You are on page 1of 7

FILIPINO FINAL EXAM REVIEWER

KAYARIAN NG PANDIWA -in- + SULAT = SINULAT


 PAYAK III. HULAPI
Ang salita ay payak kung ito ay salitang ugat lamang, walang Ito ay panlaping matatagpuan sa hulihan ng salitang.
panlapi, hindi inuulit at walang katambal na ibang salita. HAL.
HAL. -in + basa = basahin
 bahay -an + gupit = gupitan
 aklat -in + sulat = sulatin
 sariwa IV. KABILAAN
 MAYLAPI Panlaping nasa unahan at hulihan ng salitang ugat
Salitang binubuo ng mga salitang ugat at isa o higit pang panlapi HAL.
HAL. ka- -an + laya = kalayaan
 Umalis mag- -an +mahal + magmahalan
 Tinulungan pala- -an + baybay = palabaybayan
 Magtakbuhan V. LAGUHAN
Panlaping nasa unahan, gitna at hulihan ng salitang ugat
 Umasa
HAL.
 URI NG PANLAPI
Maaring isa o higit pang panlapi ang matatagpuan sa isang salitang Pag- -um- -an + SIKAP = pagsumikapan
ugat. VI. INUULIT
Maaring nasa unahan, gitna o sa hulihan. Makakabuo ng mga salita sa tulong ng reduplikasyon ng
salitang ugat
Buhat nito,may iba’t ibang uri ng panlapi
VII. LAGUHAN
I. UNLAPI
Panlaping nasa unahan, gitan at hulihan ng salitang ugat
Ito ay mga panlapi na ikankabit sa unahan ng salitang ugat
HAL. HAL.
UM + ASA = UMASA  Araw – araw
MAG + ARAL = MAG – ARAL  Sino – sino
MANG + ISDA = MANGISDA  Asal – hayop (asal ng hayop)
II. GITLAPI  Kulay – dugo (kulay ng dugo)
Ito ang mga panlaping isinisingit sa pagitan ng unang katinig at  Ingat – yaman (ingat ng yaman)
kasunod nitong patinig. Madaling salita, ang gitlapi ay  Bahay – ampunan (bahay na ampunan)
mamatgpuan sa gitna ng salitang-ugat. Nagagamit lamang ang
gitlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig. ASPEKTO NG PANDIWA
HAL.
-um- + BASA = BUMASA  ASPEKTONG NAGANAP O PERPEKTIBO
FILIPINO FINAL EXAM REVIEWER
Ang aspekto na ito ay nagsasaad ng isang kilos na kung saan na ito ay I. PANGATNIG
tapos na, o naganap na. Ito ay tinatawag din na panahunang Ang pangatnig ay mga salita na ginagamit upang mag-ugnay ng mga
pangnagdaan na aspekto ng pandiwa o aspektong katatapos. salita, parirala, o
Kadalasan itong ginagamitan ng mga salitang kahapon, kanina, noong sugnay na magkakasunod.
isang taon, nakaraan at iba.  URI NG PANGATNIG

 ASPEKTONG IMPERPEKTIBO O PANGKASALUKUYAN 1. PAMUKOD


Ang aspekto na ito ay naglalarawan ng isang kilos na laging ginagawa Ito ay ginagamit sa pagpili, pagtatakwil, pagbubukod, o
o kasalukuyang nagaganap. Ito ay pandiwa na nasa panahunang pagtatangi tulad ng o, ni, maging,at man.
pangkasalukuyan o aspektong nagaganap. Ito ay ginagamitan ng mga HAL.
salita na habang, kasalukuyan, at ngayon.  Mag-aaral ka ba sa UP o sa Ateneo?
Ang kilos o galaw ay kasalukuyang ginagawa, ginaganap o  Ayaw kong kumain ng pizza ni taho.
nangyayari.  Maaari kang pumunta sa sinehan maging sa parke man.
2. PANIMBANG
 KONTEMPLATIBO (MAGAGANAP O PANGHINAHARAP) Ito ay ginagamit sa pag-ugnay ng dalawang salita o kaisipan na
Ito ay uri ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos o galaw ay hindi pa magkasinghalaga tulad ng at at saka.
nagagawa o nangyari. Ito ay plano pa lamang na gawin. Tinatawag HAL.
itong pandiwa ng panahunang panghinaharap o aspektong  Pumunta kami sa simbahan at sumama sa prusisyon.
magaganap pa lamang.  Magluluto ako ng adobo saka sinigang.
Halimbawa ng mga salitang ginagamit bago ang pandiwang ito ay sa  Nag-aral sina Juan at Maria para sa kanilang pagsusulit.
susunod, bukas, sa makalawa, pagdating ng panahon, balang araw at 3. PANUBALI
iba pa. Ito ay ginagamit sa pagsasabi ng pag-aalinlangan tulad ng kung,
kapag, tila, at sana.
HAL.
PANG- UGNAY
 Kung umulan, hindi kami makakapunta sa
Ang pang-ugnay o connectives sa wikang Ingles ay mga salita o
 palaro.
pariralang ginagamit upang
 Kapag natapos na ang lockdown,
magsilbing tulay sa pagitan ng dalawang ideya, kaisipan, o
 magbabakasyon kami sa Baguio.
pangungusap. Ito ay ginagamit upang
4. PANINSYA
maipakita ang relasyon ng mga ideya, mapabilis ang pagkakaintindi ng
Ito ay ginagamit sa pagsalungat tulad ng ngunit, subalit, at samantala.
mambabasa, at maging
HAL.
malinaw ang pagpapahayag.
 Gusto niyang sumama, ngunit may iba siyang gagawin.
FILIPINO FINAL EXAM REVIEWER
 .Nakuha niya ang pinakamataas na grado, subalit hindi siya  Ang Jollibee daw ay magbubukas ng bagong branch sa ating
kontento. bayan.
 Samantala, ang ibang tao ay nagtitiis sa init.  Siya raw ay magaling sa pagluluto ng adobo.
5. PANHI 9. PANULAD
Ito ay ginagamit kung magbibigay-katwiran tulad ng dahil sa, sanhi Ang pangatnig na panulad ay nagpapakita ng kahalintulad sa mga
ng, sapagkat, at palibhasa. pangyayari, aksyon, o
HAL. gawa. Maaaring gamitin ang mga pangatnig na panulad ma kung
 Hindi ako makakapunta dahil sa masamang panahon. sino… siyang, kung ano…
 Sanhi ng kahirapan, marami ang hindi nakakapag-aral. siya rin, kung gaano… siya rin.
 Hindi siya pumasok sapagkat may sakit siya. HAL.
6. PANAPOS  Kung sino ang may sala, siya ang magdudusa.
Ito ay ginagamit upang ipahiwatig ang nalalapit na  Kung ano ang ibinigay mo, siya rin ang iyong matatanggap.
pagtatapos ng pagsasalita tulad ng sa wakas at sa  Kung gaano kadali nakuha, siya rin kadali mawawala.
lahat ng ito. 10. PANTULONG
HAL. Ang pangatnig na pantulong ay nag-uugnay ng mga salita, parirala, o
Sa wakas, natapos din ang kanyang nobela. sugnay na nakapag-iisa at
Sa lahat ng ito, natutunan natin ang halaga ng pagkakaisa. hindi nakapag iisa. Maaaring gamitin ang mga pangatnig na pantulong
Sa wakas, nagbunga na ang kanilang pagsisikap. na kung, kapag, upang,
7. PANLINAW para, nang, sapagkat, o dahil sa.
Ito ay ginagamit upang ipaliwanag sa isang bahagi o kabuuan tulad ng HAL.
kung gayon, samakatuwid, at sa madaling salita.  Mag-aaral akong mabuti para makakuha ng mataas na marka.
HAL.  Kakain ako ng maaga upang hindi ako magutom sa klase.
 Kung gayon, hindi na ako aasa sa kanyang pangako.  Nagtanim siya ng mga puno upang may malalim na lilim sa
 Samakatuwid, ang pag-aaral ay mahalaga para sa ating tag-init.
kinabukasan.  PANG – ANGKOP
 Sa madaling salita, ang pagbabago ay nasa ating mga kamay. Ang pang-angkop ay mga salitang ginagamit upang mas maging
8. PAMANGGIT malumanay ang pagbigkas ng mga salita gaya ng –ng, na, at -g.
Ang pangatnig na pamanggit ay umuulit o nagpapahayag lamang ng Karaniwan itong ginagamit sa pag-uugnay sa panuring at sa salitang
pananaw ng iba. Maaaring tinuturingan. Ginagamit ang “-ng” kung ang nauna sa salita ay
gamitin ang mga pangatnig na pamanggit na daw, raw, sa ganang akin, nagtatapos sa patinig; ang “-g” kung ang nauna sa salita ay nagtatapos
sa ganang iyo, at di umano. sa titik N; at ang “na” kung ang nauna sa salita ay nagtatapos sa
HAL. katinig maliban sa titik N
1. NA
FILIPINO FINAL EXAM REVIEWER
Ang “na” ay ginagamit para mag-ugnay ng dalawang salita na ang una Nagmula ang kanyang mga magulang sa probinsiya ng Bicol.
ay nagtatapos sa Nasa likod ng bahay ang aming taniman ng gulay.
katinig maliban sa letrang “n“. Ito ay sinusulat na hiwalay mula sa Siya ay nagtatrabaho bilang guro sa isang pampublikong paaralan.
mga salitang pinag-uugnay. Ayon sa kanyang pahayag, hindi siya kasama sa nangyaring krimen.
HAL.
 Si Arvin at Bryan ay matalik na magkaibigan. Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya ni Rebecca de Dios
 Ang kahoy na mesa. Ako si Rebecca, labing-anim na taong gulang, anak ng mag-
 Ang maaliwalas na kwarto. asawang OFW na kapwa nagtatrabaho sa Barcelona, Espanya. Walong
 Bumili ako ng mainit na pandesal. taon na rito sina nanay at tatay subalit ito pa lang ang unang
2. NG pagkakataong naisama nila ako. Nagkaton kasing nagbago ang school
Ginagamit ang -ng bilang dugtong sa mga salitang nagtatapos sa mga calendar ng unibersidad na papasukan ko. Sa halip na sa nakasanayang
patinig tulad ng a, e, i, o, at u. Hunyo ay sa buwan ng Agosto pa magbubukas ang klase kaya
HAL. sinamantala namin ang mahaba-habang bakasyon mula sa Abril
 Binasa ko ang magandang libro ni Bob Ong. hanggang huling linggo ng Hulyo upang sa halip na sila ang umuwi sa
Pilipinas ay ako ang pinapunta nila sa Barcelona, isa sa pinakakilalang
 Binili ni Maria ang malaking bahay sa probinsya.
lungsod sa Espanya.
 Naghugas ako ng mga maruruming plato.
3. G Sa isang malaking hotel sa Barcelona nagtatrabaho ang aking
Ang -g naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa katinig na n, magulang. Bago pa ako dumating ay inayos na nila ang oras ng
kung saan ang “n” ay kanilang pagpasok upang lagi akong may makasamang isa sa kanila.
dinudugtungan ng -g. Magkaiba ang kanilang shift sa trabaho subalit nagawan nila ng
paraang tuwing Sabado at Linggo ay maging libre sila pareho para
HAL.
makasama ako. Dahil dito, napasyalan namin ang magagandang lugar
 Ang angkang tanyag ay mayaman. sa mga lungsod ng Madrid, Seville, Toledo, at Valencia. Sa apat na
 Luntiang damo sa parang. buwan ng pamamalagi ko sa Espanya at pamamasyal namin sa iba't
 Ang kasuotang magara. ibang lungsod dito ay marami akong natutuhan at naranasan sa
kanilang mga kaugalian, kultura, at tradisyon.
 PANG – UKOL
Klima at Panahon
Ang pang-ukol ay ginagamit upang malaman ang pinagmulan o
patutunguhan, kinaroroonan o Sa unang buwan ng aking pagbisita (Abril hanggang Hunyo) ay
pinagkakaroonan, at pinangyayarihan o kinauukulan ng isang kilos, nakaranas ako ng katamtamang panahon. Subalit sa buwan ng Hulyo
pag-aari, o layon. Ang mga halimbawa nito ay ng, sa, kay, ni, nina, gayundin daw sa buwan ng Agosto (na hindi ko na inabot) na
kay, kina, ayon sa, ayon kay, sa harap, na may, at iba pa itinuturing na tag-init sa kanila ay sadyang napakainit ng panahong
HAL. maihahambing sa ating nararanasan sa Pilipinas sa mga buwan ng
Marso at Abril. Sa mga panahong ito'y napakaraming turista ang
FILIPINO FINAL EXAM REVIEWER
dumarayo sa Espanya lalo na sa Lungsod ng Barcelona upang Familia, isang UNESCO World Heritage Site na sinasabing
mapasyalan ang kanilang magagandang dalampasigang nasa baybayin sinimulang gawin sa pamumuno ng tanyag na arkitektong si Antoni
ng Dagat Mediterranean. Gaudi noon pang 1883. Ang lumang gusaling dinisenyo rin ni Gaudi
sa Barcelona tulad ng Casa Vicens, Casa Battlo, Guell Pavillions, at
Kultura at tradisyon iba pa ay isa-isa rin naming pinasyalan. Ang bawat gusali ay may
Isa sa ipinagmamalaki ng mga Espanyol ay ang kanilang mayamang taglay na kasaysayang maiuugnay sa kasaysayan ng lungsod at maging
kultura at tradisyong nag-uugat pa sa malayong nakaraan. Napakarami ng bansa.
nilang museo at mga teatro kung saan masasalamin ang kanilang Wika
kasaysayan. May mga araw at oras silang nakalaan para sa libreng
pagpasok sa mga museo. Halimbawa, napasok namin nang libre ang Ang kanilang wikang pambansa ay Spanish o Castilian na tinatawag
Reina Sofia sa Madrid, isang museong tanyag sa buong mundo. naman nating Espanyol. Mayroon din silang ilang diyalektong
Libreng nakapapasok dito ang publiko sa mga araw ng Lunes, ginagamit ng ilang pangkat tulad ng Galician, Catalan, at Basque. Ang
Miyerkoles, Huwebes, at Biyernes mula ikapito hanggang ikasiyam ng Ingles ay nauunawaan ng ilang subalit ang pagsasalita nito ay hindi
gabi. Libre rin ang pagpasok dito mula 2:30 ng hapon kapag araw ng gaanong laganap. Sabi ng aking magulang, mas kakaunting Espanyol
Sabado at kapag Linggo, libre ito mula umaga hanggang 2:30 ng daw ang nakapagsasalita ng English kompara sa ibang mga bansa sa
hapon. Sa pamamasyal namin sa iba't ibang museo nakita ko ang mga Europa. Gayunpaman, sa hotel kung saan sila nagtatrabaho ay
obra maestra ng mga tanyag na alagad ng sining tulad nina Salvador mahuhusay sa Ingles ang kanilang mga katrabahong Espanyol dahil
Dali, Pablo Picasso, Joan Miro, Antoni Tapies, at iba pa. Ang isa pang ang karamihan sa kanilang mga bisita ay mga turistang mula sa iba't
tanyag na museong napasok di nnamin nang libre ay ang National Art ibang panig ng mundo. Kung titira ka sa nang matagalan sa bansang
Museum of Catalonia kung saan ang gusali pa lang ay kahanga-hanga ito ay kailangan mong matuto ng wikang Espanyol dahil ang halos
na. Bahagi rin ng kanilang makulay na kultura ang pagsasagawa ng lahat ng mababasa tulad ng mga babala sa daan, mga paskil o signages,
bullfight kung saan ang mga lalaki ay nakikipagtagisan ng lakas sa mga pangalan ng produkto, at mahahalagang dokumento ay nasusulat
isang toro gayunding ang pagsayaw ng flamenco, na labis kong sa kanilang wika. Natuwa lang ako dahil may mga salita silang agad
nagustuhang panoorin dahil sa kahanga-hangang bilis ng paa ng mga kong naintindihan tulad ng mga salitang bano, calle, ventana, coche, at
mananayaw na tila nakaangat sa hangin at hindi lumalapat sa sahig. iba pa. Nasakop nga pala nila tayo sa loob ng mahigit na tatlong daang
taon kaya naman marami silang naging impluwensiya sa ating kultura
Ang mga tahanan at Gusali. kasama na ang ating wika.
Ang isa sa pinakamagagandang bagay na nakita ko sa Espnaya ay Relihiyon o Pananampalataya
ang kanilang mga gusali. Marami na ring makabagong tahanan at
gusali subalit ipinagkakapuri nila ang mga gusaling naitayo pa noong Ang isa sa mga bagay na kapansin-pansin sa Espanya ay ang
gitnang panahon at nagpapakita ng mayamang kasaysayan ng kanilang pagkakaroon ng naglalakihang Simbahang katoliko sa halos lahat ng
lugar. Ilan sa mg aito ang Palacio Real sa Madrid, ang Toledo's dako kaya't ang dayuhang manggagawa tulad ng aking magulang na
Ancient Rooftops sa Toledo, isa sa pinakamatandang lungsod sa naghahanap ng masisimbahan ay tiyak na hindi mahihirapan.
Espanya kung saan matatagpuan ang lumang bahay at makasaysayang Nakararami pa rin sa mga Espanyol ang Katoliko na nasa humigit
mga gusali, at ang hindi pa natatapos na Basilica de la Sagrada kumulang na 80% hanggang 90% ng populasyon subalit marami na
FILIPINO FINAL EXAM REVIEWER
ring ibang relihiyon o pananampalataya ang laganap dito tulad ng Madrid na pinakamalaki nilang lungsod at may pinakamaraming
Islam at ng ibang pananampalatayang Kristiyano gaya ng mga dayuhan ay bukas ang malalaking supermarket at mga tindahan
Protestante, Jehova's Witnesses, Mormons, at iba pa. Gayunpaman, sa maging sa mga oras na ito.
aming pagsisimba ay napansin kong di tulad ng ating bansa, hindi
napupuno ang mga simbahan. Ayon sa aking magulang, kahit malaki Pagsapit ng ikalima o ikalima't kalahati ng hapon ay muli silang
ang bilang ng mga Katoliko ay marami sa kanila ang hindi regular na kumakain ng tinatawag nilang La Merienda (sa kanila pala galing ang
nagsisimba at nagsasagawa lamang ng mga ritwal ng simbahan tulad katawagan nating meryenda). Magaan lang ang pagkaing ito na
ng pagbibinyag, pagpapakasal, at pagbabasbas sa namatay. karaniwang tinapay na may palaman. Ikasiytang naman ng gabi ang
karaniwang oras ng kanilang hapunang tinatawag nilang La Cena. Mas
Ang Kanilang Pagkain at Iba Pang Kaugalian kaunti ang pagkaing nakahain na minsa'y pritong itlog o isda at
ensaladang gulay lang./ Hindi rin nawawala ang paborito nilang
Kung may isang bagay na labis na naiiba o natatangi sa mga minatamis na karaniwang gawa sa itlog at gatas na tinatawag naman
Espanyol, ito ay ang kanilang mga kaugaliang kaugnay ng pagkain. nating leche flan.
Ang kanilang almusal na tinatawag nilang El Desayuno ay karaniwang
kapeng may gatas at tinapay lang. Magaan lang ito dahil sa bandang Kung ikokompara ang oras ng ating hapunan sa kanila ay
ikasampu o ikalabing-isa ng umaga ay muli silang kakain. Karaniwang masasabing huli na ang ikasiyam ng gabi subalit hindi pa rito
tapas ang kinakain nila s aoras na ito. Ang tapas ay mga pagkaing nagtatapos ang maghapon ng mga Espanyol. Pangkaraniwan na sa
nakalagay sa maliliit na lalagyan tulad ng platito na maaaring kanila ang lumabas pa pagkatapos ng hapunan at maglakad-lakad
damputin lang (fingerfood) tulad ng pritong maliliit na pusit, tinapay (tinatawag nilang paseo) at dumaan sa mga restaurant o bar. Umuuwi
na may nakapatong na kamatis at keso, nakatuhog na tuna at olive, at lang sila upang matulog kapag maghahatinggabi o lagpas hatinggabi
iba pa. Sa kanila pala natin nakuha ang nakaugalian nating pagkain sa na. Sa mga araw na walang pasok ay inaabot sila ng ikatlo o ikaapat ng
pagitan ng agahan at tanghalian. umaga sa labas ng tahanan at bago umuwi ay karaniwang kumakain uli
sila ng churros o tila pahabang donuts na prinito at binudburan ng
Ang kanilang tanghalian na tinatawag nilang la comida ang asukal. Isinasawsaw nila ito sa mainit at malapot na tsokolate. Naiisip
pinakamalaki nilang kain sa maghapon. Maraming putahe ang kong ang hilig nating mga Pilipino sa pagkain ay namana natin sa mga
nakahanda para sa kanilang tanghalian at hindi sila nawawalan ng Espanyol na sumakop sa atin subalit kahit anong gawin kong paggaya
tinapay sa kanilang hapag. Tinapay ang kanilang pinakakanin at ito sa kaugalian nila kaugnay ng pagkain at pagtulog ay hindi ko talaga
ang ginagamit nila upang masimot ang sarta sa kanilang pinggan. Ang kaya. Maging ang magulang kong walong taon na rito ay hindi rin
ilang putaheng paborito nila ay kilala rin natin tulad ng paella, gambas, magawa ang nakagawiang ito ng mga Espanyol lalo na ang oras ng
conchinillo asado (na kahawig ng ating lechon de leche), at iba pa. pagtulog dahil na rin sa regular na oras ng trabaho nila sa hotel.
Naglalaan sila ng dalawang hanggang tatlong oras para sa
pananghalian dahil bukod sa marami silang nakahandang pagkain para Isports
rito ay nakaugalian din nilang magkaroon ng siesta o sandaling
pagtulod o pagpapahinga pagkatapos kumain. Ang buong bansa ay Kung sa Pilipinas ay may basketball court sa halos lahat ng sulok ng
nagis-siesta kaya't karaniwang nagasasara ang mga tindahan, paaralan, barangay, sa espanya ay soccer o football naman ang tanyag na laro at
at pagawaan mula ikaisa hanggang ikaapat na hapon para sa mahabang nilalaro o nilalahukan ng halos lahat ng kabataan saanmang bahagi ng
pananghalian at siesta. Gayunpaman, napansin kong sa Barcelona at sa bansa. hindi makokompleto ang kanilang linggo kung hindi sila
FILIPINO FINAL EXAM REVIEWER
makakapanod ng paborito nilang koponan ng soccer. Ang Real Nakwento ni Hesus ang tungkol salipon ng mga dalaga o abay na
Madrid, isang koponan ng soccer na nakabase sa Madrid, Espanya ang kasali sa isang magaganap na kasalan. Sa pag hihintay sa lalaking
itinuturing na pinakapopular na soccer club sa buong mundo na may ikakasal, ang sampung dalaga ay may dala-dalang lampara. Lima sa
mahigit na 228 milyong tagasuporta. kanila ang matatalino sapagkat sila ay naghandang ekstrang langis
ANG MUNTING BARILES kung sakali sila ay maubusan. Ang natitirang lima namanay
May isang mapangahas at matalinong negosyante na si Jules Chicot at masasabing hangal dahil hindi
gusto niyang maangkin ang lupa ng isang matandang si Nanay Sila naghanda ng ekstrang langis.Pagkasapit ng madaling araw, narinig
Magliore. nila na parating na ang lalaking ikakasal. Inihanda nila ang kanilang
lampara ngunit naubusan ng langis ang lampara ng mga
Ilang beses nang inalok at sinubukang hikayatin ni Chicot si Magliore hangal.Sinubukan nilang humingi sa matatalino ngunit sila'y hindi
upang payagang bilhin ang kanyang lupa ngunit kadalasang nabigyan. Sila ay umalis upang bumiling langis. Nang dumating ang
tinanggihan ni Magliore si Chicot. lalaking ikakasal, wala sila. Pagkadating ay nakita nila na ang pintuan
ay sarado na. Sila'y nagmaka-awa upang sila'y pagbuksan ngunit huli
Isang araw, pumunta ulit si Chicot sa bahay ni Magliore. Inalok niya na ang lahat.
ang isang kasunduan na hindi siya magtangkang vilhin ang bahay pero
babayaran niya ang matanda. Kumunsolta ang matanda sa abogado sa
sumunod na araw tungkl sa kasunduhan at sa huli ay pumayag siya.
Tatlong taon na ang lumipas at naiinis na si Chicot dahil malakas pa
rin si Magliore.

Isang araw, inanyaya niya si Maglior na bumisita at maghapunan sa


bahay ni Chicot. Una, naghanda siya ng masaganang hapunan subalit
hindi na masyadong kumakain si Magliore.
Kaya niya inihanda ang munting bariles at inalok sa matanda ang alak.
Hindi tinanggihan ni Magliore at naengganyo siya na matikman ang
alak. Nalulong si Magliore sa alak at nagbigay ito ng masamang
epekto sa kanya kaya siya namatay bago mag-Pasko.

Pagkatapos ng pagkamatay ng matanda ay kinuha ni Chicot ang lupa


at ipinalabas niya na kasalanan ni Magliore kung bakit siya namatay.

BUOD NG SAMPUNG DALAGA ( PARABULA)

You might also like