You are on page 1of 4

FILIPINO 6 Unang Markahan – Unang Linggo GURO: LESLIE L.

CARAMIHAN
Aralin 1 : Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang Pabula , Maikling kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at
Pagsagot sa tanong ng Bakit at Paano.

A. Mga halimbawa sa BAKIT na katanungan:


1. Bakit naging magkaaway sina Pagong at Matsing?
Sagot:Naging magkaaway sina Pagong at Matsing dahil sa saging na kanilang pinag-aagawan.
2.Bakit kaya malaki ang galit ni Matsing kay Pagong?
Sagot:Malaki ang galit ni Matsing kay Pagong dahil natalo siya nito.
Tandaan: Ang mga sagot sa tanong na nagsisimula sa bakit ay nagsasaad ng Kadahilanan / rason

B. Mga halimbawa sa “PAANO” na katanungan


1. Paano hinuli ni Matsing si Pagong sa puno ng mga sili? Sagot:Sinunggaban ni Matsing si Pagong upang mahuli ito.
2. Paano nagtapos ang buhay ni Matsing? Sagot:Nagtapos ang buhay ni Matsing nang lumundag siya sa kawang may kumukulong tubig.
Tandaan: Ang sagot na nagsisimula sa paano ay nagsasaad ng mga paraan kung paano ginawa ang kilos.

 Tesktong Pang-impormasyon
Ano ang tekstong pang-impormasyon?
Ang tekstong pang-impormasyon ay isang uri ng teksto na nagbibigay kaalaman sa mga mahahalagang pangyayari. Ito ay may laman na
tiyak na impormasyon sa isang pangalan. Ito ay walang halong opinyon ng manunulat.
Mga halimbawa:
▪ Pahayagan (news paper)
▪ Encyclopedia
▪ Posters
▪ Talambuhay at sariling talambuhay
▪ Libro at aklat-aralin
▪ Mga tala (notes)
▪ Listahan (directory)
▪ Diksyunaryo
▪ Ulat
▪ Mga legal na dokumento
▪ Manwal panturo (instructional manual)

Aralin 2 : PAGGAMIT NG BALANGKAS


Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at patnubay na mga tanong. Ang balangkas
ay isang maayos at sunud-sunod na banghay o buod na naglalahad ng mahahalagang paksa, kaisipan, pangyayari, o detalye ng isang
kuwento o seleksyon. Ang balangkas ay gumagamit ng bilang na nasa anyong Romano (I, II, III, IV, …). Ang ikalawang antas ng paksa ay
malaking titik (A, B, C, D). Ang ikatlong antas ay ginagamitan ng bilang (1, 2, 3, 4).

Balangkas ng Maikling Kuwento


I. Pamagat
➢ dito nakasaad ang pinakapaksa ng kuwento
II. Tauhan
➢ dito sa bahaging ito iniisa-isa ang mga nagsiganap sa kuwento
III. Tagpuan
➢ pinapakita kung saan ang pinangyarihan ng mga kaganapan sa kuwento
IV. Galaw ng Pangyayari
➢ dito ibinibigay ang sunod-sunod na pangyayari sa kuwento
A. Paunang Pangyayari
▪ simula ng kuwento
B. Pinasidhi o Papataas na Pangyayari
▪ dito makikita ang suliraning lulutasin ng pangunahing tauhan sa akda
C. Kasukdulan
▪ ang pinakamataas, pinakamaaksiyon o pinakamakapigil hiningang pangyayari sa kuwento.
D. Kakalasan o Pababang Pangyayari
▪ bahaging bago magwakas ang kuwento
▪ binibigyang solusyon ang problema sa kuwento
E. Wakas
▪ bahaging nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isipan ng
Mambabasa
V. Aral
➢ mahalagang kaalaman, kaisipan, o mensaheng taglay ng akdang magagamit bilang gabay sa pang-araw-araw na buhay

Panuto: Basahin ang maikling kuwento sa ibaba. Unawain at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Isang Aral para kay Armando

Laging naiisip ni Armando na napakarami namang ipinagbabawal ang ina sa kanya. Madalas niyang marinig ang “Huwag mong
gawin ito,” “Huwag mong gawin iyan.” Sumasama ang loob niya kapag naririnig niya ang mga ito. May isang bagay na talagang lagi
niyang gustong gawin kahit ipinagbabawal ng ina – ang maligo sa ilog. “Napakabilis ng agos ng tubig sa ilog. Maliit ka pa at kaya kang
ianod nito,” laging paalala ng ina. Ngunit naniniwala si Armando na kaya niya. Marunong naman siyang lumangoy dahil tinuruan ng Tito
Manuel niya. “Matatakutin lang talaga si Nanay,” sabi niya sa sarili. “Ang sarap siguro talagang lumangoy sa ilog. Mukhang kay la’mig ng
tubig.” Kaya nga, isang araw, kasama ng apat na kalarong bata, nagpunta sila sa ilog. Masaya silang naghubad ng kamiseta at tumalon
sa tubig. Ang sarap maglaro sa tubig. Wiling-wili ang mga bata. Maya-maya, naisip ni Armando na lumangoy sa banda-bandang unahan.
Unti-unti siyang umusad. Bigla na lamang bumilis ang agos ng tubig at siya’y tinatangay na palayo, patungo sa malalim na parte ng ilog.
Pinipilit niyang pigilan ang katawan ngunit hindi niya makaya ang malakas na agos ng tubig. “Ben!” sigaw niya. “Saklolo! Ngunit hindi rin
magaling lumangoy ang mga kasama niya. Napamulagat na lang sila sa di-masaklolohang kababata. Mabuti na lang at may biglang
tumalong lalaki
mula sa mga kahuyan. Naroon pala ang isang kanayon nila na may paiinuming baka.Nasagip si Armando ng lalaki ngunit may ilang
sandali bago siya nahulasan. “Salamat po, Mang Tacio. Akala ko’y katapusan ko na. Nagdasal po ako at kayo ay dumating. Dapat nga
pala akong sumunod sa sinasabi ni Nanay.”Tama si Armando. Batid ng mga magulang ang nararapat sa mga anak kaya dapat silang
sundin. Ang isa pang natutuhan ni Armando ay kapag nasa panganib, tumawag agad sa Diyos at ang tulong ay darating.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang pamagat ng kuwento? Isang aral para kay Armando
2. Sino - sino ang tauhan sa kuwento? Armando , Inay , Tito Manuel , Mga bata , Mang Tacio
3. Saan naganap ang kuwento? Sa Ilog
4. Ano ang gustong gawin ni Armando na pinagbawal ng kanyang ina? Maligo sa Ilog.
5. Ano ang nangyari kay Armando nang siya ay lumangoy sa bandang unahan ng ilog? Siya ay tinangay palayo, patungo sa malalim na
parte ng Ilog.
6. Paano nagtapos ang kuwento? Nasagip si Armando ni Mang Tasyo at napahalagahan niya ang sinabi ng kanyang Ina.
7. Anong aral ang makukuha natin sa kuwento? Sumunod sa payo ng magulang at tumawag sa Diyos.

Sa tulong ng pamatnubay na tanong napagsunod-sunod natin ang mga pangyayari sa maikling kuwento.

Alam mo ba na sa tulong din ng balangkas maaari rin nating mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento?

Ano ang balangkas? Ano-ano ang bahagi ng balangkas ng maikling kuwento? Ngayon lubos pa nating alamin ang balangkas at ang mga
bahagi nito.

Balangkas ng Maikling Kuwento

I. Pamagat:_____Isang Aral para kay Armando____


II. Tauhan:
A. ______Armando_____________
B. ______ina __________________
C. ______apat na kalarong bata___
D. ______Mang Tacio ___________
III. Tagpuan: ______sa ilog _______
IV. Galaw ng Pangyayari:
A. Paunang pangyayari
__Laging naiisip ni Armando na napakarami naming ipinagbabawal ang ina sa kanya.

B. Pinasidhi o Papataas ng Pangyayari:


__Gustong-gusto ni Armando na maligo sa ilog pero ipinagbabawalan siya ng kanyang ina dahil napakabilisng agos ng tubig ng ilog.
C. Kasukdulan:
__Si Armando, kasama ang kalarong bata ay naligo sa ilog. naisipan ni Armando na lumangoy sa bandang-bandang unahan
pero bigla na lamang bumilis ang agos ng tubig at siya’y tinatangay na palayo at sumigaw ng “saklolo”.
D. Kakalasan o Pababang Pangyayari:
May isang lalaking biglang tumalon at sinagip si Armando.
E. Wakas:
Nagpasalamat si Armando kay Mang Tacio, at natandaan na dapat pala sumusunod sa payo at paalala ng ina.
V. Aral:
Laging makikinig sa payo at pangaral ng magulang dahil alam nila kung ano ang makakabuti para sa mga anak.

IV . MGA GAWAIN

Gawain 1 Paggamit ng Bakit at Paano.


Si Pagong at Matsing

Matagal-tagal ding hindi umahon ang pagong. Natatakot kasi siyang muling magkita sila ni matsing. Nang inaakala niyang
matagal nang panahon ang lumipas, naglakas-loob siyang umahon sa ilog at maglakad-lakad naman sa dalampasigan. Nakarating si
Pagong sa isang taniman ng mga sili. Marahang-marahan naglalakad si Pagong sa paligid ng taniman. Natutuwang minamasdan ni
Pagong ang mga puno ng sili na hitik na hitik sa bungang pulang-pula dahil sa kahinugan. Wiling-wili siya sa panonood sa mga
mapupulang sili at hindi niya namalayan ang paglapit ni matsing. "Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na makaliligtas ngayon sa akin," ang sabi
ni Matsing sabay sunggab sa nagulat na pagong. "Kung naloko mo ako noon, ngayon ay hindi na. Hinding hindi na," nanggigigil na sigaw
ni Matsing .
"Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi ko kayo naiintindihan sa pinagsasasabi ninyo," ani Pagong. "Ano? Hindi ba't ikaw ang pagong na
nagtanim ng saging? Ikaw ang pagong na inihagis ko sa ilog?" sabi ni Matsing. "Aba! Hindi po. Hindi ko po nalalaman iyon. At hindi ko rin
kilala kung sino mang pagong iyong inihagis nyo sa ilog," tugon ni Pagong. "Hindi nga ba ikaw iyong damuhong pagong na iyon?" tanong
ni Matsing na pinakasipat-sipat ang hawak na pagong. "Talaga pong hindi!" ani Pagong. "Matagal na po ako rito. Ang gawain ko po ay
magbantay ng mga mapupulang bungang ito," dugtong pa ni Pagong. "Bakit, ano ba ang mga mapupulang bungang iyan?" ang tanong ni
Matsing. "A, e, ito po ay gamot sa mata ng lola ko. Inilalagay niya po ito sa mata kapag kumakati. Pero hindi po kayo maaaring kumuha
nito, para sa lola ko lamang ito," sabi ni Pagong. "Makati rin ang mata ko. At sa ayaw mo't sa gusto, kukuha ako nito," ani Matsing at
namitas agad ng maraming pulang sili. Piniga niya't niligis ang mga sili sa dalawang palad at kanya itong ipinahid sa kanyang mga mata.
"Kra-kra-kra..." nagtatatarang na sigaw ni Matsing pagkat halos umusok ang dalawang mata nya sa hapdi at kirot. Mainit na mainit ang
mga mata niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong. Subalit wala na ito at nakalayo nang nagtatawa. Naisahan na naman ang hangal na
matsing. Pero hindi po kayo maaaring kumuha nito, para sa lola ko lamang ito," sabi ni Pagong. "Makati rin ang mata ko. At sa ayaw mo't
sa gusto, kukuha ako nito," ani Matsing at namitas agad ng maraming pulang sili. Piniga niya't niligis ang mga sili sa dalawang palad at
kanya itong ipinahid sa kanyang mga mata. "Kra-kra-kra..." nagtatatarang na sigaw ni Matsing pagkat halos umusok ang dalawang mata
nya sa hapdi at kirot. Mainit na mainit ang mga mata niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong. Subalit wala na ito at nakalayo nang
nagtatawa. Naisahan na naman ang hangal na matsing. "Nahuli na naman kita. Niloko mo ako noon. Hinding hindi na kita paliligtasin
ngayon," ang sabi ni Matsing. "Dahil sa iyo, matagal akong hindi nakakita." "Ako po ang dahilan? Bakit po?" tanong ni Pagong. "E, ano pa!
Hindi ba't ikaw ang Pagong na kinunan ko ng sabi mo'y gamot sa mata ng lola mo? E iyon pala'y nakabubulag," ang sabi ni Matsing.
"Aba, naku! Hindi po. Ako po'y matagal na rito sa pwesto kong ito. Ako po'y nagbabantay ng kawang iyon na paliguan ng aking nanay,"
ang sabi ni Pagong. Itinuro kay matsing ang tubig na kumukulo sa kawa. "Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng nanay mo?" manghang
tanong ni Matsing. "Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag po ninyong sasabihin kahit kanino. Iyan po ang pampapula ng pisngi ng
Nanay ko," paliwanag ni Pagong. "Ibig ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ni Matsing. "Ay hindi po maaari ito para sa inyo. Talagang para
sa nanay ko lamang po iyan," sabi ni Pagong. "A, basta! Gusto ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ng hangal na matsing at tumakbong
mabilis at lumundag sa loob ng kawa ng kumukulong tubig. At doon natapos ang makulay na buhay ng hangal na matsing

1 . Bakit matagal-tagal ding hindi nagpakita si Pagong?


A . takot siya kay Matsing B. sapagkat ayaw niyang maarawan C. upang manalo siya laban kay Matsing D. naghahanda siya para sa
labanan nila ni Matsing
2. Paano nalusutan ni Pagong si Matsing sa pagkikita nila sa may silihan ?
A . kinaibigan si Matsing B.nagsinungaling kay Matsing C. nagtago sa mga puno ng sili D. tumakbo papalayo kay Matsing
3 . Bakit galit na galit na naman si Matsing kay Pagong sa kanilang muling pagkikita sa may handaan ?
A . kasi hindi siya inimbita nito C. sa kadahilanang hindi siya pinakin nito B. sapagkat tinadyakan siya nito D. dahil muli siyang niloko at
hindi nakakakita
4. Paano nagtapos ang buhay ni Matsing ?
A . Tumalon siya sa ilog B. Tinapon siya ni Pagong sa ilog C. lumundag siya sa kawang may kumukulong tubig D. inilagay niya ang sili sa
kanyang mata at nabulag siya 5. Bakit mahalaga ang pagpapatawad ?
A . nakapagpapabago ng mundo B . nakapagpaparami ng kaaway C. nakapagdudulot ito ng kapahamakan D . nakapagbibigay ng
kapayapaan sa isipan

B. 2 dayuhang dumating sa bansa sa kabila ng travel ban, hinarang sa NAIA

Dalawang dayuhang dumating sa bansa sa kabila ng ipinaiiral na travel ban ang naharang sa Ninoy Aquino
International Airport. Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, kapwa galing Europe ang dalawa. Ang isa na taga-France,
gusto lang daw makita ang anak na nasa Bukidnon. Aniya, may 10 taon na siyang pabalik-balik sa Pilipinas at marunong nang
magBisaya. Sa kabila nito, wala naman siyang maipakitang iba pang dokumento nang hingan siya ng mga otoridad. Hinarang
din ang isang Swiss na may kasintahan daw na isang Pinay at ilang taon na rin daw pabalik-balik sa Pilipinas. Kasabay ang
dalawang banyaga ng mga OFW na dumating galing Abu Dhabi. — KBK, GMA News

7. Ano ang pakay ng isang taga-France sa pagpunta rito sa ating bansa?


A. makita ang anak C. mamasyal sa Pilpinas B. hanapin ang kaibigan D. makasama ang kasintahan
8 . Bakit hinarang siya ng mga otoridad?
A. sobra ang bagahe C. walang dokumento B. may dalang illegal D. dahil nakipag-away
9. Bakit marunong nang mag-Bisaya ang isa sa mga dayuhan?
A. nag-aral sa bansa C. nagpaturo sa kasama B. nagtanong sa katabi D. pabalik-balik na sa Pilipinas
10 . Ano kaya ang mangyayari sa dalawang dayuhan na hinarang sa NAIA ?
A. Hahanapan sila ng mga papeles B. Papauwiin sila sa kanilang bansa C. Dadakpin at ikulong sa presento ng Pulis D. Kakausapin sila
sa mga kinauukulang tao sa NAIA at ipapairal and diplomasia sa sitwasyon.

You might also like