May mga kuwento ang bawat komunidad, kasama na rito ang
pinagmulan ng pangalan nito. Binubuo ang mga ito ng mga pangyayaring naganap sa nakalipas. Mahalagang malaman at maunawaan mo ang pinagmulan ng iyong komunidad. May mga pagkakataon na nababago ang pangalan ng komunidad, batay sa pagbabago ng pamumuhay ng mga tao at ng kapaligiran.
Isa sa mga probinsiya sa Rehiyon III ang Tarlac. Ang pangalan ng
Tarlac ay nanggaling sa isang uri ng damo o talahib na kilala bilang “malatarlak”. Ito ay itinatag nina Don Carlos Miguel at Don Narciso Castaňeda noong 1788.
Ang lalawigan ng Tarlac ay kilala bilang Melting Pot ng Gitnang Luzon.
Binubuo ng mga kultura ng mga Ilokano, Kapampangan, Pangasinense, Tagalog at mga Aeta. Kilala din ito bilang isang melting pot ng Rehiyon 3 dahil iba iba ang kultura na mayroon dito. Ang Tarlac ay dating bahagi ng mga lalawigan ng Pangasinan at Pampanga. Ito ang pinakabatang lalawigan na itinatag noong panahon ng mga Kastila. Isa ito sa mga walong (8) lalawigan na lumaban sa mga Kastila.
Kasaysayan ng Bayang ng Paniqui
Ang Bayang ng Paniqui unang naging bahagi ng Pangasinan sa
Southern part ng probinsiya malapit sa Pampanga bago dumating ang mga Kastila.Ito ay unang tinawag na Sitio Manggang Marikit ng mga Pangasinense bago pa man dumating ang mga kastila. Ayon kay Don Martin De Goiti noong 1571. Ang Sitio Manggang Marikit ay tinatawag ng Sitio Pampaniki na mula sa salitang ilokano na ang ibig sabihin ay paniki dahil marami nito sa lugar.Noong 1686 nagsimula itong tawaging Paniqui dahil nahirapan ang mga kastila na sabihin ang Pampaniki. Ang kapanganakan ng Paniqui ay matutunton noong 1712 nang ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ay nagpadala ng isang grupo ng mga lalaki sa timog ng Bayambang, Pangasinan para sa pagpapalawak ng pananampalatayang Kristiyano. Ang pangunguna ng grupo ay pinamunuan ng dalawang magkapatid na sina Raymundo at Manuel Paragas ng Dagupan at itinatag ang Lokal na Pamahalaan sa isang Sitio na tinatawag na "manggang marikit"