You are on page 1of 13

11

1
KOMUNIKASYON
AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
Kwarter II – Linggo 2
Mga Sitwasyong Pangwika
sa Pilipinas
(Dula, Pelikula, Komiks, Pick-up Lines at Hugot Lines)

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Baitang 11
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter II – Linggo 2: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas (Dula, Pelikula, Komiks,
Pick-up Lines at Hugot Lines)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Marichel V. Miraflores, Angie Lyka L. Galaroza


Pangnilalamang Patnugot: Enrile O. Abrigo Jr.
Editor: Angie Lyka L. Galaroza
Tagawasto: Enrile O. Abrigo Jr.
Tagasuri: Luis R. Mationg
Tagaguhit: Angie Lyka L. Galaroza
Tagalapat: Angie Lyka L. Galaroza
Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald B. Brillantes
Mary Jane J. Parcon
Ronald N. Fragata
Joseph D. Aurello
Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Pangalan: Strand/Baitang at Seksyon:

Aralin 1
Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
(Pelikula, Dula, Komiks, Pick-up Lines at Hugot Lines)

MELC: Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-


iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood (F11PD – IIb – 88).
Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng
paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon (F11PS – IIb – 89).
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas.
2. Naipapaliwanag ang paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon.
3. Nasusuri ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa pelikula at mga
panitikang popular.

Ating Alamin at Tuklasin


Ang mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas ay nagiging
Binhi daluyan ng mga mahahalagang pangyayari sa lipunan dahil sa
ng pamamagitan nito, mas madaling maunawaan ang mga
Kaalaman impormasyon na nasusulat, nababasa, napanonood at
Ang pelikulang
napakikinggan.
Ito po ang
“Ploning” na ipinalabas Bago tayo magpatuloy sa
noong 2008 sa pelikulang gumamit
direksiyon ni Dante ating aralin, panoorin/basahin ng wikang Cuyunon
Nico Garcia ay ginanap muna natin ang pelikulang na isa sa mga wikang
sa Cuyo, Palawan. Ito ay ”Ploning”. Alam n’yo ba ang
pinagbibidahan nina katutubo natin dito
Judy Ann Santos bilang pelikulang ito? sa Palawan.
Ploning at Cedric Amit
ay isang batang Digo.
Ito ay tumatalakay sa
pagmamahal na walang
hinihinging kapalit
kung saan mas pinili ni Opo ma’am.
Ploning na pahalagahan
ang kalagayan ng mga
taong nakapaligid sa
kaniya kaysa sa sariling
kaligayahan. Ito ay
naglalaman din ng mga
tradisyon at
pamumuhay ng mga
taga-Cuyo.
(Pinagkunan: Eva R. Maraming pangyayari sa kapaligiran ang
Zumarraga, “Ang
Pelikulang Ploning Bilang naimpluwensyahan nang mabilis na pagbabago sa daigdig.
Kagamitang Kasama sa naimpluwensiyan ang ating panitikan. Sa
Pampagtuturo sa K to 12 kasalukuyan, mas pinili ng mga tao na magkaroon ng
Kurikulum sa Baitang 7
sa Asignaturang Filipino” libangan na mabilis lamang na naisagagawa. Ito ang mga
tesis sa masteral, Holy panitikang popular tulad ng mga pelikula, komiks, pick-up
Trinity University, 2014.)
lines at hugot lines na nagbibigay ng kasiyahan at
pagkatuto. Naging mabilis ang pagtangkilik dito kaya’t
tinawag na panitikang popular.

1
“Ploning”
nina Benjamin Lingan at Dante Nico A. Garcia at mula
sa buod ni Eva R. Zumarraga

Sa napakagandang Isla ng Cuyo, Palawan ay may


iligal at misteryosong barko ng Taiwanese ang dumaong
sa dalampasigan na sakay ang mangingisdang si Mou
Sei, ang lalaking naghahanap sa isang babaeng
nagngangalang Ploning. Pinaghanap at pinagtanong niya
ito sa mga taong abala sa paggawa ng pagbibilad ng
kasoy na isa sa malaking pinagkakakitaan ng mga
Cuyunon sa kanilang pamumuhay. Sa paghahanap ng
binata, napag-alaman niyang si Ploning ay isang
dalagang kilala dahil sa angking kagandahan at kabaitan
nito noong taong 1982. Isa itong maasikasong anak sa
amang si Susing.
Si Ploning ay dumadalo sa mga kasayahan tulad
ng Esposada kung saan ay sinasabing hindi
pangkaraniwang handaan, kundi ang pagtalikod ng
isang babae sa pagkadalaga at tanda ng pagkakakilanlan
ng mga mag-anak na ikakasal. Masayang
nakikisalamuha sa mga kababaihang nagtitilad ng
kasoy. Sumasama at nakikiisa kina Nieves at Celeste sa
pangingisda nina Siloy at Toting sa baybayin. Siya ay
tumangging mag-asawa kahit nasa edad na 30, sa halip
ay patuloy na naghihintay sa kanyang mangingibig na si
Tomas na pumunta ng Maynila noong siya ay nasa edad
na 16. Umikot ang kaniyang mundo sa isang batang
lalaking may anim na taong gulang na nagngangalang
Digo.

Nagtampo si Digo nang malaman na pupunta na


Maynila si Ploning upang hanapin si Tomas. Si Digo ay
katuwang ng kaniyang kuya Veiling sa pag-aalaga sa
kanilang ina na si Juaning na nasa banig ng
karamdaman. Hindi natuloy si Ploning sa pag-alis dahil
nagkasakit ang kaniyang ama hanggang sa binawian ng
buhay. Sa pangyayaring ito, nagluksa ang kanayunan
suot ang itim na damit samantalang si Ploning ay
nakasuot ng puting damit dahil sa pagsunod sa
kaugalian ng mga may lahing Intsik na ipinagtaka ng
mga kamag-anak at kakilala.

2
Sa pagkawala ni Susing, itinatanong ni Digo kay
Ploning na maririninig na siya ng Diyos. Sapagkat,
pinaniniwalaan nang lubusan ng mga Cuyunon na may
iisang Diyos na gumagabay at tumutulong sa kanilang
buhay bilang mga Kristiyano.

Dumating ang ulang matagal nang hinihintay at


waring si Ploning ay nawawala. Hindi makita ng batang
si Digo sa paghahanap niya humantong sa trahedya ang
pag-aakala ni Digong iniwan na siya ni Ploning na
ipinagdalamhati ng buong bayan. Nang araw ng
kapistahan, isinagawa ang pagdiriwang nito na may ati-
ating makikita katumbas nito ang ati-atihan ng Aklan
para sa kanilang patron.

Sa paghahanap ni Mou Sei, narating niya ang


masukal at lumang bahay ni Ploning. Nakita niya ang
isang lumang larawan ng isang babaing may kasamang
batang lalaki. Sinipat na mabuti at kinilala ang mga nasa
larawan, ipinakita kay Celing at sinabi na, siya si Digo.
Sa sobrang katuwaan ni Celing nayakap niya si Digo, ang
batang naging kaibigan niya, taon na ang nakaraan. Sa
wakas, napag-alaman ni Mou Sei na siya si Digo.
Ipinaalam niya ito kay Celing na siya ang batang naging
kaibigan nito na inakala ng kanilang bayan na pumanaw
na.

(Pinagkunan: Eva R. Zumarraga, “Ang Pelikulang Ploning Bilang Kagamitang Pampagtuturo sa


K to 12 Kurikulum sa Baitang 7 sa Asignaturang Filipino” tesis sa masteral, Holy Trinity
University, 2014.)

3
Ang pelikula, dula at mga panitikang/kulturang popular tulad ng komiks, pick-up
lines at hugot lines ay mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas na bunga ng malikhaing
pag-iisip ng mga tao na kapupulutan ng aral at nagbibigay ng kasiyahan sa mga Pilipino.

Ang Dula. Ito ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay


naglalarawan ng kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng
buhay ng tao. Karamihan sa mga dula ay nasusulat sa wikang Filipino tulad ng Sinag sa
Karimlan ni Dionisio Salazar.

Ang Pelikula. Ito ay kilala bilang sine at pinilakang-tabing na isang larangang


nagpapakita ng mga gumagalaw bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya
o libangan. Karamihan sa mga pelikula ay may pamagat na nasa wikang Ingles tulad ng
Hello, Love Goodbye, Seven Sundays pero ang nilalaman ay gamit pa rin ang wikang Filipino
samantalang may mga pamagat na nasa wikang Filipino tulad ng Kailangan Ko’y Ikaw ni
Joyce Bernal at Saranggola ni Gil Portes.
Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Ang wikang Filipino ang namayani
sa nilalaman ng komiks tulad ng Pilipino Funny Komiks at Pugad Baboy ni Apolonio "Pol"
Medina Jr.

Ang pick-up lines ay pambungad na usapang binubuo ng 1-2 pangungusap na


maaaring ang layuni’y magpatawa, mang-asar, manligaw, atbp. Kung minsa’y ipinapadala
ito sa selpon, blogs, o kaya’y nagagamit sa mga programa sa TV (sitcom, noontime show,
atbp) at mga parti. Ang halimbawa nito ay mula kay Sen. Miriam Santiago ”Sana FB Status
ka na lang, para puwede kitang I-like”.

Ang hugot lines ay makabagong paraan ng pagpapahayag ng mga emosyon gamit ang
social networking site. Ito ay kadalasang ginagamit kapag may pinagdaraanang problema
sa buhay at madalas sa problemang pag-ibig. Ang mga halimbawa tulad ng ”Ang pagmo-
move on para ’yang paggising sa umaga, mahirap pero kailangan” at ”Huwag mong
hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.

Lingguwistiko ang tawag sa kaugnay na wikang sinasalita nang ayon sa heograpikong


kalagayan ng isang lugar. Ang kultural naman ay isang katangian ng wika na nagsisilbing
pagkakakilanlan o identidad dahil sa mga paniniwala, tradisyon at ugali, paraan ng
pamumuhay, relihiyon at wika.

Mahalagang hindi maisantabi ang panlipunang aspeto ng wika dahil sa maraming


paraan, ang pananalita ay isang uri ng panlipunang identidad at ginagamit para tukuyin
ang pagiging kabilang sa iba’t ibang panlipunang pangkat o iba’t ibang komunidad ng
pananalita.

(Pinagkunan: Magdalena O. Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino-


Batayang Aklat, Quezon City: Department of Education-Vibal Group, 2016, 198.)

4
Tayo’y Magsanay

Panuto: Basahin at alamin kung ano ang tinutukoy ng mga pahayag na nasa ibaba.
Panuto:
Isulat ang iyong sagot sa crossword puzzle.

PAHALANG
1. Ito ay may layuning magpatawa, mang-asar, manligaw, atbp. na minsa’y
ipinapadala sa cell phone, blogs, o kaya’y nagagamit sa mga programa sa
telebisyon.
2. Karamihan sa mga ito’y nasusulat sa wikang Filipino at isa itong akda na sa
pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan ng kawil ng mga
pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao.

PABABA
3. Isa itong grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
4. Isang larangang nagpapakita ng mga gumagalaw bilang isang anyo ng sining o
bilang bahagi ng industriya o libangan.
5. Isang makabagong paraan ng pagpapahayag ng mga emosyon gamit ang social
networking site.

T
4

E
1
I 3
- P I S
O I
E
I U
2

5
Panuto: Piliin sa kahon ang mga salitang bubuo sa talatang nasa ibaba. Ibigay ang
kahulugan ng dalawang salita ayon sa sarili mong pagkaunawa at pangungusap. Isulat
ito sa kahon na nasa ibaba.

Lingguwistiko wika katangian heograpikong Kultural


sinasalita pagkakakilanlan lugar pamumuhay tradisyon

1
_______________________ ang tawag sa kaugnay na wikang 2_______________________

nang ayon sa 3_______________________ kalagayan ng isang 4_______________________. Ang


5
_______________________ naman ay isang 6_______________________________ ng wika na

nagsisilbing 7___________________________________ o identidad dahil sa mga paniniwala,


8
____________________________ at ugali, paraan ng 9_______________________, relihiyon at
10
_______________________.

6
Ating Pagyamanin

Panuto: Panoorin o basahin ang buod ng pelikulang Ploning pagkatapos ay mag-isip ng


isang (1) pelikula na iyong napanood na nagpapakita ng lingguwistiko at kultural na
paniniwala ng isang lugar. Punan ang kahon ng iyong pagsusuri ayon sa iyong
nabasa/napanood na pelikula.

PLONING
nina Benjamin Lingan ni/nina
at Dante Nico A. Garcia
________________________________

Pagmamahal na walang
Paksa
hinihintay na kapalit.

Pangunahing Tauhan Ploning at Digo

Tagpuan Bayan ng Cuyo, Palawan

Magtala ng isang (1) Ang pelikulang ito ay


pagkakaiba sa
gumamit ng wikang
paggamit ng salita o
Cuyunon, Filipino at
aspektong
lingguwistiko ng Taiwanese na may salin
dalawang pelikula. (subtitle) na Ingles.

Magtala ng isang (1) May isinasagawang


pagkakaiba ng pagdiriwang na tinatawag
dalawang pelikula sa nilang ati-ati at
uri ng kultura at pagkakaroon ng espesyal
lipunang na okasyong tinatawag
kinabibilangan. nilang esposada.

7
Panuto: Mula sa napanood mong pelikula o nabasa mong dula, magbigay ng isang (1)
pangyayari sa pelikula o dula na nagpapakita ng paggamit ng wika sa iba’t ibang
sitwasyon.

Pelikulang napanood mo: ”__________________________________________________”

_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Ang Aking Natutuhan


Dudugtungan Ko

Naimpluwensiyahan ang ating 1________________ sa mabilis na pagbabago ng


2
ating ________________ tulad ng pagpili ng mga tao na magkaroon ng
3
________________ na mabilis lamang maisagawa. Dahil sa mabilis na pagbabago ng
4
panitikan at sa ________________ ng mga mamamayan dito, tinawag na
5
_________________________ ang pelikula, dula, komiks, pick-up lines at hugot lines.
Karamihan sa mga dula at komiks ay nasusulat sa wikang 6________________
samantalang sa 7________________ bagama’t ang mga pamagat ay nasusulat sa
wikang Ingles ay wikang Filipino naman ang ginagamit at nilalaman nito. Ang pick-
up lines at hugot lines ay parehong ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin ngunit
8
magkaiba sa layunin. Ang _________________________ ay may layuning magpatawa,
9
mang-asar o manligaw samantalang ang ______________________ ay isa lamang
makabagong paraan ng 10_______________________ ng mga emosyon kapag may
pinagdaraanang problema sa buhay at pag-ibig.

8
Ating Tayahin
Panuto: Suriin ang mga kasunod na pangungusap. Kung tama ang diwa ng pangungusap
at isulat sa patlang ang salitang TAMA. Kung MALI naman, isulat sa patlang ang salitang
dapat humalili sa salitang may salungguhit upang maging tama ang pangungusap.

____________________ 1. Kultural ang tawag sa kaugnay na wikang sinasalita nang


ayon sa heograpikong kalagayan ng isang lugar

____________________ 2. Sinasabi na ang pelikula o dula ay nag-iiwan ng magandang aral


sa buhay ng tao.

____________________ 3. Dahil sa mabilis na pagbabago sa daigdig, maraming impluwensiya


ang pelikula o dula sa nangyayari sa kapaligiran. Kasama na sa
naimpluwensiyan ang panitikan.
____________________ 4. Naging mabilis ang pagtangkilik ng mamamayan sa pelikula,
komiks, pick-up lines at hugot lines kaya’t tinawag na
panitikang popular.

____________________ 5. Ang lingguwistiko ay isang katangian ng wika na nagsisilbing


pagkakakilanlan o identidad dahil sa mga paniniwala, tradisyon
at ugali, paraan ng pamumuhay, relihiyon at wika.

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng mga pangungusap sa Hanay A. Isulat ang
titik ng iyong napiling sagot sa patlang bago ang bilang.

A B
_____ 6. Kilala bilang sine at pinilakang-tabing. A. Dula

_____ 7. Ito ay pambungad na usapang binubuo B. Hugot Lines


ng 1-2 pangungusap.
_____ 8. Ang halimbawa nito ay ang Sinag sa Karimlan C. Pelikula
ni Dionisio Salazar.
_____ 9. Kadalasan itong ginagamit kapag may D. Panitikan
pinagdaraanang problema sa buhay at
madalas sa problemang pag-ibig. E. Komiks
_____ 10. Mga salita at larawan ang ginagamit dito upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento. F. Pick-up Lines

9
Sanggunian
Aklat
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City: Department of Education-Vibal Group, Inc., 2016.

Tesis
Zumarraga, Eva R. “Ang Pelikulang Ploning Bilang Kagamitang Pampagtuturo sa K to 12
Kurikulum sa Baitang 7 sa Asignaturang Filipino” tesis sa masteral, Holy Trinity
University, 2014.

10
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL
Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito
ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI
1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY


Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo
at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

Lagda ng Guro:

11

You might also like