You are on page 1of 5

Polytechnic University of the Philippines – Sta.

Mesa
Quiz 1 – Readings in the Philippine History
John Paul C. Belardo
BSME 1-2

a) Ano ang saligang pagkakaiba ng economienda sa sistemang hacienda?

Isang pag-eeksperimento sa pamamahala ng mga Espanyol ang mga sistemang


encomienda at hacienda na kung saan isa ito sa mga paraan na ginamit nila sa Pilipinas sa
pagpapayabong at pagpapalakas ng kanilang kolonisasyon. Ang dalawang sistemang ito ay may
kinalaman sa lupain ng ating bansa na kung saan maaaring sabihing inigaw at ginamit nila ito sa
kanilang mga personal na mga mithiin. Datapwat may iilang pagkakapareho ang dalawang
sistemang nabanggit, marami itong pagkakaiba at mariing nilinaw rin ng mga iskolar na ang
sistemang encomienda ay walang kinalaman sa pag-usbong ng sistemang hacienda.

Unang naisakatuparan ng mga Espanyol ang sistemang encomienda sa Pilipinas.


Naudyok silang organisahin ang mga pueblo dahil sa mahina at hindi sentralisadong pamamahala
sa Pilipinas na nagpahirap sa kanila sa pagkolekta ng mga pera, produckto o serbisyo sa mga
mamamayang Pilipino. Ito ay sa kadahilanang watak watak ang mga barangay na naitaguyod ng
ating mga ninuno bago dumating ang mga Espanyol. Ang sistemang ito ay nakatuon lamang sa
pamamahala ng mga mga opisyal ng pamahalaang kastila at mga pinuno ng Katolikong simbahan
sa mga lupain na nakatalaga sakanila na kung saan mayroon lamang na maliit na lupang
pinauupahan sa mga Pilipino upang kanilang pagtrabahuhan. Dagdag pa rito ay kilala ang
sistemang encomienda sa sapilitang paggawa. Nakakapanlumong isipin na ang mga lupaing
ginagamit ng mga dayuhan ay dapat pagmamay-ari ng mga mamayan ngunit dahil sa
kapangyahang taglay ng mga mananakop ay sila na ang nanginginabang sa lupaing ito. Bagaman
ang mga Pilipiono ang nagpapalago at nagpapakapagod sa mga lupaing ito, imposibleng mapunta
at maipangalan sa kanila ang mga lupang kanilang pinagtatrabahuhan. Maaaring mas napabuti
ang organisasyon ng mga pangunahing unit ng mga pamayanan sa oras na iyon ngunit, hindi
naman dama ng mga Pilipino ang pag-unlad dahil marami man ang umusbong na mga
imprastraktura sa panahong yaon ay dugo at pawis naman ang inilaan ng mga Pilipino upang
maisakatuparan ang mga proyektong ito sa pamamagitan ng sapilitang paggawa. Kasabay rin
nito, ang pagtatanim ng Katolisismo sa mga mamamayan na lalong nagpalakas sa kanilang
pagpapasunod sa mga mamamayang Pilipino dahil walang kamuwang muwang ang mga Pilipino
na gagamitin ang relihiyon upang lasunin at baguhin ang kanilang mga paniniwala at ang
kulturang kanilang binuo bago pa dumating ang mga mananakop.

Ang sistemang hacienda naman sa kabilang banda ay umusbong dahil pa rin sa


paghahangad ng mas malaking kalamangan ng mga prayle. Bukod sa mga lupang kanilang hawak

Page 1 of 5
Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa
Quiz 1 – Readings in the Philippine History
John Paul C. Belardo
BSME 1-2

sa panahong yaon na tinawag na hacienda, pinili nilang pagtrabahuhin ang mga mamayang
Pilipino sa kanilang lupain sapagkat hindi naman sila mahuhuli ng Hari sa kanilang mga
kalakaran dahil sa madaling sabi ay sila na ang naging kinatawan ng hari sa mga Pilipinas.
Nagkaroon din ng mas komplikadong sistema ang pamumuno sa sistemang ito na kung saan
nagkaroon na ng mga parte ang mga Pilipino sa pamamahala. Dahil dito ay lalong naghirap ang
mga mamamayang nagtatrabaho sa mga hacienda. Sila ay tumanggap ng mas malalang pang-
aabuso na kung saan ang hangarin ng sistemang ito ay piliting makapagbigay at makagawa ang
mamamayan ng mga produkto na bubuhay at pupuno sa mga pangangailangan ng mga prayle at
mga opisyal. Lalong dumali ang pagsasakatuparan ng mga Espanyol ng kanilang mga hangarin
sapagkat sa oras na yaon ay wala pang kulturang nabubuo ang mga Pilipino upang magka-isa at
magkaroon ng pag-aalsa ang mga mamamayang Pilipino. Ngunit sa kalaunan, habang tumitindi
ang pagpapahirap ng mga Espanyol sa kanila sa sistemang ito ay nagkaroon na sila ng paunti-
unting kamalayan na nagudyok sakanila na magsimula ng mga rebolusyon.

b) Ano ang mga mga kultural at materyal na batayan ng Rebolusyong 1896?

Nang dahil sa sistemang hacienda nagkaroon ng malaking pagbabago sa iilan at piling


mga pamilyang tinagurian at kabilang sa principallia na kung saan nagkaroon sila ng sapat na
pera na nalikom sa ilalim ng sistemang nabanggit upang makamit ang iba’t ibang pribiliheyo. Isa
na rito ay ang edukasyon ng kanilang mga anak na kalauna’y tinawag na mga illustrado, ay nag-
udyok at nagpasimula ng rebolusyong 1896. Namulat sila sa mga kahirapang kinakaharap ng mga
kapwa Pilipino kung kaya’t sa pamamagitan ng kanilang talino at husay ay ginamit nilang
sandata ito upang kalabanin ang mga mananakop.

Bukod sa edukasyon ng mga illustrado, sa kadahilanang umuusbong na ang iba’t ibang


teknolohiya, nagkaroon na ng paraan ng pakikipag komunikasyon ang mga Pilipino. Kasabay nito
ang mas pinabilis na importasyon ng mga produkto sa galleon trade na kung saan nagpabilis ito
ng pagdating ng mga makabagong teknolohiya na kung saan nakatulong nang malaki upang
mapalakas ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Espanyol. Ang pag-aangkat ng produkto
ay napadali dahil sa pagkakabuo ng Suez Canal na nagpadali ng oras ng paglalayag ng mga
barkong galleon.

Page 2 of 5
Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa
Quiz 1 – Readings in the Philippine History
John Paul C. Belardo
BSME 1-2

Ngunit ang pinakamahalagang aspekto na nagkaroon ng malaking impluwensya sa


rebolusyong 1896 ay ang pag-usbong ng kamalayan sa mga Pilipino na sila ay iiba sa mga
Espanyol at kinilala nila ang kanilang mga kapwa Pilipino bilang kakampi at iisa ang kanilang
mga lahi. Sa pamamagitan nito ang kanilang pagkakaisa ay nabuo na kung saan sinubukan nilang
makipag komunikasyon sa pamamagitan ng mga nabanggit sa itaas at makipagtulungan sa mga
illustradong nagtatag at nagsimula ng rebolusyon na siyang nag-ugat ng paglaya at pag-aklas
natin sa pamunuan ng mga Espanyol.

c) Sa saligan, ano ang halaga ng rebolusyong 1896 sa ating pagiging isang bansa?

Reporma at rebolusyon ang mga ideyang nakapaloob sa Rebolusyong 1896. Ang


dalawang salitang ito ay hindi maikakailang magkaiba ngunit sa pagiging mapamaraan ng mga
Pilipino ay naging matagumpay at makasaysayan ang nasabing rebolusyon. Hindi sisibol ang
rebolusyong ito kung wala ang mga illustrados at ang mga taong nakiisa at nakilahok sa kilusan.

Ang rebolusyong itinatag noong 1896 ay nagsilbing daan upang magkaroon ng


kamalayan ang mga Pilipino sa lahat ng pangyayari at mga kawalang hiyaang ginawa ng mga
Espanyol sa ating kapwa Pilipino. Ito ang nagbigay imahe sa ating bansa na iba tayo sa mga
Espanyol at tayo ay patuloy na pinagkakaisahan at inaabuso ng mga mananakop na ito. Maaaring
marami nga ang pinagdaan ng rebolusyong ito ngunit, ito ang nagging daan upang maging isa ang
ating bansa na tumungo sa pagpapatalsik ng mga Espanyol sa ating Inang Bayan.

Bilang karagdagan, ang rebolusyong 1896 ay ang nagbigay daan sa mga Pilipino upang
maging mulat sa mga dibuho ng konsepto ng kolonyalismo. Sa pamamagitan nito naging maalam
at mapagmatyag na ang mga Pilipino sa mga sumunod na mga banyagang nandarayuhan sa ating
bansa. Kung kaya’t hindi na naging mas marahas at madugo ang mga sumunod na mga
dominasyon ng ibang nasyon.

d) Bakit inagaw ng mga haciendero ang pamumuno ng rebolusyong 1896? Ano ang mga
dahilan?

Isa sa mga pinakamalaking inpluwensya sa mga pamayanan ay ang mga haciendero.


Umusbong ang kanilang mga pamumuhay dahil sa sistemang kinapalooban nila. Sila ang mga iilan at

Page 3 of 5
Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa
Quiz 1 – Readings in the Philippine History
John Paul C. Belardo
BSME 1-2

piling mga tao na umangat ang mga buhay at nagkaroon ng kapangyarihan sa Pilipinas sa panahon ng
pananakop ng mga Espanyol.

Nang magsimula ang Rebolusyong 1896, ang reporma sa lupa ang yumanig sa kanilang mga
kaluluwa. Ang pamumuno ng rebolusyong 1896 ay orihinal na nasa liderato ng mga manggagawa
ngunit kalauna’y napasakamay ito ng mga haciendero. Kung ating hihimay-himayin ang kanilang
pakay, iisa pa rin ang pinag-ugatan nito, ang kapangyarihan. Nanganganib ang mga haciendero na
maalis at maglaho kasabay ng rebolusyong isinasakatuparan ng mga mamamayan sa pamumuno ni
Andres Bonifacio ang kanilang yaman at mga ari-arian na maaaring maibabahagi ng pantay pantay sa
bawat Pilipino.

Ang rebolusyong pinaghirapan at itinatag noong 1896 ay pinagtaksilan ng mga haciendero


lalong lalo na si Aguinaldo. Totoong wala talagang madadalang kabutihan ang kasakiman.
Pinatunayan ng mga haciendero na nalason nang tuluyan ng mga kulturang Esapnyol ang kanilang
mga utak sapagkat nagawa nilang ipagbenta ang rebolusyon na maaaring nagpalaya at maaaring hindi
na umakit ng iba pang mga dayuhan upang sakupin ang ating bansa.

e) Ilahad ang mga batayan bakit nasabi ni Amada Guererro na mga puppet na rehimen ang mga
gobyernong umiral mula 1946 hanggang sa diktaturang Marcos. Sang ayon kaba dito?

Maaaring nakaligtas at nakawala na ang Pilipinas sa maluupit na mga Espanyol, ngunit hindi
pa rin nagtatapos ang mga paghihirap at pang-aabuso ng mga sumunod na mga bansa na sumakop sa
ating Inang Bayan. Simula 1946 nagkaroon na ng sariling pamahalaan ang Pilipinas na kung saan ang
mga namumuno na sa bansa ay mga kapwa na natin mga Pilipino. Sa unang tingin ay maaaring
masabing maganda ang pagbabagong ito. Datapwat mga Pilipino na ang mga namumuno, malaki pa
rin ang inpluwensya at pagmamanipula ng mga amerikano sa sarili nating gobyerno. Naging sunod
sunuran pa rin ang mga tinaguriang “Puppet President” ng bansa sa mga panahong yaon.

Ang malaking impluwensya ng mga Amerikano ay nagudyok upang mangibabaw ang


kurapsyon sa pamahalaan. Sa una, masasabing makatao ang mga hakbangin dahil nakatuon ang
kanilang pansin sa pagtulong sa mga mahihirap na mga magsasaka ngunit sa kalaunan ay napupunta
rin sa kanilang mga bulsa ang mga pribeliheyo at ang pondo na inilaan para sakanila. Mahirap man
isipin na sa kabila ng mga pinagdaanan ng ating bansa sa malupit na mga Espanyol hindi pa rin natin
naisakatuparan at maisabuhay ang mga aral na nakuha natin sa naunang mga kolonisasyon.

Page 4 of 5
Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa
Quiz 1 – Readings in the Philippine History
John Paul C. Belardo
BSME 1-2

Dahil sa kurapsyon na lumaganap, malaki ang naging epekto nito sa buhay ng mga
mamamayang Pilipino. Lalo silang naghirap at naging kaawa-awa sapagkat ang mga puppet na mga
rihimeng ito ay nagsibol din ng kamatayan at karahasan na kinaharap ng mga magsasaka. Pinalakas
lamang ng puppet government ang kapangyarihan ng mga Amerikano na kung mas napadali nila ang
kanilang paggamit at pagmamanipula sa ating bansa sa panahong yaon.

Totoo, at ako ay naniniwalang ang mga gobyerno mula 1946 hanggang sa rihimeng Marcos
ay dapat lamang matawag na puppet na kung saan ginawa tayong laruan ng mga Amerikano at naging
intrumento ng kanilang kapangyarihan na maaring hindi mapansin ng karamihan dahil sila ay
nakatago sa sistemang kanilang binuo. Ang inakala nating mabuting hangarin nila ay ang kanilang
naging sandata upang pahirapan at abusuhin ang ating sinisintang bayan.

Page 5 of 5

You might also like