You are on page 1of 2

Kulturang Popular

(AAH101b)
MODYUL 1

Pangalan: Alarcon, Keziah Grace Joy N.


Taon at Seksyon: BSHM 2D

Pag-unawa sa Binasa
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bawat tanong ay tumbas sa 5 puntos.

1. Paanong hinihiraya ang isang nasyon ayon kay Benedict Anderson?


Ayon kay Benedict Anderson, ang nasyon ay hinihiraya lamang dahil kahit hindi pa natin nakikita
o nakakausap ang ibang tao sa ating nasyon ay iniisip na natin na sila rin ay Pilipino at mayroon tayong
koneksyon sa kanila at kahit papaanong pag kakaisa. Idinagdag pa ni Anderson na ang paghiraya natin sa
ating pagiging nasyon ay dahil tayo ay nagsasalo ng wika, kasaysayan, at paniniwala. Hindi ito dahil sa
lahi o pagkakaroon ng kayumangging balat at pagkakaroon ng kaparehong katangiang pisikal.
_____________

2. Bakit mahalaga ang wika, kasaysayan, at kultura sa paghiraya ng nasyon?


Dahil ang paghiraya ng nasyon ay hindi dahil sa lahi, kulay ng balat o mga katangiang pisikal. Ang
wika, kasaysayan at kultura ang dahilan sa paghiraya ng nasyon, ito ang nagsisilbing tagabigkis dahilan
kung bakit mayroong pagkakaisa. Ito ang nagsisilbing indikasyon.

3. Paanong nagkamukha ang sitwasyon ng Catalonia at Hong Kong?


May pagkakatulad ang Catalonia at Hongkong sapagkat nais nilang humiwalay sa kanilang
kasalukuyang estado. Maipapakita dito na kahit sila ay may magkaparehong pisikal na katangian ay hindi
nila sinasabi na sila rin ay Tsino kundi Hongkonger (katulad din ng mga Catalans). Ang paniniwala,
kasaysayan at pagsasalo sa wika ang dahilan sa paghiraya ng nasyon.

Pag-unawa sa Binasa
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bawat tanong ay may tumbas na 5 puntos.

1. Sino ang may hawak ng kapangyarihan ng espasyong gaya ng mall?


Ang mga kultural at politikal na mga institusyon at mga konsyumer o mga taong tumatangkilik.

2. Sa anong produkto o danas sa loob ng mall masisipat ang globalisasyon?


Sa mall mararansan o matatamasa natin ang mga bagay na hindi natin karaniwang nararanasan
sa Pilipinas katulad ng ice skating, mga pagkaing espesyal na sa ibang bansa nagmula, mga gamit o damit
na yari sa ibang bansa. Makikita din ang globalisasyon sa mall sa pamamagitan ng mga sine o palabas na
nanggaling pa sa ibang bansa. Maging ang danas sa mall na malamig at maginhawa habang naglalakad
ay hindi ka papawisan.

3. Alin sa tatlong pananaw sa kulturang popular bilang terrain ng tunggalian ka


naniniwala? Ipaliwanag ang sagot.
Institusyonal na pananaw. Dahil ang Pilipinas ay isang third-world country, madali itong hatakin
o impluwensyahan ng mga naghaharing uri sapagkat hindi naman ito kadalasang natatamasa ng mga
gitnang uri pababa. At madaling makuha ang loob ng mga tao kapag ikaw ay kabilang sa matataas na uri.
Gumagawa ito ng ilusyon na sila rin ay nabibilang sa mataas na uri kapag nila ito ay naranasan,
natikman, naisuot atbp. Halimbawa na lamang ng BTS meal, ito ay sikat at bumebenta dahil ito ay hango
sa sikat na grupo ng BTS na mula sa South Korea.

You might also like