You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF RIZAL
SAN MATEO SUB-OFFICE
AMPID I ELEMENTARY SCHOOL

WEEKLY LEARNING PLAN


Quarter First Quarter Grade VI-Araling Panlipunan
Grade Level
VI-Quezon 8:20-9:00
Week Week 2 Date September 11-15, 2023
MELCs Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang Propaganda at Katipunan sa paglinang ng nasyonalismong Pilipino AP6PMK-Ic-5
DAY OJECTIVES TOPIC/S CLASSROOM-BASED ACTIVITIES
1 Lingguhang Nasusuri ang epekto ng I. Paghahanda
Pagsusulit kaisipang liberal sa pag- II. Pagbasa ng Panuto
MONDAY usbong ng damdaming III. Pagsusulit
September nasyonalismo IV. Pagwawasto
11, 2023

2-3 A. Balik- Aral


Natatalakay ang Pagtalakay ng kilusan para Ano naging epekto ng pag-usbong ng kaisipang liberal sa mga Pilipino noon?
TUESDAY - kilusan para sa sa sekularisasyon ng mga
WEDNESDAY sekularisasyon ng makabaya at ang Cavite B. Pagganyak
mga Mutiny (1872.
September
akabay at ang Cavite Sino-sino ang nasa larawan? Bakit kaya sila ginarote?
12-13, 2023
Mutiny (1872.
C. Paglalahad
Pagbibigay kahulugan ng sekularisasyon.
Sekularisasyon – kilusan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ng mga paring Pilipino na
naglalayong mabigyan ng sari-sariling parokya ang mga ito.

Ipaliwanag ang tungkol sa sekularisasyon at Cavity Mutiny 1872

Panonood ng isang video tungkol sa sekularisyon at Cavity Mutiny 1872


https://www.youtube.com/watch?v=RKO1g9KjEYo

D. Ginabayang Pagsasanay
Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang ipinahahayag sa pangungusap ay wasto. Kung mali, palitan ang
salitang nasalungguhitan upang maging wasto ang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.

1. Si Pedro Pelaez ang namuno sa pag-alsa sa arsenal Cavite.


2. Hinatulan ng kamatayan ang tatlong paring martir sa pamamagitan ng garote
sa Cavite, noong 17 Pebrero 1972.
3. Ang Suez Canal ang nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea.
4. Ang dalawang pangkat ng mga pari noon ay regular at sekularisasyon.
5. Ang nasyonalismo ay ang pagkaroon ng kalayaan sa pagpapahayag ng
damdamin at kaisipan.

E. Malayang Pagsasanay
Panuto: Isulat ang T kung isinasaad ay tunay na nangyari at M kung ito ay hindi nangyari.
1. Ang mga kastilang arsobispo at obispo ay nagtalaga ng mga prayleng Espanyol o paring regular sa mga
parokya ng Pilipinas.
2. Nawalan ng karapatan ang mga paring sekular na pangasiwaan ang mga Parokya sa Pilipinas.
3. Si Padre Jose Burgos ang naglunsad ng Sekularisasyon ng mga Parokya.
4. Hindi tumulong ang mga mamamayang Pilipino sa mga paring sekular.
5. Layunin ng sekularisasyon na maipagtanggol ang kanilang karapatang maitalaga at makapagtrabaho sa
mga Parokya.

F. Paglalahat
Ano ang dalawang uri ng pari? Ano ang tawag sa samahan ng mga paring Pilipino na naglalayon na
mabigyan ng parokya ang mga ito?

G. Paglalapat
H. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga paring sekular ay kinabibilangan ng mga sumusunod;
a. Espanyol b. Agustino c . Pilipino d. Pransiskano
2. Ang naglunsad ng isang kilusan ng mga paring sekular.Sino siya?
a. Padre Pedro Pelaez b. Padre Jose Burgos c. Padre Mariano Gomez d. Padre Jacinto Zamora
3. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Sekularisasyon ng mga Parokya?
a. Mawalan ng mga parokya
b. Makipagtulungan sa mga prayleng Espanyol
c. Maitalaga sa mga Parokya
d. Magsilbi sa mga paring regular
4. Ano ang naging ugat ng pag-aalsa sa Cavite o Cavite Mutiny?
a. Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Espanyol b. Pagtulong sa mga tao
c. Pagsulong ng iisang layunin na makalaya d. Paglilimita at pagmamalupit sa mga katutubong
Pilipino
5. Anong katangian ang ipinamalas ng mga manggagawa at sundalong Pilipino sa arsenal ng Cavite?
a. Magigiting at matatapang c.Mapagkumbaba
b. Mapagkawanggawa d. Makasarili
SCORE NO. OF LEARNERS
5
4
3
2
1
INSTRUCTIONAL DECISON

Naipaliliwanag ang Pagpapaliwanag sa ambag A. Balik-aral


ambag ng Kilusang ng Kilusang Propaganda sa Sino-sino ang tatlong Pilipinong paring martir na hinatulan ng garote? Bakit sila pinatay? Ano ang kilusang
4 Propaganda sa pagpukaw ng damdaming nabuo na naglalayon na mabigyan ng parokya ang mga paring Pilipino?
Thursday pagpukaw ng makabayan ng mga
damdaming Pilipino B. Pagganyak
September makabayan ng mga (hal.La Liga Filipina,
14, 2023 Pilipino Asociacion Hispano
(hal.La Liga Filipina, Filipino)
Asociacion Hispano
Filipino)

Sila ay ang mga bayani ng ating bansa.


Ang isang batang katulad mo ay maaari rin bang maging bayani? Oo o Hindi? Bakit?
Paano nakatulong ang mga bayaning ito sa Pilipinas?
C. Paglalahad
Pagtalakay ng kahulugan ng Kilusang Propaganda.
Kilusang Propaganda – naglalayon na magkaroon ng pagbabago sa ating bansa sa pamamagitan ng
panulat.
Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusang naghimagsik sa tahimik na pamamaraan.
Ang talas ng isipan, kahusayan sa panulat, pagbigkas o pananalumpati,galing sa sining at pamamahayag ay
ginamit na kasangkapan upang gisingin ang natutulog na kamalayan ng mga Pilipino sa kung ano ang
tunay na kalalagayan ng bansa sa panahon ng kolonyalismo.

Pagtalakay sa mga Layunin ng kilusang Propaganda (SDO Pasig SLM sa AP pahina 8-10)
Panonood ng video tungkol sa Kilusang Propaganda ( https://www.youtube.com/watch?v=2qiV0cDd05w)
Talakayin ang mga pahayagan at mga Samahan na naitatag sa pagpukaw ng damdamin ng mga Pilipino.
(SDO Pasig SLM sa AP pahina 8-10).

D. Ginabayang Pagsasanay
Sino o ano ang tinutukoy? Isulat ang iyong sagot sa patlang sa hulihan ng bawat isang pangungusap.
1. Ang kilusang itinatag ng mga Ilustrado o Repormista sa Espanya._____
2. Ang ginamit na opisyal na pahayagan ng mga manunulat ng kilusang Propaganda ____________
3. Siya ang unang patnugot ng pahayagang La Solidaridad. _____________
4. Inilahad sa mga akdang aklat na ito ang kalupitan, kasamaan at kabulukan ng sistema ng mga prayle at
mga pinunong Espanyol______________________________
5. Samahang itinatag ni Rizal nang makabalik sa Pilipinas.______________

E. Malayang Pagsasanay

Alin sa mga sumusunod ang naging ambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng damdaming
makabayan ng mga Pilipino. Lagyan ng Bandila ng Pilipinas.
____1. Pagtatag ng pahayagang La Solidaridad
____2. Pagbuo ng samahang La Liga Filipina
____3. Pagsusulat gamit ang talas ng isipan at pluma
____4. Pakikipag-usap sa mga Pilipino at mga Prayleng Espanyol.
____5. Nakipagtalo sa mga Espanyol.

F. Paglalahat

Ano-ano ang ambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng damdaming makabayan ng mga Pilipino?

G. Paglalapat

Magsulat ng isang talata hinggil sa katanungan na: Ibinuwis ng mga bayaning Pilipino ang kanilang buhay
upang makamit ng mga Pilipino at bansa ang mga reporma o pagbabago sa pamamahala ng mga
Espanyol, paano natin sila pahahalagahan?

H. Pagtataya
SCORE NO. OF LEARNERS
5
4
3
2
1
INSTRUCTIONAL DECISON
Natatalakay ang Pagtalakay sa pagtatag at A. Balik-aral
pagtatag at paglaganap ng Katipunan Gamit ang inyong drill board isulat ang tama kung ito wasto ang sinasabi ng pangungusap at mali naman
5 kung hindi.
paglaganap ng
Katipunan 1. Bigyan ng kalutasan ang mga kamalian sa sistemang kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas sa paraang
panulat.
FRIDAY 2. Ang La Solidaridad ay isa sa mga pahayagan sa kilusang propaganda na ang tagapatnugot ay si Jose
Rizal.
September 3. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga libro na sinulat ni Jose Rizal.
15, 2023 4. Ang pagbitay sa tatlong paring martir ang dahilan sa pagbangon ng kamalayan ng mga Pilipino sa pang-
aapi ng mga Kastila.
5. Gumagamit ng talas ng kaisipan at panulat ang Kilusang Propaganda.

B. Pagganyak
Pakikinig sa awiting “Bayan ko” by Freddie Aguilar ( https://www.youtube.com/watch?v=_JQ7W7ihCI0 )
Ano ang naramdaman ninyo habang pinapakinggan ang awit? Kayo rin ba ay handang ipaglaban ang ating
bansa sa mga dayuhang mananakop? Sa ating panahon ngayon paano ninyo maipapakita ang
pagmamahal ninyo sa ating bayan?

C. Paglalahad

Pagtalakay sa pagkatatag ng KKK ( SDO Pasig SLM pahina 7-9)

D. Ginabayang Pagsasanay
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI naman kung hindi.
________1. Ang pangunahing layunin ng pagkakatatag ng Katipunan ay upang makamit ang kasarinlan ng
ating bayan sa mga Kastila.
________2. Si Andres Bonifacio ang kinilalang tunay na kaluluwa ng kilusang may layuning hanguin ang
bayan sa pagkakaalipin.
________3. Naging masalimuot ngunit mabisa ang pamamaraan ng pagsapi sa Katipunan.
________4. Si Emilo Aguinaldo ang naging kanang kamay ni Andres Bonifacio at kinilalang Utak ng
Katipunan.
________5. Ang nagsulat ng tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay si Emilo Aguinaldo.

E. Malayang Pagsasanay
Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
____1. Siya ang kinilalang “Ama ng Katipunan” at “Supremo”?
a. Emilio Aguinaldo c. Emilio Jacinto b. Andres Bonifacio d. Gregorio del Pilar
____2. Ano ang tawag sa samahang binuo ng mga makabayang Pilipino na ang layunin ay makamit ang
kasarinlan?
a. Propagandista c. Katipunan b. Repormista d. Loyalista
____3. Sino ang tinaguriang “Utak ng Katipunan”?
a. Emilio Aguinaldo c. Emilio Jacinto b. Andres Bonifacio d. Gregorio del Pilar
____4.Ano ang tawag sa opisyal na pahayagan ng Katipunan?
a. Kalayaan c. Katipunan b. Propagandista d. Repormista
_____5. Kailan naitatag ang samahang Katipunan?
a. Hulyo 7, 1892 c. Hulyo 9, 1892 b. Hulyo 6, 1892 d. Hulyo 10,1892
F. Paglalahat
Ano ang pagpapatibay ng dekretong edukasyon ng 1863? Ano ang mga Layunin nito?

G. Paglalapat
Bilang isang mag-aaral, paano mapahahalagahan ang mga ginawa ng mga makabayang Pilipino sa
pagkamit ng kalayaan? Isulat mo sa iyong kwaderno ang kasagutan mo.

H. Pagtataya

SCORE NO. OF LEARNERS


5
4
3
2
1
INSTRUCTIONAL DECISON

Prepared by: Checked:

MERMALY C. LIWAG MA. JENNIFER C. BIVE


Teacher Principal I

You might also like