You are on page 1of 2

Di-Masusing Banghay Aralin sa EPP V

Petsa: January 17, 2024

I. Layunin
a. naisasagawa ang pagluluto
b. naihahanda ang mga sangkap sa pagluluto
c. nasusunod ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa
paghahanda at pagluluto ng pagkain.

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Pagsasagawa ng Pagluluto
B. Sanggunian: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, pahina
158-173
C. Mga Kagamitan: aklat, laptop, tv, larawan
D. Pagpapahalaga: pagpapahala sa kalusugan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ang mga mag-aaral ay huhula gamit ang Four Pics, One Word

FOOD PYRAMID MENU PATTERN GROW FOOD

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng pagkain at mga
kagamitan sa pagluluto ng pagkain.
2. Paglalahad
 Nakatikim na ba kayo ng ganitong ulam?
 Gusto niyo bang makatikim ng kare-kare/adobo?
 Sa palagay ninyo, ano-ano kaya ang mga sangkap na
ginamit sa pagluluto ng kare-akare/adobo?

3. Pagtalakay
(Talakayin ang nasa pahina 162 hanggang 171).
Ipanuod ang sample videos ng pagluluto)

C. Paglalahat
Ipasulat ang TANDAAN sa pahina 171.
D. Paglalapat
Panuto: Isulat sa patlang ang titik T kung tama ang pangungusap at
titik M naman kung mali.
__________1. Mahalagang alam natin ang wastong pagpili sa mga pagkain na
dapat nating lutuin o ihain.
__________2. Sa pagbili ng mga pagkain na lulutuin, dapat suriing mabuti ang
kalidad nito.
__________3. Sa paghahanda ng pagkain ayos lamang na wala kang resiping
gagamitin.
__________4. Dapat maghugas ng mga kamay bago hawakan ang mga lulutuin.
__________5. Sa pagluluto ng pagkain, hindi dapat isaalang-alang ang dami ng
lulutuin.
__________6. Tiyaking tama ang ilalaang oras sa paghahanda ng pagkain upang
maging komportable at ligtas sa anumang panganib.
__________7. May iba’t ibang paghahanda sa mga sangkap na kailangan sa
pagluluto.
__________8. Sa pagluluto, hindi mahalaga kung masikip at madilim ang lugar
na iyong paglulutuan.
__________9. Sa paghahanda ng hapag-kainan, ang mga kasangkapang
gagamitin ay dapat malinis, walang mantsa at lamat.
__________10. May isang texture lamang ang pagkain.

Inihanda ni:
APRIL O. SANDRINO
Substitute Teacher

You might also like