You are on page 1of 2

Panuto: Isulat ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang haba, tono at diin ay karaniwang nagkakasama-sama sa pagbigkas ng isang


__________ ng salita.
a. titik b. baybay c. pantig d. pangkat
2.Ang salitang kahapon ay mayroon itong tatlong pantig. Alin sa tatlong pantig na ito,
ang binibigkas nang may mataas ang tono at mas malakas?
a. ka b. ha c. pon d. n
3. Ang tuldok (.) pagkatapos ng patinig tulad ng salitang /bu.hay/ (life) ay
nangangahulugan ng __________.
a. pagpapaikli ng katinig na kasunod nito
b. pagpapaikli ng patinig na sinusundan nito
c. pagpapahaba ng katinig na kasunod nito
d. pagpapahaba ng patinig na sinusundan nito
4. Alin sa sumusunod na mga salita ang nangangahulugan ng ‘profit’?
a. tu.bó b. tu.bo c. tú.bo d. ťu.bo
5. Baka may baga sa loob ng paso kaya ikaw ay napaso. Paano isusulat ang mga
salitang may salungguhit ayon sa tamang haba at diin ng salita?
a. /baká/, /ba.gá/, /pa.sò/, /pa.sô/
b. /baká/, /ba.ga/, /pa.sò/, /pa.sô/
c. /báka/, /ba.ga/, /pa.sò/, /pa.sô/
d. /baká/, /ba.ga/, /pa.sô/, /pa.sò/
6. Makahulugan ang tono sapagkat ito ay __________.
a. nagpapabago sa kahulugan ng pahayag
b. napanatili ang kahulugan ng pahayag
c. naitago ang tunay na kaahulugan nito
d. naibigay ang kasalungat na kahulugan nito
7.Alin sa dalawang pahayag ang binibigkas na may paitaas na tono sa hulihan?
a. Kahapon? b. Kahapon.
8. Ito ang sandaling pagtigil sa pagsasalita. Magkaroon ng kalituhan sa pakikipag-
usap kapag hindi ito nagamit nang wasto.
a. tono b. haba c. diin d. antala
9. Saan dapat ilalagay ang simbolong # para matukoy na ibang tao si Doc at ang
pangalan ng nagsasalita ay Alejandro Jose?
a. Doc Alejandro Jose # ang pangalan ko.
b. Doc Alejandro # Jose ang pangalan ko.
c. Doc # Alejandro Jose # ang pangalan ko.
d. Doc # Alejandro Jose ang # pangalan ko.
10. Paano bibigkasin ang salitang may salungguhit?

Tapat Dapat
Kung maghahanap
Kaibigang kausap
Dapat ay tapat.

a. KAibigan b. kaiBIgan
c. kaIbigan d. kaibiGAN

You might also like