You are on page 1of 6

Ikalawang Markahan

Activity 1

Iba’t- ibang paraan ng pagmamahal sa


bayan na ipinamalas ng mga Pilipino sa
panahon ng digmaan

I. LAYUNIN
1. Nagbibigay ng iba’t-ibang paraan ng pagmamahal sa bayan na
ipinamalas ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan
2. Nahihihinuha ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan
3. Naipapamalas bilang isang mamamayang Pilipino ang pagmamahal sa
Bayan

II. KONSEPTO
Iba’t ibang paraan ang ginamit ng mga Pilipino para ipakita ang
pagmamahal nila sa bayan noong panahon ng digmaan.
Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa gamit ang armas
Marami sa mga Pilipino ang sumama sa kilusang katipunan, gerilya at
HUKBALAHAP. Iba’t-iba ang naging propesyon ng mga taong sumapi
dito.Hindi sila naniwala sa ipinakitang layunin ng mga mananakop sa bansa
kaya ninais nilang wakasan ang pananakop ng mga ito. Ang ilan sa kanila ay
naglagi sa mga kabundukan, kagubatan at malalayong pook; ang iba naman
ay nanatili sa mga lungsod o bayan. Sinasalakay nila ang mga garison ng
mananakop. Kinukuha nila ang mga armas ng mga kalaban at ginagamit ito
sa pakikipaglaban. Ilan naman sa kanila ay labis ang naging galit sa mga
kalaban kung kaya’t pinapatay nila ang mga ito.

Pagbubuwis ng buhay para sa inang bayan


Ipinamalas ng marami sa ating mga bayaning Pilipino ang pagmamahal
nila sa bayan sa pamamagitan ng pagbubuwis ng kanilang mga buhay. Ilan
sa Pilipinong nagbuwis ng buhay sa panahon ng digmaan ay sina Jose Abad
Santos, Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar, Diego Silang, mga kababaihang
sina Theresa Magbanua, Gabriela Silang at marami pang iba.

Pagpapakita ng pagmamahal sa bayan gamit ang sining at Panitikan


Ilan sa mga manunulat na Pilipino ang nagpakita ng hindi pagsang-
ayon sa mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop sa bansa. Gamit ang
kanilang sining at panitikan inilathala nila ang mga pagmamalabis at di
mabuting ginagawa ng mga mananakop sa mga Pilipino. Ilan sa kanila ay
sumapi sa mga samahan kagaya ng Kilusang Propaganda at La Liga Filipina.
Ilan sa mga Pilipinong nagpakita ng pagmamahal sa bayan sa panulat na
paraan ay sina Marcelo H. del Pilar, Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Jose
Ma Hernandez (Panday Pira), NVM Gonzales, Narciso Reyes at Liwayway Arceo
Ang iba naman ay sa pamamagitan ng sining gaya ng mga bantog na pintor
na sina Juan Luna at Felix R. Hidalgo.

Pagtulong sa mga nangangailangang kapwa Pilipino sa panahon ng digmaan


Hindi lamang kalalakihan ang nagpakita ng pagmamahal sa bayan sa panahon ng digmaan.
Ang kababaihan ay may papel ring ginampanan para makamit ang kalayaan. Ilan sa mga babaeng ito
ay sina Josefa Llanes Escoda, na kilala dahil sa pagtatag niya ng Babaeng Iskawt ng Pilipinas na
tumulong sa mga sundalo noong panahon ng Hapon. Melchora Aquino na kilala rin bilang Tandang
Sora na nag-alaga sa mga nasugatan at mga nangangailangan ng tulong sa panahon ng Espaňol at
marami pang iba.

III. PAGSASANAY
A. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pangungusap. Iguhit kung ito ay paraan ng
pagpapakita ng pagmamahal sa bayan at kung hindi.

__________ 1. Pagsasawalang kibo sa mga kamaliang nagaganap sa lipunan basta’t hindi ka


nadadamay.
__________ 2. Pagbubuwis ng buhay para sa Kalayaan.
__________ 3. Pagsang-ayon sa mga nais ipatupad ng mga mga banyagang mananakop ng ating
bansa.
__________ 4. Pagyakap sa mga turo at aral ng mga dayuhan.
__________ 5. Gumamit ng talento sa sining upang ipakita at ipamulat sa kapwa Pilipino ang
ginagawang kalupitan sa bansa.
__________ 6. Tinuro at sinumbong sa mga dayuhan ang kapwa Pilipino na may pagkikilos na
nagaganap upang labanan ang mga dayuhan.
__________ 7. Tinatangkilik ang gawang Pilipino na mga produkto.
__________ 8. Nandaraya sa kapwa upang makapanlamang.
__________ 9. Inaalagaan at tumutulong sa mga sundalong sugatan.
__________ 10. Nagsusulat ng mga kuwento na patungkol sa pagmumulat sa mga Pilipino sa pang-
aalipin ng mga dayuhan.

B. Sa loon ng kahon, gumawa ng isang poster-slogan na ipinapakita ang pagmamahal sa bayan.


Rubriks sa pagwawasto ng poster-slogan:
Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pang
(4 puntos) (3 puntos) (2 puntos) magsanay
(1 puntos)
Nilalaman Lubhang Makabuluhan at Medyo akma May punto ang
makabuluhan at akma ang nilalaman nilalaman
akma
Kaangkupan ng Naipapakita at Naipapaliwanag ng May May konsepto
Konsepto naipapaliwanag ng medyo may pinapakitang naman pero
maayos ang kaayusan ang konsepto at may hindi gaanong
ugnayan ng ugnayan ng kaugnayan magkaugnay
konsepto konsepto naman
Pagkamapanlikha Orihinal ang gawa May pinagkunan ng Kinopya ang Lahat ay
unti pero sariling gawa at may kinopya
gawa unting sariling
gawa
Pagkamalikhain Gumamit ng Gumamit ng Hindi gaanong May gawa
tamang tamang gumamit ng
kombinasyon ng kumbinasyon ng kumbinasyon at
kulay upang kulay pero hindi hindi gaanong
maipahayag ang gaanong naipahayag ang
nilalaman, naipahayag ang konsepto ng
konsepto at konsepto ng mensahe
mensahe mesndahe
Kabuuang Gawa Malinis at maayos Maayos na medyo Medyo maayos May gawa
malinis ang gawa at malinis ang
gawa
Score

Sanggunian:

KAYAMANAN
Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6
Binagong Edisyon
ELEANOR D. ANTONIO
pp 80-86

Remarks:

Mga Iskor Rekomendasyon


Gawain
A
B
Ikalawang Markahan
Activity 2

Uri ng Pamahalaan at Patakarang


Ipinatupad sa Panahon ng mga Amerikano
I. LAYUNIN
1. Nanasusuri ang uri ng pamahalaan at patakaran na pinatupad ng mga Amerikano
2. Nalalaman ang layunin ng pagkakatatag ng kilusang propaganda at katipunan
3. Napapahalagahan ang ambag ng mga Pilipino sa kilusang Propaganda at Katipunan

II. KONSEPTO
Ang Kilusang Propaganda ay isang mapayapang kampanya para sa mga
reporma sa pamamagitan ng talumpati at pamamahayag.
Ilan sa mga kasapi o bumuo nito ay sina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez
Jaena, Juan at Antonio Luna, Feliz Hidalgo, at Dr. Jose Rizal.
Ang sumusunod ang mga layunin ng samahan:
a. Matamo ang pantay-pantay na pagtrato sa mga Pilipino at Español sa ilalim ng
batas
b. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
c. Pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes ng Espanya
d. Paglalagay ng mga paring sekular sa mga parokya
e. Kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag
Bagama’t hindi naging matagumpay ang Kilusang Propaganda sa pagpapatupad ng mga
layunin nito, nagbigay daan naman ito sa pagbuo ng lihim na kapisanang tinawag na
Katipunan.

III. PAGSASANAY
A. Sa inyong pagkakaunawa ibigay ang ibig sabihin ng mga sumusunod na salita:

PROPAGANDA

KATIPUNAN

KATIPUNERO

SEDULA

SEKULAR

B. Kilalanin ang mga nasa larawan. Isulat ang kanilang mga pangalan at isulat ang KP kung siya
ay kabilang sa KILUSANG PROPAGANDA KK kung kabilang sa KILUSANG KATIPUNAN.
Remarks:
Mga Iskor Rekomendasyon
Gawain
A
B

You might also like