You are on page 1of 2

Group 1 – Dula-dulaan in ESP

Narrator/Denisse: Isang araw may isang pamilyang sobrang nagmamahalan ngunit may isang
trahedya na nangyari. Napagpasiyahan ni Robert at Mariel na maghiwalay sapagkat halos
araw-araw na silang nag-aaway at naaapektuhan nadin ang kanilang mga anak sa kanilang
pag-aaway.
Robert: Alam mo Mariel pagod na pagod na ako, hindi kaba nag-sasawa?
Mariel: Akala moba ikaw lang napapagod? Ginagawa ko ang lahat para sa pamilyang to,
nagtatrabaho ako matustusan lang lahat ng pangangailangan mo at mga anak mo.
Robert: Cguro mas makakabuting mag-hiwalay nalang tayo, para sa mas ikakabuti ng lahat.
Mariel: Anong sabi mo? Hiwalay? Ganon lang sayo kadaling makipaghiwalay? Hindi mo man
lang iniisip nararamdaman ng mga anak mo ha? Nararamdaman ko.
Robert: Iniisip ko nararamdaman ng mga anak ko.
Mariel: Yun naman pala e, pero bakit mo ginagawa toh?
Cassy: Ano pong nangyayari dito? Pa bakit parang nag-iimpake kayo?
Robert: Maghihiwalay muna kami ng Mama mo, kayo nalang muna bahala sa mga kapatid mo.
Kiele: Ano po? Iiwan mona kmi Pa?
Sabrina: Ma Pa, Hindi niyo na po ba talaga maaayos pa? kahit para saming magkakapatid
nalang po. Wag po kayong maghiwalay.
Robert: Ito ang mas makakabuti, anak.
Sabrina: Pero sa tingin niyo po yan din poba makakabuti para saming magkakapatid?
Mariel: Hayaan niyo na yang ama niyo.
Narrator/Denisse: Pagkatapos non ay tuluyan nangang umalis si Robert at naiwan si Mariel na
sugatan ang puso. Dahil sa desisyon na ginawa ng kanyang asawa. At napagpasiyahan niya
nalang na ituon ang kanyang atensiyon sa kaniyang mga anak. Si Mariel at ang kanyang mga
anak ay nasa silid at masayang nag uusap-usap.
Mariel: Sobrang hirap talaga ng buhay, hindi ko nanga alam gagawin ko e. Ang daming gastusin
dito sa bahay, pati mga gamit niyong magkakapatid pang eskwela hindi pa kumpleto. Parang
hindi sapat ang ginagawa ko para sa inyo.
Sabrina: Anong hindi sapat Ma? Sobra-sobra panga po e.
Lovejoy: Tama po si Ate, at saka hindi lang naman po pera ang mahalaga.
Mariel: (napangiti nlng)
Krisha: Ma may tanong ako
Mariel: Ano yon anak?
Krisha: Mahal niyo parin po ba si Papa kahit mas pinili nyang iwanan kayo kaysa intindihin
kayo? Saka may pag-asa paba Ma??
Mariel: Oo naman hindi naman nawala yung pagmamahal ko sa Papa niyo. Siguro may mga
bagay lang din na kailangan ng tapusin kasinga sobra na. At siguro kasalanan kodin naman
kasi hindi ko man lang siya pinigilan, hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. At Kung may pag-
asa pa, hindi ko alam siguro si tadhana na bahala sa aming dalawa.
Narrator/Denisse: Lumipas ang ilang buwan simula nung nag-hiwalay sina Mariel at Robert, pero
pinipili padin nilang magkaroon ng komonikasyon kahit papaano para sa kanilang mga anak.
Pinapayagan din ni Mariel na pumunta paminsan-minsan ang kaniyang mga anak kung nasaan
si Robert sapagkat alm niya na kahit anong gawin niya si Robert parin ang tatay ng mga bata.
At napagpasiyahan naman ng kanilang mga anak na may gawin sila upang ibalik ang dating
pagmamahalan ng kanilang magulang.

Mariel – Ina
Robert – Ama
Denisse – Narrator
Sabrina – Panganay na anak na babae
Cassy – Pangalawang anak na babae
Lovejoy – Pangatlong anak na babae
Krisha – Bunsong babae
Kiele – Panganay na anak na lalaki
Seann – Pangalawang anak na lalaki
Joaquin – Bunsong lalaki

You might also like