You are on page 1of 9

PANG-ARAWANG TALAAN PAARALAN: ANTIQUE NATIONAL SCHOOL (Night Secondary BAITANG at Grade 9- St.

Anthony
Class) PANGKAT:
NG ARALIN SA ARALING
GURO: Mae Ann Raymaro ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN 9
PANLIPUNAN 9
PETSA & ORAS: MARKAHAN: IKAAPAT NA MARKAHAN

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-
Pangnilalaman araw-araw na pamumuhay.

B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay sa mga pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at
Pagganap maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

C. Mga Kasanayan sa 
Pagkatuto 

Code: AP9MSPIVb-3

Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay


II. PAKSANG-ARALIN
 Mahalagang Konsepto sa Ekonomiks

Integrasyon: Music, EsP

III. KAGAMITANG Modyul, laptop (powerpoint), mga larawan


PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay Gabay Pangkurikulum (MELC)
ng Guro
2. Mga Pahina sa Modyul pp.253-256
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga pahina sa aklat

4. Iba pang Kagamitang https://tl.m.wikipedia.org


Panturo na maaaring
mula sa Learning http://www.yo.utube.com/watch?v=hkfOuCzJl78
resources (LR)Portal

IV. PAMAMARAAN Mga Aktibidad sa Pag-unlad Mga Aktibidad sa Pagtatasa

A. Balik-aral sa nakaraang  Pagdadasal


aralin at/o pagsisimula  Pagbati
ng bagong aralin  Paglista ng liban
 Balik-aral sa nakaraang aralin.
Formative Assessment

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang tinalakay natin noong nakaraan?


B. Pagganyak: Paghahabi Layunin:
sa layunin ng aralin
 Natutukoy ang iba’t-ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang Formative Assessment
makatulong sa pambansang kaunlaran.
 Napahahalagahan ang sama-samang pagkilos ng mamamayang Pilipino Socratic Method (Tanong at Sagot)
para sa pambansang kaunlaran.
 Naipapakita sa pamamagitan ng dula-dulaan, pagsulat ng tula, paggawa
ng jingle at paggawa ng isang poster ang iba-t-ibang estratehiya na
makatutulong sa pag-unlad ng bansa.
Gawain: INSTA-SAGOT!

 Pansinin ang mga larawan. Suriing mabuti ang kalagayan ng bawat


larawan at bigyan ito ng malikhaing pamagat.

Pamagat:

Pamagat:
Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang iyong napuna sa mga larawan? Alin ang higit na nakapukaw ng
iyong pansin at bakit?
2. Alin sa malikhaing pamagat na ibinigay mo sa mga larawan ang ninais mong
maging kalagayan ng iyonglipunan at n gating bansa? Ipaliwanag.
C. Pag-uugnay ng mga Paglalahad ng bagong aralin gamit ang mga larawan na ginamit sa pagganyak.
halimbawa sa bagong
aralin bilang paglilinaw
sa mga bagong Unlocking of Difficulties:
konsepto
 mapanagutan- pagiging responsible sa pagtupad sa mga pangako o
napagkasunduan.
 maabilidad- madiskarte at maparaan sa lahat ng bagay
 makabansa- pagmamahal o paggalang na mayroon ang isang indibidwal
para sa kanyang bayan
 maalam- marunong
D. Activity/ Gawain Gawain: Awitin Mo at Gagawin Ko! Pangkatang Gawain

 Sa gawaing ito, susuriin mo ang isang awiting pinasikat ni Noel


Cabangon. Inilahad sa awitin ang mga simpleng pamamaraan upang
matawag tayong “Mabuting Pilipino”. Gawing gabay ang mga
pamprosesong tanong sa pag-unawa at pagninilay sa ating aralin.
Pag-uulat

Ako'y Isang Mabuting Pilipino

Noel Cabangon
Ako'y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Tumatawid ako sa tamang tawiran


Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at 'di nakikipag-unahan
At 'di ako pasiga-siga sa lansangan

Bumababa't nagsasakay ako sa tamang sakayan


'Di nakahambalang parang walang pakiaalam
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako 'pag ang ilaw ay pula

'Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino


Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

'Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay


Ticket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay
Ako'y nakatayo doon mismo sa kanto
At 'di nagtatago sa ilalim ng puno

'Di ako nagkakalat ng basura sa…

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang pangkalahatang mensahe ng awitin?


2. Paano mo maiuugnay ang mensahe ng awiting ito sa pagtatamo ng
kaunlaran?Ipaliwanag.
3. Kanino kayang mga tungkulin ang inilahad sa awitin? Ano ang
implikasyon nito sa pambansang kaunlaran?
4. Ano ang pambansang kaunlaran?
E. Analysis/ Pagsusuri  Ang guro ay sisiyasatin/susuriin ang gawain/sagot ng mga mag-aaral. Tanong at Sagot

Pamprosesong mga Tanong:

1. Base sa ulat ng bawat grupo, ano ang mensahe ng awitin?


2. Base sa ulat ng bawat grupo, paano maiuugnay ang mensahe ng awitin
sa pagtatamo ng kaunlaran? Ipaliwanag.
3. Base sa ulat ng bawat grupo, kaninong mga tungkulin ang inilahad sa
awitin? Ano ang implikasyon nito sa pambansang kaunlaran?
4. Base sa ulat ng bawat grupo, ano aqng pambansang kaunlaran?
F. Abstraction/Pagnilayan  Ang guro ay magbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga Pagtatalakay
at Unawain estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

Mga Estratehiya na Makatutulong sa Pag-unlad ng Bansa

1. Mapanagutan
 Tamang pagbabayad ng buwis
 Makialam
2. Maabilidad
 Bumuo o sumali sa kooperatiba
 Pagnenegosyo
3. Makabansa
 Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
 Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
4. Maalam
 Tamang Pagboto
 Pagpapatupat at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran
sa komunidad
G. Pagpapahalaga  Paano ka makatutulong sa pag-unlad ng bansa bilang isang mabuting Socratic Method
Pilipino? Pagtibayin.

H. Paglalahat  Ano ang mga natutunan niyo ngayong araw? Socratic Method
 Ang mga mag-aaral ay ibubuod ang topiko na tinalakay.

I. Application/ Gawain: Kapit-Bisig! Pangkatang Gawain


Paglalapat/
Pagsasabuhay Panuto: Magsagawa ng isang brainstorming upang masuri ng mabuti ang paksa.
Ipakita sa klase ang resulta ng pagsusuri ng ilan sa mga estratehiyang
makatutulong sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng: Rubrik sa Pagtatanghal

 Bumuo ng tatlong pangkat.


Unang Pangkat- Dula-dulaan (Mapanagutan)
Pangalawang Pangkat- Pagsulat ng Tula (Maabilidad)
Pangatlong Pangkat- Poster Making (Makabansa)
Ikaapat na Pangkat- Pagsulat ng Jingle (Maalam)

Rubrik sa Pagtatanghal
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos

Nilalaman Naipakita sa pamamagitan ng 30


ginawang pagtatanghal ang
pagsusulong sa sama-samang pagkilos
para sa pambansang kaunlaran.

Pagkamalikhain Ang mga konsepto at simbolismong 20


ginamit ay naging makabuluhan upang
lubos na maipakita ang sama-samang
pagkilos sa aktibong pakikisangkot
tungo sa pambansang kaunlaran.

Mensahe Ang mensahe ng ginawang 20


pagtatanghal ay direktang nakatugon
sa mga estratehiyang inilahad sa
aralin.

Pamagat Naipaloob ng wasto ang konsepto ng 15


sama-samang pagkilos tungo sa
pambansang kaunlaran sa pammagat
ng ginawang pagtatanghal.

Pakikisangkot sa Ginawa ng bawat kasapi ng grupo ang 15


Grupo mga iniatang na Gawain para sa
ikagaganda ng pagtatanghal.

Kabuuang Puntos 100

J. Pagtataya ng Aralin Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa isang pirasong papel. Paper and Pencil Test
(Ang pagsusuri ay
kailangang nakabatay 1. Datapwat seryoso ang pamahalaan na labanan ang korapsyon, patuloy
pa rin ang maling paggasta ng kaban ng bayan. Bilang isang
sa tatlong uri ng
mapanagutang mag-aaral, paano ka makatutulong upang masugpo ito?
layunin)
2. Maraming tao na ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan
upang magtagumpay sa kahit anumang negosyo. Ilan sa mga ito sina
Lucio Tan, Henry Sy, at Manny Villar. Bilang isang maabilidad na mag-
aaral, paano ka makapag-aambag sa ekonomiya ng bansa kahit sa maliit
na pamamaraan?
3. Maliban sa mga nabanggit na halimbawa, paano mo ipinakikita ang
iyong pagiging makabansa?
4. Ang pagboto ay isang obligasyon ng mga mamamayan ng bansa. Hindi
natatapos sa pagboto ang obligasyong ito. Kinakailangang makilahok
ang bawat isa sa mga proyektong pangkaunlaran. Bilang isang mag-
aaral, paano mo ginagamit ang iyong pagiging maalam sa pagpili ng
pinuno at pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan?

K. Karagdagang Gawain
para sa takdang-aralin
at remediation kung
kinakailangan

V- MGA TALA

VI– PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral


na nakakuha ng 80% sa
pagtataya sa Formative
Assessment

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation

C. Gawaing Pangremedyal

D. Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin

E. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation

Inihanda ni: Pinagtibay ni: Inaprubahan ni:

MAE ANN B. RAYMARO MARY CRIC C. NORILLA NOEL M. NEQUIN


Guro sa Araling Panlipunan Head, ANS Night Secondary Principal II, ANS Night Secondary

You might also like