You are on page 1of 3

Department of Education

Cordillera Administrative Region


Division of Tabuk City
GREENHILLS ELEMENTARY SCHOOL
SOUTHERN TABUK DISTRICT I

Lesson Plan in Art 1

I- Layunin:
Natutukoy ang mga pangunahing kulay, pangalawang kulay at pangatlong kulay.

II- Paksang Aralin:

A. Paksa: Pangunahing kulay, pangalawang kulay, pangatlong kulay


B. Sanggunian: MELC A1EL-lla
C. Mga Kagamitan: Power point, Tsarts, Pictures, Videos
D. Integrasyon: Literacy, Numeracy, Music, Health, ESP
E. Values: Kooperasyon sa grupo, Pangangalaga sa Kalusugan
III-Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pag awit: “Mga Hugis” (Tune: Are you Sleeping) (video)
2. Balik aral: Tukuyin ang pangalan ng bawat hugis na ipinapakita sa video.
3. Pag ganyak:
Tingnan ang mga larawang nasa ibaba. Hayaan ang mga batang ilarawan ang mga ito.
Itanong: Ilang larawan ang inyong nakikita? Anu anong kulay ang mga ito?, Masasarap ba ito?, Ito
ba’y mga masusustansya? ((Numeracy & Health integration)
Mahalaga ang pagkain ng mga gulay at prutas dahil ito ay masusustansya at nakakatulong sa ating immune
system lalo na sa panahon natin ngayong may pandemya (Covid 19).

B. Paglalahad/Pagtatalakay

Pagmasdan ang dalawang larawan. Ano ang inyong napapanisn? Alin sa dalawa ang mas magandang tingnan at
bakit? Sa inyong palagay ano kaya ang itsura ng paligid natin kung wala itong mga kulay?

Ang Kulay- ito ay mga katangiang bahid ng mga bagay sa ating paligid na nakikita ng ating mga mata. maari itong
maging matingkad o mapusyaw.
Ipakilala ang ibat- ibang mga kulay sa pamamagitan ng video presentation.

Pangatlong Kulay o Tertiary Colors

IV. Paglalapat:

A. Pangkatang Gawain

Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Ano ang nararapat na gawin kapag nagkakaroon ng pangkatang
gawain kasama ang mga kaklase? (ESP integration)

B. Paglinang sa Kabihasaan: Pagsasanay (video)

C. Paglalahat: Anu-ano ang mga pangunahing kulay?pangalawang kulay? at pangatlong kulay?

Tandaan: Ang mga pangunahing kulay ay: pula,dilaw,asul

Ang mga pangalawang kulay ay: lila,berde, kahel

Ang mga pangatlong kulay ay : dilaw na berde, dilaw na kahel, asul na lila, pulang kahel, pulang lila

V. Pagtataya: SLM pahina 13

VI. Karagdagang Gawain: SLM pahina 14

Prepared by:

ELVIE F. LUYO
Teacher II

Checked and observed by:

JUDITH G. CHUMALAN
Master Teacher I

You might also like