You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office-MALABON CITY
CATMON INTEGRATED SCHOOL

IKALAWANG MARKAHAN PAGSUSULIT


SY 2022-2023

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan: ______________________________ Marka: ___________________


Baitang____ at Pangkat: ______________________ Petsa: ___________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin at itiman ang titik ng pinakaangkop na
sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang matatawag na unang kapuwa?
A. Kaibigan at kaaway B. kakilala at kapitbahay
C. kapatid at kamaganak D. kakuwentuhan at kakulitan
2. Sila ang kapuwa sa lipunan na nagsisilbing tagapagtaguyod sa
pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng bigas at prutas?
A. Bumbero at kapulisan B. Tindera at manggagawa
C Alkalde at mga opisyales D. Magsasaka at mangingisda
3. Sino ang pangalawang magulang na umaalalay sa paghubog sa buong
pagkatao ng isang indibidwal?
A. Guro B. Kaibigan
C. Kapitbahay D.Magulang
4. Alin sa mga sumusuond ang tumutukoy sa pagtugon sa
pangangailangan na makipag-ugnayan sa iba, pakiramdam na kailangan
ng tao ng makakasama at mapabilang sa isang pangkat?
A. Pakikialam. B. Pakikibagay
C. Pakikilahok D. Pakikipagkapuwa
5. Anong salik ng lipunan ang nakaimpluwensya sa paghubog ng pagkatao
sa isang indibidwal?
A. Kaibigan B. kapuwa
C paaralan D. pamilya
6. Alin sa mga sumusunod ang impluwensya sa pagmamalasakit sa atin ng
kapuwa?
A. Naging malapit sa kapuwa.
B. Nahihikayat gumawa ng kabutihan sa iba.
C. May benepisyong makukuha mula sa kaniya
D. Kusang tumutulong at naghihintay ng kapalit
7. Sa tahanan tinituruan ng magulang ang mga anak ng mga magagandang
asal ar aral sa buhay. Kaya pinag-iisipang Mabuti ng mga anak ang mga
bagay-bagay bago gumawa ng isang desisyon. Anong aspeto ng
pagkatao ang napapaunlad ng mga anak?
A. Intelektwal. B. Panlipunan
C Pangkabuhayan. D. Politikal
8. Kailan masasabing nagkakaroon ng impluwensya ang kapuwa sa aspeto
ng pagkatao ng isang indibidwal?
A. Nakapagbibigay ng inspirasyon sa iba
B. Nakatutugon sa pangangailangan ng isang tao
C. Kung ma pagbabagong nagaganap sa kanyang mga kilos o ugali
D. Nakakakuha ng mga ideya na magagamit sa pansariling kakayahan.
9. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napapaunlad sa pamamagitan ng
paghahanapbuhay?
A. Intelektwal
B. Panlipunan
C. Pangkabuhayan
D. Pulitikal
10. Alin sa pahayag ang nagpapakita ng likas na katangian ng tao na
ipinagkaiba nito sa ibang nilalang?
A. Ang pagiging tapat sa tungkulin.
B. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang
magiging pakikitungo nito sa iba.
C. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na
pakikitungo sa kapwa.
D. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang
tahanan na gagabay sa mga bata.
11. Alin sa mga sumusunod ang naipakikita ng tao ang pagmamalasakit sa
kapwa, pagtulong, pakikiramay at bayanihan?
A. Pagkamabuti
B. Pakikipagkapwa tao
C. Pagmamahal
D. Pagmamalasakit
12. Anong katangian ng mga Pilipino ang nagpakita na ang pagmamahal ay
indikasyon sa pakikipagkapwa?
A. Pagpapakita ng malasakit sa nangangailangan
B. Hindi pagiging sensitibo sa uri ng pakikipag-ugnayan
C. May kakayahang mag-impluwensya sa paggawa ng kabutihan
D. Marunong makiramdam, magtiwala at tumanaw ng utang na loob
13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting
pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
B. “Tatlumpong minuto na akong naghihintay sa iyo”.
C. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
D. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay
nang mas maaga.”
14. Ano ang mga aspektong natatamo kapag ikaw ay nakikipagkapwa-tao?
A. Pang-edukasyon at pang-ispiritwal
B. Pinansyal, moral, pulitikal at dignidad
C. Komunikasyon at pisikal na kakayahan
D. Intelektwal, panlipunan, pulitikal at pangkabuhayan
15. Paano maipakikita ang katarungan at pagmamahal sa kapwa?
A. Kung hindi sa lahat ng pagkakataon handing ibahagi ang sarili
B. Kung may hangaring makatulong sa ibang tao dahil sa pansariling interes
lamang
C. Kung ang pakikipagugnayan sa iba ay nag-uudyok na maglingkod sa kapwa
kapalit ng isang bagay
D. Kung ang pakikipag-ugnayan sa iba ay nag-uudyok na maglingkod sa
kapwa nang walang hinihintay na kapalit
16. Alin sa mga sumusunod ang nagsasagawa ng pagtugon sa
pangangailangang pangkabuhayan?
A. Pagbabasa ng aklat sa silid-aklatan
B. Pagtitinda ng mga pagkain sa kaklase
C. Pakikipagkaibigan sa kapwa mag-aaral
D. Pagsunod sa mga batas sa loob ng silid-aralan
17. Bilang kabataan, kailan ang tamang panahon upang makaambag ng
kabutihan sa pamayanan?
A. Lahat ng panaahon C. kung kinakailangan
B. Kapag walang pasok D. kapag may sariling kita ka na
18. Alin sa mga sumusunod ang nagsasagawa ng pagtugon sa
pangangailangang pulitikal?
a. Pagbabasa ng aklat sa silid-aklatan

b. Pagtitinda ng mga pagkain sa kaklase


c. Pakikipagkaibigan sa kapwa mag-aaral
d. Pagsunod sa mga batas sa loob ng silid-aralan
19. Alin sa mga sitwasyon ang gagawin upang mapalawak ang iyong
kaalaman?
A. Pagsunod sa mga utos ng kaibigan
B. Manood ng mga educational videos
C. Sumunod sa batas ng pamahalaan
D. Pagtanggap ng mga payo ng magulang
20. Kaya ba ng tao na mamuhay nang mag-isa?
A. Oo, lalo na’t maraming perang pambili ng kailangan
B. Hindi, dahil kailangan ang tulong mula sa kapwa tao
C. Oo, kapag sanay na sa ganitong sitwasyon araw-araw
D. Hindi, dahil hindi ito ang natural na Gawain ng isang tao
21. Alin sa sumusunod na paglalarawan ang maihahalintulad sa isang
kaibigan?
A. Isang sakit
B. Isang yaman
C. Isang kapangyarihan
D. Isang kamangmangan
22. Alin sa mga sumusunod ang nakakatulong sa pagpapatatag ng
pagkakaibigan?
A. Pera’t kayamanan
B. Pagmamahal at respeto
C. Kagandahan at kasikatan
D. Kasiyahan at pangangailangan
23. Ano ang dapat gawin sa mga natutunan mula sa iyong
pakikipagkaibigan?
A. ipagkait
B. ipagsigawan
C. isabuhay at pakaingatan
D. isabuhay at pagyamanin
24. Ano ang maidudulot ng isang tunay na kaibigan sa buhay ng kanyang
kaibigan?
A. Pagkabigo sa buhay
B. Pansariling kasiyahan
C. Pangmatagalang pagkakaibigan
D. Walang hanggang epekto sa buhay
25. Anong katangian ng isang tunay na kaibigan ang nararapat na
pamarisan?
A. Pagpapakita ng inggit sa iba
B. Pagpapakita ng pagiging matapang sa iba
C. Pagpapakita ng pagiging magagalitin sa kapwa
D. Pagpapakita ng mabuting kalooban sa lahat ng pagkakataon
26. Anong uri ng pakikipagkaibigan ang ipinahihiwatig sa pahayag na,
“Nariyan sa oras ng pangangailangan, hindi mahagilap sa oras ng
karangyaan.”
A. Batay sa kabutihan
B. Batay sa panlibangan
C. Batay sa pangangailangan
D. Batay sa pansariling kasiyahan
27. Alin sa mga sumusunod ang pakikipagkaibigang inilalaan sa isang tao
sapagkat kailangan nya ito? Batay sa:
A. kabutihan
B. pangangailangan
C. pansariling kasiyahan
D. kakayahang interpersonal
28. Alin sa mga sumusunod na uri ng pakikipagkaibigan ang karaniwan sa
kabataan? Batay sa :
A. Kabutihan
B. pangangailangan
C. pansariling kasiyahan
D. kakayahang interpersonal
29. Saan nakabatay ang pakikipagkaibigang nabuo dahil sa magkapareho
kayo ng mga pagpapahalaga? Batay sa:
A. Kabutihan
B. Pangangailangan
C. Pansariling kasiyahan
D. Kakayahang interpersonal
30. Ano ang pinakamataas na uri ng pakikipagkaibigan?
A. Paghahangad ng Mabuti para sa sarili
B. Paghahangad ng Mabuti para sa lipunan
C. Paghahangad ng Mabuti para sa buong pamilya
D. Paghahangad ng Mabuti para sa isang kaibigan

31. Nang dahil sa aking mga kaibigan nagkaroon ako ng self-confidence. Ano
ang nalinang na pahayag?
A. Paghubog ng pagkatao
B. Pagpapakita ng mga mabubuting asal
C. Paglinang ng talent
D. Pagpapaunlad ng mabuting pakikipagkaibigan
32. Ano ang isa sa mga pinakamahalagang dapat taglayin ng tao sa mundo?
A. Pagiging mabait
B. Pagiging talentado
C. Pagkakaroon ng mga kaibigan
D. Pagtatamo ng integrasyong pansarili
33. Piliin sa mga sumusunod ang isa sa mga palatandaan ng
pakikipagkaibigan batay sa kabutihan at pagmamahal.
A. Pagpapatawad C. pagiging makasarili
B. Pagiging maarte D. Pagmamano sa nakatatanda
34. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa pagtamo ng integrasyong
pansarili. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. Pagiging responsableng tao
B. Pagiging matulungin sa kapwa
C. Tinutulungan mo ang iyong sarili
D. Pinapaunlad mo ang iyong sarili sa aspetong pisikal.
35. Sa pakikipagkaibigan matatamo ang isang mapayapang lipunan. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. Maraming tao ang magiging masayahin
B. Magiging mabait ang makabagong henerasyon
C. Lahat ng tao sa pamayanan ay magiging mabait
D. Kung may kabutihan at pagmamahalan maiwawaksi ang kasamaan
36. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
A. Lahat ng pakikipagkaibigan ay mabuti
B. Ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
C. Makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit ulit na
pagdanas dito.
D. Ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng
sarili sa kapwa
37. Ang paglagay ng sarili sa sitwasyon ng ibang tao ay mabisang paraan
upang maintindihan ang damdamin ng bawat isa. Ito ay isang kilos na
nagpapakita ng ?
A. Pakisama B. Pag-unawa
C Pakiramay D. Pagtanaw ng utang na loob
38. Ito ay nagpapakita ng kilos sa pagpapaunlad ng pakikipagkaibigan na
kung saan anuman ang ugali ng iyong kaibigan ay tanggap mo ito ngunit
hindi ibig sabihin na hindi mo na siya bibigyan ng paggabay
A. Pandamay
B. Pagtanggap
C. Utang na loob
D. Gawin ang bagay ng magkasama
39. Hindi matutumbasan ang kasiyahang nararamdaman sa panahong
kasama mo ang iyong kaibigan. Ito ay nagpapakita ng anong kilos?
A. pagdamay B. presensya C. pagtanggap D. utang na loob
40. Ano ang ibig sabihin ng empathy?
A. Pakikisama sa kaibigan
B. Pagbibigay oras sa kaibigan
C. Paglagay ng sarili sa damdamin ng kaibigan
D. Pagtanaw ng utang na loob sa kabutihan ng kaibigan
41. Nakaiimpluwensya ito sa pagkilos at pagpapakita ng nararamdaman ng
tao.
A. Aksyon B. Emosyon
C Pagpapasiya D. Pagtugon
42. Bakit dapat iwasan ang pagkamuhi sa isang tao? Upang:
A. Maging sikat
B. Magkaroon ng gulo
C. Magkaroon ng kaibigan
D. Maging maayos ang pakikitungo
43. Alin sa mga sumusunod na emosyon ang dapat mas mapamahalaan?
A. Dismayado
B. Pananabik
C. Saya
D. Galit
44. Bakit kailangan ng tao na maging mahinahon sa pagpapasiya lalo na
kung may pinagdadaanang problema?
A. Para walang kaalitan
B. Para mas lalala ang problema
C. Para hindi atakihin sa sakit sa puso
D. Para maging tama ang gagawing pagpapasiya
Mayroong pinag-ugatang pagkakapatiran sa pagitan ng tunay na
magkakapatid sa loob ng pamilya
45. Paano masasabing naimpluwensyahan ng emosyong pagkatuwa ang
pagpapasiya ng isang tao kahit na may problema?
A. Kapag sumusuko na sa mga problema
B. Kapag nagbibiro pa din kahit may problema
C. Kapag naninisi sa mga pinagdadaanang problema
D. Kapag nagrereklamo sa mga pinagdadaanang problema
46. Sa paanong paraan nakatutulong ang kahinahunan sa pagharap sa
matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit? Sa
pamamagitan nito ay:
A. Magiging isang mahusay na pinuno na kayang humarap sa mga
katiwalian ng lipunan
B. Napapatalas ang karunungan sa pagharap ng bagay na nakabubuti sa
sarili lamang
C. Naaayos ng tao ang kanilang buhay at mga Gawain o kilos sa
pagkamit ng pansariling layunin
D. Mailalapat ng tao ang alituntuning moral na gagabay sa maingat na
paghatol o pagpapasya
47. Paano mo masisiguro na magiging angkop ang iyong pagkilos?
A. Sikaping alamin ang gusto ng mga tao
B. Sikaping maging sikat ka sa gagawin
C. Siguraduhing masisiyahan sila sa gagawin
D. Pagtimbangin kung ano ang nararapat na magiging desisyon o aksyon
48. Ano ang nasasalamin sa angkop na pagkilos? Ang iyong:
A. pamilya
B. kaibigan
C. pakikipagkapuwa
D. pagkatao at pakikipagkapuwa
49. Alin sa mga sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang lider?
A. Tagabigay ng direksyon
B. Tagatanaw ng tagasunod
C. Taga-organisa ng pangkat
D. Tagatupad ng instruksyon
50. Alin sa sumusunod ang Gawain ng isang mapanagutang lider?
A. Tagapatupad ng plano B. tagabigay ng direksyon
C. tagagawa ng mga layunin D. tagakilala ng awtoridad ng pinuno

You might also like