You are on page 1of 1

Palibot-liham: GENSEC-PL2023-017

Petsa: Setyembre 29, 2023


Para sa: Sa lahat ng mga Kongregasyon, Misyon, Manggagawa, at Lupong Pamunuan
Paksa: Alay-damay para kay Reb. Francisco V. Montemayor

Mga Minamahal na Kapatid kay Cristo,

Sumainyo nawa ang kagandahang-loob at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama.

Ang Reb. Francisco V. Montemayor ay naka-schedule na magpa-checkup sa kaniyang manggagamot noong


Setyembre 26, 2023. Pagkatapos na magpakuha ng laboratory test, kasama ang dalawang anak, ay dumaan muna
sila sa McDonalds sa San Jose Del Monte, Bulacan upang kumain. Kanilang napansin na bumagsak ang balikat ni
Ptr. Francis at isang kamay na lamang ang nagagamit sa pagkain. Daglian siyang nilapitan ng kaniyang mga anak
at mabilis na isinugod sa QualiMed Hospital na pinakamalapit na pagamutan sa kanila nang maganap ang
nasabing pangyayari. Dinala siya sa Emergency Room at isinagawa agad ang CT-Scan at sinuring mabuti ang
kaniyang kalagayan. Si Pastor Francis ay nagkaroon ng stroke, may pumutok na ugat sa kaniyang utak at namuo,
at mabilis na kumalat ang dugo sa kaniyang utak, at nag-comatose. Inilipat siya sa Intensive Care Unit (ICU), at
dagliang isinagawa ang kaniyang operasyon noong ika-27 ng Setyembre ng umaga upang ma-drain ang tubig at
dugo sa kaniyang utak. Natapos ang operasyon subalit kailangan niyang manatili sa ICU at i-monitor ng 5-7 days
hanggang sa siya ay magising at maging maayos ang kaniyang kalagayan. Ang naging findings ng mga
manggagamot sa kaniyang kalagayan ay Cerebrovascular Disease - Bleed (20cc).

Our God is truly good all the time! Sa unang araw pa lamang pagkatapos ng operation ay nagising na si Ptr. Francis
at bahagya na niyang naigagalaw ang kaniyang kaliwang kamay, at sa ikalawang araw naman ay ang paggalaw
ng kaniyang kaliwang paa. Ayon sa kaniyang neurologist doctor ay ang kanang bahagi ng kaniyang katawan ang
apektado ng stroke. Kailangang magpatuloy ang kaniyang magandang progress sa loob ng 5-7 days. Sa ngayon ay
may mga seizure pa rin na nagaganap sa kaniya na epekto ng surgery. Sa kaniyang ikatlong araw ay pinayuhan
na Doctor (Nephrologist) na kailangan na sumailalim sa dialysis dahilan sa mataas na creatinine. Kaya’t patuloy
nating idulog sa panalangin ang kaniyang lubusang paggaling, at ang pagsubaybay ng mga manggagamot sa
kaniyang kalagayan.

Sa aming pagkausap sa mga anak, sa panimulang araw pa lamang ay mataas na ang hospital bills ni Ptr. Francis,
at maging ang hiwalay na pagbabayad sa inire-rent na apparatus for brain operation ay nagkakahalaga ng
Php150,000. Maaaring magtatagal pa sa pagamutan bago ganap na maiuwi sa tahanan ang Ptr. Francis. Sa
ngayon ay kailangan nilang makapaghanda ng pambayad sa pagamutan at mga doktor.

Kaugnay nito ay pinagtibay ng IEMELIF Executive Committee (IEC) na muling dumulog sa lahat ng kongregasyon,
mga Manggagawa, at mga kapatiran sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tanging paglikom (Special Offering) sa
darating na Linggo, Oktubre 1, o sa susunod na Linggo, Oktubre 8, 2023, para kay Reb. Montemayor. Anumang
halaga na malilikom ay kagyat na ipadala sa Opisina ng Distrito at ito naman ay agad na maipadala sa Opisina
Sentral upang sama-samang maipagkaloob ang tulong kay Reb. Montemayor.

Sa mga indibidwal na nais na tuwirang magkaloob ng tulong para kay Reb. Montemayor ay maaari ninyong
ipadala sa kaniyang anak na si Franz Mathew Montemayor, GCash Account: 0922-7520354.

Ngayon pa lamang ay nagpapaabot na kami sa inyong lahat ng taos-pusong pasasalamat sa inyong malalim na
pagmamalasakit at pagmamahal sa ating masipag at mapagmahal na Manggagawa, Reb. Francisco V.
Montemayor. Pagpalain nawa kayong lahat ng ating makapangyarihan at mapagmahal na Diyos.

Inyong mga lingkod kay Cristo,

Reb. Elben V. Rodriguez Obispo Noel M. Abiog


Sekretaryo Heneral Superintendente Heneral

You might also like