You are on page 1of 9

EED SSC 1

Teaching Social Studies in Elementary Grades


(Philippine History and Government)
Abbreviated Lesson Plan

School Tarlac State University Grade Level

Teacher Learning Area Araling Panlipunan

Submission Date Quarter

I. LAYUNIN Naipamamalas ang


Objectives mapanuring pag-unawa
sa pamamahala at mga
pagbabago sa lipunang
Pilipino sa panahon ng
Kolonyalismong Amerikano at ng
Pamantayang Pangnilalalman
pananakop ng mga
Content Standards
Hapon at ang pagpupunyagi ng mga
Pilipino na makamtan ang kalayaan
tungo sa pagkabuo ng kamalayang
pagsasarili at
Pagkakakilanlang malayang nasyon
at estado.
Nakapagpapahayag ng
kritikal na pagsusuri at
pagpapahalaga sa
konteksto,dahilan, epekto
at pagbabago sa lipunan ng
kolonyalismong Amerikano at ng
pananakop ng mga
Pamantayan sa Pagganap Hapon at ang pagmamalaki
Performance Standards sa kontribusyon ng
pagpupunyagi ng mga
Pilipino namakamit ang
ganap na kalayaan tungo sa
pagkabuo ng kamalayang
pagsasarili at pagkakakilanlang
malayang
nasyon at estado.
Nasusuri ang uri ng pamahalaan at
Pamantayan sa Pagkatuto
patakarang ipinatupad sa panahon
Learning Competencies
ng mga amerikano (AP6KDP-IIa1)
Mga Tiyak na Layunin a. Natatalakay ang mga patakarang
Learning Objectives ipinatutupad
sa panahon ng mga Amerikano.
b. Nabibigyang katwiran ang mga
patakaran at
uri ng pamahalaang ipinatupad sa
panahon ng
Amerikano.
c. Nabibigyang halaga ang mga
epekto ng mga uri ng pamahalaan at
patakarang ipinatupad sa panahon
ng Amerikano sa mga Pilipino sa
pamamagitan ng pangkatang
Gawain.

Ang mga Uri ng Pamahalaan at


Paksang-Aralin Patakarang Ipinatupad sa Panahon
Subject Matter ng mga Amerikano

Sanggunian Gabay ng Guro


References Kagamitang Pangmag- Araling Panlipunan
aral Ikalawang Marka-
Unang Linggo
Kagamitang Panturo Pilyego ng mga Gawain
Learning Resources sa
Pampagkatuto
Teksbuk
Iba pang kagamitang aklat, tsart ng mga gawain, larawan,laptop,
panturo PowerPoint Presentation

PAMAMARAAN
Procedure
Panimulang A. Balik-aral sa nakaraang aralin.
Gawain
Before the lesson Ipasalaysay sa mga mag-aaral ang mga mahahalagang aksyon o pananaw na
nagawa ng mga bayani para sa kalayaan. I-highlight ang mga pangunahing
kontribusyon at mga pagkakataong kanilang ipinaglaban ang kalayaan ng
bansa.

B. Pagsisimula ng bagong aralin

Panonood ng Maikling Dokumentaryo: Ipakita sa mga mag-aaral ang


maikling dokumentaryo o video presentation tungkol sa panahon ng
kolonyalismo ng mga Amerikano sa Pilipinas. Pagkatapos, magkaruon ng
group discussion upang pag-usapan ang mga pangunahing punto at konsepto.

C. Paghahabi sa layunin ng aralin

Uri ng Pamahalaan sa Panahon ng mga Amerikano

Simula Agosto 1898, isang Pamahalaang Militar ang pinatakbo ng mga


Amerikano upang mas madaling matigil ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng mapanupil na batas sa ilalim ng Pamahalaang Militar,
unti-unting humina ang pakikibaka ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.

Magpapakita ng mga larawan at halimbawa ng mga uri ng pamahalaan para sa


mas mabisang pag-unawa ng mga mag-aaral.

Noong panahon ng mga Amerikano, ang uri ng pamahalaan sa Pilipinas ay


kolonyalismo. Sa ilalim ng pamahalaang Amerikano, itinatag ang isang sibil
at militar na pamahalaan sa Pilipinas. Narito ang mga pangunahing aspeto ng
uri ng pamahalaan noong panahon na ito:
A. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Komisyong Schurman

 Noong ika-20 ng Enero 1899, binuo ni Pangulong William McKinley


ng Estados Unidos ang Komisyong Schurman, ang unang komisyon
saPilipinas.
 Ang komisyong ito ay kilala rin sa tawag na First Philippine
Commission na pinamunuan ni Jacob Gould Schurman.
 Layunin ng komisyong ito na alamin ang kalagayan ng Pilipinas, at
magbigay ng rekomendasyon ukol dito.

Komisyong Taft

 Pinadala ni Pang. McKinley ang Komisyong Taft noong ika-16 ng


Marso 1900.
 Ito ay kilala rin sa tawag na Second Philippine Commission, na
pinamunuan ni William Howard Taft, kung saan hango ang pangalan
nito.
 Ito ay ang komisyong nakapagbalangkas ng mga batas na nagsasaayos
sa sistema ng serbisyo sibil.

Noong ika-4 ng Hulyo 1901, naisakatuparan ang Pamahalaang Sibil sa


pamumuno ni William Howard Taft. Ito’y itinatag upang matakpan ng mga
Amerikano ang diumano’y “pag-aalsa ng mga Tagalog” at ipinapaniwala sa
buong mundo na mapayapa at matiwasay ang kanilang pagsakop sa Pilipinas.

Mga Patakarang Ipinatupad sa Panahon ng mga Amerikano

1. Patakaran sa Pagtakbo ng Kalakalan


Sa pagkontrol ng Estados Unidos sa Maynila at iba pang daungan, isinaayos
nila ang pagpataw ng mas mababang taripa para sa produktong Amerikano
kaysa sa ibang produktong dayuhan.

Payne-Aldrich Act
 Binuo ito noong ika-1 ng Abril, 1909.
 Ito ay may probisyon tungkol sa kalakalan sa Pilipinas at isinasaad na
hindi papatawan ng taripa ang mga produkto mula sa Estados Unidos
na ipapasok sa Pilipinas; samantalang may inilaang kota sa mga
produktong Pilipino tulad ng asukal, tabako, sigarilyo na ipasok sa
Estados Unidos.
 Nakinabang nang husto ang mga Amerikano sa kalagayan nito dahil
malaya silang nakakapag-angkat sa bansa ng anumang produkto. Sa
kabilang dako naman, ay nalimit ang oportunidad ng mga
negosyanteng Pilipino na makapagbenta ng kanilang produkto sa
Estados Unidos.

Underwood-Simmons Act
 Ito ay naglalayong isaayos ang hindi balanseng kalakalan sa pagitan
ng Pilipinas at Estados Unidos sa pamamagitan ng pagbuwag sa mga
kota ng produktong Pilipino.
 Sa unang tingin, aakalain mong naging mabuti ito para sa mga
 negosyanteng Pilipino. Ngunit, nagkaroon ng pagbabago sa mga local
na industriya na sumentro na lamang sa paggawa ng produktong
Amerikanong mailuluwas sa Estados Unidos.
1. Patakaran sa Karapatan sa Likas na Yaman

Sa pananakop ng Amerikano sa Pilipinas, napakinabangan din nila nang husto


ang likas na yaman ng bansa.
• Parity Rights
 Ang patakarang ito ay pagbibigay ng pantay na karapatan ng Pilipino
at Amerikano sa paggamit ng likas na yaman ng bansa.
 Mas madaling napaunlad ng patakarang ito ang
industriyang kalakalan na binuo ng Amerikano sa bansa.

2. Patakaran sa Pagmamay-ari ng Lupain

Kinausap ni Taft ang Pope upang ipagbili ang mga asyenda ng kaparian sa
Pilipinas. Napagkasunduan na magbibigay ng $7, 000, 000 si Taft kapalit ng
166, 000 ektarya. Kasama rin sa kasunduan ang pagpapahintulot ng
Simbahang Katoliko na unti-unting mapalitan ng mga Pilipinong pari ang mga
Kastilang pari.
 Friar Lands Act
 Ito ay naglilinaw sa mga lupaing
maaaring ipagbili, ipa-upa, o pangasiwaan ng
pamahalaan.
 Ang mga lupaing ibinenta ay nabili ng mga kasama sa bukid pero ang
malaking bahagi nito ay nabili ng mga maykaya at dati ng may lupa.

 Land Registration Act No. 496


 Ipinatupad ng mga Amerikano ang pagpaparehistro ng mga lupain.
 Sa pamamagitan ng Torrens title, inaasahan ang mga magsasaka na
magparehistro upang kilalanin ang kanilang pagmamay-ari ngunit
hindi ito nila kaagad nagawa. Mas nauna pa ang mga Pilipinong
panginoong (landlord) maylupa na magpa-rehistro kahit ito’y hindi
legal na sakop ng kanilang pagmamay-ari.

3. Patakaran sa Pampublikong Pangkalusugan

 Pinabuti ng mga Amerikano ang kalusugan at sanidad ng bansa.


 Nagtayo ang mga Amerikano ng mga board of health na nangasiwa sa
mga programang pangkalusugan. Nagpatayo sila ng mga ospital.
 Nagkaroon din ng programa na nagtutungo sa mga kabahayan upang
tingnan ang mga kailangang isaayos sa kalinisan ng mga Pilipino.
 Isinaayos ang malinis na suplay ng tubig, nagbuo ng mga kanal at
sewer, pinagbuti ang pail conservancy system, nagpatayo ng
pampublikong paliguan at labahan at epektibong kinolekta ang mga
basura upang sunugin.
4. Patakaran sa Relihiyon
 Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa, ipinakilala nila ang iba’t-
ibang uri ng denominasyon ng Protestantismo.
 Ang Protestantismo ay sekta ng Kristiyanismo pero hindi
pumapailalim sa pamumuno ng Pope sa Roma.

5. Patakaran sa Imprastraktura

• Nagsagawa ng malawakang programa para mapaunlad ang


imprastraktura ng bansa. Pinabuti nila ang transportasyon
at komunikasyon.
• Nagkaroon ng mga programang naglalatag ng kalsada at
pagpapatayo ng mga tulay.
• Isinakatuparan din ang pagpapatayo at pagpapalaki ng mga
piyer at paliparan sa bansa.

6. Patakaran sa Edukasyon

Ang edukasyon ang naging daan para makuha ang puso’t isipan ng mga
Pilipino. Sa pagsakop ng Estados Unidos sa Maynila, sinimulang turuan ng
mga Amerikanong sundalo ang mga kabataang Pilipino. Kalaunan ay
dumating ang mga Amerikanong guro na tinawag na Thomasites hango sa
barkong sinakyan nila na USS Thomas na humalili sa mga sundalo sa
pagtuturo.

*Philippine Commission Act No. 74


Isinakatuparan din ang batas na nagbibigay ng libreng pampublikong
edukasyon para sa mga Pilipino, pagsasanay ng mga guro, pagbabawal sa
pagtuturo ng relihiyon sa mga paaralan, at pagtatag ng paaralang normal, at
paaralang para sa kalakalan at sining. Ang wikang Ingles naman ay itinuro sa
mga paaralan.
*Philippine Commission Act No. 372
Sa pamamagitan ng batas na ito, ipinatupad ang pagtatatag ng mga
sekundaryang paaralan sa lalawigan.
*Pensionado Act
Pagpapadala ng mga Pilipinong mag-aaral sa Estados Unidos upang matuto at
masanay.
Panlinang na Gawain B. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan
During the Lesson #1

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung ang isinasaad sa


pangungusap ay tama at ekis ( x ) kung mali. Gawin ito sa sagutang
papel.
_______1. Mas nagkaroon ng karapatan ang mga Pilipino sa mga likas na
yaman ng bansa kaysa sa mga Amerikano sa patakarang Parity
Rights.
_______2. Ang Protestantismo ay ang relihiyong pinakilala ng mga
Amerikano
sa mga Pilipino.
_______3. Isinakatuparan ng mga Amerikano ang batas ng nagbibigay ng
libreng pampublikong edukasyon sa mga Pilipino.
_______4. Nagtayo ang mga Amerikano ng board of health upang
mapangasiwaan ang programang pangkalusugan.
_______5. Hindi itinuro sa Panahon ng mga Amerikano ang wikang Ingles sa
mga paaralan para manatiling mangmang ang mga Pilipino.

C. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


#2

Panuto: Punan ang dayagram sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong


tungkol sa Pamahalaang Militar at Pamahalaang Sibil.

Pangwakas na Gawain A. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


After the lesson
Ang klase ay hahatiin sa tatlong grupo:

Pagpapangkatin ang mag-aaral sa tatlong pangkat upang bigyang halaga ang


mga uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad sa panahon ng mga
amerikano. Pagkatapos ng nakatayang gawain ay iprepresenta ito sa harap.

Bibigyan ang mag-aaral ng dalawampung minuto (20 minutes) sa kanilang


pangkatang Gawain.

Unang pangkat:
Timeline ng mga Pangunahing Pangyayari: Ituro sa mga mag-aaral kung
paano magbuo ng timeline ng mga pangunahing pangyayari sa panahon ng
kolonyalismo ng mga Amerikano sa Pilipinas. Magkaroon sila ng aktibidad
kung saan sila ang magtataguyod ng timeline gamit ang mga mahahalagang
petsa at pangyayari.

Pangalawang pangkat:
Role-Playing: Mag-organisa ng role-playing activity kung saan ang mga
mag-aaral ay bibigyan ng mga papel bilang mga kilalang tao noong panahon
ng Amerikano sa Pilipinas, tulad ng mga Amerikanong opisyal, mga
Pilipinong lider ng rebolusyon, at mga simpleng mamamayan. I-play out ng
mga estudyante ang mga pangunahing pangyayari at pangyayari ng panahon
na iyon.

Pangatlong pangkat:
Paglikha ng Sanaysay o Pagsusuri: Hikayatin ang mga mag-aaral na
sumulat ng sanaysay o pagsusuri tungkol sa mga uri ng pamahalaan at
patakarang ipinatupad sa panahon ng mga Amerikano.

Babasahin ng guro ang rubriks sa klase.

Rubriks:
Dimensyon 5 4 3
Presentasyon Buong husay at Mahusay na Di– gaanong
malikhaing ipinakita ang naipakita ang
ipinakita ang takdang naiatas takdang naiatas
takdang naiatas na na gawain. na gawain.
gawain.
Nilalaman Naibibigay ng May kaunting Maraming
buong husay ang kakulangan kakulangan ang
hinihingi ng ang nialaman nialaman na
takdang naiatas na na ipinakita sa ipinakita sa
gawain. gawain. gawain.
Kooperasyon Bawat miyembro Bilang lamang Iisa lamang ang
ay nakikiisa ang nakikiisa gumagawa.
B. Paglalahat ng Aralin

Magtawag ng mga ilang mag-aaral at sagutin ang mga tanong na ito:

1. Ano ang uri ng pamahalaan na itinatag ng mga Amerikano sa Pilipinas


noong panahon ng kanilang kolonyalismo, at paano ito naging
kapantay o magkaiba sa iba't ibang uri ng pamahalaan?

2. Paano naging epekto ang mga Amerikano sa mga institusyon at


kultura ng Pilipinas?

3. May mga kilalang lider o personalidad sa panahon ng kolonyalismo ng


mga Amerikano na nagkaroon ng malalim na impluwensya sa
pagbabago ng bansa. Sino-sino sila at ano ang mga nagawa nila?

4. Paano naging simbolo ng kasarinlan at pagkilala sa sarili ang panahon


ng pamumuno ng mga Amerikano?

5. Paano ipinatupad ng mga Amerikano ang kanilang sistema ng


edukasyon sa Pilipinas at ano ang epekto nito sa mga Pilipino?
C. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Hanapin ang inilalarawan ng mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B.
Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

D. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin

Sa iyong palagay, naging mabuti kaya ang kalagayan ng mga Pilipino sa mga
patakaran at uri ng pamahalaang ipinatupad ng mga Amerikano sa bansa?
Ibigay at isulat ang iyong katwiran sa isang papel.

MGA TALA
Remarks

PAGNINILAY
Reflection
Bilang ng mga mag-aaral na Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya nangangailanagan ng iba pang
Gawain para sa remediation.
Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa magpapatuloy sa remediation.
sa aralin.
Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?
Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyon sa
tulong ng aking punong
guro o suberbisor?
Anong kagamitang
panturo ang aking
nadihubo nan ais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like