You are on page 1of 8

5.

paglalaping laguhan o paglalagay ng panlapi


sa unahan, gitna at hulihan ng salita.
Mga Paksa:
Halimbawa: sampalok = nagsinampalukan
➢ Kahulugan ng salitang “Pagdadalumat”
➢ Konsepto ng mga salitang itinanghal na dugo = nagdinuguan
Salita ng Taon.
Dula+ an = Dulaan n. theatre
A. Kahulugan ng salitang “Pagdadalumat” Dula+in = Dulain v. to dramatize
Ayon kay Nuncio (2018), pagdalumat ang Ma+dula = Madula adj. dramatic
tawag sa proseso ng pag-iisip at pag-urirat sa mga
lantay o ipinahiwatig ng isang salita. Isa+dula = Isadulav.to dramatize

Dagdag pa niya, madalas ginagamit lamang ang Man+du+dula = Mandudulan.


mga ito para makabuo ng matino’t makahulugang dramatist
pahayag o ekspresyon para makipag-usap. II. SIMBOLIKAL NA PAGTATALAKAY
TATLONG LEBEL NG PAGDADALUMAT Simbolo ang dula ng representasyon ng mga
1. Leksikal ganap at danas ng mga tao ng isang lipunan sa
2. Simbolikal pamamaraang pagtatanghal o dulaan.
3. Diskursibo
Simbolikal na pagtatalakay sa salitang Dula:
I. LEKSIKAL NA PAGTALAKAY
➢ Ayon kay Salazar (1968), ang dula ay
Sa lebel na ito, aalamin ang kahulugan ng
isang larawan ng buhay na
salitang dinadalumat.
sinasangkapan ng wika, damdamin at
Leksikal na pagtalaky sa salitang Dula: sining.
➢ Ayon naman kay Atienza (2001),
➢ Ang katumbas ng salitang dula sa Ingles ay
karaniwan nang ikinakabit sa salitang
stage play o drama.
dula ang mga konseptong tulad ng
➢ Ang dula sa wikang Filipino ayon sa UPDF teatro, artista, iskrip, pag-arte, stage,
(2010) ay pagtatanghal o itanghal. costume, make-up, set, props, rihersal,
direktor at palakpak.
Sa Tesauro ni Panganiban (1971), ganito niya
III. DISKURSIBONG PAGTATALAKAY
binigyang katumbas ang salitang dula:
Sa bahaging ito ng pananaliksik, babalikan ang
Ilokano - pabuya kasaysayan ng dula upang higit na maunawaan at
Pangasinan - Palayan mapalalim ang kahulugan nito.

Para naman sa UPDF (2010), binigyang Ibig sabihin sa aspetong ito, ang pag-alam sa
katumbas ang dula sa ganitong paraan: pinagmulan ng konseptong dula ay makatutulong
sa pagdalumat ng bagong salitang mabubuo na
Hiligaynon - puksa may kaugnayan sa pag-aaral ng dula.
Bikol - kumain, makihalubilo sa kainan Diskursibong pagtatalakay sa salitang Dula:
Ayon kay Bernales (2016), ang paglalapi ay ➢ Bago dumating ang mga kolonyalistang
tumutukoy sa proseso ng paggamit ng panlapi Espanyol, ang dula ay ang kabuoang ritwal
upang makabuo ng bagong salita. na idinaraos ng ating mga ninuno sa
Sa Filipino, maaaring maglapi sa limang paraan pamamagitan ng mga awit at tula bilang
tulad ng: pangunahing anyo ng panitikan at pagkatuto.

1. pag-uunlapi, o pagkabit ng panlapi sa unahan B. Konsepto ng mga salitang itinanghal na


ng salita Salita ng Taon

Halimbawa: saya = masaya Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT)

2. paggitlapi o pagkakabit ng panlapi sa gitna ng ❖ Ang Sawikaan ay idinaraos ng Filipinas


salita Institute of Translation, Inc. (FIT) kada
makalawang taon.
Halimbawa: hiyaw = humiyaw
❖ Nagsimula noong taong 2004 at sinundan
3. paghuhulapi o pagkakabit ng panlapi sa noong 2005, 2006, 2007, 2010, 2012, 2014,
hulihan ng salita. 2016, 2018 at 2020.
Halimbawa: kain = kainan Ang lahat ng salitang napipiling nominado
4. paglalaping kabilaan o pagkakabit ng panlapi sa Sawikaan ay karapat-dapat na sa
sa unahan at hulihan ng salita. puwesto ng Salita ng Taon dahil taglay nito
ang alinman sa sumusunod na katangian:
Halimbawa: tawa = nagtawanan
1. Bagong imbento “MISKOL” (2007) – Adrian V. Remodo
2. Bagong hiram mula sa katutubo o
❖ Sinabi ni Professor Adrian
banyagang wika
Remodo ng Ateneo de Naga na ginagamit
3. Luma ngunit may bagong kahulugan
ang ‘miskol’ bilang isang alternatibong
4. Obsolete o patay na salitang muling
paraan upang iparamdam ang
binuhay
presensya ng isang tao.
Pamantayan sa pagpili ang Salita ng Taon:
❖ Ayon pa sa kanya, maaaring ang ibig sabihin
1. Kabuluhan ng salita sa buhay nating mga nito ay,"Buhay pa ako. Magparamdam
Filipino at/o pagsalamin nito ng katotohanan ka naman."
o bagong pangyayari sa ating lipunan;
“JEJEMON” – Prof. Rolando Tolentino
2. Lawak at lalim ng saliksik sa salita, gayundin
❖ Ang Jejemon ay bagong buong salita
ang retorika o ganda ng paliwanag at paraan
noong panahong iyon na kumakatawan sa
ng pagkumbinsi sa mga tagapakinig; at
bagong umuusbong na kultura na dala
3. Paraan ng presentasyon: sari-saring ng cellphone.
malikhaing teknik tulad ng performance art,
❖ Isa itong paraan ng kakaibang pakikipag-
kasangkapang biswal, diyalogo –para umani
usap sa text dahil sa limitasyon ng 160
ng mga hikayat mula sa mga tagapakinig sa
characters ayon sa nagnomina ng salita
botohan.
ng taon na si Prof. Rolando Tolentino
“CANVASS” (2004) – Randy David ng UP.

❖ Ayon kay Randy David, Canvassing ang ❖ Lumilikha ng sariling kodigo ang mga
tawag sa proseso ng maingat na pagsiyasat jejemon, at ang mga kodigong ito ay isang
sa dokumento upang matiyak na ito nga ay anyo ng paglilihim upang ikubli ang mga
tunay. pakahulugan at paghihiwatigan nang hindi
madaling maunawaan ng
❖ Canvassing din ang tawag sa talakayang
nakatataas o awtoridad, gaya ng magulang
nagaganap bilang bahagi ng pagtatasa sa
at guro.
katunayan ng mga dokumento.
“WANGWANG” – David Michael San Juan
“HUWETENG” (2005) – Roberto T. Anonuevo
❖ Ang salitang “wangwang” ay may
❖ Ayon sa manunulat na si Roberto T.
potensyal na magpakilos. Sa pamamagitan
Añonuevo, iligal ngunit napakalaki ng
ng pagbibigay-diin sa bagong kahulugan
pulitikal at kultural na implikasyon, napaka-
nito, ang wangwang bilang pag-iingay,
popular at masasabing "timeless" ang
pagrereklamo, pangangampanya, at
Jueteng bilang isang uri ng panunugal.
panawagan.
“LOBAT” (2006) – Prof. Jelson E. Capilos
❖ “Sa pangkalahatan, iniligtas tayo ng
❖ Ang salita na ito ay nanggaling sa dalawang salitang wangwang sa luma nating sakit na
Ingles na salita na “low” at “battery.” pagsasawalang bahala sa mga usaping
❖ Sa konteksto ng Pilipinas, ipinaikli natin ang bayan.” – San Juan
dalawang salita sa isang salita lamang:
“lobat.” ❖ Nauso ito nang gamitin ni Pnoy sa kanyang
inaugural speech para patamaan ang
Pero saan pa ba ito nagsimula? mga abusadong opisyal. Naging simbolo
❖ Sa huli ng 20th century, nagbago ang buong ang “wangwang” ng “Tuwid na Daan”
mundo dahil sa introduksyon ng mobile na kampanya ng kanyang
telephone. Dahil sa imbensyon na ito, administrasyon.
napabilis ang progreso ng komunikasyon. “SELFIE” – Jose Javier Reyes at Noel Ferrer
❖ Ngayon, tayo ay gumagamit ng salitang ❖ Nangangahulugan ang “selfie” ng pagkuha
“lobat” para ilarawan ang Filipino na ng sariling larawan gamit ang smart phone o
nanghihina dahil sa “personal, social, and webcam at agarang pagpapaskil sa
global pressures.” social media.
Pero ano naman ang epekto ng pagkalobat sa
kasalukuyang panahon? ❖ Unang kinilala ito sa wikang Ingles at sa
katunayan ay itinanghal ding Word of the
❖ Kadalasang nararamdaman ng kabataan, Year noong 2013 ng Oxford English
lalo na ng mga mag-aaral, ang tinatawag na Dictionary.
“lobat”. Kadalasang nagmumula ito sa labis
na pagtatrabaho para makakuha ng mataas ❖ Nakikita sa pagkahilig ng mga
na marka na nagdudulot ng matinding pisikal Pilipino sa “selfie” at pagkahumaling
at mental na pagkapagod. sa social media ang kultura ng
pagkamakasarili at konsumerismo. maraming bagay sa buhay ng tao hindi lang
Pero nagagamit rin daw ang pagse-selfie dito sa Pilipinas.
upang maipakita ang pagkakawanggawa.

“FOTOBAM” (2016) – Michael Charleston Chua

❖ Pinili ng mga eksperto na salita ng taon ang A. Pagsipat sa mga awitin bilang
“fotobam”, pandiwa na ang ibig panimulang pagdadalumat
sabihin ay sirain ang eksena sa
MUSIKA
pamamagitan ng pagsingit sa kuwadro ng
kamera habang may kinukuhanan ng ❖ Ang musika ay isang uri ng sining na mas
retrato. kilala bilang tugtugin o tunog.

❖ Naging matunog ang salitang ❖ Ayon kay Mangusad (2009), ito ay


“photobomb” matapos bansagan ang repleksyon ng ating kultura at ng ating
Torre de Manila bilang pagkatao.
“pambansang photobomb” dahil diumano’y ❖ Ayon naman kay Straubhaar, ang isang
sinisira nito ang hitsura ng monumento ni awitin ay higit na magiging kaaya-aya at
Rizal, isa sa mga sikat na makabuluhan kung ito ay tumatalakay sa
atraksyon sa Luneta Park. mga problemang kinahaharap ng bansa.

❖ Iniba ni Chua ang baybay o ispeling ng ELEMENTO NG MUSIKA


“photobomb” at “fotobam” ang naging 1. Ang pitch o tinis, ito ay tumutukoy sa
salitang kalahok sa Sawikaan. mababa at mataas na tono.
2. Ang Daynamiks – paglakas o paghina ng
❖ Ayon sa historyador, ginamit niya ang
awit o tugtugin. Ang daynamiks ay maaring
“fotobam” bilang pagpupugay na rin sa
magbago pabigla-bigla o paunti-unti
dalawang estudyante ng De La Salle-
(crescendo o pagtaas o paglakas ng musika
College of Saint Benilde - sina Carl
at decrescendo o pagbaba o paghina ng
Angelo Ruiz at Jong Gutierrez – na ginamit
musika).
ang baybay na ito sa kanilang
3. Timbre o uri ng tono ay ang kalidad ng
dokumentaryo.
isang tunog.
“TOKHANG” (2018) – Mark Angeles - Babae: Soprano at Alto
- Lalaki: Tenor at Base
❖ Hinirang ang “tokhang” bilang salita ng 4. Melody o Melodiya o himig ang tema ng
taon sa Sawikaan 2018 na ginanap sa isang komposisyon. Ito ang kombinasyon ng
Institute of Biology Auditorium sa mga ritmo at tono.
Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman 5. Ang ritmo o rhythm na naglalarawan sa
noong ika-26 ng Oktubre. tiyempo o kumpas ng musika. Ito ay
naiuugnay sa pulso o tempo na naisasaayos
❖ Inilahok ng mamamahayag na si sa metro( o time signature).
Mark Angeles ang salitang ito na - 3/4
hango sa salitang Cebuano na - 4/8
“toktok” o katok at “hangyo” o - 8/8
pakiusap. - 8/16

❖ Naging madalas ang paggamit ng “tokhang” Mga naratibo sa mga himno ng musikang pop at
mula nang ilunsad ng Philippine National awit protesta
Police ang “Oplan Tokhang” noong 2016.
Repasuhin natin ang mga liriks ng awit
Ito ang pagbisita ng mga pulis sa mga bahay
upang makita kung paano pinagagana ang mga
ng mga pinaghihinalaang gumagamit o
persona ng mga ideolohiyang pinambuhay sa
nagtutulak ng ilegal na droga upang
naratibo ng mga pyesa mula sa mga panulat, talento
kumbinsihin sila na itigil na ang gawaing ito
at pananaw ng mga umakda.
at makipagtulungan sa pamahalaan.
❖ Handog ng Pilipino sa mundo (Jim
“PANDEMYA” (2020) – Prof. Zarina Joy Santos
Paredes)
❖ Ayon kay Prof.Zarina Joy Santos, napakalaki
Maoobserbahan ang salitang “’ko”unang
ng epekto ng pandemya sa buong mundo at
panauhang isahan na persona sa unang saknong ng
lahat ng tao ay naapektuhan nito.
Handog ng Pilipino sa Mundo. Natransporma sa
❖ Hindi bago ang salitang pandemya pero “tayo”, maramihan, pagdating sa refrain.
marami umano ang hindi naging handa sa
Ngunit ang dalawang persona pa ang
pagdating nito. Socially at medically relevant
nagmamando sa bayan, na gumanap sa
din daw ang salita dahil sa pandemya umikot
pagbabagong panlipunan, na magkaisa para sa
ang mundo ngayon at nagpahinto ng
“Mapayapang paraang pagbabago” sapagkat “Isa FEMINISMO
lang ang ugat na ating pinagmulan”.
Pinagtutunan ng teoryang ito ang kalagayan
❖ Tatsulok - Buklod o representasyon ng kababaihan sa isang akda.

Sa Tatsulok, pinaiiwas naman ng persona si ✓ Layunin nito na baguhin ang mga de-kahong
Totoy sa pook na tagpuan ng armadong tunggalian. imahen o paglalarawan sa kababaihan sa
Paniguradong hindi ito Metro Manila na anumang uri ng panitikan.
pinangyayarihan ng kudeta sa pagitan ng mga
Kapansin-pansin sa mga akdang mulat sa
adbenturista, paksyonalistang militar at tropang
Feminismo, na ang tauhang babae ay aktibong
tapat sa institusyon ng AFP. Kundi sa kanayunan,
nakikilahok sa mahahalagang pangyayari sa
kadalasang larangan ng armadong tunggalian sa
kuwento, may sariling pananaw, at higit sa lahat,
pagitan ng mga NPA at AFP, o MILF at AFP.
may paninindigan bilang tao.
Sinalarawan pa ng persona kay Totoy na kapag
Hindi tagasunod lamang, kundi tagapanguna ng
lantad siya sa karahasan ng digmaan, buhay ang
isang pagbabago.
magiging kapalit. Sinita rin ng persona, kung alam
ng bata ang mga sanhi ng tunggalian. Saka Maria Milagros Geremia-Lachica
pinangaralan sa koro. Mayorya ang nilulugmok sa
kahirapan sapagkat pang-elitista, o pang-oligarkiya Ang kaniyang mga tula ay palagiang
lamang ang katarungan sa kaayusang nakahulma sa kalagayan ng mga kababaihan. Ang
sinatalinghaga sa Tatsulok. pagsalungat sa ideya na mahihina, marupok,
pantahanan, masama, emosyonal, at tanga ang
❖ Naiiba ang persona ng Tatsulok sa persona mga babae.
ng Handog ng Pilipino sa Mundo dahil
nakalahad ang kapangyarihan nitong pag- Ang pagkakaakda ni Lachica sa kanyang
ingatin, sitahin at mandohan si Totoy ng mga tula ay palagiang tema ang pagiging isang
gawaing higit pa sa pagkakaisa sa katuturan babae, nanay, asawa, at taong may puso’t utak.
ng mapayapang pagbabago, sa gitna ng ➢ Sa isang panayam ni Noel Galon de Leon,
labanan. Posibleng armado ang sumita. Sa binigyang kahulugan ni Lachica ang salitang
pamagat pa lamang, minumungkahi ng may- feminista bilang isang babaeng aakyat sa
akda ang pangangailangan ng tagapakinig silya para sa pagpapalit ng pundidong
na gamitin ang lente ng marxistang bombilya sa kaniyang kusina, hindi dahil sa
sosyolohiya na pagsuri sa balangkas ng kaya niya itong gawin ngunit dahil
social pyramid, o lipunan, na tinalinghaga sa kailangang palitan upang hindi siya magluto
tatsulok na kaayusan. sa dilim. Kung sakaling may lalaking mag-
alok ng tulong sa pagpapalit ng sinabing
bombilya, ang feminista ay hindi tatanggi.
MGA TEORYA PARA SA EPEKTIBONG Magpapasalamat siya sabay ang isang
PAGDALUMAT matamis na ngiti.
PANITIKAN Sa pamamagitan ng panitikan naihayag na ng
mga kababaihan ang kalipunan ng kanilang
Ang panitikan ay sumasalamin sa mga
paniniwala, lakas sa mundo ng kalalakihan.
pangyayari sa buhay ng tao na inilalapat sa mga
akdang lathalaing makabuluhan. Simone De Beauvoir
TEORYA “Walang esensyal na kalikasan na tutukoy sa
kababaihan.”
May iba’t ibang teorya na bumubuo sa
panitikan. Mga teorya na maaaring makita sa mga Unknown
akda, ito ay tumutukoy sa layuning iparating ng
awtor, kanyang saloobin, at maging kanyang mga ”Ang babae ay hindi ipinanganak na babae, siya ay
imahinasyon. nagiging babae.”

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN HALIMBAWA:


1. FEMENISMO 11. MORALISTIKO 1. Lilia Quindoza Santiago – “Sa ngalan ng
2. PATRIARKAL 12. SIMBOLISMO
3. QUEER 13. REALISMO
Ina”
4. HISTORIKAL 14. ROMANTISISMO
PATRIYARKAL
5. SOSYOLOHIKAL 15. NATURALISMO
6. MARXISMO 16. IMAHISMO Kaugnay ng teoryang ito ang pananaig ng
7. KULTURAL 17. BAYOGRAPIKAL
8. HUMANISMO 18. FORMALISMO
isang patriyarkal na lipunan (patriarchal society).
9. EKSISTENSIYALIS 19. POST-
✓ Isang lipunan kung saan mas kinikilala ang
MO ISTRUKTURALIS
10. SIKOLOHIKAL MO kakayahan ng mga kalalakihan kaysa sa
mga kababaihan.
Mga kalalakihan lamang ang may lakas at ➢ mga petsa
kapangyarihan ang higit na lumulutang sa mga ➢ mga taong sangkot dito
akda. ➢ bagay
➢ kultura na binabanggit o pinahihiwatig sa
Ito ay may sistema na kung saan ang mga lalaki
teksto
ay nagtataglay ng pangunahing kapangyarihan at
namamayani sa mga tungkulin ng pamumuno IMPLUWNESIYA
pampulitika, moral na awtoridad, pribilehiyo ng
Hindi teksto bilang teksto ang binibigyan ng
lipunan at pagkontrol ng ari-arian.
pansin sa pagpuna sa akda – kundi mga
STEREOTYPE impluwensiyang nagbibigay hugis sa akda.

Isang malawak na hawak ngunit naayos at Ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao
pinasimpleng imahe o ideya ng isang partikular na na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng
uri ng tao o bagay. kaniyang pagkahubog.

Halimbawa: HALIMBAWA:

Lalaki – nagtatrabaho (abogado, doktor, inhinyero, 1. Lualhati Bautista – “Gapo”


arkitekto, atbp.)
SOSYOLOHIKAL
Babae – nag-aalaga ng anak at nag-aasikaso ng
Kaugnay ng teoryang ito pananaw na
gawaing bahay.
tumitingin sa pangkalahatang pattern sa pag-uugali
Dahil sa pagdomina ng mga kalalakihan sa ng mga indibiduwal na kasapi sa lipunan.
lipunan nagkaroon ng pagkakahon sa mga
✓ Ang manunulat ay produkto ng kaniyang
kababaihan sa kung ano lamang ang kanilang papel
panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at
at gampanin sa lipunan.
institusyon sa kaniyang kapaligiran kung
HALIMBAWA: saan itinuturing sila bilang boses ng
kaniyang panahon.
1. Raja Sulayman
2. Dr. Jose Rizal - “Noli Me Tangere” Ipakita ang kalagayan at suliraning
panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-
QUEER
akda.
Layunin ng teoryang ito na iangat at
Ang pamamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo
pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga mga tao
sa suliranin at kalagayan ng lipunan.
na nasa ikatlong kasarian.
Unknown
✓ Isang lipunan kung saan hindi sukatan ang
kasarian ng isang tao. “Ang panitikan ay hindi hiwalay sa lipunan.”

Masasalamin ang katotohanan tungkol sa HALIMBAWA:


diskriminasyon sa ating lipunan sa mga LGBTQIA
1. Rogelio Ordonez – “Saan papunta ang mga
(Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer,
Putok?”
Intersex, Asexual).
MARXISMO
Binubuksan ang isipan ng mambabasa na
isulong ng pagkapantay-pantay ng karapatan. Nakabatay ang teoryang marxismo sa naisulat
ng mga pilosopo at ekonomista na sina Karl Marx at
HALIMBAWA:
Freidrich Engels.
1. Gloc-9 - “Sirena”
✓ Ang Marxismo ay itinuturing na isang
2. Bernadette Villanueva Neri – “Ang Ikaklit sa
pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng
Aming Hardin”
lipunan na nakasentro sa ugnayan at
HISTORIKAL hidwaan ng mga antas ng lipunan.

Isang uri ng kritisismong pampanitikan na Binibigyang pansin ng pananaw na ito ang mga
sumisiyasat sa pinagmulan ng isang sinaunang umiiral sa tunggalian ng:
panitikan o teksto.
➢ tao laban sa sarili
✓ Maunawaan ang “daigdig sa likod” ng ➢ tao laban sa ibang tao
tekstong ito. ➢ tao laban sa lipunan
➢ tao laban sa kalikasan
Ang historikal na pananaw ay ginagamit upang
siyasatin ang mga pinagmulang historikal ng teksto. Reyes (1992)

➢ panahon ng pagkakasulat nito Makabuluhan ang akda na may epekto sa


➢ lugar kung saan ito isinulat nakararami – ang siyang tumatanggap ng akda.
➢ mga pinagkuhanan nito
➢ mananalo ang taong nasa laylayan ng
➢ mga pangyayaring nakapaligid dito
lipunan
➢ magkakapuwang sa bayan ang mga dustang HALIMBAWA:
mamamayan
1. Pastor Obet – “Honor Thy Father”
➢ maiaangat ang mga aping sambayanan
2. Nazareno D. Bas – “Paalam Sa Pagkabata”
➢ magkakaboses ang mga binusalang bibig
3. Vilas Manwat – ” Aanhin Nino ‘Yan?” (salin
upang muling umalingawngaw sa lipunang
ni Luwalhati Bautista)
nakasandig sa tama na sinisimpatya ng
nakararami. EKSISTENSIYALISMO
HALIMBAWA: Ang teorya ay nakatuon sa kalayaan ang tao
na pumili o magdesisyon para sa kaniyang sarili na
1. Erik Matti – “Honor Thy Father”
siyang pinakasentro ng kaniyang pananatili sa
KULTURAL mundo (human existence).

Ang teoryang tinatalakay ang kultura bilang ✓ Dahil sa kalayaang ito, ang tao ay
salamin ng lipunan at mabilis itong sumasabay sa responsible sa anumang maaaring
pagbabago dahil sa globalisasyon. kahinatnan o maging resulta ang kaniyang
ginawang pagpili.
✓ Nagsulputan ang mga gawaing may
makabagong dulog at napalitan ang dating Ang eksistens ay laging partikular sa isang
nakasanayan. Nakapaloob sa kulturang ito indibidwal. Ang eksistens ay nakatuon lamang sa
ang musika, panoorin, kasuotan, inumin, at problema ng eksistens mismo o ng isang pagiging
gadgets. nilalang.

Ayon sa mga pag-aaral, ang wika ay SARILING BUHAY


dinamiko/nagbabago. Sa pagdaan ng mga panahon
Ang tao ay may sariling buhay at ang
kung ano ang uso sumusunod din sa paggamit ng
kaniyang buhay ang nagbibigay kahulugan sa
wika.
kaniya bilang tao. Walang maaaring umako sa
Nariyan ang jejemon, bekimon, at iba pang balbal na buhay ng may buhay.
salita na naiimbento sa kasalukuyan
Ang tao ay napalilibutan ng maraming
Taylor (1990) - Ama ng Antropolohiya posibilidad at mapagpipilian kung paano niya
gustong mabuhay. Siya ang limikha ng kaniyang
”Ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may
sariling buhay na ayon sa kaniyang desisyon.
malawak na saklaw sapagkat kabilang dito ang
kaalaman, paniniwala, sining, halaga, at kaugalian Unknown
ng tao bilang miyembro ng isang lipunan.”
“Ang buhay ng tao ay itinakda ng kaniyang mga
Bakthin desisyon.”

”Itinampok niya ang karnabal bilang isang HALIMBAWA:


pagtatanghal kung saan nakapaloob ang iba’t ibang
1. Alejandro G. Abadilla – “Ako ang Daigdig”
uri ng kultura. Ito ay isang daigdig na pinagbabali-
baligtad subalit punong-puno ng sigla, buhay, SIKOLOHIKAL
kabastusan na kung saan lahat ay nagkakahalu-
halo, at paulit-ulit na pinupukol ng putik, pinarurumi, Layunin ng teoryang ito na ipaliwanag sa
at binabato, at lahat ng batas ay nilalabag.” pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor)
sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali,
HALIMBAWA: paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan
sa kaniyang akda.
1. Edgardo M. Reyes – “Lugmok na ang
nayon” ✓ Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago
o nagkakaroon ng panibagong behavior
HUMANISMO
dahil may nag-udyok na mabago o mabuo
Ang teoryang nakatuon sa pagpapahalaga ito.
sa tao.
Binigyang pokus ng pananaw na ito ang
✓ Ito ay isang pag-aaral patungkol sa pananaw damdamin ng makata at ang kaniyang katha.
ukol sa paniniwala o prinsipyong tao
Ayon sa dalawang sikolohista na sina Sigmund
Binibigyan rin ng pansin ang kakayahan, Freud at Carl Jung, sinusuri ng kritiko ang paglikha,
kalakasan, at talento ng tao. ang ugnayan ng makata at ng kaniyang teksto.

Ito ay isang tradisyong pampanitikan na KAMALAYAN AT UGALI


nagmula sa Europa noong panahon ng
Kinikilala ang sikolohiya bilang isang agham
Renaissance o Muling Pagsilang.
na nagsusuri sa pag-uugali at kamalayan ng tao.
Unknown
Ito rin ang siyentipikong pag-aaral ng pag-
“Tao ang sentro ng daigdig.” iisip ng tao at nakaaapekto sa kilos, mental na
katangian o atityud ng isang tao o pangkat.
HALIMBAWA: Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng
isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang
1. Edgardo Reyes – “Laro sa Baga”
ang kaniyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
MORALISTIKO
➢ Indibiduwalismo kaysa kolektibismo
Layunin ng teoryang ito na ilahad ang iba’t ➢ Rebolusyon kaysa konserbatismo
ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng ➢ Inobasyon kaysa tradisyo
isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. ➢ Imahinasyon kaysa katwiran
➢ Likas kaysa pagpipigil
✓ Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o ➢ Pagpapalutang ng damdamin kaysa
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kaisipan
kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. HALIMBAWA:

mo·rál, mó·ral: pnr 1. Babang-Luksa” Salin ni Oliva P. Dantes ng


“Pabanua” ni Diosdado Macapagal
1. may kinaláman sa kabutihan o kasamaan
ng karakter ng tao ; o hinggil sa NATURALISMO
pagkakaiba ng tama at ng malî
Layunin ng panitikan na ipakita ang paniniwalang
2. alinsunod sa mga istandard ng
walang malayang kagustuhan ang isang tao.
pangkalahatang asal ; o hinggil sa etika.
✓ Dahil ang kaniyang buhay ay hinuhubog
HALIMBAWA:
lamang ng kaniyang herediti at kapaligiran.
1. Principal kay Angel – “Honor Thy Father.”
Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito
SIMBOLISMO ay nagpapakita ng mga pangyayaring natural at
nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag
Ipinapakita ng panitikan na mahahalagang upang pangibabawin ito.
bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo.
Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan ng
✓ Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng
simbolismo sa akda. katarungan, sa mga tauhan nito. Ito ay isa sa mga
Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang namamayagpag sa kasalukuyan.
konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga Unknown
simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay
sa isa’t isa. “Huwag mong husgahan ang tao sa panlabas
niyang anyo bagkus alamin muna ang pinagmulan
HALIMBAWA: ng katangian niyang ito, sapagkat kung ano ang
1. Kabanata 3-Ang Hapunan (Noli Me ginawa mo sa iyong kapuwa, iyon din ang iyong
Tangere, Jose Rizal) matatanggap.”
2. Upuan at Magdalena ni Gloc 9 HALIMBAWA:
REALISMO 1. Miliminas: Taong 0069 ni Nilo Par Pamonag
Layunin ng panitikan na ipakita ang mga salin ni Ruby V. Gamboa-Alcantara mula sa
karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kaniyang "Miliminas: Tuig 0069"
lipunan. IMAHISMO
✓ Binibigyang diin ang katotohanan kaysa Layunin ng panitikan na gumamit ng mga
kagandahan imahen
Ang panitikan ay hango sa totoong buhay. ✓ Higit na maghahayag sa mga damdamin,
Hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na
may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng ibahagi ng may-adka na higit na madaling
kaniyang sinulat. maunawaan kaysa gumamit lamang ng
karaniwang salita.
HALIMBAWA:
Sa halip na paglalarawan at tuwirang
1. Lualhati Bautista – “Dekada ‘70” maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang
ROMANTISISMO totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

Layunin ng panitikan na ipamalas ang iba’t HALIMBAWA:


ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag- 1. Myrna Pra – “Pinambitan”
aalay ng kaniyang pag-ibig.
BAYOGRAPIKAL
✓ Sa kapuwa, bansa, at mundong kinalakhan.
Layunin ng panitikan na ipamalas ang
karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.
✓ Buhay ng may-akda bilang bahagi ng
panitikan.

Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang


mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot.

Lahat ng mga “pinaka” na inaasahang


magsilbing katuwang ng mambabasa sa kaniyang
karanasan sa mundo.

HALIMBAWA:

1. Genoveva Matute – “Bangkang Papel”

FORMALISMO

Aklat ni Villafuerte (2000)

Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa


anumang anyo ng akda ang siyang layunin ng
teoryang ito.

✓ at ang pisikal na katangian ng akda ang


pinakabuod ng pagdulog na ang
minakamahalaga ay ang (1) nilalaman, (2)
kaanyuan o kayarian, (3) paraan ng
pagkakasulat.

Sa sining na ito, mahalaga ang teksto para


masuri ang tema o paksa sa akda, ang sensibilidad
ng mga tauhan, pag-uugnayan ng mga salita,
istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang
elemento ng akda.

POST-ISTRUKTURALISMO

Nagmula sa teoryang istrukturalismo


katatagpuan ng mga katangian na siyang
magbibigay-hugis sa post-istrukturalismo.

✓ Ito ay batay sa teoryang istrukturalismo na


ipinalaganap ni Ferdinand de Saussure
kung saan itinanghal niya na ang bisa ng
pangangahulugan sa wika ay bunga ng
kumbensyong dulot ng tumbasan ng
pagkakaiba.

Jacques Derrida

Dahil sa pamamayani ng post-


istrukturalismo sa Europa at yaong naging malakas
na kilusan sa Estados Unidos, nabuo ang pagdulog
na dekonstruksiyon. Ang dekonstruksiyon ay isang
paraan ng pag-aanalisa ng teksto na ipinakilala ni
Jacques Derrida ng France noong dekada ‘60.

Batay ito sa ideyang walang permanenteng


kahulugan ang isang teksto dahil ang wika ay di-
matatag at nagbabago. Dahil dito ang kahulugan ng
isang akda ay wala sa akda kundi nasa isipan ng
mambabasa. Malinaw sa kahulugan ni Derrida na
ang teksto ay maaaring magbago at magkaroon ng
maraming pagpapakahulugan. Binibigyan niya ng
kapangyarihan ang mambabasa upang buhayin muli
ang isang akda. Naniniwala siyang ang kahulugan
ng isang akda ay nakasandig sa pang-unawa ng
isang mambabasa.

You might also like