You are on page 1of 1

Jc T.

Baquiran Score:
10- Sampaguita B January
17, 2024

POSITION PAPER

Sa mundo ngayon, ay ang globalisasyon ay nagiging pangunahing usapin dito sa bansa. Nagbubukas
ng malaking oportunidad subalit sa kasamaang palad, may kaakibat na masamang mga panganib ito. Isang
masusing kailangan suriin ang mga epekto nito sa iba't ibang aspeto ng ating lipunan ay mahalaga upang
mabigyan pansin o linaw ang mga ito lalong lalo na sa ating pandaigdig.

Ang aking posisyon ay Nakakabuti ang Globalisasyon. Sa pamamagitan nito, mas magiging
konektado ang mga bansa, maraming nagbubukas ng mga merkado, at nagbibigay daan sa malawakang pag-
unlad at nagbibigay din ng daan para sa mas mabilis na pag unlad ng teknolohiya at komunikasyon sa bawat
mga filipinong mga ofw. Madaming pwedeng gawin sa ating bansa at sa kabilang bansa, tulad ng
pakikipagkalakalan sa ibang bansa, at pwede itong mamuhunan sa ibang bansa o kaya ay mag tatag ng mga
serbisyo o mga produkto.Ang pagbubukas ng pambansang hangganan ay nagtataguyod ng malayang
kalakalan, nakapagpapalakas ng ekonomiya. Nakakapag export at import tayo sa ibang panig ng daigdig.

Bilang Solusyon,mahalaga na ang mag ingat tayo sa pangangasiwa at pakikipagtulungan sa pagitan


ng mga bansa upang mapanatilihing balanse ang ating globalisasyon. Mag taguyod ng mga regulasyon at
patakaran upang maprotektahan natin ang karapatan ng mga manggagawa sa bulng mundo laban sa pang
aabuso. Kailangan din natin itaguyod ang adhikain para sa mga patas na pakikipag kalakaran at fair trade
upang matulungan ang mga maliliit na mangangalakal at mga mahihrap na bansa sa pandaigdig. I promote
ang matatalinong paggamit at makabagong teknolohiya upang mapabuti ang kalagayan ng ekonomiya at
para rin mapabilis ang ating mga gawain, kalusugan, at edukasyon sa iba't ibang panig ng daigdig.

Sa pagtatapos, ang globalisasyon ay isang hamon at pagkakataon na nagbibigay daan sa masusing


pagsusuri at hakbang na maingat na pagsasanay. Bagamat may kaakibat na mga panganib, malinaw na may
positibong ambag ito sa pag-unlad ng ating lipunan. Ang aking paniniwala ay ang globalisasyon ay
nagbubukas ng mga pintuan para sa mas malalim na ugnayan, mas mabilis na pagsulong, at mas mataas na
antas ng pang-ekonomiyang pag-unlad. Sa harap ng mga hamon, mahalaga ang pangangailangan para sa
makabuluhang pakikipagtulungan at pangangasiwa. Ang pagpapatupad ng makatarungan at epektibong
regulasyon ay magbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa, habang ang adhikain para sa patas na
kalakalan at fair trade ay maglalayong mapalakas ang mga maliit na negosyo at mahihirap na bansa. Tulad
ng isang mapanuring mamamayan, mahalaga ring gamitin natin ang teknolohiya sa matalinong paraan upang
mapabuti ang kalagayan ng ating ekonomiya, kalusugan, at edukasyon. Sa pagtutok sa mga solusyon tulad
ng pagkakaroon ng malasakit sa kapwa at pagtataguyod ng makatarungan, magkakaroon tayo ng mas
maayos na kinabukasan sa mundo ng globalisasyon.

You might also like