You are on page 1of 1

Pangalan: Geo A.

Temblor

"Ulahingan: Isang Paglalakbay sa Panitikan"

Ayon sa taga-ulat, ang Ulahingan ay isang local na termino sa tumutukoy sa isang


koleksyon ng mga kuwento na ginagawa sa pamamagitan ng mga awit. Ang mga Manobo ay
isang grupong etniko, ay nagpapakita at nagpapanatili ng kanilang mga kuwento sa pamamagitan
ng oral na komunikasyon sa pamamagitan ng natatanging paraan ng pag-awit na tinatawag
na”Ulahing”.
Sa isang lugar ng Arakan sa balay ni Datu Batig pumunta ang isang mga mananaliksik na
layuning malaman ang kanilang mga kasaysayan.Umusbong ang isang kuwento na nagdudulot
ng diwa at kulay sa mga kwento ng nakaraan. Ito ay isang kuwento ng kasaysayan na hindi
nasusulat sa matatabang pahina ng mga aklat, kundi inuukit sa himig at ritwal na nagtatanghal sa
kahulugan ng bawat yugto ng paglipas ng panahon.

Sa bawat pag-awit ng mga matatanda, nagiging buhay ang mga pangyayari ng nakalipas. Ang
kanilang mga tinig ay parang mga kampana na nagpapadala ng mga alaala, inililipad tayo sa
isang masalimuot na panahon ng kabihasnan at pag-usbong. Subalit, hindi sapat ang
pagkakaroon ng tinig lamang. Kailangang ipagtanggol ito ng ritwal, isang seremonya na
nagdadala ng diwa sa bawat tugtugin at kumpas.
Napapansin ko na ang mga tao rito ay nagtitipon sa ilalim ng mga puno, bitbit ang mga
kakaibang instrumento at ritwal na nagdadala ng kapangyarihan ng nakaraan. Sa pag-awit ng
mga salaysay sa pamamagitan ng mga melodiya at ritmo, unti-unti nating naiintindihan ang mga
kahulugan ng mga oras na lumipas, ang mga pakikipagsapalaran ng mga bayani, at ang paglago
ng kultura na nagbigay anyo sa ating kasalukuyan.

Sa bawat indak at pagpukaw ng kanilang mga damdamin sa ritwal, naihahayag ang kaluluwa ng
kasaysayan na nagiging buhay sa pagsusuri sa mga alaala. Sa pamamagitan ng pagkanta at
ritwal, tinatawid natin ang hangganan ng nakaraan at kasalukuyan, binubuksan ang pinto ng
kaalaman at pang-unawa. Ang bawat nota at galaw ay nagiging gabay sa atin sa paglalakbay sa
makulay na daigdig ng nakaraan, dala ang pangako ng pagpapatuloy ng alab ng kasaysayan.

You might also like