You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF RIZAL
SAN MATEO SUB-OFFICE
AMPID I ELEMENTARY SCHOOL

WEEKLY LEARNING PLAN


Quarter First Quarter Grade VI-Araling Panlipunan
Grade Level
VI-Quezon 8:20-9:00
Week Week 1 Date September 4-8, 2023
MELCs Nasusuri ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo. AP6PMK-Ib-4
DAY OJECTIVES TOPIC/S CLASSROOM-BASED ACTIVITIES
1-2 A. Balik- Aral
Natatalakay ang Pagbubukas ng Suez Canal Magpapakita ng iba;t ibang larawan. Sabihin kung ano-ano ang mga larawan na nakikita.
MONDAY- epekto ng pagbubukas
TUESDAY ng mgadaungan ng
bansa sa
September 4-
pandaigdigang
5, 2023
kalakalan
Pantalan sa Maynila Pantalan sa Look ng Subic Daungan sa Batangas

Daungan sa Lungsod ng Davao


Daungan sa Matnog

B. Pagganyak
Sino-sino na sa inyo ang
nakapaglakbay na sa iba’t ibang lugar? Saang lugar kayo nakapaglakbay? Ano ang inyong sinakyan? Pamilyar ba
kayo sa mga daugan na ating ipinakitang larawan? Ano ang isang dahilan bakit ipinatayo ang mga daungan?

C. Paglalahad
Pagbibigay kahulugan ng salitang daunga.
Daungan – Ang pundahan o punduhan ay isang lugar kung saan ang mga barko o yate ay humihinto upang
magpalipas ng oras o araw kung ang klima o panahon ay hindi maganda. Sa ibang pagkakataon ito rin ay nagiging
lugar kalakalan o bagsakan ng mga lamang-dagat.
Panonood ng isang video lesson tungkol sa Pagbubukas ng Suez Canal (https://www.youtube.com/watch?v=VM_-
WmXT-4A )
Talakayin ang video na pinanood at sagutin ang mga sumusunod:
1. Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ang pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang kalakalan?
2. Anu-anong kabutihan ang naidulot ng pagbubukas ng Suez Canal sa kalagayan ng Pilipinas?
3. Bakit naging mahalaga ang Suez Canal sa pandaigdigang kalakalan?
Sagutin ang mga tanong nang wasto.
1. Ano ang Suez Canal?
2. Ilang araw na lang ang byahe ng mga barko sa Suez Canal?
3. Anu-anong produkto ang iniluluwas ng Pilpinas sa Espanya?
4. Bakit mahalaga ang Suez Canal sa mga Pilipino at sa ibang dayuhang magangalakal?
5. May di-mabuting epekto ba ang pagbubukas ng Suez Canal sa Pilipinas? Ano-ano ang mga ito? Alamin natin!
A. Mabubuting Dulot
1. Napaunlad ang mga produktong agrikultural na iniluluwas ng Pilipinas (tabako, abaka at asukal.)
2. Napabilis ang transportasyon at komunikasyon sa pagitan ng Pilipinas at Spain.
3. Nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong at Asyanong mandaragat na magkaroon ng hanapbuhay sa mga
barkong dumadaan dito
4. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga mayayamang Filipino na makapag-aral sa ibang bansa
5. Dahil napabilis ang paglabas-masok ng mangangalakal at kalakal, bumilis din ang pasok ng mga kaisipang liberal
tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapayapaan na dala ni Gobernador Heneral Carlos Maria dela Torre.
6. Nagbunga din ito ng pagpasok ng mga aklat na naglalaman ng kaisipang liberal at rebolusyonaryo na nagmulat sa
ilang mga Filipino, lalo na ang nasa panggitnang-uri.
7. Lumitaw ang panggitnang uri na nakapag-aral sa ibang bansa na tinawag ding Ilustrado, tulad nina Jose Rizal,
Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, Marcelo h. del Pilar at ibap. Sila ang nagnanais ng pagbabago o reporma sa
pamamahala ng mga Espanyol.
B. Di-Mabubuting Dulot
1. Dumami ang mangangalakal o dayuhan na nakapasok sa Pilipinas dulot nito nadagdagan ang populasyon ng
Pilipinas.
2. Naiiwan ang pamilya ng isang Pilipino dahil isinasama sa pakikipagkalakalan (Kalakalang Galyon)
3. Maraming dayuhang produkto ang dinala sa bansa kaya di na gaano pinansin ang mga produktong Pilipino.
4. Napabayaan ang agrikultura sa Pilipinas, lalo na ang pagtatanim ng palay. Nakapokus lamang sila sa
pangangailangan ng mga Espanyol. (abaka, tubo, tabako).
5. Tanging Espanyol lamang ang yumaman at iba pang Pilipinong mangangalakal.
6. Maliit lamang ang kita ng ordinaryong magsasaka. Lalo pang nabaon sa utang.

D. Ginabayang Pagsasanay

E. Malayang Pagsasanay

F. Paglalahat
Ano ang naging epekto ng pagbubukas ng mga daungan?
G. Paglalapat

H. Pagtataya

SCORE NO. OF LEARNERS


5
4
3
2
1
INSTRUCTIONAL DECISON
Naipaliliwanag ang Pag usbong ng uring mestizo A. Balik-aral
ambag ng Ano-ano ang Magandang at hindi Magandang epekto ng pagbubukas ng Suez Canal sa Pilipinas?
3-4 pag-usbong ng uring
WEDNESDAY- mestizo B. Pagganyak
Magpapakita ng larawan ng mga kilalang mestiza
FRIDAY

September 6-
7, 2023

Ang mga nasa larawan ay mga Pilipinang mayroong mga magulang na taga-ibang bansa.Si Catriona Gray ay anak ng
isang Pilipina at Australyano, si Marian Rivera ay anak ng isang Espanyol at Pilipina,at ang ama naman ni
Pia Wurtzbach ay isang German at ang ina ay Pilipina. Ang mga nasa larawan ay ilan lamang sa mga artista at mga
beauty queens sa ating kapanahunan ngayon.Ang tawag sa kanila ay Mestisa

C. Paglalahad
Talakayin ang Antas ng Lipunan sa panahon ng Espanyol
Ano ang Pagbabagong Dulot Pag-usbong ng Uring Mestiso sa Pamumuhay ng mga Pilipino?
1. Karamihan sa kanila ay nakapagpundar ng mga negosyo na siya ring nakatulong sa mga kapwa Pilipinong
naghihirap sa buhay.
2. Ang kanilang mga anak ay nakapag-aral sa ibang bansa na siyang naging daan upang mamulat ang mga
kababayang Pilipino sa mga pang-aaping ginawa ng mga Espanyol.
3. Marami sa mga Pilipinong mahihirap ang nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho at maiahon ang buhay sa
kahirapan.

D. Ginabayang Pagsasanay

Isulat ang M kung ang tinutukoy ay Mestiso at HM kung Hindi Mestiso.


______1.Si Denever ay anak ni Aling Ana na isang Pilipina at Mang Kanor na isang Pilipino.
______2.Ang aming kapitbahay ay may Amerikanong tatay at Tsinang nanay.
______3.Dumating kahapon ang aking pinsan galing Singapore Pilipina ang nanay niya at Espanyol ang tatay niya.
______4.Nagwagi bilang pinakamahusay na mang-aawit ang kaklase naming kapwa mga Koreano ang mga
magulang.
______5.Madalas kami pumunta sa mansion ng aming kaibigan sa probinsya na may tatay na taga-India at nanay
na Lebanese .

E. Malayang Pagsasanay

Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung hindi.
1. Nang mabuksan ang Suez Canal dumami ang mga taga-ibang bansa ang dumayo sa Pilipinas at nakapag-asawa ng
Pilipino.
2.Lalong naghirap ang mga Pilipino simula nang umusbong ang uring Mestiso.
3. Karamihan sa mga uring mestizo ay nakapag-aral sa ibang bansa.
4.Malaki ang naging ambag ng mga uring mestizo upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
5.Ang mga uring mestizo ay may mga magulang na kapwa Pilipino .

F. Paglalahat

Sino-sino ang mga mestizo? Ano-ano ang mga pagabbagong dulot ng pag usbong ng uring mestizo sa pamumuhay
ng mga Pilipino?

G. Paglalapat

H. Pagtataya
SCORE NO. OF LEARNERS
5
4
3
2
1
INSTRUCTIONAL DECISON
Naipapaliwanag ang Pagapapatibay ng dekretong A. Balik-aral
pagpapatibay ng edukasyon ng 1863 Napag-aralan natin ang tungkol sa pagsilang ng uring mestizo sa bansa.Nagkaroon ng uring ito dahil sa mga
5 Pilipinong nakapangasawa ng mga dayuhan halimbawa Espanyol o Tsino.
dekretong
edukasyon ng 1863 Ano-ano ang mga antas ng Lipunan sa panahon ng Espanyol?
Ibigay ang kahulugan ng mga ito.
FRIDAY
B. Pagganyak
September 8, Sino sa inyo ang sumubaybay sa programang “Maria Clara at Ibarra”? Ano ang napansin ninyo na kadalasang
2023 ginagawa ng mga kababaihan sa programa? Sa mga kalalakihan naman?

C. Paglalahad
Pagbibigay kahulugan ng salitang dekreto.
Ang dekreto, o sa salitang Ingles 'decree' ay nangangahulugan sa isang opisyal na kautusan na ipinatutupad ng
isang sanghay na may awtoridad. Ang isang dekreto ay naiuugnay at naihahalintulad sa isang batas.
Ang pagpapatibay ng dekretong edukasyon ay ang pagpapatibay ng isang batas o kautusan na may kaugnayan sa
edukasyon ng 1863. Layunin nito ang pagbuo ng isang sitema ng pampublikong edukasyon sa Pilipinas.Ang batas na
ito ay tungkol sa pagbubukas ng mga paaralang pampubliko para sa kababaihan at kalalakihan.
Taong 1863 nang nagpalabas ng kautusan ang pamahalaang Espanyol ukol sa edukasyon.Nagtakda sa pagtatayo ng
paaralang primarya sa bawat bayan.Nagtatag sila ng mga paaralan upang mapalaganap ang
doktrina ng Kristiyanismo at makapagsanay sa mga alagad ng Diyos.

Sinasanay nila ang mga katutubo ng mga dasal at sabay-sabay na magdasal ang mga mag-anak. Hiwalay ang
paaralan ng mga lalaki at babae sa panahon ng mga Espanyol.

Pagtalakay ng tungkol sa itinuturo sa mga kababaihan at mga kalalakihan.

D. Ginabayang Pagsasanay
E. Malayang Pagsasanay

F. Paglalahat
Ano ang pagpapatibay ng dekretong edukasyon ng 1863? Ano ang mga Layunin nito?

G. Paglalapat
Magsulat ng dalawang talata tungkol sa iyong reaksyon sa dekretong edukasyon ng 1863.

H. Pagtataya

SCORE NO. OF LEARNERS


5
4
3
2
1
INSTRUCTIONAL DECISON
Prepared by: Checked:

MERMALY C. LIWAG MA. JENNIFER C. BIVE


Teacher Principal I

You might also like