You are on page 1of 37

ARALIN 2

ANG KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG


PAG-AARAL NG EKONOMIKS.
Inihanda ni ARNEL O. RIVERA
BALIK-ARAL
 Ang ekonomiks ay disiplina ng
agham panlipunan na nakatuon
sa pinakamahusay na paggamit
ng pinagkukunang-yaman sa
kabila ng walang katapusang
kagustuhan at pangangailangan
ng tao.
 Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga
desisyon bilang pagtugon sa
suliranin ng kakapusan.
ANG PAGSILANG NG PAG-AARAL NG
EKONOMIKS
 Bago dumating ang ika-18 siglo, walang pormal na pag-aaral
ang ekonomiks. Mayroon lamang mga kaisipan ang
ekonomiks na ginagamit sa pag-aaral ng batas at
pamahalaan. Ang mga kaisipan sa ekonomiks ay unang
sumikat sa sinaunang Greece. Samantalang ang interest sa
pag-aaral ng ekonomiks ay mula pa sa panahon nina Aristotle
at Thomas Aquinas. Ang mga Physiocrat ang itinuturing noon
na mga ekonomista. (Ekelund & Herbert, 1997)
MGA UNANG KAISIPAN SA EKONOMIKS

 Tinatayang unang
tinalakay ang kaisipan ng
oikonomia sa aklat na
Oeconomicus na sinulat
ng pilosopong si
Xenophon (circa 430
B.C.E.). Layunin sa
kaisipan na tumugon ang
pinuno sa mga
pangangailangan ng
nasasakupan.
ADAM SMITH

 Noong 1776, isinulong ni


Adam Smith ang sistema
ng pamilihan batay sa
doktrina ng kapitalismo
bilang sagot sa suliranin
ng kakapusan. Ayon kay
Smith, pamilihan ang
magsasaayos ng mga
desisyon sa pagbebenta
at pamimili ng mga
produkto.
ADAM SMITH

 Sa kanyang aklat na An
Inquiry into the Nature
and Causes of the
Wealth of Nations,
ipinakilala niya ang
kauna-unahang
komprehensibong pag-
aaral ng ekonomiks.
Tinawag niya itong
political economy.
ALFRED MARSHALL

 Naipakilala ang
ekonomiks bilang isang
ganap na disiplina noong
1870. Noong 1890,
nailimbag ang aklat ni
Marshall na Principles of
Economics. Hindi
naglaon, naging
akademikong programa
ito sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
JEREMY BENTHAM

 Noong ika-18 siglo,


itinaguyod ni Bentham ang
pilosopiyang utilitarianism.
Ayon dito, nagmumula ang
halaga ng isang bagay sa
nalilikha nitong
kapakinabangan sa tao.
Ginamit sa ekonomiks ang
pilosopiyang ito sa
pagsukat ng kasiyahan at
pag-unawa sa kalagayan
ng tao.
DAVID RICARDO

 Nagpaliwanag sa teorya ng
comparative advantage
bilang batayan ng
pakikipagkalakalan ng mga
bansa. Ayon dito, mas kikita
at magiging mabilis ang pag-
unlad ng isang bansa kung
ang kalakal na kanyang
iluluwas ay yaong mas mura
niyang malilikha.
KARL MARX
 Nagsabi na ang
sistemang kapitalista ay
magwawakas sa
panghihimagsik ng mga
manggagawa at
babangon ang
sistemang sosyalista.
 Ang pamahalaan ang
may lubos na kontrol sa
ekonomiya ng bansa.
JOHN MAYNARD KEYNES

 Nagmungkahi sa aktibong
pakikialam ng pamahalaan
sa ekonomiya sa
pamamagitan ng
patakarang piskal at
patakarang pananalapi.
 Ama ng Makroekonomiks
AMARTYA SEN

 Ayon sa kanyang social


choice theory, hinihimok
niya ang lahat na
magsagawa ng mga
gawain naayon sa
paglinang ng kakayahan
ng tao. Ang kahirapan ay
bunga ng diskriminasyon
batay sa kasarian at antas
ng tao sa lipunan.
ANG PAG-AARAL
NG EKONOMIKS
SA PILIPINAS
PANIMULA: Pangunahing layunin ng
pag-aaral ng ekonomiks
ang makahanap ng
wastong sistemang pang-
ekonomiya na
makatutugon sa mga
Tradisyunal pangangailangan ng mga
mamamayan at
mapatatag ang
Kapitalismo pambansang ekonomiya.
Sosyalismo
LAYUNIN NG PAG-AARAL NG
EKONOMIKS SA PILIPINAS

Malaman ang dahilan ng kahirapan ng bansa at


makanahanap ng paraan upang ito ay malutas.
ANG SIMULA NG PAG-AARAL
JOSE BASCO Y VARGAS

Gobernador-heneral ng
Pilipinas noong 1778-
1787
General Economic
Development Plan –
paglipat ng bansa sa
sistemang kapitalista
upang mapabilis ang
pag-unlad nito
GREGORIO SANCIANCO Y GOSON

Kauna-unahang
Pilipinong Ekonomista
El Progreso de Filipinas
– ang sanhi ng
kahirapan sa bansa ay
ang kawalan ng
pampublikong
paglilingkod ng
panahalaang Español.
MGA SAMAHANG
PAG-EKONOMIYA
UP SCHOOL OF ECONOMICS

 Itinatag noong 1965


 Unang nagturo ng ekonomiks bilang hiwalay na asignatura
PHILIPINE INSTITUTE FOR
DEVELOPMENT STUDIES (PIDS)
Nagsasagawa ng
komprehensibong pag-aaral
ng mga patakarang
pangkaunlaran ng bansa.
Nagbigay direksyon sa mga
taong nagtapos ng kursong
ekonomiks.
Kilala dati bilang Institute of
Economic Research and
Development (IERD)
PHILIPPINE ECONOMIC SOCIETY (PDS)

 Layunin nitong mapalawak ang


pagsasanay at kaalaman sa
ekonomiks.
 Pangunahing gawain nito ang
pagtataguyod ng mga siyentipikong
pag-aaral sa ekonomiks
 Paglilimbag ng Philippine Economic
Journal
NATIONAL ECONOMIC AND
DEVELOPMENT AUTHORITY (NEDA)
 Pangunahing gawain nito ay ang
paghahain ng mga programang
pangkaunlaran ng bansa
BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS (BSP)

 Pinangangasiwaan nito ang


paghawak at paggamit ng
salapi ng bansa.
MGA TANYAG NA PILIPINO SA
LARANGAN NG EKONOMIKS
EMMANUEL DE DIOS

Nagtala ng
Kasaysayan ng
Ekonomiks sa bansa
Unang itinuro ang
ekonomiks bilang
asignatura sa Batas at
Pamahalaan (Political
Science) sa U.P.
TERESO TULLAO JR.
 Dating Dean ng College of
Business and Economics sa
De La Salle University
 May-akda ng maraming aklat
sa ekonomiks kabilang na ang
isang diksyonaryo ng mga
teknikal na salitang pang-
ekonomiks na isinalin sa
wikang Filipino
 Tagapayo ng iba’t ibang
institusyong lokal at pandaigdig
tulad ng World Bank,
UNESCO, Office of the
President at Board of
Investments
BERNARDO VILLEGAS
 Dean ng School of Economics
ng University of Asia and the
Pacific
 Kabilang sa Board of Directors
ng BPI, Benguet Corporation,
AETNA, IBM at McDonald’s
 Kasapi ng Council of Economic
Advisers ng dating pangulong
Fidel Ramos at Joseph Estrada
 Editor ng International Herald at
Asian Wall Street Journal
SOLITA “MARENG WINNIE” MONSOD
 Professor ng Ekonomiks sa
University of the Philippines
mula 1971
 Board Member ng Philippine
Economic Society
 Naging director-general ng
NEDA mula 1986-1989
MARGARITO “GARY” TEVES
 Pangulo at CEO ng Land Bank
of the Philippines mula taong
2000
 Kasapi ng Board of Governors
ng Philippines Stock Exchange
 Kasapi ng Board of Trustees ng
Ayala Foundation Inc.
 Naging mambabatas at Kalihim
ng Department of Budget and
Management.
FELIPE MEDALLA
 Professor sa School of
Ekonomiks sa UP
 Naging director general ng
NEDA at chairman ng
Commission on Population
Board
 Board of trustees ng PIDS
PONCIANO INTAL JR.
 Professor ng ekonomiks sa
DLSU-Manila
 Kasalukuyang executive
director ng DLSU-Angelo
King Institute for Economic
and Business Studies
 Naging pangulo ng PIDS
noong 1991-1999 at deputy
director-general ng NEDA
noong 1990-1991
GERARDO SICAT
 Pinakatanyag na ekonomista ng
Pilipinas
 Founding member ng UP
School of Economics
 Professor ng UP at nagtayo ng
Philippine Center for Economic
Development
 Kasalukuyang miyembro ng
board of trustees ng PIDS
GLORIA MACAPAGAL ARROYO
 Nagtapos ng AB Economics sa
Assumption College, MA
Economics sa Ateneo de Manila
at Ph.D. in Economics sa UP.
 Bilang senador, nakapagpasa
siya ng 55 na batas na may
kinalaman sa ekonomiks
 Naging pangulo ng bansa mula
2001 hanggang 2010.
SA KASALUKUYAN……

Bata pa ang pag-aaral ng ekonomiks sa bansa


ngunit malaki na ang naiambag nito sa
pagpapaibayo ng kakayahan ng mga Pilipino
na makapag-ambag sa pagbabago ng daigdig
Sinisikap ng ekonomiks na imulat ang mata ng
kabataan sa tungkulin nila sa pagpapatatag ng
pambansang ekonomiya.
REFERENCES:
 Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
 Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI
 Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon (2012), VPHI
 www.WikiPinas.com
TO DOWNLOAD THIS FILE, GO TO:

http://www.slideshare.net/ArnelSSI

You might also like