Professional Documents
Culture Documents
Panukalang Papel Ni Daz
Panukalang Papel Ni Daz
REGINE L. DAZ
12 AMAZONITE
Ang aming pangunahing layunin ng panukalang proyektong ito ay naglalayong matulungan ang bawat
mag-aaral ng publacion 3 ng Catbalogan city, Samar. Sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng
pagbibigay sa kanila ng kanilang mga pangangailangan tungkol sa mga gamit sa paaralan. Ang panukala
ay isang panandaliang layunin lamang. Ang aming tinatayang budget ay P25,000 na iniambag ng Edu-
Aksyon. Ito ang katibayan na magpapatunay na tayo ay sumusulong patungo sa aking layunin.
1.Halaga ng lahat na biniling School Supply ( kasali na rito ang mga pamasahing P 20,000
ginamit)
2. Iba pang gastusin para sa pagsisimula ng programa P 5,000
Total: P 25,000
Ang mga mahihirap na pamilya ay kadalasang napapabayaan ang pag-aaral ng kanilang mga anak dahil
sa kawalan ng kita para magbayad ng matrikula o pambili ng mga gamit sa paaralan. Ang mga batang ito
ay madalas na nagsusumikap upang suportahan ang kanilang mga pamilya, madalas na naglalakbay ng
malalayong distansya upang pumasok sa paaralan. Ang kakulangan ng mga gamit sa paaralan, tulad ng
mga libro, papel, at panulat, ay higit na humahadlang sa kanilang pag-aaral. Ang isang pangkat sa
publacion 3 ng Catbalogan city, Samar ay nagtatrabaho upang matugunan ang isyung ito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng wastong pagganyak at kagamitan para sa mga mag-aaral ng Publacion 3.