You are on page 1of 3

Hinilawod, Epiko ng Panay

Ang Hinilawod ay isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Kanlurang


Bisaya. Ito’y nagsasaad ng kaunlaran at kultura ng Panay noong unang panahon. Ito
raw ay inaawit nang mga tatlong linggo, isa o dalawang oras gabi-gabi.

Panahon noon nang ang mga datu galing Borneo ay dumaong sa Panay. Labingwalong
kuwento ang napapaloob sa Hinalawod at ang bawat kuwento ay sumasaklaw sa
tatlong henerasyon.

Nagsimula ang kuwento noong panahong ang mga diyoses ay nakikipamuhay pa sa


mga tao at nagtatapos naman sa panahon nang bilhin ni Bankaya (datu galing Borneo)
kay Marikudo, Hari ng mga Aeta.

Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ang epikong Hinalawod ay dinatnan na sa Panay
ng mga Kastila.

Buod ng Hinilawod

Si Kaptan ay bathala ng kalangitan at si Magwayen ay bathala naman ng karagatan.


May anak na lalaki si Kaptan na ang napangasawa’y anak ni Magwayen.

Ang pangasawahan ay nagkaanak ng apat: Likalibutan, Ladlaw, Libulan at Lisaga.

Sinulsulan ni Lakalibutan sina Ladlaw at Labulan na makiisa sa kanya na lusubin ang


kalangitan upang siya ang maging hari ng sanlibutan (universe).

Walang pagsidlan ng galit si Kaptan kaya kanyang pinagpupukol ng kulog ang


magkapatid. Ang katawan ni Likalibutan ay nagkanluluray at napatapon sa karagatan.
Nang dumating ang ikaapat na kapatid siya’y kinatay at pinagdalawang hati.

Nagsisi si Kaptan sa kanyang ginawa. Muli niyang binuhay ang kanyang mga apo.
Si Ladlaw ay ginawang araw; si Libulan ay ginawang buwan; at sumibol naman ang
mga kahoy kay Likalibulan (sanlibutan). Ang unang hati ng katawan ni Lisaga ay
naging unang lalaki (Silalak) at ang huling hati ay naging unang babae (Sibabay).

Maraming Dyos ang dumating makadaupang palad lamang si


Alunsina. Ngunit ang lahat ay bigo sapagkat ang napili ni
Alunsina ay isang mortal na nag ngangalang "Paubari".
Si Paubari ay isang datu na namumuno sa Halawod.
Ang desisyon ni Alunsina ay lubos na ikinagalit ng ilang
nabigong dyos. Napagkasunduan ng ilang dyos sa pangunguna
ni "Maklium-sa-t’wan" na magkaroon nang pagpupulong upang
maudlot ang kasal ni Alunsina at Paubari sa pamamagitan ng
isang baha sa halawod.

Ngunit si Alunsina at Paubari ay nakaligtas sa kapahamakan sa


tulong ni Suklang Malayon, ang kapatid ni Alunsina. Natunugan
ni Malayon ang plano ng ilang dyos kayat sinabi nitong
magpunta sa mataas na lugar sina Paubari at Alunsina.

Pagkatapos humupa ang baha ay palihim na bumalik si


Alunsina at Paubari sa halawod.

Matapos ang ilang bwan ay nagsilang si Alunsina ng triplets at


pinangalanang Labaw Dongon, Humadapnon at Dumalapdap.

Pagkatapos isilang ay agad na ipinatawag ni Alunsina ang


paring si Bungot-Banwa para gawin ang ritwal upang maging
malakas ang mga kambal. Matapos ang ritwal ay naging
malalakas at makisig sina Labaw Dongon, Humadapnon at
Dumalapdap.
Ang tatlong magkakapatid ay kapwa nagkaroon ng kanya
kanyang pakikipagsapalaran katulad na lamang ni Labaw
Donggon na nakipaglaban kay Saragnayan ngunit ito'y bigo at
ibinilanggo ni Saragnayan.

Dahil dito ay naghiganti ang anak ni Labaw Donggon at agad


na kinalaban si Saragnayon. Kalauna'y nagtagumpay ang anak
ni Labaw Donggon at sila'y parehong bumalik sa kanilang lugar.
Dahil din sa pagkakabilanggo ni Labaw Donggon ay lubos na
nagalit si Humadapnon at Dumalapdap. Nangako si
Humadapnon na ipaghihiganti nya ang kapatid hanggang sa
kaapu-apuhan ni Saragnayan.
Pagkatapos umalis ni Humadapnon upang maghiganti ay
umalis din si Dumalapdap upang makipagpalaran at pakasalan
si "Lubay Lubyok Mahanginun si Mahuyokhuyokan".
nakipaglaban si Dumalapdap sa nilalang na may dalawang ulo
na kung tawagin ay "Balanakon".

Pagkatapos nito ay nilabanan din ni Dumalapdap ang nilalang


na "Uyutang" na kawangis ng isang paningi na may malaking
mga pangil at makamandag na kuko. Nilabanan ni Dumalapdap
ang Uyutang sa loob ng pitong buwan.

Naging matagumpay si Dumalapdap at kasama na nyang


umuwi si "Lubay-Lubyok Hanginun si Mahuyokhuyokan" upang
pakasalan.
Nang makabalik na ang magkakapatid ay ipinagdiwang ni Datu
Paubari ang tagumpay ng mga ito.

You might also like