You are on page 1of 2

Semi- Detalyadong Banghay Aralin sa Music 5

I. Layunin

a. Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng tempo.

b. Nakikilala ang kaibahan ng iba’t ibang uri ng tempo sa pamamagitan ng pakikinig.

c. Nagbibigay-kasiyahan habang ginagawa ang pag-awit.

II. Paksang Aralin

Paksa : Tempo

III. Pamamaraan

A. Pangunang gawain

a. Pagbabalik-aral

 Ano ang tinalakay natin kahapon?

B. Pagganyak

C. Paglalahad

Ang Tempo ng musika ay nasusukat sa pamamagitan ng isang metronome. Ito ay


ginagamit upang malaman ang bilang ng kumpas sa isang minute. Ang bilang ng beat sa
kaliwang-itaas na bahagi ng isang likhang awitin.

Bukod sa paggamit ng isang metronome upang maging gabay sa pag sunod sa


wastong bilis o bagal ng isang awitin, maari rin tayong gumamit ng mga salitang
naglalarawan ng iba’t ibang Tempo sa musika. Kadalasang ginagamit sa mga likhang
awit ay mga salitang nasusulat sa wikang Italya. Ang mga salitaang ito ay nagbibigay ng
ideya sa mga mang-aawit o manunugtog kung gaano kabilis o kabagal dapat awitin o
tugtugin ang isang kanta.

Largo napakabagal ( very slow, broad )


Andante Mabagal (slow )
Moderato Hindi gaanong mabilis, hindi gaanong
mabagal, katamtaman lamang.
Allegro Mabilis (fast)
Vivace Mas mabilis at mas masigla (quick, lively)
Presto Mabilis na mabilis (very,very fast)
Ritardando Pabagal nang pabagal (gradually becoming
slower)
Accelerando Pabilis nang pabilis (gradually becoming
fast)
D. Paglalahat

Ano ang tinalakay natin ngayon?

Ano ang tempo?

E. Paglalapat

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang tawag sa element ng musika na naglalarawan sa bilis o bagal ng musika?

2. Ano ang mga salita sa wikang Italya na maaaring maglarawan ng iba’t ibang uri ng
bilis o bagal ng musika?

3. Sa mabilis na daloy ng awit, ano ang wastong tawag na tempo para dito? Sa mabagal?
Sa pagbababagal na tempo?Mabilis?Papabilis na tempo? Mabagal na mabagal? Mabilis
na mabilis?
IV. Pagtataya

Panuto : Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. allegro a. mabagal na mabagal

2. largo b. mabilis na mabilis

3. Andante c. Mabilis

4. Moderato d. hindi gaanong mabilis, hindi gaanong


mabagal
5. Vivace
e. mabagal
6. Accelerando
f. mas mabilis at mas masigla
7. Ritardano
g. pabagal nang pabagal
8. Presto
h. pabilis nang pabilis

You might also like