You are on page 1of 7

LESSON EXEMPLAR IN FILIPINO 10

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin 75% ng mga mag-aaral ang inaasahang:

A. Natutukoy ang mga namayaning kaisipan at aral sa mitolohiyang “Cupid at Psyche”

B. Napahahalagahan ang kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyari sa sarili at sa lipunan

C. Nakalilikha ng mga gawain ang mga mag-aaral batay sa iba’t ibang kasanayan sa batay sa
tekstong tinalakay.

II. Paksang-Aralin:

Paksa: Aralin 1.1 Panitikan: Cupid at Psyche ( Mitolohiya mula sa Rome ,Italy)

Halagang Pangkatauhan: Ang pagtitiwala sa kaninuman ay pahalagahan

May- akda: Apuleius ; isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Sanggunian: Panitikang Pandaigdig , Filipino Modyul 10 ; pahina 14 -24,

Mga Kagamitan: Laptop , LCD, Story Mountain Tarp atbp.

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

 Pagbati
 Panalangin
 Pagtala ng lumiban sa klase
 Balik-aral
B. Pagtuklas: Larong Wika

( 4 PICS I WORD )

Ang larong ito ay 4 na larawan 1 salita. Handa na ba kayo?!

1.

______

2.

_ _ _- _ _ _ _

3.

- -- -------
C. Pagganyak: Video Clip Presentation

(Pagpapanood ng “video clip” tungkol kay “FUNNY CUPID”, kaalinsabay ang awiting KAPAG TUMIBOK
ANG PUSO.

D. Paglalahad: Malayang Talakayan

d.1 Pagkilala sa may - akda:

- Bilang paggalang sa may akda ng mitolohiyang ating tatalakayin alamin at kilalanin muna natin si
Apuleius.

d.2 Pagkapamagat:

Paghihinuha sa pamagat

Cupid at Psyche

E. Pagtatalakay: (video clip, Story mountain technique)

E. 1 Talasalitaan

Paghahawan ng sagabal

Pagbibigay kahulugan at paggamit sa pangungusap

e.2 Panonood ng isang maikling palabas na tungkol kay” Cupid at Psyche “ na aking ibinanghay upang
higit maunawaan.
e.3 Malayang Talakayan ( Story Mountain )

- Pagpapaskil ng “ Story Mountain “

(Mahahalagang Tanong na Tatalakayin)

Simula:

- Paano sinimulan ang tekstong Cupid at Psyche?


- Ilahad kung paano ipinakilala ang mga pangunahing tauhan.

Tumitinding Galaw

- Isa – isahin ang mga problemang lumutang sa ilang mga tauahan na nagpapahiwatig ng papataas
na aksyon?
- Ipaliwanag kung paano nkaapekto sa tauhan sa teksto ang kanilang mga suliranin?
- Pangatwiranan ninyo kung talagang tama ang mga binitiwang pahayag ni Cupid na “Hindi
mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala”. Maaaring magbigay ng halimbawa sa
pangyayari sa tunay na buhay .

Kasukdulan

- Ilahad ang mga pagsubok na kinaharap ni Psyche?


- Sa bawat pagsubok sa buhay natin, naniniwala ba kayo na mapagtatagumpayan natin ito kapag
may gumagabay at tumutulong sa atin?
- Ipaliwanag ninyo kung kaakibat ba ng sakrispisyo ang pagmamahal?

Kakalasan

- Ilahad ang pangyayari na nagbabadya na malapit ng matapos ang teksto ?

Wakas

- Paano nagtapos ang tekstong “Cupid at Psyche”?


- Kung kayo ang bibigyan ng pagkakataon na magbigay ng wakas sa teksto, paano ninyo ito
wawakasan?
F. Paglalapat: Pangkatang Gawain:

( Multiple Intelligences – Iba’t ibang kasanayan )

- Upang lubusang nating maunawaan at masuri ang nais ipabatid na kasanayan at kaisipan
ng teksto, naghanda ako ng mga pangkatang gawain upang higit ninyong malinang.
- Narito ang panuntunan, iaatas ko na gawain sa bawat pangkat at ang pamantayan sa
pagmamarka.

Unang Pangkat- Boses ng Pagpapahalaga

(Advocacy Campaign )

- Palikha ng isang “Advocacy Campaign” tungkol sa pagpapayaman ng kultura at mitolohiya. Tinig


na may gintong layon.

Ikalawang Pangkat- Human Picture Frame ( Tableau )

Pagpapakita ng mga aral na namayani sa teksto sa pamamagitan ng Tableau. LARAWAN NG ARAL.

Ikatlong Pangkat - : Kanta Serye

( Pag-awit at Pagsasadula )

Pag-uugnay ng mga mahahalagang pangyayari sa teksto sa kasalukuyang panahon na may temang “PAG-
IBIG NA WAGAS HINDI MAGWAWAKAS”

Ikaapat na Pangkat: - Hugot Lines Debate

( Debate )

Pagsasagawa ng debate na may temang kaugnay sa teksto.

Sang-ayon ka ba o hindi sa LONG DISTANCE RELATIONSHIP?.

Pamantayan sa Pangkatang Gawain:

Angkop sa Paksa-------------------------------5 puntos

Kawili-wiling panoorin at pakinggan------5 puntos

Malinaw ang aral na nais iparating--------5 puntos

Kabuuan------------------------------------------15 puntos

- (Ang mga mag-aaral ay kabahagi sa pagmamarka at maaaring magbigay ng feedback sa ibang


pangkat.)
G. Pagbibigay feedback ng guro at mag-aaral hinggil sa pangkatang gawain na isinagawa.

- Ang guro at mag -aaralay magbibigay ng feedback sa mga pangkat na nagpakitang gilas
sa kanilang gawain.

H. Paglalahat – ( HUMAN AKROSTIK )

- Paggawa ng “Human Akrostik” gamit ang mga pabuyang ibinigay ng guro sa mga mag-
aaral.

IV. Pagtataya

(One Sentence Summary)

Paano nabibigyang halaga ang wagas na pagmamahal?

V. Takdang Aralin:

- Mag-isip ng simbolo na may kaugnayan sa inyong buhay. Ipaliwanag sa pamamagitan ng 5


pangungusap.

You might also like