You are on page 1of 4

GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Pagkakamali ko: Itutuwid Ko

Basahin Natin!
Parol ni Carla

Nagmamadali si Carla sa pagpasok sa paaralan. Masayang

masaya siya sapagkat natapos niya ang kaniyang proyektong parol.
Katulong niya ang kaniyang buong pamilya sa paggawa nito. Habang
bitbit niya ang parol ay nasagi siya ng isang batang nakikipaghabulan
sa kaklase nito, dahilan upang mapahagis ang bitbit na parol ni Carla at
nasira ito

Halos umiyak na si Carla sapagkat mahuhuli na siya sa kaniyang

klase at nasira pa ang kaniyang proyektong parol.

“Naku, paano na iyan, wala na akong ipapasa kay Ma’am,”

himutok ni Carla.

“Pasensiya na, hindi kita napansin kasi naghahabulan kami,”

paumanhin ng nakasaging bata.

“Tutulungan na lamang kitang mabuo ulit ang parol,” wika pa ng

batang nakasagi.

Pumayag naman si Carla at magkasama silang nagpaliwanag sa

guro kung bakit nasira ang parol.

Nang araw ding iyon ay magkatulong na ang dalawang bata sa

pagbuo ng parol ni Carla. Magkasama nila itong ipinasa sa guro at
naging magkaibigan pa silang dalawa.

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020
GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Pag-usapan Natin!
1. Isalaysay ang nangyari habang naglalakad si Carla patungo sa
kaniyang silid-aralan.

_______________________________________________________________________

2. Tama ba ang ginawang paghingi ng paumanhin ng batang

nakasagi?

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

3. Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin mo sa nakasagi sa iyo?

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

4. Paano itinuwid ng batang nakasagi ang kaniyang pagkakamali?

Tama ba ang kaniyang ginawa?

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

5. Sa iyong palagay, ano pa ang ibang paraan upang maituwid ang

nagawang pagkakamali?

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020
GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Isaisip Natin!

Ang paghingi ng paumanhin ay isang positibong kaugalian na

dapat makasanayan ng isang bata. Dapat ding isapuso at
isabuhay ang mga natutuhan sa pagkakamaling nagawa upang
maiwasang makasakit ng kapuwa at hindi na ito maulit pa.

Ang pagtutuwid ng isang pagkakamali ay hindi kahinaan

kundi tanda ito ng pagiging mahinahon at maunawain sa
damdamin ng kapuwa. Nakikita ang katatagan ng isang tao sa
pagharap niya sa naging bunga ng kaniyang mga nagawa.
Mahalagang timbangin muna ang idudulot na mabuti o hindi
mabuti bago gumawa ng desisyon. Isang Tsinong Pilosopo na kilala
sa pangalang Confucius ang nagsabi na, “Huwag mong gawin sa
kapuwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.”

Gawin Natin!
A. Alin sa mga sumusunod ang dapat at hindi dapat gawin kapag may
kasalanan sa ibang tao. Isulat sa tamang hanay ang sa salita sa
kahon.

Bahala na! Sorry! Hindi ko sinasadya.

Patawad. Buti nga sa iyo.
Excuse me. Patawarin mo ako.
Wala akong pakialam! Pasensiya ka na.
Ikinalulungkot ko ang nangyari. Ikaw kasi!
Di ko kasalanan iyon. Pasensiya na po.
Hindi ko na po uulitin.

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020
GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Dapat Gawin Hindi Dapat Gawin

__________________________ _______________________________
__________________________ _______________________________
__________________________ _______________________________
__________________________ _______________________________
__________________________ _______________________________
__________________________ _______________________________

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020

You might also like