You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Leyte Normal University


Paterno St., Tacloban City

ALITUNTUNIN SA PAG-UULAT
Font Style: Times New Roman
1. Gumawa ng pasulat na pag-uulat (Written Report). Font Size: 12
Paper Size: Long
Narito ang bahagi ng Pasulat na Pag-uulat:
a. Paksa
b. Mga Miyembro
c. Layunin
d. Paunang Pagsusulit
e. Paunang Gawain
f. Pagtalakay sa Paksa
g. Ebalwasyon o Pagtataya
h. Sanggunian
2. Bawat Pangkat ay bibigyan lamang 40-45 minuto upang mailahad ang kanilang paksa. Pagkatapos ng
pag-uulat ang klase ay bibigyan ng oras upang makapagtanong sa mga tagapag-ulat.
3. Ang pasulat na pag-uulat ay inaasahang maisusumite sa email ng guro: picadexterjay@gmail.com
tatlong araw bago ang itinakdang pag-uulat. Ang mismong kopya ay ibibigay sa araw ng pag-uulat.
4. Sa pag-uulat ng paksa MAGING MALIKHAIN AT GAWING INTERAKTIBO ANG MGA
GAWAIN.
5. Ang hindi makakapag-ulat ay mabibigyan ng 5.0 sa bahaging pag-uulat sa pamantayang pagganap.
6. Mariin na Hindi pinahihintulutan ang paglipat ng pangkat.
7. Magsuot ng Pormal na Kasuotan sa araw ng iyong pag-uulat.
8. Magsuot ng nametag upang madaling makilala at matukoy ng Guro.
9. Sa pag-uulat, kailangang walang kilos.galaw, kumpas na hindi naaangkop sa pag-uulat.
10. Mangyaring bigyan ng nebel ang bahagi ng inuulat ng bawat tagapag-ulat sa “pasulat na pag-uulat”
para sa indibidwal na pagmamarka.
11. Ang pangkat na tagapag-ulat ay marapat lamang na nakaupo sa harapan ng klase.
12. Ang pangkat na tagapag-ulat ay kinakailangang makapaghanda o makapagset-up bago pa man
dumating ang Guro.
13. Bawat pangkat ay magpiprint ng rubriks para sa klase. Ang rubriks sa pag-uulat ay ibibigay sa klase
bago magsimula ang pag-uulat.

Narito ang pamantayan:


Pamantayan Napakahusay Mahusay Di gaanong Nangangailan ng
1.0 – 1.5 1.6 – 2.0 Mahusay Kahandaan
2.1 – 2.5 2.6 – 3.0
Ang talakayan ay natamo
ang inaasahang layunin.
Interaktibo ang mga
gawaing inihanda.
Pagkamalikhain sa
presentasyon
Lawak ng kaalaman ng
tagapag-ulat

KOMENTO AT SUHESTIYON:
(Kailangang maglagay ng komento sa bahaging ito)

Pangalan at Lagda

You might also like