You are on page 1of 1

Sa Bagong Paraiso (ni Efren Reyes Abueg)

Paksa:
Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang magkaibigan mula pa noong bata na tila
nagkakaroon ng lamat sa kanilang kawalang-malay.
Tauhan:
Ariel – matalik na kabigan ni Cleofe noong sila’y bata pa
Cleofe - matalik na kabigan ni Ariel noong sila’y bata pa
Mga magulang – magulang nila Cleofe at Ariel
Tagpuan:
dalampasigan, malawak na looban, bayan (Maynila)
Panimula:
Mayroong dalawang magkababata na sina Ariel at Cleofe. Madalas silang maglaro sa
malawak na taniman at dalampasigan o ang kanilang munting paraiso.
Saglit na Kasiglahan:
Nabanggit ng kanilang mga magulang at kanayon na siguro, paglaki nila ay sila ay
magkakapangasawahan. Narinig ito ng mga bata at sila’y parehong nagtaka.
Tunggalian:
Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa tao dahil sina Ariel at Cleofe ay hindi sang-
ayon sa bilin ng kanilang magulang kaya ito’y sinusuway nila.
Kasukdulan:
Nahuli sila ng kanilang mga magulang na magkahawak-kamay sa Luneta kaya sila’y
pinadalhan ng liham ng mga magulang. Binantaan si Cleofe na luluwas ang kanyang
ama kung hindi nila ito ititigil.
Kakalasan:
Napagkasunduan nina Cleofe at Ariel na sila ay magtatago at ililihim sa kanila ang
lahat. Patuloy silang nagkita sa bagong paraiso na sa halip na malawak na looban o
dalampasigan ay makitid, sulok-sulok, at malamig.
Wakas:
Isang araw ay dumagundong ang kalawakan at pumatak ang ulan. Ang dalaga ay
dumungaw sa bintana, may bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas hanggang
sa ito ay umakyat sa kanyang lalamunan. Ang lumabas sa kanyang bibig ay sandaling
kumalat at pagkaraa’y inanod ng ulan. Sa huli, ang dalaga’y napabulalas ng iyak.
Kaisipan:
Marami sa kabataan ngayon ang naliligaw ng landas. Ang kwentong ito ay naglalayong
imulat ang mga kabataan na dapat maging maingat at sundin ang payo ng mga
magulang upang hindi magsisi sa huli.

You might also like