You are on page 1of 5

OPEN FORUM ULO 2

A. Mga katanungan para sa Open Forum (gamitin ang rubrics sa unang Assign.)
1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa Kalagayan ng Sosyo-Pulitika at Ekonomiya
sa panahon ng Espanyol?

Sa panahon ng mga Espanyol dito sa Pilipinas, nagkaroon na ng pagbabago ang


buhay ng mga Pilipino kung ang pag-uusapan natin ay ang tungkol sa Sosyo-Pulitika at
Ekonomiya na kalagayan ng mga Pilipino.

 SISTEMANG ENCOMIENDA
Isinailalim ng pamahalaan ng Espanyol sa Sistemang Encomienda ang mga
nasakop na lupain ng ating mga ninuno. Ang mga lupaing ito ay pinapangasiwaan ng
mga encomendero. Sa panahong ito sapilitang pinagtrabaho ang mga ninuno. Ang
nakukuhang produkto o kalakal ay dinadala sa Espanya. Sapilitan ding pinagbabayad
ang ating mga ninuno ng buwis o tributo.

 SISTEMANG HACIENDA
Sa sistemang Hacienda, naabuso rin ang kalagayan ng ating mga ninuno. Hindi sila
makakain ng maayos at kalupitan din lamang ang kanilang naranasan sa mga
Espanyol. Sa halip na palay ang itinatanim sa mga lupaing agrikultural ng mga
katutubo, mga produktong tulad ng tabako, niyog, at tubo ang ipinalit ng mga Espanyol.

 KALAKALANG GALYON
Nagkaroon ng Kalakalang Galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco sa Mexico. Ang
kalakalang ito ay monopolyo ng mga Espanyol ng naging daan upang magkaroon ang
kanilang bansang dagdag na yaman. Subalit, nalugi ang kalakalang ito dulot ng mga
digmaang nilahukan ng mga Espanyol ng naging sanhi rin ng paghina ng kanilang
bansa.

This study source was downloaded by 100000841247293 from CourseHero.com on 02-07-2022 19:27:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/96532912/OPEN-FORUM-ULO-2docx/
2. Nakakatulong ba o hindi sa ating mga ninuno ang Kalagayan ng Sosyo-Pulitika
at Ekonomiya sa panahon ng Espanyol?

Para sa akin, hindi nakakatulong sa ating mga ninuno ang Kalagayan ng Syoso-
Pulitika at Ekonomiya sa panahon ng mga Espanyol dahil ninanakaw nila ang
pagkamalikhain at magandang ideya tungkol sa pamumuhay ng mga Pilipino. Inaagaw
nila ang mga lupain ng ating mga ninuno at ginagawang Encomienda at Hacienda.
Inaagaw rin nila ang kapangyarihan ng ating mga ninuno na mangangasiwa sa kanilang
lupain, bagkus pa rito pinababayad pa sila ng buwis o tributo at ginagawang alipin sa
sariling lupain.

3. Malaki ba ang epekto sa pangkabuhayan ng ating mga ninuno ang Kalagayan


ng Sosyo-Pulitika at Ekonomiya sa panahon ng Espanyol?

Para sa akin, malaki ang epekto sa buhay ng ating mga ninuno ang Kalagayan
ng Sosyo-Pulitika at Ekonomiya sa panahon ng mga Espanyol. Una, tinanggap ng mga
Pilipino ang relihiyong kristiyanismo na nagiging daan upang matatakot ang ating mga
ninuno na magtanong sa kanilang kalagayan dahil ito ang ipinapahiwatig ng mga kastila
na bawal magtanong tugkol sa kanilang kalagayan, dahil ito ay magiging sanhi ng
pagkakasala. Dito nagsimula ang bangungot sa buhay ng ating mga ninuno, nagiging
alipin sila sa ilalim ng pamahalaan ng kastila at panay ang kanilang nararamdamang
pang-aabuso lalong-lalo sa panlalapi. Bumaba ang ekonomiya ng bansa at hindi sila
binigyan ng pagkakataong makilahok sa pamahalaan. Dagdag pa dito, nagsara ang
maraming negosyo ng mga Pilipino at tumaas ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.
Malaki ang epekto ng pagbaba ng mga pangkabuhayan ng ating mga ninuno dahil
pinagbabayad sila ng malaking buwis at inaabuso pa nila ang pangongolekta. Ang mga
kalalakihan ay pinilit nilang pinagtatrabaho na parang isang hayop. Ito ang dahilan kung
bakit magkawatak-watak ang pamilyang Pilipino at namamatay sa gutom at hirap.

This study source was downloaded by 100000841247293 from CourseHero.com on 02-07-2022 19:27:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/96532912/OPEN-FORUM-ULO-2docx/
B. Tanong mo, sagot mo.
1. Bakit nasabi ni Dr. Jose Rizal na mahalaga ang Nasyonalismo?
Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang nasyonalismo ay inilalarawan bilang isang
marubdob at mataos na pag-ibig sa bayang sinilangan. Ito ang nagsisilbing
pangunahing hakbang sa paghubog ng pambansang kamalayan at sa pagtatampok ng
angking kakayahan at identidad sa bansa.
Mahalaga ang nasyonalismo sapagkat ito ay paraan ng pagpapakita ng
pagmamahal, pagkamakabayan at pagiging makabansa. Napapaunlad nito ang
pagyakap sa tradisyon, kultura, kagawian at respeto sa lahat ng aspeto ng pagiging
isang Pilipino. Mas madaling uunlad ang isang bansa kung ang mga tao ay may
pagtangkilik at pagmamalaki sa sariling bansa.

2. Ano ang malalaking mga pangyayari ng ika-19 na siglo sa Pilipinas at sa buong


mundo?
Ang paglaganap ng industriyalisasyon ay isang simbolo ng katanyagan ng
demokrasya, liberalismo, at nasyonalismo. Ang mga ideolohiyang ito ay unti-unting
lumaganap sa buong mundo upang mabuo ang mga industriya noong ika-19 na siglo.
Ang pag-usbong ng makamodernong pag-iisip ng sangkatauhan sa larangan ng
siyensya, teknolohiya, physics, at kimika (chemistry) ay nagiging resulta sa paglikha ng
mga mamamayan na nagbibigay bunga ng pagtanggap ng isang buhay ng
kaginhawaan na dulot ng teknolohiya.
Sa siglong ito, lumaganap ang paggamit ng mga bagong klase ng makinarya na
nagiging tatak ng industriyalisasyon. Dito nagsimula ang bagong panahon na
rebolusyong teknolohiya at agham. Ang pag-usbong ng pagkakaisa ng mga liberal sa
Italy ay nagiging malakas at patok sa buhay ng mga tao, ngunit sinalungat ito ng isang
Papa ng Katolikong simbahan, Pope Leo XIII, habang sa Espanya, itinuturing ng mga
liberal na kaaway ang Simbahan ng mga reporma.
Dito nagsimula ang malawakang protesta at ang mga sumasalungat sa mga pari ay
naging mainit na paksa noong ika-19 na siglo dahil ang pagtaas sa materyalismo ng
mamamayan ay nagdulot ng kaunlaran sa ekonomiya at ang hangaring magkaroon ng
kalayaan. Dito rin ikinakampanya ni Novarum ang tamang trato ng tao sa loob ng sektor
ng manggagawa at itinaguyod ang katarungan sa lipunan, na nakaayon sa mga
doktrina ng simbahan.

This study source was downloaded by 100000841247293 from CourseHero.com on 02-07-2022 19:27:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/96532912/OPEN-FORUM-ULO-2docx/
3. Ano ang mga sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga
Kastila?
Ang sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas sa panahong iyon ay makikita natin
limitado lamang sa mga mayayaman. Ang paglago ng intelektuwal nap ag-iisip ay
makikita lamang sa mga taong mayayaman o may kaya sa buhay. Ngunit ito ay
palaging hinahadlangan ng mga paring Espanyol dahil sa takot na madiskubre ang
kanilang mga ginagawa na hindi makatarungan sa buhay ng mga mamamayan at sa
ating bansa.
Ang pakikialam ng pamahalaan sa paaralan ay hindi lumalakas; kaya nga ang
mga paaralan ay patuloy na malayang magdagdag o magbawas ng mga paksa sa
kanilang kurikulum. Noon, ang kaalaman ay sinusukat sa mga tuntunin ng kakayahan
ng mga mag-aaral na magsaulo, ngunit ito ay nagiging hadlang sa kaunlarang pang-
intelektwal. Ang pagiging nasa ilalim ng kontrol ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Espanyol ay nangangailangan ng intelektwal na pagbubukod at matinding
manipulasyon ng mga paring Kastila. Dahil dito, nagiging kunti lamang ang mga lugar
ng Pilipinas na may mga paaralang tulad ng Maynila, Cebu, Jaru, Nueva Caceres, at
Nueva Segovia. Gayundin, hindi pinapayagan ng mga paring Kastila ang mga aklat at
pagtuturo ng mga materyal na maaaring makapinsala sa simbahan at sa pamahalaang
Espanyol.

This study source was downloaded by 100000841247293 from CourseHero.com on 02-07-2022 19:27:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/96532912/OPEN-FORUM-ULO-2docx/
This study source was downloaded by 100000841247293 from CourseHero.com on 02-07-2022 19:27:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/96532912/OPEN-FORUM-ULO-2docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like