You are on page 1of 12

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 2

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang


naisasagawa ang mga sumusunod:

a. natutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa komunidad,

b. napahahalagahan ang mga pagbabago sa komunidad at;

c. nailalarawan ang mga pagbabago sa komunidad

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang Kalagayan ng aking Komunidad Noon at Ngayon

Sanggunian: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 2,pp.130-152

Lahing Pilipino 2 pp. 186-189

Kagamitan: Powerpoint presentation, mga larawan

Pagpapahalaga: Marami man ang pagbabago sa ating komunidad,


ang Diyos ay hindi nagbabago at sana'y ganoon din tayo.

III.Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Estudyante


A.Panimulang Gawain
• Panalangin
• Pagbati
• Pagsasaayos ng Upuan
• Pagtatala ng liban

B.Pagganyak

Mga bata, masdang mabuti ang mga


larawan.
Ano ang nasa larawan ?
Tulay, titser.
Tama! Ito ay dating tulay sa Palawig
pero ngayon, ganito na siya.

Ano ang masasabi niyo? May


nagbago ba? Meron po titser

Anong pagbabago ang napansin niyo


sa tulay? Noon po ang tulay ay lubak-lubak
kasi luma na pero ngayon ay
maayos na.
Magaling!Tignan naman natin ang
susunod na larawan.

Ano ang nasa larawan? Palengke titser

Tama! Ito ang palengke ng Sta. Ana


noon at ito naman ang hitsura ng
palengke ngayon.
Ano ang masasabi niyo?
Mas gumanda po titser
Tama! Ito ay mas gumanda at mas
lumaki.
Sa susunod na larawan.

Ano ang nasa larawan ?


Dating Munisipyo ng Sta.Ana, titser.
Tama! Ito ay dating munisipyo ng
Sta.Ana at ito na siya ngayon.

Nagbago, titser
Ano ang napansin niyo sa larawan?

Ano ang masasabi niyo? Mas gumanda, titser.


Magaling! Gaya rin sa palengke, ang
munisipyo ay nagbago ang itsura at
ito ay mas gumanda.

Ating masdan ang sumunod na


larawan.

Ano ang nasa larawan? Gym ng Sta. Ana, titser.

Tama! Ito ay ang Gymnasium ng


bayan natin.
Ito naman ang itsura ng Gym natin
ngayon.

Ano ang napansin niyo? Mas gumanda at lumaki, titser.

Magaling! Ang dating Gym natin na


luma, ngayon ay gumanda at lumaki
pa.

B.Paglalahad

Sa mga nakita ninyong larawan, may


pagbabago bang naganap sa
komunidad natin noon sa komunidad
natin ngayon? Meron po, titser.

Katulad ng ano? Magbigay ng


halimbawa. Maaaring maging sagot:
Ang tulay ay mas gumanda, titser.
Ang munisipyo, palengke at
Mahusay! malaki ang pinagbago ng paaralan ay nagbago. Ito ay mas
komunidad noon sa komunidad natin gumanda, lumaki at lumawak.
ngayon. Base sa mga larawan mga
bata ano kaya ang ating tatalakayin
ngayon? Tungkol sa pagbabago sa
komunidad, titser.
Magaling! Ang ating pag-aaralan ay
tungkol sa kalagayanan ng ating
komunidad noon at ngayon.

C.Pagtatalakay

Nagyong araw, aalamin natin ang


mga pagbabagong naganap sa ating
komunidad sa paglipas ng panahon.
Ano ang nasa larawan? Kalabaw, titser.
Nakasakay na ba kayo diyan? Hindi pa po, titser.
Masaya ang sumakay diyan.
Sa susunod na larawan.

Ano ang nakikita niyo sa larawan?


Kalesa, titser
Tama! Noon ang mga hayop tulad ng
kabayo, baka at kalabaw ang unang
gamit ng mga tao para sa kanilang
paglalakbay sa pamamagitan ng pag
kabit ng karitela,kariton o kalesa.
Ganito rin ba ang sinasakyan natin
hanggang ngayon? Hindi na po, titser

Hindi na. Anu-ano ang mga ginagamit Maaaring maging sagot:


natin ngayon na sasakyan? Motorsiklo
Traysikel
Dyip
Kotse

Mahusay! Sa paglipas ng panahon,


nagbago ang mga anyo ng mga
sasakyan. Nangangailangan ba ang
mga ito ng gasolina, mga bata? Opo, titser.
Ano naman ang masasabi niyo sa
tirahan noon batay sa inyong
nakikitang mga larawan? Ang mga tirahan noon ay gawa sa
kahoy, titser.
Magaling! Ang tirahan nila noon ay
gawa sa kahoy, kawayan, anahaw at
iba pang materyales mula sa gubat.

Ganito parin ba ang mga bahay na


nakikita niyo ngayon? Madalang na lang, titser.

Ano ang nakikita niyong bahay


ngayon? Saan gawa ang mga bahay
ngayon?
Ang mga bahay ngayon ay gawa na
sa bakal at semento, titser.

Mahusay! Karamihan ng mga tirahan


ngayon ay gawa sa semento, bakal at
iba pang matitbay na materyales.

Nasaan ang mga bata sa larawan,


klas? Nasa loob ng? Paaralan, titser.
Ano ang napapansin niyo sa upuan
ng mga bata sa arawan? May upuan sa harapan, titser.
Tama! Ganiyan noon ang upuan ng
mga elementarya. Naabutan ko pa
iyan noon.
Ngayon, ito na ang ginagamit natin.

Ano ang masasabi ninyo? Mas mabigat iyon kaysa sa upuan


namin ngayon, titser.
Magaling! Kaya naman binago ang
mga upuan at para lahat ng mag-
aaral ay may sariling upuan.
Ano pa yung napapansin niyo? May
telebisyon ba sila? Wala po.
Kaya iyon din ang nabago sa ating
silid-aralan.

Ano ang nasa larawan? Uling titser


Kahoy na paggatong.
Tama! Ang karaniwang panggatong
sa pagluluto noon ay pinatuyong
kahoy. Maari ring gumamit ng uling.

Sa panahon ngayon mga bata ano na


kaya ang ginagamit ng karamihan sa
pagluluto? Gas stove
Shelane

Tama! Sa panahon ngayon


gumagamit na ng gas stove sa
pagluluto. Meron na ding de
kuryenteng lutuan kagaya ng rice
cooker.

Alam niyo ba ang nasa larawan? Lampara, titser.

Tama! Ito ay ang lampara. Kailan ito Ginagamit ito upang magsilbing ilaw
ginagamit? o liwanag tuwing gabi sa tahanan,
titser.
Mahusay! Ilan lamang ito sa mga
halimbawa ng ilaw nila noon. Hindi na, titser.
Ginagamit pa ba ninyo ito ngayon?
Ano na kaya ang gamit nating ilaw
ngayon? Mga ilaw na de-kuryente, titser.

Tumpak! Ngayon may iba't-ibang ilaw


na ang ginagamit sa tulong ng
kuryente.

Dumako naman tayo sa susunod na


larawan.

Ano ang nakikita niyo? Damit titser

Alam niyo ba ang tawag sa mga Baro at saya


damit na nasa larawan? Barong tagalog, titser.

Magaling! Ito ay baro't saya. Isa sa


mga kasuotan noon sa kababaihan
ang Filipiniana at barong tagalog
naman sa kalalakihan at sinusuot nila
ang Camisa de Chino sa pang araw-
araw.
Isinusuot pa din ba ang mga damit na
ito sa pang araw-araw ngayon? Hindi na po, titser.
Isinusuot lamang ito kapag
mayroon tayong pagdiriwang lalo na
kapag buwan ng wika.
Ano-ano ang mga damit na sinusuot
natin sa pang araw-araw ngayon? Maikling pantalon
Sando
Maong na pantalon, titser.

Tama! Ito ay ilan lamang sa mga


isinusuot natin sa ngayon.

Ano ang sa tingin niyo ang ginagawa


ng mga bata sa larawan ? Naglalaro titser

Tama! Alam niyo ba kung ano ang


mga libangan o nilalaro ng mga bata
noon? Tagu-Taguan
Patintero
Luksong tinik
Piko
Luksong baka
Tama! Pero sa ngayon napakarami
ng libangan sa komunidad ang
nagbago. Magbigay nga kayo ng mga
halimbawa ng inyong libangan o
ginagawa? Nanood sa telebisyon
Nanood sa cellphone
Naglalaro ng online games

Ilan lamang iyan sa mga libangan


ngayon.
Paano naman sa komunikasyon?
Ano ang ginagamit noon?
Keypad, titser.
Tama! At ngayon, ano naman ang
ginagamit natin?
Touchscreen, titser.

Ano ang naitutulong nito sa atin?


Madami, titser.
Magbigay ng halimbawa.
Videocall, titser.
Nakakapaglaro kami.
Magaling!
Mga bata naging malinaw ba ang
mga halimbawa ng pagbabago sa
ating komunidad? Opo, titser.
Paano naman tayong mga tao?
Kailangan din ba nating magbago
kapag sumasama na ang ugali natin? Opo, titser.
Tama! Sa tinalakay nating mga
bagay, binago ang mga ito para sa
ikabubuti natin. Magbago rin sana
tayo para sa ating ikabubuti.

E. Paglalapat

Panuto: Bubunot kayo ng numero at


tukuyin kung kailan ito ginamit. Ito ba
ay ginagamit, Noon o Ngayon.

F. Paglalahat
Ano na ulit ang napag-aralan natin
mga bata? Ang Kalagayan ng aking Komunidad
noon at ngayon.
Magaling! Tungkol sa kalagayan ng
ating komunidad, noon at ngayon.

Kung kayo ang tatanungin ano ang


mas gusto niyo? Kumunidad noon o (Maaaring maging sagot:)
ngayon? Bakit? Ngayon, kasi magaganda na ang
mga bagay na nakikita at ginagamit,
titser.
Noon, kasi mas simple at masaya
ang buhay noon, titser.
May kanya-kanya tayong opinyon
kung ano ang mas gusto natin, noon
o ngayon. Marami mang pagbabago
sa ating komunidad kailangan parin
nating panatilihin ang ating mga
magagandang ugali. Gaya ng
paglilinis sa ating komunidad,
pagtulong sa kapwa at paggalang sa
mga nakakatanda sa atin.

Ano ang mga dapat panatilihin natin


mga bata sa isang komunidad? Ang ating magagandang ugali, titser
Paggalang sa nakakatanda
Magbigay ng halimbawa. Pagtulong sa kapwa
Paglilinis sa sariling komunidad

Tama! Magbago man ang ating


komunidad, dapat pa rin tayong
maging magalang sa ating kapwa,
maging matulungin at bilang mga
bata, dapat maging responsable sa
mga paggamit ng teknolohiya.
Magbago man ang ating komunidad,
ang Diyos ay hindi nagbabago at
sana'y ganoon din tayo. Gaya ng
sinasabi sa Malakias 3:6.

IV.Pagtataya

Isulat ang titik A kung ang nasa bilang ay nakita o ginagawa noon. Titik Z
naman kung nakikita ito o nanatili sa kasalukuyang komunidad.

___1. Pagsusuot ng barong tagalog araw-araw.

___2. Paggamit ng lampara.

___3. Paggamit ng kompyuter at selpon sa paglalaro.

___4. Pagsakay sa bus papuntang Maynila.

___5. Pagsakay ng kalesa patungo sa pupuntahan.

___6. Ang silid-aralan ay nasa silong ng puno.


___7. Ginagamit ang traysikel sa pagbibiyahe.

___8. Paggamit ng de-kuryenteng ilaw.

___9. Paglalaro ng taguan lalo na kapag bilog ang buwan.

___10. Sando at maikling pantalon ang karaniwang kasuotan.

V.Takdang Aralin

Sa tulong ng iyong magulang at iba pang gabay, alamin ang tungkol sa


inyong komunidad noon sa tulong ng mga larawan tungkol sa:

*Pangalan ng lugar *Tirahan at gamit *Gawain o trabaho


*transportasyon *libangan *Kasuotan

Inihanda ni: DALUPANG, Lizeth B.

You might also like