You are on page 1of 31

KAYONG MAPAGBALATKAYO

Press Production

Directed by

Jekenzel Bayos

Written by

Cheilo Jamie Quizana

PRODUCTIONS

Jireh Pearl Casionan

James Carl Dungan

RonRon Portes

Faith Anne Ranillo

Dann Glenram Reyes

Samuel Bernard Reyes

Cyred Van Axle Sacriz

Zandra Mae Uy Diokno


KAYONG MAPAGBALATKAYO

1. INT. BAHAY- UMAGA


Flashback ng pagsesermon ng Lola Nita sa batang Klara sapagkat
naipatong niya ang bagong sapatos sa kanilang mesa habang
naglalaro.
LOLA NITA
Klara! Ano ba ‘yang ginawa mo?!

Magugulat ang batang Klara sa boses ng Lola.

LOLA NITA
Sinabi nang malas ang pagpapatong ng
sapatos sa mesa. Gusto mo bang mag-away
mga magulang mo?

Mapapansin sa mukha ng batang Klara ang pagsisisi habang


pinangangaralan na masama ang kaniyang ginawa.

KLARA
Pasensya na po, Lola. Hindi ko po
sinasadya.

Lalambot ang ekspresyon ng Lola sa nagsisising


Klara.
LOLA NITA
Hala, ika’y kumatok sa kahoy nang hindi
‘yon magkatotoo.

Maghahanap ang batang Klara ng kahoy, dahan-dahang


kakatukin ito.

2. INT. KUSINA- TANGHALI


Flashback sa hapag kainan nila Klara.

PAPA
Balita ko, itong si Carlo ay
kinatutuwaan ng aking mga kumpare. Aba,
dapat lang. Mahalagang maaga pa lang ay
may nagagawang koneksyon itong si
Carlo.

LOLA NITA
Ke bata-bata pa ni Carlo, ‘yan na
iniisip mo.

PAPA
Nay, hindi maiiwasang planuhin na ang
ganitong mga bagay lalo na at ang aking
panganay ay babae. Walang patutunguhan
ang pangalan ko jan.

Mapapatigil ang batang Klara sa pag-kain.

LOLA NITA
Ika’y tumantan at kumain na laang.

PAPA
Kaya ikaw Klara, lumaki kang kaaya-aya.
Mag-aral ka nang mabuti, baka pati sa
talino’y angatan ka ng kapatid mo.
Kayong dalawa ang magpapatuloy ng
nasimulan kong katiwasayan dito.

Nagpatuloy ang pag-kain sa hapag na binalot ng katahimikan.

3. EXT. DAAN- HAPON


Flashback ng paglalakad nila ni Estella patungong parang.
Bakas sa mukha ni Klara ang lungkot na sinundan ng
buntong-hininga na mapapansin ni Estella.

ESTELLA
Anong nangyari, Klara?

KLARA
Hindi yata ako mahal ni Papa, si Carlo
na lang lagi nakikita niya.

Tatapikin ni Estella ang likod ni Klara.


4. EXT. DAAN- HAPON
Makikitang naglalakad sina Klara at Estella patungong parang.

ESTELLA
Nakapag-gayak ka na ba? Bukas na ang
alis natin.

KLARA
Okay na lahat, matagal ko nang hinanda
ang sarili ko rito. Nag-PolSci ako
para mapatunayan kay Papa na kaya ko
rin.

Makikita sa mukha ni Klara na siya ay handa nang patunayan ang


kaniyang sarili sa kaniyang Papa. Ngingiti si Estella.

5. EXT. HALLWAY- UMAGA


Naglalakad sina Klara at Estella patungo sa kanilang
classroom.
ESTELLA
Klara, hindi ka naman natalapid
pa-alis ng bahay niyo?

Patawang sasagutin ni Klara and kaibigan.

KLARA
Hindi, maingat ako sa mga ganitong
bagay. Ikaw ba?

ESTELLA
Nako, ayaw kong malasin sa unang araw
natin dito.

6. INT. CLASSROOM- UMAGA


Makakarating si Klara at Estella sa kanilang classroom at
mapapansin ang sabay-sabay na paglingon sa kanilang direksyon
ng mga kaklase. Susundan ito ng pagpasok ng mukhang nagmadali
na si Kyle. Maririnig ang bulungan sa paligid habang
naglalakad ang dalawa papunta sa kanilang uupuan.
7. EXT. UPUAN- TANGHALI
Habang kumakain ng tanghalian, mapag—uusapan ni Klara at
Estella ang kanilang unang impresyon sa eskwelahang nilipatan
at ang kanilang mga kaklase.

KLARA
Ang daming bago, bihira ang mga
ka-edad natin na ganito sa’tin.

ESTELLA
Ewan ko pero parang iba ‘yong tingin
nila sa’tin pagpasok. Masyado silang
iba sa’tin.

KLARA
‘Wag kang mag-alala, first impressions
never last ika nga.

8. INT. KWARTO- GABI


Habang nag-aayos ng gamit si Klara, makakatanggap siya ng
tawag sa kaniyang Lola. Makikita ang ngiti at gaan ng loob ni
Klara sa biglang pagtawag ng kaniyang Lola.

LOLA NITA
Ohh, kumusta ka jan? Kumakain ka ba
nang maayos?

KLARA
Okay lang ho ako Lola, kumakain po ako
nang tama. Kayo po, kumusta po kayo
jan?

LOLA NITA
Walang bago dine, wala namang balak
magbago ang lahat dine. ‘Wag kang
mag-alala okay lang ako.

KLARA
Sila Papa po, kumusta?
LOLA NITA
Wala ring bago, malabong magbago ‘yon.

Natapos ang tawag na may pagkadismaya sa mukha ni


Klara.

9. EXT. UPUAN- HAPON


Habang nagpapalipas ng oras si Klara at Estella, biglang
dadating si Jared upang magpakilala.

JARED
Hi, lagi kayo ditong nakatambay?

Tititigan ng dalawa ang lalaki.

JARED
Ahh, the name’s Jared, Psych student.
Blockmates tayo sa mga minor, well
minors pa naman lahat ang klase natin.
Ikaw si Klara, at ikaw si Estella,
tama?

ESTELLA
Oo, ano palang kailangan mo sa’min?

JARED
Wala lang, gusto ko lang
makipagkaibigan. Narinig ko rin kasi
‘yong mga pamahiin na galing sa inyo
no’ng minsan. Tunay ba ‘yon? Sa
pagkakaalam ko kasi parang mental
representation lang natin ang mga
gano’n ayon sa Filipino Psychology.

ESTELLA
Parte na ng kultura namin ang mga
pamahiin, gawi na namin ang maniwala
dito. Tunay ‘yon.
KLARA
Hindi naman masama ‘di ba? Wala namang
mawawala kung maniniwala sa pamahiin.

JARED
That’s it, na-curious ako sa mga
pamahiin na ‘yan at ang way of life
niyo sa probinsya. So, anong meron?

Mapapabuntong-hininga si Klara nang maalala ang ilan sa mga


karanasan niya.

10. INT. KUSINA- GABI


Flashback ng buhay ni Klara sa probinsya. Makikita na maingat
ang pag-kain ni Klara sa hapag habang maririnig ang boses ng
kaniyang Papa na minamaliit ang kakayanan niya bilang panganay
at babae.

PAPA
Klara, ate ka, dapat marunong kang
magpasunod sa kapatid mo. Ultimo ‘yan
hindi mo magawa, inuuna mo lagi ang
emosyon mo, simpleng palo iniiyakan mo.
Gayahin mo ‘tong si Carlo, mas bata
sa’yo pero hindi mahina. Bakit kasi
ipinanganak kang babae?

11. INT. SALAS-GABI


Flashback kung saan maririnig ni Klara na may kausap sa
telepono ang kaniyang Papa patungkol sa pagpapatahimik ng
isang mamamahayag na iniimbestigahan ang kaniyang pamumuno.

PAPA
Hindi pa rin ‘yan tumatantan? Ipupuslit
niyan sa media ang kalakaran dine.
Patahimikin mo na ‘yan, may permiso ka
na. ‘Di porke journalist ‘yan ay ligtas
na, mali na ako ang binangga niyan.
12. EXT. UPUAN- HAPON
KLARA
Magulo sa’min. Siguro isa ang pamahiin
sa mga nagsasalba sa’min. Nag-aral ako
dito para may mapatunayan at
makahagilap ng peace of mind. Bakit ba
‘to napunta sa’kin? Hahaha. Ikaw kaya
ang magpakilala sa’min Jared.

JARED
So ayun, it’s me Jared-the-all-knowing.
Kung may gusto kayong malaman dito sa
lugar at sa mga kaklase natin, nandito
lang ako. Alam ko lahat.

ESTELLA
Sus, kami pa niloko mo. Sige na,
tanggap ka namin kahit hindi mo alam
lahat.

Nakangiting tatanggapin ng dalawa si Jared bilang bago nilang


kaibigan.

13. INT. CLASSROOM- UMAGA


Tatapusin na ni Prof. Salazar ang kaniyang diskusyon sa klase.
Lalapitan naman ni Gail si Klara upang magpakilala at ipaalam
ang gawain sa nasabing course na magka-grupo sila. Kasunod
niya si Sia na tila napilitang lumapit dahil kay Gail.

GAIL
Hi, Klara. I’m Gail, ito si Sia. Kami
‘yung ka-group mo regarding sa activity
ni Sir.

KLARA
Nice to meet you both.

Ngingitian ni Klara ang dalawa.


KLARA
Sige. Meeting tayo mamaya, ipapasa ko
lang ito sa faculty.

14. INT. OPISINA- UMAGA


Magpapasa ng mga collected output ng klase si Klara kay Prof.
Salazar.
PROF. SALAZAR
By the way Ms. Delgado, ikaw lately
ang nagco-collect ng outputs from your
classmates. Why is that?

KLARA
Sir, wala po kasing nagi-initiate so I
might as well do it. Kung walang
kikilos, walang mangyayari.

PROF. SALAZAR
Hmm, sakto may vacant spot for a
representative for the council. I
think you have the potential to lead,
so start with your class.

Aaliwalas ang mukha ni Klara sa nasabi ng propesor at malugod


niya itong tatanggapin.

15. EXT. UPUAN- TANGHALI


Sabay-sabay na kumakain sina Klara, Estella, at Jared ng
kanilang pagkain. Masayang sasambitin ni Estella.

ESTELLA
Akalain mo ‘yun mapipili ka na
represenative ng block natin ni Prof.
Salazar? Nagsisimula na, Klara! Sa
tingin ko hindi na rin naiilang mga
kaklase natin sa’tin.

KLARA
Ano ka ba Estella, move on na. Ako ang
kinikilig dine.
JARED
Nga pala, napansin ko na acquainted na
kayo ni Sia at Gail. Hindi mapaghiwalay
‘yung dalawa na ‘yun. Parang walang
araw na hindi sila magkabuntot. Mabait
naman sila pareho, si Sia medyo ilap
lang sa hindi ka-close.

KLARA
Saan mo naman napulot ‘yang pinagsasabi
mo, Jared?

JARED
Ang sources ko ay trust me, bro.

16. INT. CLASSROOM- HAPON


Magbibiruan ang tatlong magkakaibigan patungkol sa kanilang
pagsusulit.
JARED
Nag-review na ba kayo?

ESTELLA
Medyo, kinakabahan nga ako. Maglagay
kaya ako ng piso sa sapatos?

KLARA
O.A. naman, Estella. 1-10 quiz lang
naman, kaya mo yan. Kapag bumagsak ka
pa, ewan ko na lang.

JARED
What if bumagsak nga?

Magkakatinginan ang tatlo at kakatok sa kahoy sina Klara at


Estella na gagayahin din ni Jared.

NICA
Anong ginagawa niyo?

GAIL
Knock on the woods yata?
NICA
Naniniwala pa kayo do’n?

Magsisimula ang bulungan sa klase.

KLARA
Wala namang masama kung naniniwala
kami, Nica. Okay lang din naman na
hindi kayo maniwala, magkakaiba naman
tayo ng pinanggalingan.

17. EXT. HALLWAY- GABI


Magkakasabay maglakad pauwi ang tatlong magkakaibigan.
Mag-aaya si Jared na kumuha ng litrato nilang tatlo. Pupwesto
sa gitna si Jared at bumilang ng tatlo.

18. INT. BAHAY-GABI


Tatawag si Klara sa Lola Nita niya upang ibalita ang usap nila
ni Prof. Salazar.

KLARA
Lola, napili po akong representative sa
school. Sabi po ng Prof. may potensyal
daw akong mamuno.

LOLA NITA
Aba ay maigi at magaling tumingin ‘yang
maestro mo.

Maririnig sa kabilang linya ang galak ng kaniyang Lola.


Makikita na may pangamba sa mukha ni Klara at iniipon niya ang
kaniyang lakas ng loob upang tanungin kung maaari niyang
makausap ang kaniyang magulang.

KLARA
Ahh, Lola… sila Papa po kaya?

LOLA NITA
Umalis ng bahay ang Papa mo.
Napintahan ng dismaya sa kaniyang mukha.

19. EXT. HALLWAY- UMAGA


Magsolong naglalakad si Estella papuntang classroom. Patakbong
hahabulin ni Jared ang naglalakad na si Estella at tatanungin
kung nasaan si Klara.

JARED
Ohh, nasaan na naman si Klara? Parang
lately ay solo gaming ka Estella, ah.

Bubuntong-hininga si Estella.

ESTELLA
Busy si Klara sa council, tapos minsan
sila Gail ang kasama niyang kumain o
umuwi.

20. INT. CLASSROOM- UMAGA


Nakapamewang na tatawagin ni Nica si Estella upang tanungin
patungkol sa kanilang group work.

NICA
Estella, nasaan na ‘yung task na
naka-assign sa’yo? Kahapon ko pa ‘yon
hinihingi.

Ipapakita ni Estella ang kaniyang nagawa. Unti-unting kukunot


ang noo ni Nica at pagagalitan si Estella.

NICA
Ano ‘to? Ang tanga-tanga mo naman.
Simpleng edit at layout sa site hindi
mo magawa nang maayos? Kakababa mo
lang ba sa bundok? Myghad, ako pa rin
pala ang gagawa nito.

Malakas ang boses ni Nica. Nagpipigil naman ng luha si


Estella.
21. EXT. UPUAN- TANGHALI
Aalukin ni Jared si Estella ng pagkain ngunit wala siyang
ganang kumain.
ESTELLA
Ayoko namang maging pabuhat sa
groupings namin. Hindi ko lang talaga
gamay ‘yung napa-assign na gawain
sa’kin. Ang hirap mag-adjust dito,
hindi ako makasabay sa nangyayari.

22. EXT. HALLWAY- UMAGA


Magkasabay na naglalakad papasok ng klase si Klara at Estella.
Titingnan ni Estella mula ulo hanggang paa ang kaniyang
kaibigan, may nagbago sa kaniya.

ESTELLA
Parang bago ang damit mo, ah.

KLARA
Ahh, ito. Pinili ‘to ni Sia para
sa’kin. Para maiba naman daw.

ESTELLA
Hindi ka ba naiilang?

KLARA
Hindi naman, kailangan ko ‘to para
makisama, para mapabilang. Kailangan
nating sumabay sa agos, Estella.
Malulunod ka kapag sinalubong mo.
Kailangan nating magbago, kasi kung
hindi, mananatili tayo sa dito lang.
Ayokong manatili sa dito lang, Estella.
Ayokong madiktahan ni Papa na hanggang
dito lang ako.

23. INT. CLASSROOM- UMAGA


Habang naghihintay ng klase, maririnig ang bulungan patungkol
kay Estella. Magpapanggap si Estella na maraming ginagawa
upang maialis ang atensyon sa mga bulungan. Sasawayin naman ni
Jared ang mga kaklase.
JARED
Lintik na yan. Ano ba?! Ang aga-aga
chismis agad ang inaatupag. Pinaglihi
ba kayo kay Marites?

KYLE
Si Nica naman nagsimula, eh. Palibhasa
promdi, na-stuck sa pagiging
tradisyunal, amputa, wala raw maiambag
sa gawain. What if bumalik na lang sa
bundok at magtayo ng kulto? Baka do’n
siya magaling.

Dadating si Klara sa klase.

KLARA
Kyle, hindi kanais-nais ang lumalabas
sa bibig mo. Everyone, refrain from
starting rumors. College na tayo, have
some decency.

24. EXT. UPUAN- TANGHALI


Nagpipigil na naman ng iyak si Estella habang kagat ang labi
at mahigpit ang kapit sa damit.

JARED
Estella, iiyak mo lang ‘yan. Okay lang
umiyak.

KLARA
Hinanda na natin ang sarili natin sa
paglipat dito, ‘di ba?

ESTELLA
Hinanda ko naman ang sarili ko pero ang
hirap, ang hirap nila pakisamahan. Buti
ikaw kaya mo, kaya nasasabi mo ‘yan.
Magkaiba tayo, Klara.
KLARA
Nasa’yo ang problema, Estella. Patuloy
kang nagtatago sa ikakaginhawa mo.
Hindi ko na ‘yun kasalanan.

JARED
Klara!

KLARA
Tatagan mo ang sarili mo, okay? Hindi
mo sila kailangan pakisamahan kung
hindi ka comfortable. Nandito lang kami
ni Jared.

25. INT. CLASSROOM- UMAGA


Pupuntahan ni Nica sina Gail at Sia na katabi ni Klara.

GAIL
Ohh, kumusta ang activity? Tapos mo na?

NICA
Oo, kayo ba?

SIA
Tapos na… sa panaginip.

NICA
Speaking of panaginip, ang weird lang
kasi naalala ko ‘yung panaginip ko.
Naaksidente raw ako.

Maririnig ito ni Estella, at mapapabulong sa sarili.

ESTELLA
Baka mamatay si Nica.

26. INT. CLASSROOM- UMAGA


Mababalitaan ng buong klase na patay na si Nica. Makikita ang
gulat sa mukha ng bawat isa.
JARED
Guys, patay na raw si Nica kaninang
umaga!

SIA
Ha? Paano nangyari ‘yon, eh maayos
naman siya kahapon?!?

JARED
Naaksidente raw kagabi, 50-50 no’ng
nadala sa ospital pero hindi kinaya ng
katawan kaya ayun.

GAIL
Paano mo naman nalaman ang nangyari?

JARED
Ni-report kay Dad ‘yung aksidente, eh.
Politiko things.

27. EXT. UPUAN- TANGHALI


May panghihinayang sa mukha ng tatlo habang kumakain.

ESTELLA
Ang biglaan ng nangyari, hindi pa rin
ako makapaniwala.

KLARA
Bakit parang pati dito magulo? Nga pala
Jared, mukhang tama nga ang trust me
bro na source mo, ah.

JARED
Ako pa ba, hindi lang ‘yan ang nasagap
ko. Pansin niyo ba mga tinginan ni
Prof. Salazar? ‘Di umano ay nabihag daw
no’n si Nica. Sheesh.

ESTELLA
Totoo!? May asawa na si Sir ‘di ba.
JARED
Oo, si Nica’ng masungit ay natagpuang
kabit. Bogsh.

Matapos marinig ni Klara ang sinabi ni Jared ay


maaalala niya ang kaniyang Papa.

28. INT. SALAS- GABI


Flashback kung saan aksidenteng makikita ni Klara na may
lalabas na ibang babae sa kwarto ng kanilang magulang.

29. INT. CLASSROOM- HAPON


May bulungan na naman sa loob ng klase, sinalubong ni Kyle ang
magkakaibigan. Mapang-asar na sisisihin ni Kyle si Estella sa
pagkamatay ni Nica.

KYLE
Estella, balita ko may galit ka kay
Nica? What if pinakulam mo pala siya?

Lalong lalakas ang bulungan sa klase. Tatakbo palabas si


Estella.
JARED
Kyle, hindi ka naman naniniwala sa
gano’n, ah? Saan mo nakukuha ‘yang mga
binibintang mo?

SIA
Baka naman kasi totoo sinasabi ni Kyle…

JARED
Saan mo nakuha, Kyle?

KYLE
Narinig ko lang sa hallway, masama ba
sabihin ‘yung narinig ko?!

JARED
You’re using baseless rumors!? What the
fuck? Hindi ka ba naturuang mag-fact
check? Kayo, hindi ba kayo marunong
mag-usisa ng totoo? Patay na ‘yong tao
ginagawan niyo pa ng chismis na damay
si Estella.

Hahabulin ni Jared si Estella. Kokomprontahin naman ni Klara


si Kyle.

KYLE
Pucha, bakit ba laging pinagtatanggol
ni Jared ‘tong si Estella?

KLARA
Kyle, ilang beses ko ba sasabihin na
ang sama ng lumalabas sa bibig mo? Kung
gusto mong magsimula ng gulo, ‘wag
dito.

KYLE
‘To naman si Klara ’di mabiro. Joke
time ba. Nga pala, ‘di ba may alam ka
sa pamahiin? Totoo nga ba na malas
kapag nakakita ng pusang itim? Kakita
kasi ako sa daan kanina.

KLARA
Hindi ka naniniwala ‘di ba?

30. EXT. UPUAN- TANGHALI


KLARA
Hindi pumasok si Kyle ngayon, baka
nag-cutting na naman. Tahimik ang
paligid, finally.

KLARA
Okay ka lang ba, Estella?

Ngumiti nang pilit sa kaniya ang kaibigan.

ESTELLA
Hindi ko alam pero hindi maganda ang
pakiramdam ko sa nangyari kay Nica.
Nagkatotoo kasi ‘yong panaginip niya.

KLARA
Narinig mo pala ‘yon. Mahirap ‘pag
tadhana at paniniwala ang kalaban, wala
tayong magagawa.

Nagpaalam si Klara sa kaibigan upang pumunta sa isang meeting.

31. INT. KWARTO- GABI


Nakaharap sa salamin si Klara habang nakangiti. Bigla niyang
gagayahin kung paano gumalaw ang kaniyang mga kaklase.

KLARA
Ganiyan dapat ang ngiti para walang
ma-disappoint. Si Jared, madaling
pakisamahan, sasabihin niya lagi “Trust
me bro.”

Matatawa si Klara papasok sa kaniyang kwarto.

KLARA
Si Sia laging naka-cross arms for her
defense pero mabait naman. Si Gail,
madali ring pakisamahan. Ang gaan ng
loob ko sa kaniya.

Magsasayaw siya paikot sa kwarto.

KLARA
Hindi ko in-expect na mapapaligiran ako
ng mabubuting tao.

32. INT. CLASSROOM- UMAGA


GAIL
Absent na naman si Kyle.

JARED
Hindi na papasok si Kyle, nadawit siya
sa drug raid kagabi. Dead on arrival.

Mababagsak ang kapit na notebook ni Estella na magiging sanhi


ng pagtingin sa kaniya ng lahat.

CLASSMATE 1
Bakit lahat ng may atraso kay Estella,
namamatay?

Magsisimula ulit ang bulungan. Biglang sisigaw si Estella.

ESTELLA
HINDI NGA AKO! Hindi ko ‘yon magagawa!
Bakit ba laging napupunta sa’kin ang mga
tingin niyo? Dahil ba naiiba ako sa
inyo? EH, PUTANGINA NIYONG LAHAT BAKA
DAPAT LANG NA MAMATAY KAYO.

Hahakutin ni Estella ang kaniyang gamit at dali-daling aalis.

33. INT. CLASSROOM- HAPON

GAIL
Hindi mo ba pupuntahan si Estella,
Klara?

KLARA
Bakit? Anong nangyari?

SIA
Napunta na naman kay Estella ang sisi.
Ayun, nag-emotional breakdown sa harap
ng klase. Grabe na talaga here.

KLARA
Unstable ngayon si Estella, baka mas
kailangan niya ng space. Napuna niya rin
pala na baka may kinalaman sa paglabag
sa pamahiin ang nangyari. Si Nica na
ikwinento ang masamang panaginip at si
Kyle na nakakita ng pusang itim.

GAIL
Kung titingnan sa ganiyang lens,
possible.

KLARA
Saka, parang deserve naman ni Kyle ang
nangyari sa kaniya. Nakaka-bwisit ‘yong
ugali niya.

Kinakabahan si Sia kaya naman pabiro niyang binuksan ang


payong at isinukob si Gail para mapagaan ang usapan.

SIA
Huy anu ba, nakulimlim sa mga pinags-say
niyo, oh. Baka umulan. Hahaha.

34. INT. KWARTO- GABI


Mapapanaginipan ni Klara ang kaniyang pagkabata.

35. EXT. BAKURAN- HAPON


Flashback ng pagkwekwento ng kaniyang Lola patungkol sa mga
engkanto sa kanilang lugar tuwing kwaresma.

LOLA NITA
Klara, lagi mong pakatandaan na ang
engkanto ay tunay, hindi man natin sila
nakikita pero nasa paligid sila. Lagi
mong tatagan ang iyong sarili at
mag-ingat. Mahirap magalaw ng engkanto,
maaari ka nitong sapian at pangibabawan
ang iyong espiritu.

36. INT. KWARTO- GABI


Magigising si Klara sa kaniyang panaginip.

37. EXT. UPUAN- TANGHALI


KLARA
Bakit ang daming absent? Pati si
Estella, absent. Masyadong tahimik ang
paligid.

Makakatanggap ng tawag si Klara.

PAPA
Ohh, ang bilis mong sumagot, ah. Wala ka
bang klase?

KLARA
Marami po kaming vacant ngayon, Pa.
Kumu—

PAPA
Tama ba ang desisyon mo sa buhay? Parang
hindi ka naman nag-aaral nang mabuti.
Itong si Carlo highest honor sa klase
nila. Anong ginagawa mo jan?

KLARA
Pa, nag-aaply na po ako sa Dean’s List,
representative din po ako ng klase
namin.

PAPA
Napapasunod mo ba nang maayos?

KLARA
About po jan Pa, ah, marami pong
nangyari lately…

PAPA
Ibig-sabihin hindi mo mapasunod. ‘Di ba
sabi ko naman sa’yo hindi mo kaya kasi
babae ka? Kailangan mong mamuno gamit
ang kamao, hindi ‘yung suot mo ‘yang
emosyon mo sa labas.

KLARA
Pa, hindi naman sa ga–
Papatayan siya ng kaniyang Papa ng telepono at
mapapabuntong-hininga nang malalim si Klara.

38. INT. BANYO- HAPON


SIA
Gail, ba’t ‘di mo sinasagot call ko?

Bubuksan ni Sia ang pinto ng bahay.

SIA
Ohh, bukas naman ang bahay. Bestie,
where ikaw?

Hahanapin ni Sia si Gail sa bawat sulok ng bahay. Mapapasigaw


si Sia nang matagpuan niya ang bangkay ni Gail sa banyo.

39. INT. BANYO- GABI


Nakaharap si Klara sa salamin na parang naguguluhan sa mga
pangyayari. Matutulala siya sa kawalan.

40. INT. BODEGA- GABI


Flashback kung saan may nakahandusay na tao sa sahig.
Nakagapos at nakapiring ito.

PAPA
Klara, ganito ang patakaran natin. Kung
gusto mo ng kapangyarihan, ipakita mo
ito sa mahihina. Patatahimikin ang
maiingay, papatayin ang mga kontra. Para
lahat ito sa kapayapaan ng ating bayan.

41. INT. CLASSROOM- UMAGA


Susugod si Sia kay Estella upang komprontahin sa sunod-sunod
na trahedya.

SIA
Putangina, Estella! Mag-usap nga tayo.
Alam mo, baka kasalanan mo talaga lahat.
Nagkandaleche-leche mga kaklase natin
simula no’ng napagalitan ka ni Nica.
JARED
Sia, hindi nito mababalik si Gail. ’Wag
dito, ‘wag ngayon.
SIA
‘Di ba sabi mo mamatay na kaming lahat?
Sabihin mo yan ngayon! Labas mo tapang
mong punyeta ka!

JARED
Sia, wala ka sa tamang pag-iisip right
now. Stop it.

SIA
Ano ba, Jared? Mukha kang Estella! Lagi
mo na lang pinagtatanggol ‘yang weirdo
na ‘yan. Ano bang mapapala mo sa promdi
na ‘yan? PINATAY NI ESTELLA SI GAIL!

JARED
Hindi mo alam pinagsasabi mo, Sia. Hindi
ka ngayon rasyonal.

Matatawa si Sia.

SIA
Ahh, baka naman magkasabwat kayo. Tutal
ikaw si All-knowing Jared, baka
pinagtatakpan mo lang krimen ni Estella.
‘Di ba anak ka ng pulitiko? Haha, it all
makes sense.

Papakalmahin ni Klara si Sia.

KLARA
Sia, nadadala ka lang ng damdamin mo.

SIA
Puta, ‘wag mo ‘kong hawakan, Klara.
Magp-play safe ka na naman. Si Gail
‘yong namatay, kaibigan ko… kaibigan mo!
Ahh, baka kasabwat ka rin, haha friend
mo lang si Gail pero si Estella ang best
friend mo. Friendship goals ‘yan!

Hindi na rin makakapag-pigil si Estella.

ESTELLA
HINDI NGA SABI AKO, HINDI KO NGA
KASALANAN. Walang kinalaman si Jared,
Klara, o ako sa mga bintang mo, Sia.

Pasugod na lalapitan ni Sia si Estella at kaniya


itong duduruin.

SIA
PINATAY MO SI GAIL, ESTELLA. MAMAMATAY
TAO KA!

Susugurin ni Estella ng sabunot si Sia.

ESTELLA
Putragis! Wala nga akong pakialam kay
Gail, wala akong ginagawang masama!

SIA
Aminin mo na, naiinggit ka na kami lagi
ang kasama ni Klara kaya binura mo si
Gail. Binura mo, pinatay mo s’ya!

Maaawat ni Jared at Klara ang sabunutan.

SIA
Ano, Estella?! Ako na ang isusunod mo!?
Subukan mo, sige patayin mo ako!

Hihigpitan ni Jared ang kapit niya kay Sia.

JARED
Sia, ano ba, tama na!

Magpupumiglas si Sia at sasampalin si Jared.


SIA
‘Yan pala ang tunay niyong kulay,
pagkakaisahan niyo ang biktima at
pagtatakpan ang may kasalanan. Ba’t kayo
nagbubulag-bulagan? Lalo ka na Klara,
nasabihan ka pa namang leader. Pakshet
kayo!

Umiiyak na umalis sa klase si Sia. Mare-report sa guidance


office ang nangyari at ipapatawag ang nasa komosyon.

42. INT. BANYO- GABI


JARED
Nasaan si Estella?

KLARA
Nasa office pa, pinapakalma pa siya doon.

JARED
Hindi ko in-expect na magwawala nang
ganoon si Sia.

KLARA
Akala ko ba alam mo lahat?

JARED
Alam ko na super close sila, pero ‘yung
gano’ng reaction?

KLARA
Sa tingin ko, normal na reaksyon ‘yun.
Kung ako sa kaniya, maghihiganti ako.

JARED
Ohh, scary. Ikaw, Klara? Kayang pumatay?

KLARA
Kakayanin, kung nais ko ng kapangyarihan.

JARED
Ang sama mong magbiro, what if ikaw nga
ang pumapatay?

Ngingiti nang ‘di kaaya-aya si Klara kay Jared.

43. EXT. KALSADA. GABI


Flashback na makikitang bababa si Nica sa sasakyan ng
propesor. Bago maghiwalay ay bibigyan ni Nica ng halik ang
propesor. Susundan ni Klara si Nica at nang makaabot sa
liblib na lugar, mapapansin ni Nica na may sumusunod sa kaniya
kaya naman bibilisan niya ang paglalakad. Sa kaniyang
pagpapanic ay hindi niya mapapansin ang kasalubong na
sasakyan.

KLARA
Mapanlinlang sa kapwa, nakakasuklam ka,
Nica.

44. INT. KWARTO- GABI


Flashback na makikitang may kausap sa telepono si Klara.

KLARA
Bibigyan ko po kayo ng tip tungkol sa
isang pusher.

45. EXT. ESKINITA. GABI


Flashback na aksidenteng mahuhuli ni Klara si Kyle na
humihithit ng marijuana.

46. INT. KWARTO- GABI


Flashback ng pagsumbong ni Klara kay Kyle sa mga pulis.

KLARA
Ayoko sa kaklaseng humihithit para sa
ligaya tapos kinabukasa’y manirang puri
ng iba.

47. INT. BANYO- HAPON


Flashback, nagpapalit ng damit si Klara sa bahay ni Gail.

KLARA
Gail, salamat pala sa pagpapa-stay
sa’kin. Ayoko munang mapag-isa sa bahay,
naaalala ko ang sinabi sa’kin ni Papa
kanina.
GAIL
Okay lang ‘yon, ano ka ba, that’s what
friends are for.

Bubuksan ni Gail ang pinto sa banyo at unti-unting lalapit kay


Klara.
GAIL
Kung gusto mo, Klara, pagagaanin ko ang
pakiramdam mo.

Hahaplosin niya ang balat nito at tatangkaing halikan ang leeg


ni Klara. Magpupumiglas si Klara.

KLARA
Gail, ano ba!

Manlalaban siya at mababagok ang ulo ni Gail.

KLARA
Gail, teka hindi ko sinasadya. ‘Wag, baka
atakihin niya uli ako.

Habang nagpapanic si Klara ay nilunod ni Klara si Gail.


Nakatulala si Klara sa bangkay ni Gail habang umiiyak.

KLARA
Nagtiwala ako sa’yo, Gail. Pinakita ko
sa’yo ang vulnerable side ko. Bakit
tatangkain mo akong gahasain? I feel
betrayed. Hindi ko kasalanan yan,
kasalanan mo ito. Isa kang mapagpanggap
na tao. Nakakadiri ka, Gail.

Pinunasan ni Klara ang kanyang luha at gumayak paalis ng


bahay.

48. INT. BANYO- GABI


KLARA
Paano kung ako nga?

JARED
Ha?
KLARA
Paano kung ako nga ang pumapatay?

Hindi makapaniwala si Jared sa kaniyang nalaman. May maririnig


na bulong si Klara.

ALTER
Kapag may nakaalam ng sikreto mo,
saksakin mo.

Hindi niya namalayan na nasaksak na niya si Jared. Sasakit ang


ulo ni Klara.

JARED
Hindi nakakatuwang biro ‘to. Tama na,
may exam pa tayo bukas.

KLARA
Jared, anong nangyari? Bakit ka may
dugo!?!

JARED
Klara, ano ka na?!?

Mag-iiba ang tingin ni Klara kay Jared at sasaksakin muli ito.

JARED
Hindi.. Ikaw si Klar–

Nang makasiguro na si Klara, hinarap niya ang hindi makakibong


si Estella.

ESTELLA
Klara, anong ibig sabihin nito?
Ngingitian ni Klara si Estella at ibabalik ang tingin sa
bangkay ni Jared.

KLARA
Estella alam mo ba, kung sino man
kumokontra sa moralidad ko ay
kumokontra sa kapayapaan ko.

ESTELLA
Hindi kita maintindihan, Klara!

KLARA
Shh, hindi ko gusto ang mga taong
traydor at mapagpanggap. Sabi ni Papa,
kailangan kong pumatay para sa
kapangyarihan. Estella, nagawa ko na.
Napatahimik ko ang maiingay. Estella,
walang karapatang mabuhay kayong
mapagbalatkayo.

###

You might also like