

MGA PROGRAMA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON

Ayon sa pananaliksik ni Eidahl (2011), ang pagkakaroon ng programa tuwing

bakasyon o pagtatapos ng taong panuruan at ang pagpapaikli ng panahon ng bakasyon

ay makatutulong upang mapababa ang bilang ng mga mag-aaral na nahihirapan sa

pagbabasa.

Batay kay Seawright (2017), ang mga mag-aaral ay nagpakita ng patuloy na pag-

angat sa kanilang pang-akademikong aspeto at nagpamalas ng positibong pananaw

hinggil sa summer reading program tuwing bakasyon.

Tinalakay naman ng Dibisyon ng Valenzuela City (2014), ang isang programang

remedyal sa pagbasa na inorganisa ng lokal na paaralan sa Valenzuela City ay lubos na

nagpabuti at naglinang sa mga kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa

elementarya. Ipinakita nito na 40% ng mga dating hindi marunong magbasa at mga mag-

aaral na mayroong mga isyu sa pagbasa ay nagkaroon ng makabuluhang pag-unlad

pagkatapos ng programa.

Nagkaroon din ng programa na makikita naman sa pag-aaral ni De Vera at De

Borja ang pagsusuri sa implementasyon ng Learning Action Cell (LAC) para sa pagpuno

sa problema sa pagtuturo sa asignaturang agham sa sekundarya. Nagpag-alaman sa

pag-aaral na ang nagungunang problema ay matatagpuan sa kurikulum, medyor ng guro,

4|pahina
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

bilang ng asignaturang hawak. Hindi sapat ang LAC session para punan ang problema

sa paguturo ng agham sa sekundarya.

Samantala sa pag-aaral na isinagawa ni Abril et. al tungkol sa Philippine Informal

Reading Inventory (PhilIRI) kung sinipat niya ang mga problemang kinahaharap sa

pagpapatupad ng programa. Natuklasan sa pag-aaral na hindi konsistent ang

pagpapatupad ng ilang mga guro lalo na pagdating sa interbensyon , kakulangan sa oras

ng pagpapatupad ng programa dahil sa tambak na gawain.

Iba’t ibang programa ang inilatag upang punan ang GAP ng mga kabataan

matapos ang pandemya.

NATIONAL LEARNING CAMP

Nagpaglabas ng DepEd order no. 14 series of 2023 na may pamagat na Policy

Guidelines on the Implementation of the National Learning Camp na nagsasaad ng

mga sumusunod na impormasyon:

“The Department of Education (DepEd), as articulated in MATATAG: Bansang


Makabata, Batang Makabansa agenda, has committed to a learning recovery
program to address learning losses arising from, among others, the COVID-19
pandemic. Results from national achievement tests (NATS) and international
large-scale assessments (ILSAs) highlight the need for additional teaching
support to enhance learners' academic performance.”

“Teachers play a vital role in learning recovery. Therefore, DepEd needs to


support teachers in effectively conveying learning content and developing
higher-order thinking skills, including problem-solving skills among learners. To

5|pahina
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

improve learner outcomes and enhance teacher competence, the National


Learning Camp (NLC) shall commence at the 2022-2023 End-of-School Year
(EOSY) break.”

“The implementation of the NLC is a strategic initiative supporting the National


Learning Recovery Program (NLRP) and is complemented by programs to
improve skills in reading, mathematics, science, and technology, and similar
initiatives which aim to sustain learning recovery. The NLC serves a two-fold
objective: to improve learner outcomes and to strengthen teacher competence
so they can teach better. This initiative places utmost importance on fostering
learner well-being and engagement, promoting inclusive education, and
cultivating a positive learning environment where teachers excel and learners
flourish.”

Recognizing the critical importance of catering to the diverse needs of learners


and empowering teachers with effective teaching strategies through learning
action cells (LACs} and job-embedded learning, this policy repeals DepEd
Order (DO) No. 13, s. 2018, Implementing Guidelines on the Conduct of
Remedial andAdvancement

“This DepEd Order provides for the Policy Guidelines on the Implementation of
the National learning Gamp that shall be implemented in all public elementary
and secondary schools nationwide from Kindergarten to Grade 12 with phased
implementation starting 2022-2023 EOSY break. This Order repeals DO 13, s.
2018 and DO 25, s. 2022.”

6|pahina
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Balangkas Konseptwal

Ang pananaliksik ay sumusunod sa isang sistematikong pamamaraan sa

pamamagitan ng pagtukoy ng mga mahahalagang konsepto na gagamitin sa

pagsasakatuparan ng pananaliksik.

1. Paghahanda ng mga mga gabay sa tanong sa panayam

Ihahanda ng mga mananaliksik ang mga gabay na tanong sa panayam upang may

sistema at mapadali ang panayam. Ito ay nakatuon sa mga danas sa pagtuturo sa

National Learning Camp sa hayskul ayon sa a. Estratehiya b.Kagamitang Pampagtuturo

c. Pagtataya at d. Classroom Management. Isasama rin sa gabay na tanong ang mga

problemang kinaharap ng mga guro sa pagtuturo sa nasabing programa.

2. Pagsasagawa ng Panayam at Focus Group Discussion

Kakapanayamin ang mga susing tao na may kaugnayan sa pagpapatupad ng

National Learning Camp sa hayskul. Ito ang gagamitin na pinakapagkukunan ng datos

ng pananalikisk. Pagkatapos ng mga pagsusuri ay magsasagawa ng online Focus Group

Discussion upang magkaroon ng pagbabahagi sa resulta ng pagsusuri.

7|pahina
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

4. Koding at Pagsusuri ng datos

Magsasagawa ng manwal na koding upang gamitin sa pagsusuri ng datos. Ito ang

magiging basehan sa pagbuo ng rekomendasyon ng papel pananaliksik.

5. Pagbuo ng implikasyon at programa

Bubuo ng isang programang nakatuon sa pagpapaunlad ng na nakabatay mula sa mga

natuklasan sa pag-aaral.

8|pahina
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Paglalahad ng Suliranin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay nakatuon sa mga danas ng mga guro sa pagtuturo sa National Learning

Camp sa hayskul at sasagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang mga danas ng guro sa National Learning Camp ayon sa:

A. Estratehiya

B. Kagamitang Pampagtuturo

C. Pagtataya

D. classroom management

2. Ano-ano ang mga problema at kahirapan na danas sa pagtuturo sa National

Learning Camp sa hayskul?

3. Ano ang implikasyon ng mga natuklasan sa pag-aaral para sa pagpapaunlad ng

programang National Learning Camp sa hayskul?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay inilahad ang kahalagahan ng pag-aaral upang maging

gabay at kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga guro. Maging gabay sa gagawing paghahanda sa piskal, mental at emosyonal

na aspetong susuungin sa pagkikibahagi sa National Learning camp.

Sa mga punong-guro. Makalikha ng iba’t ibang estratehiya o programa upang mas

matulungan at matulungan ang mga guro na nakikibahagi sa National Learning Camp.

9|pahina
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Sa Superbisor sa Programan Edukasyon . Magamit ang datos upang matuklasan

ang danas na kinaharap ng mga guro. Ito rin ay upang maging gabay sa mga programa

sa hinarap na may kaugnayan sa National Learning Camp.

Sa mga Mananaliksik sa hinaharap. Maaaring magamit ang pananaliksik sa

hinaharap ang mga datos sa pananaliksik na ito upang higit na mapaghandaan ang

maaaring maging danas sa programa. Sa pamamagitan ng mga datos ay higit na

mapaghahandaan ang programa.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa limang mga gurong boluntaryong

nakibahagi sa nakaraang National Learning Camp na ginanap ngayong taong 2023 sa

Naguilian National High School, Naguilian Isabela.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

1. National Learning Camp- Ito ay isang programang boluntaryo sa pagtatapos ng

taong panuruan na dinisenyo upang mapabuti ang pag-aaral sa anyo ng mga

programa sa enhancement, consolidation, at intervention sa lahat ng asignatura

mula kindergarten hanggang Grade 12. (DepEd Order 14 Serye 2023)

2. Danas- tumutukoy sa mga pangyayari o gawain na naranasan o naging bahagi ng

buhay ng isang tao. Ito ay maaaring personal o kolektibo at nagmumula sa mga

kaganapan, pagsubok, o pagkakataon sa buhay ng isang indibidwal. Ang danas

10 | p a h i n a
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

na tinutukoy sa pananaliksik na ito ay ang karanasan ng mga guro sa National

Learning Camp.

3. Estratehiya ng Pagtuturo - tumutukoy sa mga paraan, teknik, pamamaraan, at

proseso na ginagamit ng isang guro sa panahon ng pagtuturo. (ECU, 2021)

4. Classroom Management - ang mga hakbang na ginagawa ng mga guro upang

itatag at mapanatili ang isang kapaligiran na naaangkop upang malinang ang

pang-akademikong tagumpay ng mga mag-aaral pati na rin ang kanilang sosyal,

emosyonal, at moral na pag-unlad. (Weinsten, 2021)

5. Kagamitang Pampagtuturo - mga kasangkapan o mga sangkap na ginagamit sa

pagsasaayos at sumusuporta sa pagtuturo, katulad ng mga libro, mga gawain at

mga karagdagang kasangkapan ( Remillard & Heck, 2014).

6. Pagtataya - ang proseso ng pagkilala, pagkolekta at pagpapakahulugan ng

impormasyon tungkol sa pag-aaral ng mga mag-aaral. (TOU, 2021)

11 | p a h i n a
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Kabanata II

Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik

Pangunahing pamamaraang ggagamitin sa pag-aaral ay kwalitatibong disenyo sa

uri ng deskriptibong pananaliksik. Ang nasabing uri ng disenyo ng pananaliksik ay

nakatutulong upang matukoy ang tumpak at sistematikong paglalarawan ng mga

katangian sa pamamagitan ng pagsusuri sa populasyon, pangyayari o penomenon

(Sedaria,2019).

Para sa mas masusing pagsusuri ng mga kalahok, ay sisipatin ang mga

karanasan, danas at suliranin ng mga guro na nagtuturo sa tulong ng obserbasyon,

panayam at focus group discussion.

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong nabanggit sapagkat

makatutulong ito upang mas lalong mapadali ang pangangalap ng datos sa tulong ng

sarbey kwestyoneyr o pamamahagi ng mga talatanungan, panayam, at obserbasyon na

siyang gagamitin sa pag-aaral.(Peňa, 2023). Ito ay isang paraan upang mailahad at

mabigyan ng pagpapakahulugan ang mga datos na nakalap.

Sa tulong ng palarawang pagsusuri, mabibigyang linaw ang mga kaisipan at

karanasan ng mga guro sa pagtuturo sa National Leraning Camp sa hayskul upang

12 | p a h i n a
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

makabuo ang mga mananaliksik ng mga hakbang o programa na tutugon sa nasabing

suliranin

Ganapanan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isinagawa sa pampublikong paaralan ng Naguilian National High

School ng Naguilian Isabela. Ang nasabing paaralan ay isa sa mga paaralan sa hayskul

na nakiisa sa National Learning Camp. Binubuo ng humigit kumulang limampung mga

mag-aaral ang lumahok dito. Sa kasalukuyan ay binubo ng 2023 na bilang ng mag-aaral

at 84 na mga gurong kasalukuyang nagtuturo.

Pamantayan sa Pagpili ng Kalahok

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng purposive sampling kung saan ang napiling

maging kalahok nito ay ang mga guro ng Naguilian National High School na boluntaryong

nagturo noong nakaraang National Learning Camp.

Pangangalap ng Datos

Ang pag-aaral ay gumamit ng triangulation na pamamaraan na may tatlong

instrumento ng pangagalap ng datos. Ito ay gagamitin upang magkaroon ng mas malalim

at masusuing pagsusuri sa mga danas ng guro sa pagtuturo sa National Learning Cam

sa hayskul.

13 | p a h i n a
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Gabay sa Tanong sa Panayam

Bumuo ng gabay na tanong sa panayam ang mga mananaliksik upang magkaroon

ng maayos na pagsusuri. Ito ay naglalaman sa mga danas sa pagtuturo sa National

Learning Camp sa hayskul ayon sa a. Estratehiya b.Kagamitang Pampagtuturo c.

Pagtataya at d. Classroom Management. Isasama rin sa gabay na tanong ang mga

problemang kinaharap ng mga guro sa pagtuturo sa nasabing programa.

Panayam

Ang pag-aaral ay nagsagawa ngpanayam sa mga mga guro na nakapagturo

lamang sa National Learning Camp sa hayskul. Isasagawa ang panayam ng indibidwal

upang masigurado ang pribadong pagkuha ng datos.

Focus Group Discussion

Ang pag-aaral ay gumamit ng pamamaraan na ito upang makuha ang mga

komento at pangkalahatang pagbabahagi ng danas sa pagtuturo sa National Learning

Camp sa haykskul.

14 | p a h i n a
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Pagsusuri ng Datos

Sa pagsusuri ng datos na nakalap sa pag-aaral ay gagamit ng:

Manwal na koding- masusing pagsusuri sa nakalap na datos mula sa panayam,

obserbasyon at focus group discussion. Dito masisigurado ang wastong pagpapangkat-

pangkat ng kanilang mga kasagutan at pagkakapareho ng mga naobserbahan.

Gagamit din ang mga mananaliksik ng sound recorder at video recorder para mas maging

akma ang mga impormasyong susuriin.

Tungkulin ng Mananaliksik

Ang mga mananaliksik ay inaasahang magpapakita ng mga sumusunod:

1. Impartial Observer: Kinakailangang maging neutral at hindi magpakita ng anumang

emosyon, diskriminasyon o stigma sa pagsusuri ng datos.

2. Katapatan sa Iniuulat: Dapat isama ang lahat ng impormasyon na nakuha sa pag-aaral,

maiwasan ang pag-imbento ng impormasyon, at ipakita ang mga totoong impormasyon

nang may integridad. Iwasan din ang pag-aangkin ng ideya ng iba sa pamamagitan ng

wastong pagtukoy sa may-akda o may-karapatang-ari (copyright).

3. Tagasuri: Ang mga mananaliksik ang mangangalap ng mga danas ng limang gurong

kusang loob na nakibahagi sa National Learning Camp.

15 | p a h i n a
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

4. Tagapamahala ng Focus Group Discussion: Ang mga mananaliksik ay naging

tagapamahala at tagapagdaloy ng focus group discussion upang mapag-usapan ang

pangkalahatang kinalabasan ng pagsusuri ng pahayagang pangkampus.

Pamamaraan ng Balidasyon

Gabay na Tanong sa Panayam

Ang bubuuin na instrumento ng pananliksik ay nilikha ng mga mananaliksik na

nakabatay sa ilang mga pag-aaral at literatura. Tiniyak ang kawastuhan nito sa

pamamagitan ng pagsangguni sa mga eksperto at pagsasagwa ng isang pilot testing.

Pagkatapos ng pagsasagawa ng pilot testing ay nagkaroon ng kinakailangang rebisyon

upang maisaayos ang instrumento ng pananaliksik.

Pagsusuri at Interpretasyon

Sa pamamagitan ng sound recorder at video recorder ay matitiyak ang

kawastuhan ng pagsusuri at interpretasyon ng datos. Ito rin sasabayan ng manwal na

koding para sa mga paksang kailangang bigyan na malalim na pagsusuri. Pagkatapos

makalap ang kinakailangang mga datos, ito ay susuriin at bibigyang-kahulugan.

Potensyal na Usaping Etika

Mula sa pag-aaral, ang mga sumusunod na usaping etika ang maaaring makita:

16 | p a h i n a
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

1. Pagpapaalam sa pamunuan ng paaralan- Manghihingi ng pahintulot ang mga

mananaliksik ng permiso sa paaralan upang magsagawa ng pananaliksik kaugnay

ng danas ng mga guro sa National Learning Camp sa pamamagitan ng liham

pahintulot.

2. Pahingi ng pahintulot sa guro- Hihingi rin ng permiso ang mga mananaliksik sa

mga guro na kalakip ng isang kompedensyal na kasunduang ang lahat ng

impormasyon ay hindi makalalabas maliban sa mga mananaliksik.

3. Respeto at Confedentialty ng mga kalahok- Inaasahan na ibibigay ang buong

Confidentiality at respeto sa mga kalahok upang matiyak na hindi makakaranas

ng diskriminasyon at anumang uri kahihiyan sa kabuuang pagsasagawa ng

pananaliksik.

17 | p a h i n a
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building

Tel. No. 317-17-68 loc. 539

SANGGUNIAN

De Vera, Jayson L. and DE BORJA, JOANNA MARIE A. and Orleans, Antriman,

Addressing Instructional Gaps in K to 12 Science Teaching Through Learning Action Cell

(Lac) (2020). International Journal of Research Publications Volume-46, Issue-

1,February 2020, Available at SSRN: https://ssrn.com/abstract=3624486

Department of Education Memorandum no. 14 series of 2023, Policy Guidelines on the

Implementation of National Learning Camp

Administrator, T. P. (n.d.). Reading Camp improves reading skills of Valenzuelano

children. City Government of Valenzuela.

https://valenzuela.gov.ph/article/news/10242

Eidahl, D. (2011). A SUMMER READING PROGRAM AND ITS IMPACT ON SUMMER

READING LOSS. CORE. https://core.ac.uk/download/pdf/46925541.pdf

Seawright, M. (2017). The Effects of a Summer Reading Program on Reading

Achievement and Reading Motivation. Curriculum and Instruction Commons.

https://scholarcommons.sc.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=5140&context=etd

18 | p a h i n a

You might also like