You are on page 1of 39

Kabanata - 1 Sa ibabaw ng kubyerta.

Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng


Disyembre at patungong Laguna. Nasa ibabaw ng kubyerta ang
mga makakapangyarihan na tao tulad nina Don Custodio, Donya
Victorina, Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb,
Donya Victorina, at Simoun.
Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito
bilang isang maimpluwensiyang alahero. Kilala siya sa buong
Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan Heneral.
Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe,
napag-usapan nila ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi
ni Don Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni
Simoun na kailagang gumawa nang tuwid na kanal na mag-
uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila.

Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle


dahil sa magkaiba nilang suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw
naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa
kanilang lugar dahil darami raw ang balut na pinandidirihan
niya.
Kabanata 2 - Sa ilalim ng Kubyerta.

Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan


doon dahil may mga pasahero at naroon din ang mga bagahe at
kargamenrto.
Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani
na isang makata mula sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio.
Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa
pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay.
Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita
Gomez, pamangkin ni Donya Victorina de Espadaña.
Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani.
Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun
na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani
dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas.
Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa. Tumanggi sila at
sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang lugar
ay panay tubig ang iniinom at di alak.

Kabanata - 3 Ang Alamat.

Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta sa mga alamat.


Nagsimulang ikuwento ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-
Bato. Ayon sa alamat, itinuturing daw na banal ng mga katutubo
ang lugar at tahanan ng mga espiritu.
Ngunit nang manirahan daw dito ng mga kriminal ay nawala ang
pangamba sa mga kaluluwang naroon. Sa mga tulisan na natakot
ang mga tao.
Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni Donya
Geronima. Nagkaroon dawn g kasintahan ang Donya ngunit
naging arsobispo ito sa Maynila. Sinundan daw ng babae ang
katipan at kinulit sa alok na kasal. Upang makapagtago, nanahan
ang dalawa sa isang yungib malapit sa Ilog Pasig.
Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik
na muntik nang patayin ng isang buwaya. Naging bato daw ang
buwaya nang dasalan ng Intsik ang santo.
Nabling naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra.
Ipinaturo ni Ben Zayb kung saan iyon banda sa Ilog Pasig.
Natahimik at namutla naman si Simoun.

Kabanata - 4 Kabesang Tales

Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak


naman ang Kabesa na sina Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si
Lucia dahil sa malaria.
Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales.
Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang tubuhan.
Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay
ang kasintahang si Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa
tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala ito sa
korte ngunit natalo siya.
Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may
nakitang pera sa kaniya. Pinatutubos naman siya sa halagang
500. Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang laket na
bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara.
Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay
Hermana Penchang noong bisperas ng Pasko. Dahil sa
masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na
nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa
dalaga.

Kabanata - 5 Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Gabi na nang makarating si Basilio sa kanilang bayan. Nasabay


pa siya sa prusisyong pang-Noche Buena. Naabala pa sila dahil
binubugbog ang isang kutserong si Sinong na nalimutan ang
kaniyang sedula.
Matapos ay napag-usapan nila ang rebulto ni Metusalem, ang
pinakamatandang taong namalagi sa daigdig. Idinaan naman ang
rebulto ng tatlong Haring Mago na nakapagpaalala kay Sinng
kay Haring Melchor.
Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung nakaligtas na ang
kanang paa ng bayaning si Bernardo Carpio na naipit umano sa
bundok sa San Mateo. Pinaniniwalaan kasing hari ng mga
Pilipino si Carpio na makapagpapalaya sa kanila.
Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang
kalesa. Dinala na siya sa presinto at si Basilio ay naglakad na
lamang.
Sa paglalakad niya ay napansin niyang wala man lang parol at
tahimik ang bayan kahit Pasko na. Dumalaw si Basilio sa bahay
ni Kapitan Tiago at naisalaysay ang pangyayari kay Kabesang
Tales at Juli.

Kabanata - 6 Si Basilio

Umalis si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago, madaling araw pa


lamang. Nagtungo siya sa libingan ng mga Ibarra sapagkat
anibersaryo ng pagyao ng kaniyang ina.
Nag-alay siya ng isang panalangin para sa ina. Matapos iyon ay
lumisan na rin si Basilio at bumalik na sa Maynila.
Muntik nang magpatiwakal si Basilio noon dahil sa mga
suliraning hinaharap. Nakita lamang siya nina Tiya Isabel at
Kapitan Tiago at kinupkop at pinag-aral ito sa Letran. Hirap
noong unang taon sa eskwela si Basilio at tanging “adsum” o
“narito” ang kaniyang nababanggit.Nakukutya rin siya dahil sa
kaniyang lumang kasuotan. Gayunman, walang nakapigil kay
Basilio na mag-aral.
Nagkaroon ng guro si Basilio na tinangka siyang lituhin sa isang
aralin. Ngunit nasagot ni Basilio nang ilang beses ang tangka ng
guro.
Dahil dito ay nagkaroon sila ng alitan at nagkaroon pa ng laban
sa sable at baston. Naging sobresaliente din siya o may may
pinakamataas na marka.
Hinikayat naman siya ni Tiago na mag-aral sa Ateneo Municipal
kung saan siya kumuha ng medisina.

Kabanata - 7 Si Simoun

Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng


dalawang tauhan na sina Simoun at Basilio.
Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio
ang misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa kanyang
inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si
Simoun.
Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa
kanyang huwad na katauhan ay batid din ng binata ang
binabalak ni Simoun na himagsikan laban sa mga mapang-aping
kasapi ng pamahalaan.
Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito
ay kanyang tinanggihan. Ang pangarap ni Simoun ay makatapos
ng medisina at matubos sa pagiging alila ang kanyang
kasintahan na si Huli.
Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun.
Sinabihan niya ang binata na walang kabuluhan ang buhay na
hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na
maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin para makamit
nila ang mapayapang buhay.
Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan
niyang makumbinsi ang binatang si Basilio.

Kabanata - 8 Maligayang Pasko

Si Huli ay larawan ng isang babae na pilit nagpapakatatag na


balang araw ang kanyang mga panalangin ay masasagot ng
isang himala.
Kagaya ng nakagawian ni Huli siya ay gumising ng maaga at
buong pusong umaasa na sana ay hindi na sisikat ang araw.
Tinignan niya ang ilalim ng larawan ng Birhen sa
pagbabasakaling nagkaroon na ng himala.
Huminga nang malalim ang dalagang si Huli at namulat na
lamang bigla na mali pala ang mga sapantaha niya tungkol sa
milagro. Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang sarili
habang siya ay abalang nag-gagayak.
Nagmadali siyang nagbihis upang pumunta sa bahay ng bago
niyang panginoon, si Hermana Pencahang. Bago siya umalis
kinausap at binilin niya ang kanyang lelong. Nang mapansin
iniya ang nangingilid na luha ng matanda ay dali-dali siyang
umalis.
Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang kanyang mga
kamag-anak upang mamasko. Sinalubong niya ang mga ito,
ngunit nagulat siya dahil anumang gawin niyang magsalita o
sumigaw ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.

Kabanata - 9 Ang mga Pilato

Sa kabanata na ito ipinakita ni Rizal ang pamamayani ng


kasakiman at pagiging tuso ng mga prayle.
Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa
bayan. Ang ilan ay naawa sa matanda, samantala ang mga
guwardiya sibil at mga prayle ay nagkibit lamang ng balikat.
Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay
mabilis na naghugas kamay sa narinig na balita. Sinisi pa niya si
Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng
korporasyon. Idiniin pa niya ang matanda na nagtatago ng mga
armas.
Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na
magdasal sa wikang Kastila. Ito daw ang dahilan kung bakit
napipi at naghihirap ang kanyang ama. Hindi daw sila marunong
manalangin sa langit.
Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa pananalo nila
sa usapin tungkol sa hasyenda. Sinamantala nila ang
pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni Kabesang
Tales. Maging ang matanda ay bibigyan ng kautusan ng tinyente
na lisanin ang kanyang sariling tahanan.

Kabanata - 10 Kayamanan at Karalitaan

Si Simoun ay tumuloy sa bahay ni Kabesang Tales. Siya ay may


dalang pagkain at ang kanyang ibang kailangan, at dalawang
kaban ng mga alahas.
Nagsidatingan na ang mga mamimili ng alahas ni Simoun na
sina Kapitan Basilio at ang kanyang anak na si Sinang at
kanyang asawa, at si Hermana Penchang na kung saan may
balak bumili ng isang singsing na may brilyante para sa birhen
ng Antipolo.
Lahat sila ay galak na galak sa dala dalang alahas ni Simoun,
sapagkat si Kabesang Tales naman ay napaisip sa kayamanang
dala dala ni Simoun.
Inilabas ni Simoun ang kanyang mga bagong hiyas. Dito naman
pumili si Sinang at iba pa. Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas
at pinabibili ito sa ama niyang si Kabesang Tales.
Ang kuwintas na pinili ni Sinang ay ang kuwintas ng kanyang
naging kasintahan na pumasok sa pagmomongha. Ito ay may
halagang limang daang piso.

Kabanata - 11 Los Baños

Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si


Padre Sibilya at Padre Irene ay naglalaro ng tresilyo sa bahay-
aliwan sa Los Banos.
Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na
mangyari sa panahon na iyon ay kausapin si Kapitan tungkol sa
paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Ngunit maraming
iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng pamamahala,
pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa.
Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit
naman si Padre Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre
Irene, at hinayaang manalo si Kapitan.
Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni
Padre Irene ang binata na ipusta ang kanyang mga brilyante.
Pumayag naman ito sapagkat wala namang maipupusta ang
kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo,
bibigyan nila siya ng pangako.
Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio,
Padre Fernandez, at Mataas na Kawani. Tinanong nila ang
binata kung para saan ang kanyang mga hiling. Sinagot naman
ng binata ay para ito sa kalinisan at kapayapaan ng bayan.

Kabanata - 12 Placido Penitente

Si Placido Penitente ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo


Tomas at nasa ikaapat na taon na siya ng kolehiyo. Ngunit,
malungkot ang binata at nais na niyang tumigil sa pag-aaral.
Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalang ang
natitira niyang taon sa eskwelahan. Ang ideyang tumigil sa pag-
aaral ay naisipan ni Penitente dahil sa mga kasamahan niya sa
Tanawan. Siya ang pinakamatalinong studyante at bantog sa
paaralan ni Padre Valerio noon.
Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik siya ni Juanito
Paelez, isang anak ng mayamang mestizong Kastila.
Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si Padre
Camorra at saka kinuwento naman ito ng binata.
Tinanong din ni Paelez si Penitente tungkol sa kanilang leksyon
dahil noong araw lamang na iyon ang unang pagpasok ni Paelez.
Niyaya naman ni Paelez si Penitente na maglakwatsa, ngunit
tumutol naman ito.

Kabanata - 13 Ang klase sa pisika

Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ang sukat. Malalaki


rin ang mga bintana na mayroong rehas na bakal. Sa
magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na
aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang mga mag-
aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido.
Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang
palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa pag-aaral
sa pisika ngunit nakasalansan naman sa isang aparador na
nakakandado.
Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng
San Juan de Letran. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral
upang tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido
ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng
kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido.
Siya tuloy ang napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-
utal siyang sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya ng
mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa
pari. Nainis si Placido at biglang umalis sa klase na ikinagulat
ng lahat.

Kabanata - 14 Sa bahay ng mga mag aaral.

Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga mag-


aaral. Marangya ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya.
Siya rin ang pinuno ng mga mag-aaral na may kilusan para sa
nais nilang Akademya sa wikang Kastila.
Inanyayahan niya sina Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa
isang pagpupulong. Positibo ang pananaw nina Isagani at
Sandoval na papayagan ang kanilang panukala. Habang si
Pecson naman ay duda kaya nagkaroon sila ng pagtatalo.
Ibinunyag ni Makaraig na ipinagtatanggol daw sila ni Padre
Irene sa kanilang plano. Kailangan na lamang daw nilang
mapapayag si Don Custodio, isa sa mga bahagi ng lipon ng
paaralan, sa pamamagitan nina Ginoong Pasta na isang
manananggol at si Pepay na isa namang taga-aliw. Malalapit
daw kasi ang mga ito sa pari.
Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila
hihingi ng tulong dahil marangal itong tao at tiyak na magiging
maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi sa prayle.

Kabanata - 15 Si Ginoong Pasta.

Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tinungo ni Isagani ang


tanggapan ni Ginoong Pasta. Kilala si Ginoong Pasta sa talas ng
kaniyang isip at angking katalinuhan. Sa kaniya lumalapit ang
mga pari upang manghingi ng payo kung nasa isang gipit na
sitwasyon.
Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa kanilang balak.
Nais niyang kausapin ni Ginoong Pasta si Don Custodio at
mapasang-ayon ito.
Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang misyon ng
kanilang kilusan. Nakinig naman ang Ginoo ngunit akala mo ay
walang alam at walang pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral.
Nakiramdam naman si Isagani kung naging mabisa ba ang mga
salita niya sa Ginoo.
Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ng Ginoo ang kaniyang
pasya. Ayaw niya raw makialam sa plano ng mga mag-aaral
dahil maselan daw ang usapin at mas makabubuti raw na ang
pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito. Malungkot
naman si Isagani sa naging pasya ng Ginoo.

Kabanata - 16 Ang kasawian ng isang instik

Isang negosyanteng Intsik si Quiroga. Sa kabila ng hinaharap na


pagkalugi ng kaniyang negosyo ay nagawa pa nitong
magpatawag ng isang hapunan. Pakay niya na magkaroon ng
konsulado ang Tsina sa bansa. Inimbitahan niya ang mga
military, kawani ng gobyerno, mga prayle, at kapuwa
negosyante.
Naroon din si Simoun. Hindi lamang pagsama sa hapunan ang
pakay ng alahero kung hindi maging ang paniningil sa utang ni
Quiroga. Gayunman, dahil nga sa pagkalugi ng kaniyang
negosyo, hindi siya makababayad kay Simoun ng limang libong
piso.
Inalok naman siya ni Simoun na maaari niyang bawasan ng
dalawang libong piso ang pagkakaurang ng Intsik kung papaya
itong maitago ang mga armas sa kaniyang bodega.
Ipinaliwanag ni Simoun na wala raw dapat ikatakot ang
negosyante sapagkat unti-unti rin umanong ililipat ang mga ito
sa ibang lagakan. Walang nagawa ang Instik kung hindi
pumayag sa alok ni Simoun.
Nag-uusap naman sina Don Custodio tungkol sa ipadadala sa
bansang India upang matutong gumawa ng sapatos para sa
sandatahan.

Kabanata - 17 Ang perya sa Quiapo.

Umalis na sa bahay ni Quiroga ang labindalawang bisita niya.


Ngayon naman ay pupunta sila sa isang peryahan sa Quiapo at
sa bahay ni Mr. Leeds.
Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng
nakikita niya sa peryahan. Kilala kasi bilang makamundo ang
prayleng iyon. Lalong nadagdagan ang kaniyang tuwa nang
makasalubong si Paulita Gomez. Kasama nito ang kaniyang
tiyahin na si Donya Victorina. Iyon lang, kasama din nila si
Isagani na katipan ni Paulita.
Nakarating sila sa isang tindahan ng mga rebultong kahoy. Doon
ay nagsabihan ng mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni
Mr. Leeds. Sabi ng isa na ang estatwa ay kahawig ni Ben Zayb
habang ang isa naman daw ay kahawig ni Camora dahil
maraming likha ang mga kahawig ng pari.
Mayroon silang nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Wala
sa paligid ang alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika
naman si Ben Zayb na baka natatakot lamang si Simoun na
mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds.

Kabanata - 18 Ang mga kadayaan.

Sa kabanatang ito makikita ang malaking pagkakahawig ng


dalawang karakter na sina Simoun at Mr. Leeds.
Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ay siniyasat
muna ni Ben Zayb ang buong bulwagan. Maging ang mga gamit
ng Amerikano ay hindi rin niya pinalampas.
Pilit siyang naghahanap ng salamin, isang bagay na karaniwang
ginagamit sa pandaraya sa mga tanghalan. Wala siyang
natagpuan kaya inumpisahan na ang palabas.
Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr.Leeds. Sinabi niya na
natagpuan niya ito sa isang lumang libingan. Pagkatapos niyang
sumigaw ng mga salitang banyaga ay kusang nabuksan ang
kaha.
Dito ay tumambad ang isang ulong anyong bangkay na
mayroong mahaba at makapal na buhok. Mula sa kadiliman ay
mayroong nagsalita na parang tumatangis at humihingi ng
tulong.

Ang kuwento ng misteryosong boses ay tungkol sa mga


mapang-aping prayle at saserdote noong panahon ni Amasis
(isang pinuno sa Ehipto). Dahil sa mga narinig ay kinilabutan at
hinimatay si Padre Salvi.

Kabanata - 19 Ang Mitsa

Si Placido ay larawan ng isang karaniwang kabataan. Siya ay


mapusok, nagkamali ngunit sa bandang huli ay nahanap din ang
tamang daan tungo sa magandang kinabukasan.
Labis ang hinagpis ni Kabesang Tales dahil sa desisyon ni
Placido hinggil sa kanyang pag-aaral. Kinausap niya ang
kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral hanggang
sa makatapos ng abogasya.
Dahil dito ay lalong nagpuyos ang kalooban ng binata at iniwan
ang kanyang ina. Sa kanyang paglalakad sa bayan ay nakita niya
si Simoun. Lumapit siya dito at isinalaysay ang nangyari sa
kanya.
Sinadya ni Simoun na isama si Placido sa pagawaan ng pulbura.
Nasaksihan ng binata ang hirap ng kalagayan ng mga
mangagawa ni Simoun. Sunod nilang pinuntahan ang bahay ng
mag-aalahas.
Dito niya nakita ang isang bata na kasing edad niya ngunit
malayong matanda ang itsura kumpara sa kanya. Ipinaliwanag ni
Simoun na ito ay sanhi ng mabibigat na gawain na naiatang sa
kanya. Dahil sa mga nasaksihan ay namulat ang isip at kalooban
ni Placido.

Kabanata - 20 Si Don Custodio

Si Don Custodio Salazar ay isang Katolikong mapaglinlang.


Hindi siya naniniwala sa pangungumpisal, sa milagro ng mga
santo at ang pagiging banal ng papa.
Bata pa si Don Custodio nang dumating siya sa Maynila. Dahil
sa kanyang mataas na katungkulan ay nakapangasawa siya ng
isang mayamang taga-lunsod. Ginamit niya ang pera ng kanyang
asawa sa pangangalakal. Siya ay naging tanyag at napabilang sa
mga kinikilalang tao sa lipunanan.
Mahigit na dalawang linggo na sa poder ni Don Custodio ang
usapin tungkol sa paggamit ng wikang Kastila sa loob ng
akademya. Siya ang naatasan na gumawa ng pag-aaral at
magbigay ng pasya kung ang paggamit ba ng mga estudyante ay
naayon o hindi.
Ang pag-iisip ni Don Custudio ay mahirap mawari. Minsan ay
kakampi at pinagtatabggol niya ang mga Indiyo. Samantalang
kung minsan ay hiinahamak niya ang pagkatao ng mga ito.
Sa kanyang pagbibigay ng pasyatungkol sa usapin, isa lang ang
gusto niyang mangyari, ang mapasaya ang mga prayle lalo na si
Padre Irene.

Kabanata - 21 Ang mga anyo ng mga taga maynila.

Ang pagtatanghal sa Dulaang Variadades ay nagdulot ng


salungat na opinyon. Ang grupo nina Padre Salvi ay tutol sa
pagtatanghal ng dulaan, habang ang mga kawani, hukbong dagat
at taong lipunan ay nasasabik na sa nalalapit na pagtatanghal ng
nasabing palabas
Maaga pa ang gabi ay ubos na ang mga bilyete. Nagsimula na
ring dumating ang mga panuhin at mga manonood, isa na rito si
Camaroncocido.Siya ay buhat sa isang kilalang angkan ng
Kastila ngunit nabubuhay na tila hampas-lupa dahil sa kanyang
pananamit.
Dumating din si Tiyo Kiko, ang kayumangging matanda na
hinahangaan sa kanyang maayos na bihis mula ulo hanggang
paa. Sila ni Camaroncocido ay parehong nabubuhay sa
pagbabalita at pagdirikit ng mga kartel ng mga dulaan.
Ang katotohanan ay labag sa kalooban ng mga prayle ang
pagtatanghal dahil sa isyu ng moralidad at kalaswaan na paksa
ng dula. Ngunit sa huli ay pumayag din sila dahil sa
panghihinayang sa perang malilikom mula sa bentahan ng
bilyete.

Kabanata - 22 Ang Palabas.

Marami sa mga nanood ng palabas ay hindi nasiyahan dahil sa


hindi mawaring kahulugan ng wikang Pranses.
Maatagal na naantala ang pagsisimula ng dula dahil sa matagal
na pagdating ng Heneral. Napuno ang lahat ng palko na
nakalaan sa mga panauhin maliban sa isa na nakalaan sa mag-
aalahas na si Simoun.

Nabigla ang mga kabataang sa pagdating ng isa sa mga tutol sa


pagtatanghal, si Don Custodio. Ang matapang naman nitong
depensa ay inutusan siya ng mga kinauukulan upang magsilbing
ispiya.
Masaya ang lahat nang mag-umpisa na ang palabas. Ngunit
habang ito ay tumatagal ay unti-unting nalilito ang mga nanood.
Marami sa mga panauhin ay hindi nakakaintindi ng wikang
Pranses.
Lalo pang nagkalituhan nang tangkain ng ilan na isalin ang dula
sa wikang Kastila. Marami kasi sa mga taga-salin ay pawang
mga nagmamagaling lamang ngunit ang katotohanan ay hindi
rin nila lubos na iintindihan ang salitang Pranses.
Ikinagulat ng lahat ang pagtayo at paglabas ng grupo mga mag-
aaral sa kalagitnaan ng dula.

Kabanata - 23 Isang Bangkay

Naging palasispan kay Basilio ang dahan-dahan na pagkalat ng


lason sa buong katawan ni Kapitan Tiyago.
Tahimik na nag-aaral si Basilio nang biglang dumating ang
mag-aalahas sa tahanan ni Tiyago. Kinumusta muna ni Simoun
ang kalagayan ng maysakit pagkatapos ay sinabi niya agad ang
kanyang pakay sa binata.
Sa kabila ng matigas na pagtanggi ng binata ay muli niya itong
pinakiusapan. Humingi siya ng pabor na kung puwede ay
pamunuan ni Basilio ang isang pulutong upang maghasik ng
kaguluhan sa kalathang Maynila.
Ito ang naisip na paraan ni Simoun upang maitakas niya sa
kumbento si Maria Clara. Nagulat si Basilio sa tinuran ni
Simoun kaya sinabi niya sa mag-aalahas na si Maria Clara ay
pumanaw na.
Nagulat at nayanig ang mundo ni Simoun sa narinig na balita.
Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Basilio ngunit ipinakita ng
binata ang sulat ni Padre Salvi na labis na tinangisan ng amang
si Tiyago.
Hindi maiwasan ni Basilio ang maawa sa noo’y nanlumumo na
si Simoun.

Kabanata - 24 Mga Pangarap

Lingid sa kaalaman ni Donya Victorina ang kanyang


nawawalang asawa na si Don Tiburcio ay nasa pangangalaga ng
tiyuhin ni Isagani.
Kumalat sa bayan ang usapin ng biglaang pagkakasakit ng
alaherong si Simoun. Naging mailap siya sa tao at hindi halos
tumatanggap ng sinumang panauhin sa loob ng kanyang
tahanan.
Sa kabilang dako naman ay matiyagang hinihintay ni Isagani
ang kaniyang kasintahan na si Paulita. Habang naghihintay ay
sumagi sa kanyang isipan ang mga pangarap niya para Inang
Bayan.
Dahil sa matagal na paghihintay ay naisipan na niyang umuwi
nang biglang dumating ang isang karwahe lulan sina Juanito,
Paulita at si Donya Victorina. Magiliw siyang tinanong ng
matanda kung mayroon na ba siyang balita kay Don Tiburcio.
Sinagot naman ito ni Isagani na kunwari ay walang alam.
Ipinagtapat ni Paulita sa kasintahan na ang nililigawan ni Juanito
ay ang kanyang Ale. Dahil dito ay naging lubos ang kagalakan
ng binata kaya sinabi rin niya sa dalaga ang totoong kalagayan
ni Don Tiburcio.

Kabanata - 25 Mga Tawanan at Iyakan.

Ang simpleng piging ng mga mag-aaral ang magiging mitsa


upang sila ay usigin ng pamahalaan.
Hindi pa man lumalabas ang pasya ni Don Custodio tungkol sa
usapin ng pagtututro ng wikang Kastila ay batid na ng grupo
nina Sandoval ang kahihinatnan nito.
Ayaw ng mga prayle at ng pamahalaan na matuto ng wikang
Kastila ang mga Indiyo. Wala daw karapatan ang mga ito na
gamitin ang kanilang wika. Dahil dito ay tiyak na ang magiging
kapasyahan ni Don Custudio. Papanig siya sa kagustuhan ng
mga kinauukulan.
Kagaya ng kanilang napagkasunduan ang labing-apat ay
nagtipon sa isang pansiterya upang ipagdiwang ang
kahihinatnan ng pasya. Tanging si Basilio at si Juanito ang hindi
nakarating sa nasabing pagtitipon.
Masayang nagbibiruan ang mga mag-aaral at maingay na
tinutuligsa ang mga prayle. Iniugnay pa ang mga ito sa bawat
pagkain na kanilang pinili.
Bago sila natapos ay napansin ni Isagani ang isang binata na
nagmamasid at tila sibubaybayan ang kanilang ginagawa. Nang
makita siya ay mabilis ito na umalis lulan ng sasakyan ni
Simoun.

Kabanata - 26 Mga Paskin.

Ang araw ng pag-uusig ang babago sa mapayapa at tahimik na


buhay ni Basilio.
Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang
kanyang mga pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya ang
kaibigang si Makaraig upang kunin ang hiniram na pera para
makuha na niya ang kanyang grado.
Habang patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang
grupo ng mga mag-aaral na pinapalabas sa loob ng paaralan.
Maingay nilang pinag-uusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa
paglulunsad ng himagsikan.
Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa
kanyang mga narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban
nang malamang walang kinalaman sina Simoun at Kabesang
Tales sa usapin ng himagsikan.
Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang
mga guwardiya sibil. Pinigilan siya sa pagpasok at pinaghintay
sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan.

Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay


inimbistigahan.
Laking gulat na lamang ni Basilio dahil pati siya ay isinakay sa
karwahe at hinatid papunta sa tanggapan ng Gobyerno Sibil.

Kabanata - 27 Ang Prayle at Ang Studyante.

Nasa tanggapan ng katedratikong si Padre Fernandez ang


kaniyang mag-aaral na si Isagani. Inusig ng pari si Isagani sa
pagtatalumpati nito sa harap ng mga mag-aaral at kung kasama
ba ito sa hapunan.
Tinatapat siya ng binata na hinangaan naman ng pari dahil
karaniwan daw sa mga ganoon ay tumatanggi. Sumagot si
Isagani na kung ano raw ang mga mag-aaral ay dahil iyon sa
mga pari.
Nagpalitan ng papuri ang dalawa sa kabila ng palitan ng
argumento. Gayunman, naisa-isa ni Isagani ang mga sakit ng
mga pari sa pagiging guro. Sinabi naman ng pari na malabis na
ang sinasabi ni Isagani.
Nagpatuloy si Isagani at sinabing ang kalayaan at karunungan ay
kasama sa pagkatao ng mga nilalang. Nagwika din si Isagani
tungkol sa gawain ng mga pari na pandaraya at panlalamang sa
mga Pilipino upang maging maginhawa lamang.
Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang
magipit sa pakikipagtalo sa isang estudyanteng Filipino.

Kabanata - 28 Pagkatakot.

Nagwika ang mamamahayag na si Ben Zayb na wasto ang


kaniyang sinasabi na masama sa Pilipinas ang pagkatuto ng mga
kabataan.
Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil, kabilang ang mga
pari, heneral, at mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni
Quiroga ang mga pari.
Nais namang konsultahin ng takot ding si Quiroga si Simoun
tungkol sa mga sandatang nakatago sa ilalim ng bahay. Ngunit
nagpaabot lang ng mensahe si Simoun na wag galawin ang mga
ito.
Nagpunta siya kay Don Custodio ngunit ayaw din nito ng bisita
dahil sa takot kaya kay Ben Zayb siya nagtungo. Nakita niya ang
dalawang rebolber sa ibabaw ng mga dokumento ng manunulat
kaya umalis na ito agad.
Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiago upang ibalita
ang kahindik-hindik na pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa
takot at di kinaya ang kuwento. Nawalan na ito ng buhay.
Kumaripas naman ng takbo ang pari.
May napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa isang
binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao roon. Inakalang mga
pilibustero ang gumawa noon.
Hinabol ng mga sibil ang mga ito. May nahuli ring dalawang
lalaking nagbabaon ng mga armas na hinabol din ng mga sibil
habang isang beterano naman ang napatay.

Kabanata - 29 Ang huling pati - ukol kay kapitan tiyago.


Abala ang marami sa gaganaping marangyang libing ni Kapitan
Tiago. Napunta ang naiwan niyang kayamanan sa Sta. Clara, sa
Papa, at sa mga pari. Ang dalawampung pisong natira ay
ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag-aaral.
Hindi malaman noong una kung ano ang damit na isusuot ni
Tiago sa kaniyang libing. May nagmungkahi na isang damit-
Pransiskano, at mayroong nagsabing isang prak na paborito ng
Kapitan. Ngunit nagpasya si Padre Irene na isang lumang damit
na lang ang isusuot.
May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni Tiago
bitbit ang kaniyang panabong na manok habang puno ang bibig
ng nganga. Sinabi tuloy ng iba na hahamunin ni Tiago ng
sabong si San Pedro sa langit.
Marangya ang libing na maraming padasal at paawit. Marami
ding kamanyan at agua bendita na inialay sa kabaong.
Ang katunggali naman ni Tiago na si Donya Patrocinio ay inggit
na inggit sa libing ni Tiago at nais na ring mamatay upang
mailibing rin nang marangya.

Kabanata - 30 Si Huli/ Si Juli.


Malaking usapan sa San Diego ang pagpanaw ni Kapitan Tiago
at pagkakahuli kay Basilio. Labis namang nalulungkot si Juli
dahil sa nangyari sa kasintahan.
Sa pagnanais na makalaya si Basilio ay naisip niyang lumapit
kay Padre Camorra. Ngunit nag-aalangan ito dahil sa maaaring
gawin sa kaniya. Gayunman, ilang gabi nang binabagabag si Juli
sa kaniyang panaginip.
Nabalitaan pa nitong nakalaya na ang mga kasama ni Basilio
dahil sa tulong ng mga kaanak. Naisip niyang wala nang
tutulong kay Basilio dahil wala na rin si Tiago.
Ayaw man niya ay nagtungo si Juli kay Padre Camorra bilang
nag-iisa niyang pag-asa para sa nobyo. Nagtungo si Juli sa
kombento.
At tulad ng naiisip ni Juli, hinalay siya ng pari. Dahil hindi
kinaya ang kahihiyang ginawa, tumalon si Juli sa bintana ng
kombento.
Hindi kinaya ng lolo ni Juli na si Tandang Selo ang nangyari sa
apo. Wala siyang makuhang hustisya para sa apo kaya sumama
na lamang ito sa mga tulisan ng bayan.

Kabanata - 31 Ang mataas na kawani.


Sa tulong ng mamamahayag na si Ben Zayb, hindi lumabas sa
mga pahayagan ang pagkamatay ni Juli. Tanging lumabas sa
mga sirkulasyon ay ang kabutihan ng Heneral na gawa-gawa
lamang nila.
Nakalaya na sa piitan sina Isagani at Makaraig. Si Basilio na
lamang ang nasa loob ng bilangguan.
May dumating na mataas na kawani at nais nitong palabasin si
Basilio sa kulungan. Sinabi niyang mabuti si Basilio at sa
katunayan ay malapit nang matapos sa kurso sa medisina.
Gayunman, lalo lamang napahamak si Basilio sa sinabi ng
kawani. Panay kasi ang pagtuligsa ng Heneral sa mga sinasabi
nito.
Sinabihan ng kawani ang heneral na dapat itong matakot at
mahiya sa bayan. Sabi naman ng heneral, sa Espanya siya may
utang na loob dahil sila ang nagbigay ng kapangyarihan at hindi
ang mga Pilipino.
Bigong lumisan ang kawani na kinabukasan ay nagbitiw umano
sa puwesto at babalik na lamang Espanya.

Kabanata - 32 Ang bunga ng mga paksil.


Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa
nangyaring pagpapaskil. Wala na halos mga magulang ang
nagpapaaral ng mga anak. Habang bihira naman ang nakakapasa
sa mga pagsusulit.
Kabilang sa mga hindi nakapasa sina Makaraig, Juanito Pelaez,
Pecson, at Tadeo. Natuwa pa si Tadeo na di nakapasa at sinunog
pa ang mga libro nito.
Nagmamadali namang nagpunta ng Europa si Makaraig habang
si Juanito naman ay kasama ng ama nito sa negosyo.
Pinalad namang makapasa sina Isagani at Sandoval habang wala
pang pagsusulit si Basilio dahil nasa piitan pa ito.
Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang
nawawalang si Tandang Selo dahil sa kutserong si Sinong na
tanging dumadalaw kay Basilio.
Napabalita ring ikakasal na sina Juanito at Paulita. Dahil doon
ay magkakaroon umano ng isang piging na inaabangan na ng
mga tao roon. Ito ang unang malaking pagtitipon matapos
lumaganap ang takot sa kanilang bayan.

Kabanata - 33 Ang huling matuwid.


Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at
ayaw magpaabala. Tanging si Basilio lamang daw ang
papapasukin kapag dumating ito. Ilang sandali pa ay dumating
na rin ang binata.
Laking gulat ni Simoun sa hitusra ni Basilio. Payat na payat ito,
magulo ang pananamit, at tila isang patay na nabigyan lamang
muli ng buhay.
Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan nitong umanib
kay Simoun at sumama sa mga plano nito na dati ay tinanggihan
niya. Naisip daw kasi niya na hindi pa niya naigaganti ang
kaniyang magulang at kapatid na yumao.
Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon
ay ipinakita ang isang pampasabog. Sabi ni Simoun ay
gagamitin daw ito sa Kapistahan.
Tila isang ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na
gagamitin nila. Nagbilin si Simoun na magkita sila ni Basilip sa
tapat ng parokya ng San Sebastian para sa huling pagpaplano.

Kabanata - 34 Ang kasal ni Paulita.

Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa kaibigang si Isagani


upang makituloy. Ngunit wala ang kaibigan sa bahay nito at
maghapon daw na di umuwi.
Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog. Ikawalo na ng
gabi at kakaunting sandali na lamang ay sasabog na ang
lampara.
Nakita niyang bumaba sina Paulito at Juanito sa sasakyan bilang
bagong kasal. Nahabag siya para sa kaibigang si Isagani.
Inisip niyang ayain ito sa himagsikan ngunit naisip niyang di ito
papayag dahil wala pa namang pasakit na naranasan sa buhay.
Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi na rin siya
makapaghintay sa mangyayaring pagsabog.
Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan
gaganapin ang piging. Dala nito ang lamparang mayroong
pampasabog.
Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga panahong nasa tahanan
siya ni Tiago. Nakita niya kung gaano karangya ang bahay at
kagamitan sa tahanan ni Kapitan Tiago.

Kabanata - 35 Ang Piging.

Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na


ang bagong kasal kasama si Donya Victorina. Nasa loob na rin
ng bulwagan si Padre Salvi pero ang heneral ay hindi pa
dumarating.
Nakita na rin ni Basilio si Simoun dala ang ilawan na
pampasabog. Nang mga oras na iyon, nag-iba ang pananaw ni
Basilio at nais nang maligtas ang mga tao sa loob sa
nakatakdang pasabog mula sa lampara. Ngunit hindi siya
pinapasok dahil sa madungis niyang anyo.
Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-
daling umalis ang binata mula sa usapan dahil naisip si Paulita.
Habang nasa itaas naman, nakita nila ang isang papel na may
nakasulat na “MANE THACEL PAHRES JUAN
CRISOSTOMO IBARRA.”

Sabi ng ilan ay biro lamang iyon ngunit nangangamba na ang


ilan na gaganti si Ibarra. Sinabi ni Don Custodio na baka lasunin
sila ni Ibarra kaya binitiwan nila ang mga kasangkapan sa
pagkain.
Nawalan naman ng ilaw ang lampara. Itataas sana ang mitsa ng
ilawa nang pumasok naman si Isagani at kinuha ang ilawan at
itinapon sa ilog mula sa asotea.

Kabanata - 36 Mga kahigpitian ni Ben Zayb.


Agad na umuwi si Ben Zayb mula sa bahay ni Kapitan Tiago at
hindi makatulog. Dito ay nakaisip na naman niyang gumawa ng
balita na bayani raw ang kapitan, ang mga prayleng sina Salvi at
Irene, at si Don Custodio.
Gayunman, ibinalik ng patnugot ng kanilang diyaryo ang sulat
ni Ben dahil ipinagbawal daw ng heneral ang pag-alala sa
anumang nangyari noong gabing iyon.
Nabalitaan naman ni Ben ang pagsulob sa Ilog Pasig. Ninais na
naman niyang gumawa ng balita ukol doon.
Ngunit natagpuan niya ang sugatang si Padre Camorra na
pinagnakawan daw ng mga naghimagsik. Gustong dagdagan ni
Ben ang bilang ng mga lumusob.
`May nahuli sa mga tulisang naghimagsik. Umamin itong
kasama sila sa pangkat ng isang alyas Matanglawin. Hudyat
dawn g paglusob nila ang pagputok na nangyari.
Di naniniwala ang mga nag-aklas na si Simoun ang pinuno nila.
Ngunit nawawala na si Simoun at wala na rin ang mga armas
doon.

Kabanata - 37 Ang Hiwagaan.

Kahit na gumawa ng hakbang ang pamahalaan ay lumaganap pa


rin ang balita sa mga mamamayan. Isa sa mga sanhi ng pagkalat
ng balita ay si Chikoy na nagdala ng alahas kay Paulita.
Kaniya-kaniya nang hula ang mga tao sa kung sino ang maysala.
May nagsasabi na si Don Timoteo o si Isagani na kaagaw ni
Juanito kay Paulita. Binalaan si Isagani ng may-ari ng
tinutuluyan ngunit di ito nakinig.
Nagpatuloy ang mga usapan tungkol sa pagsabog. Lumakas ang
hinala ng mga naroon nang maisip nila si Simoun.
Kapansin-pansin daw kasi ang pag-alis niya bago ang hapunan.
Sila rin umano ni Don Timoteo ang nag-ayos ng piging at
pinaalis ang lahat.
May mga nagsabi naman na baka mga prayle ang nagpasabog.
Mayroon ding naniniwala na si Quiroga o si Makaraig.
Ngunit buo na sa isip nila na si Simoun dahil kasalukuyan na
ring nawawala ito at pinaghahanap na ng mga sundalo.

Kabanata - 38 Kasawiang Palad

Pinagdadakip ng pamahalaan ang pinaghihinalaang tulisan


upang mawala ang kanilang mga kinatatakutan.
Ang mag dinadakip ay pinahihirapan ng mga sibil na Pilipino.
Iginagapos ang mga ito at pinalalakad ng tanghali. Ginagawa
nila nang walang anumang pananggalang sa init sa tanghali ng
Mayo.
Nagwika si Mautang na isang Pilipinong guwardiya sibil na may
karapatan silang pahirapan ang mga nakapiit dahil pare-parehas
naman silang mga Pilipino.
Maya-maya pa ay may mga tulisang sumugod at pinaulanan sila
ng bala. Nasawi si Mautang at ang ilan pang mga sibil.
May nakita naman si Carolino na isang lalaki sa may talampas
na itinataas ang kaniyang baril ngunit di niya ito makita nang
maayos dahil tirik ang araw.
Nakita ni Carolino ang isa sa mga nabaril nila. Nakita niyang
iyon ang kaniyang Lolo Selo. Tumuturo ito sa talampas na ilang
sandali lang ay nawalan na ng buhay. Hindi makapaniwala si
Carolino na mapapatay niya ang kaniyang lolo.

Kabanata - 39 ang wakas.


Nagmamadaling umalis si don tiburcio dahil akala ay siya ang
pinadadakip na kastila. ngunit ang tinutukoy ay si simoun na
nasa puder ni Don Florentino.
Natagpuan niya si Simoun na sugatan at sinabi naman ng
alahero na nakuha niya ang sugat sa isang aksidente.
Naghihinala naman ang pari sa katotohanan. Nalaman niyang
isang tulisan si Simoun nang mabasa ang telegrama. Tanging si
Don Tiburcio lamang ang nais ni Simoun na mag-alaga sa
kaniya.
Tumigil sa pagtugtog ng kaniyang harmonya ang pari. Naisip
kasi nito ang pakutyang pag-ngiti ni Simoun.
Nanumbalik ang lahat ng ginawa ni Simoun—ang pagpapalaya
ni Simoun kay Isagani sa piitan at ang paggawa nito ng paraan
upang makasal sina Paulita at Juanito.
Agad na pinuntahan ng pari si Simoun sa silid nito. Nakita
niyang tila nanghihina na ang alahero, tila may malubhang sakit.
Nalaman ng pari na nagpatiwakal ito at uminom ng lason.
Dinasalan ng pari ang binata hanggang nalagutan ng hininga.

You might also like