Gned 12 - Activity 1

You might also like

You are on page 1of 1

Lilac C.

Eslabon
BSED E 3A
GNED 12: ACTIVITY 1
Basahin ang maikling kwentong “Langaw sa Isang Basong Gatas” ni Amado V. Hernandez.
Pagnilayan mo ang iyong binasang akda, pagkatapos ay sumulat ka ng isang repleksyong
papel tungkol dito.

Ang maikling kwentong na “Langas sa Isang Basong Gatas” ni Amado V. Hernadez ay


patungkol sa kahirapang dinanas ng mga mahihirap, o walang kakayahan o kapangyarihan. Ang
kwentong itong ay nagpapakita kung gaano pumabor ang lahat sa taas o sa may kapangyahiran.
Nagpapakita rin ito nang mga pinagdaan ng mga mahihirap sa kamay ng may kapangyarihan,
pagpapahirap, pagsasamantala, at karahasan, kawalan ng katarungan, at pagnanakaw sa lipunan.

Sa kabila nito ito rin ang nagpapakita nang pag-asa, pagbanagon, at pakikipagpaglaban. Hindi
man nakamit ang hustisyang para sa mag-asawa bagkus ay maraming namulat at iminulat sa
pangyayari iyon na tila ba kahit kailan ay hindi na muling pipikit.

Ang maikling kwentong ito ay nagpabukas sa mga isipan ng tao na patungkol sa pagkamit ng
hustisya, pakikipaglaban kahit na walang kapangyarihan o kasiguraduhan. Ito ay paglinang sa
kaisapan ng mga tao na magkaroon at huwag mawalan ng pag-asa sa paghahanap ng katarungan
at hustisya.

Ang maikling kwento na “Langaw sa Isang Baso” ni Amado V. Hernandez ay nagbigay-daan sa


akin upang magkaroon ng boses para sa karahasan, pagpapahirap, at higit sa lahat pag-asa sa
pagkamit ng katarungan at hustisya. Ipinakita sa akin ng kwentong ito ang pag mulat sa tama.
Ang kwentong ito ay nagsilbing aral sa akin na marapat tayong huwag matakot sa pagkamit ng
katurangan.
Ang makapangyarihang akda na "Ang Langaw sa Isang Basong Gatas" ay nagpapaalala sa atin
ng kahalagahan ng pagkakaisa, katarungan, at tunay na pag-aaruga sa kapwa. Bilang mga
mamamayan, ito ay isang hamon na maging bahagi ng pagbabago at magtulungan upang malutas
ang mga problemang kinakaharap ng ating lipunan.

You might also like