You are on page 1of 4

Pagsulat ng Lathalain

Ang lathalain, katulad ng balita ay hindi lamang isinusulat upang magpabatid,


kundi lalo pa nitong pinalalawak ang balita o impormasyon sa pamamagitan ng
kawili-wiling pamamaraan. Ito ay nagdaragdag at nagpapatingkad ng kulay at buhay
ng pahayagan. Kaya ang istilo nito ay nakasalalay sa malikhaing isipan ng
manunulat.
Walang sinumang nakapagbibigay ng pinakaangkop na kahulugan ng
lathalain. Hindi ito isang balita na sinusulat sa pamamagitan ng baliktad na piramide
na walang opinyon at mapalamuting pananalita. Hindi rin matatawag na kwentong
kathang-isip, dahil karaniwang sa mga lathalain ay tumatalakay sa mga totoong
nangyari. Habang ito ay nagpapaliwanag, hindi naman ito nagbibigay ng opinyon na
katulad ng editoryal.
Ayon kay Gene Gilmore sa kanyang aklat na Inside High School Journalism, “ang
pinakaangkop na paglalarawan sa lathalain ay pagsasabing ito ay balita na isinusulat tulad ng
isang piyesa ng kwentong kathang- isip”. Katulad ng isang manunulat ng maikling kwento,
kadalasan ginagamitan ang pagsulat nito ng mga pampanitikang sangkap tulad ng kulay,
dayalogo, anektoda at pang-emosyong pananalita upang mapukaw ng pangkatauhang
kawilihan. Ito ay nagbibigay-panuto rin, nagpapabatid at nagpapayo, ngunit ang
pinakapangunahing layunin nito ay magbigay ng aliw.
Ang lathalain ay isang akdang naglalahad ng mga makatotohanang pangyayari na
maaaring batay sa karanasan, pagmamasid, pag-aaral, pananaliksik, pakikipanayam at
sinusulat sa isang kawiling-wiling pamamaraan.
Sa pangkalahatan, habang ang balita ay pampisikal at ang editoryal ay pangkaisipan,
ang lathalain naman ay pang-emosyon.

Mga Layunin ng Lathalain


1. Magpabatid
2. Magturo
3. Magpayo at magbigay ng aral
4. Mang-aliw

Mga Katangian ng Lathalain


1. May kalayaan sa sa paksa. Kahit anong paksa ay maaaring isulat. Mula sa
pinakaluma at pinakakaraniwan hanggang sa pinakabago at pinakakatwang aspeto ng buhay
ay maaaring paksain. Kahit na ang pinakagasgas nang paksa ay maaari pa ring mapagandang
manunulat sa pamamagitan ng kanyang mabisang istilo ng paglalahad.
2. Walang tiyak na haba. Maaaring maikli o mahaba depende sa nais itampok ng
manunulat at hanggat napapanatili nito ang kawilihan ng akda.
3. Maaaring napapanahon o di-napapanahon. Maaaring ang pinagbabatayang paksa,
impormasyon o balita ay matagal na o bago pa lamang. Kaiba sa balitang napapanis na
pagkatapos nitong ilahad, ang lathalain ay karaniwang magtatagal ang kawili-wili nitong
kakanyahan.
4. Laging batay sa katotohanan. Bagama’t kung minsan ay ginagamitan ng
maimahinasyong paglalahad, ang lathalain ay nakaangklapa rin sa katotohanan.
5. Karaniwang ginagamitan ng makabagong pamatnubay.
6. nasususlat sa pataas na kawilihan.
7. maaaring pormal o di-pormal ang pamamaraan sa paglalahad ng mga tala o ideya,
maging sa paggamit ng salita.
8. Maaaring gamitan ng mga pang-uri, tayutay, dayalogo, katutubong kulay at
idyomatikong pahayag.
9. Maaaring sulatin sa una, pangalawa o pangatlong panauhan.
10. Bagama’t may kalayaan, naroon pa rin ang kaisahan, kaugnayan, kalinawan at
kariinan sa kabuuan ng paksa.

Mga Uri ng Lathalain


1. Lathalaing Pabalita. Ito ay batay sa napapanahong pangayari o balita.
2. Lathalaing Nagpapabatid. Ang binibigyang-diin ditto ay ang impormasyon at ang
sangkap ng pangkatauhang kawilihan ay pangalawa na lamang. Karaniwan ito ay batay sa
pakikipanayam o mula sa pananaliksik. Ang ilang mga paksang nabibilang dito ay tungkol sa
mga batang lansangan, problema sa kawalan ng trabaho at mga napapanahong isyu sa
lipunan.
3. Lathalaing Paano. Ang layunin nito ay ilahad ang proseso kung paano ginagawa
ang isang produkto o serbisyo.
4. Lathalaing may Makataong Kawilihan. Bagama’t walang nilalalaman o kung
mayroon man ay kakaunting halagang balita lamang. Ito ay ginagigiliwang basahin dahil sa
taglay nitong kawiling wili istilong pumupukaw sa emosyon ng mambabasa.
5. Lathalaing Pansariling Karanasan. Ito ay tumatalakay sa mga di-pangkaraniwang
karanasan ng may-akda.
6. Lathalaing Pang-aliw. Ang layunin nito ay libangin ang mambabasa sa kakaiba,
hindi lamang sa paksa, kundi sa istilo ng pagkakasulat at sa uri ng mga pananatiling ginamit.
Halimbawa rito ang mga Crossword puzzle, maze at iba pa.
7. Lathalaing Pangkasaysayan. Tinatalakay nito ang kasaysayan ng tao, bagay o
lugar.
8. Lathalaing Pakikipanayam. Ito ay tumatalakay sa opinyon, damdamin o kaisipan
ng mga taong awtoridad sa pakang inilalalhad sa pamamagitan ng pakikipanayam.
9. Lathalain sa Paglalakbay. Naglalahad ng mga katangi-tanging lugar na narating at
mga taong nakilala sa pamamagitan ng paglalakbay.
10. Lathalaing di- pangkaraniwan. Ito ay tumatalakay sa mga paranormal at di-
kapani-paniwalang mga pangyayari tulad ng mga paksa tungkol sa mga engkanto, tiyanak,
dwende, kapre at iba pang kauri nito.
11. Lathalaing Pang-agham. Tumatalakay sa mga paksang pang-agham at
teknolohiya.
12. Lathalaing Pang-isports. Tinatalakay ang mga paksang pampalakasan.
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Lathalain
1. Pumili ng paksang mayroon kang malawak na kabatiran.
2. Gumamit ng makabagong pamatnubay na angkop bilang panimula.
3. Maaaring samahan ng mga pang-uri, tayutay, anekdota, dayalogo at katutubong
kulay upang maipaaabot sa mambabasa ang tunay na pangyayari.
4. Gumamit nang malinaw na paglalarawan o paglalahad.
5. Iwaan ang masalita
6. Magbigay ng halimbawa upang maging kapani-paniwala at medaling maunawaan
ang paksang nais ipaabot.
7. Tapusin sa pamamagitan ng pag-uugnay sa panimulang talata.
8. Gawing makatawag-pansin ang pamagat.
Mga Dapat Iwasan sa Pagsulat ng Lathalain
1. Maligoy
2. Masalita
3. Paggamit ng malalalim na pananalita
4. Sobrang haba ng mga pangungusap at talata
5. Kulang sa dramatikong kalidad
6. Sabog ang pagkakayos ng mga ideya
Mga Mapagkunan ng Paksa
1. Mga karanasan
2. Mga bagay o pangyayaring napagmasdan sa paligid, sa telebisyon, sine at sa iba
pa.
3. Mga babasahin tulad ng aklat, pahayagan, magasin at iba pa.
4. Mga bagay na napakinggan mula sa ibang tao tulad ng talumpati, komento sa
radio at iba pa.
5. Pagpapagana ng imahinasyon.
Mga Katangian ng Manunulat ng Lathalain
1. Mapagmasid
2. Mapagbasa
3. Marunong makisimpatya
4. May malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay
5. May malawak na kaaalamang pangwika.

You might also like