You are on page 1of 2

Ano nga ba ang ‘School-leavers’?

Ang ‘school-leaver/s’ ay mga mag-aaral na malapit ng umalis o


magsisipagtapos na sa ‘secondary education’.

Paano nga ba natin maiiwasan o ano nga ba ang aking gagawin bilang isang guro sa bawat indibidwal na
umalis na ng paaralan at may baluktod na pamantayan sa pagpili ng poltikong iluklok sa isang posisyon
sa gobyerno?

Unang una, mamamahagi ako ng impormasyon at ebidensya sa mga estudyanteng nagsipag-alisan sa


paaralan at sa mga nag-aaral pa, na ang nilalaman ay ang kredensyal ng bawat kandidato. Kung ano yung
mga nagawa, gagawin, at plinaplano nilang gawin sa mga susunod pa na taon. Ipapakilala ko sa kanila at
magsasaliksik ako ng mga suportang ebidensya at ipapamahagi ko sa kanila. Ibibigay ko ito sa kanila
hindi para impluwensyahan ang kanilang desisyon, opinyon o gustong kandidato kundi para
maliwanagan at malinawan sila sa mga hangarin ng mga kandidatong ito. Kung kasama ba ang buong
mamamayan at kung kasama ba tayo sa mga plano niya.

Ang realidad sa politikang Pinoy ay madali lang ilarawa, isang bagay lamang ang pumapasok sa isipan ko,
kundi kaswapangan. Sa totoo lang, kung sino man sa inyo na makabasa nito ay itukoy ang isang taong
tumatakbo sa isang posisyon sa gobyerno na ang nasa isipan ay tunay na pagmamahal sa bayan at di ang
personal na interes sa kayamanan at kapangyarihan? Sa hanay ng ating mga kandidato sa ngayon,
meron ba sa kanila ang may hangaring itama ang mga mali sa politika? O baguhin at unlarin ang buhay ni
Juan dela Cruz?

Hindi porke’t siya ay nagpagawa ng ating mga kalsada, o nagpadala ng mga relief goods sa mga
evacuations, o nagpalibing ng ating mga patay, nagpaaral ng ating anak, ninong o ninang ng ating mga
apo, magaling magsalita, gwapo, artista at sikat, ay ating na iboboto.

Ito ngayon ang hamon sa ating mga kababayan. Itama ang politika sa ating bayan. Pumili ng tamang
taong mamumuno. Alisin na ang dynasty sa ating bansa. Tumakbo at labanan ang mga tiwaling lider ng
ating komunidad.

Gamitin ang inyong karapatang bumoto na panlaban sa katiwalian. Palitan ang takbo ng politika ng ating
lalawigan upang ang buong bansa ay tuluyan nang umusad tungo sa pagbabago at kaunlaran.

Kaya bilang isang guro, patuloy kong gagamitin ang boses ko para sa mga bata, o matandang walang
kaalam-alam sa buhay, sa plataporma, at sa kredensyal ng isang tumatakbong kandidato. Patuloy akong
maananaliksik at mamamahagi ng kaalaman sa mga Pilipinong bukas nga ang mata ngunit sarado naman
ang utak at bibig. Tutulungan ko sila na mapagtanto nila na ang dapat piliin, iboto, iluklok ay isang tao
walang bahid ng kasamaan at kasinungalingan, serbisyong totoo lamang ang hangarin sa bansa, at sa
komunidad at sa buong mamamayan. Sa bidyong aking pinanuod, hindi ko hahayaan na maging katulad
nila mag-isip ang isang indibidwal na estudyanteng umalis o nakapagtapos ng ‘secondary education’.

“It’s easier to fool people than to convince them that they have been fooled”, Mark Twain. Matuto na
tayo sa nakaaraan. “Never forget, never again”.

Ang masasabi ko naman bilang isang guro sa mga taong sumusuporta kay Pastor Apollo Quiboloy ay
kinakailangan nilang maghanap ng ‘rational basis’ na totoo ang mga sinasabi ng Pastor. Bago tayo
maniwala sa sinasabi niya o ng isang tao, kinakailangan natin maghanap ng resibo, kung talaga nga bang
napatigil niya ang isang lindol, kung talaga nga bang ‘exempted’ siya sa pagkakaroon ng COVID-19,
kailangan natin mag-isip ng mag-isip. Iyan ang itutulong ko sa mga ‘school-leaver/s’, magbabahagi ako
ng aking mga nalalaman at bubuksan ko ang kanilang mga isipan na bago tayo maniwala sa mga sinasabi
ni Quiboloy ay magbasa muna tayo ng bibliya, upang sa ganon malalaman natin na ang mga salitang
sinasabi at binibitawan niya ay nanggaling at pinag-aralan niya mula sa bibliya. Sa Pilosopiya kailangan
muna natin magsaliksik upang makakuha tayo ng sapat na ebidensya upang mapatunayan na totoong
nangyari ang pinaniniwalaan natin, ganun din ngayong 21st century, kailangan at importante sa akin
bilang guro na magsaliksik muna, bago maniwala, para bago ko sabihin o ipamahagi ang aking nalalaman
sa mga ‘school-leaver/s’ ay may suporta ang mga sinasabi ko, upang makumbinsi ko sila hindi para
talikuran si Quinoloy kundi para malinawan sila at magising sila sa katotohananan. Sinabi ni Quiboloy sa
bidyo ay kung bakit mayroon siya ng mga mamahaling relo, ‘private jet’, ay iyon daw ay ‘will’ ni God, na
magkaroon siya non, nagkaroon nga ba siya ng mga mamahaling materyal na bagay dahil ‘will’ siya ni
God o nakuha niya iyon dahil niloloko niya ang kanyang mga tagasunod. Sabi nga ng ‘interviewer’, “You
are either the Son of God, or you’re delusional, or you’re a very successful conman”. Bago tayo
sumampalataya at maniwala, magsaliksik muna tayo. Itinuturo ng Bibliya na nilalayon ng Diyos na
magkasabay ang ating pananampalataya at ang ating mga kilos. Huwag tayong maniniwala at
magtitiwala sa isang tao, maski Pastor o kandidatio man ‘yan ng walang basehan.

“For many will come in My name, saying, ‘I am the Christ,’ and will deceive many.” Matthew 24:5

Magtungo naman tayo sa mga tagasunod ni Jay Rence B. Quilario o mas kilala na ‘Senior Agila. Bilang
isang guro, ano nga ba ang maitutulong ko sa mga ‘followers’ ni Senior Agila?

Bilang isang guro, hindi ko maisip ang sakit at hirap na dinadanas ng mga menor na edad na
nagtatrabaho sa murang edad, sapilitang ikakasal sa taong hindi kakilala, at sa mga babaeng sapilitang
hahalayin ng may pahintulot mula kay Senior Agila. Bilang isang guro nasasaktan ako sa mga batang
hindi nabibigyan ng sapat na edukasyon, imbes na protektahan ng isang magulang ang kanyang anak,
kinokonsinte pa at parang wala lang sa kanya ang dinadanas ng kanyang anak. Hindi sila tumulad sa mga
nanay na tumiwalag na sa samahan dahil hindi na nila maatim ang kalupitan ng kultong iyon.

Paano ko nga ba gagamitin ang king boses bilang guro sa mga tagasunod at membyro ng kultong ito?

Una, makikipagtulungan ako sa ahensya ng gobyerno upang magkaroon ng malawakang imbestigasyon


sa mga nangyayari sa loob ng SBSI. Kakausapin ko ang mga mamamayan na makipagtulungan sila dahil
para naman ito sa kaligtasan nila. Susubukan ko bang baguhin ang kanilang paniniwala? Hindi, ngunit isa
ako sa magiging daan at boses nila upang maging malaya sila at magawa nila ang mga bagay na gusto
nilang gawin. Bibigyan ko sila ng mga ebidesya laban sa SBSI upang makita nila ang mga kababuhayn,
kahayupan at hindi makataong pagtrato sa mga musmos at menor de edad. Kailangan ng bansa natin
ng mataas na antas ng edukasyon para hindi maging mang-mang at uto-uto ang mga tao, kaya
bilang isang guro, at isang mamamayan ng Pilipinas ay inaanyayahan ko ang bawat isa na
magsaliksik, mag-aral, at huwag maniwala sa mga sabi sabi ng walang basehan.

You might also like