Pagiging Tapat

You might also like

You are on page 1of 5

Multigrade

Di- Masusing Banghay Aralin sa Filipino IV at V

Oras: Ala una ng hapon Petsa: Disyembre 7,2022


Araw: Miyerkules

I. Mga layunin
Sa loob ng apat na pu’t limang minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang dalawang uri ng panggalan.
B. Nagagamit ang pangngalan sa pagbuo ng pangungusap.

Pagiging Tapat

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Uri ng pangngalan
B. Sanggunian: R. Rivera (2013). Ang Pagong at si Matsing. Mga Kuwentong
Pambata: https://sites.google.com/site/merlen1603/mga-kwentong-pang-bata/si-
pagong-at-si-matsing.
C. Mga Kagamitan: kartollina, marker, manila paper, bond paper, pandikit na tape,
larawan ng guro, larawan ng paaralan, larawan ng kaarawan, larawan ng
sapatos, larawan ng manok at larawan ng kuwento na pinamagatang si “Si
Pagong at si Matsing”

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Simulan natin ang araw sa isang panalangin. Mangyaring tumayo ang lahat.
2. Pagbati
Magandang umaga, mga bata. Handa na ba kayong matuto sa araw na ito?
3. Pagtatala ng liban sa klase
Bago tayo magsimula sa ating aralin, mayroon bang lumiban sa ating klase?
4. Pagsasanay
Magpakita ng iba’t ibang salita na babasahin ng mga mag-aaral:

Ana Davao Pasko Pusa Aklat

5. Balik Aral
Batay sa ating tinalakay kahapon, ano ang pangngalan?
Makakapagbigay ba kayo ng halimbawa nito?
6. Pagganyak
Pagpapakita ng iba’t ibang larawan ng ng ihanay ito sa tamang
kinabibilangan nito.

Ano ang inyong napansin sa mga larawan?


Maari niyo bang ilagay sa tamang hanay ang bawat larawan?
Tao Lugar Bagay Hayop Pangyayari

7. Paghahawan ng mga Balakid


Pasensyoso – taong may mahabang pasensya.
Tuso – mapanglamang, mapanlinlang o suwapang.
Hitik na hitik – punong – puno ng bunga.

B. Panlinlang na Gawain
1. Paglalahad
Gusto niyo bang makarinig ng kuwento?
Pero bago ko simulan, maaari bang hingin ang inyong buong atensyon?
Ang mga mata at tenga ay dapat kay titser lamang.
Handa na ba ang lahat makinig?
“Si Pagong at si Matsing”
Na: isinulat ni R. Rivera Sina Pagong at Matsing ay matalik na
magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at
palabiro. Isang araw, binigyan sila ni Aling Muning ng isang supot ng pansit at hindi
nagtagal ay nagyaya na si Pagong na kainin na ang pansit. Sinabi ni Matsing na
nangangamoy panis na ang pansit kung kaya siya na muna ang unang titikim nito
hanggang sa naubos na ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.
Humingi ng tawad si Matsing dahil naubos at hindi nakakain si Pagong ng pansit.
Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa
kaibigan.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging at


pinaghatian nila ang puno ng saging. Ang kinuha ni matsing ay ang parteng taas
dahil ayaw na daw nyang mag patubo ng mga dahon kaya't ang bandang ibaba ang
napunta kay pagong ay may mga ugat at umuwi na sila upang itanim at patubuin
ang puno ng saging. Umuwing malungkot si Pagong dala ang kanyang kalahating
bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang
madahong bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at


nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas
ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing. Si Pagong naman ay
natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong
inalagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik. Nainggit si
Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong. Di naglaon nagyaya
na si Matsing na kainin na ang saging na tumubo sa puno ni Pagong at pumayag
naman ito. Ngunit hindi makakaakyat si Pagong kung kaya nangako si Matsing na
siya na lamang ang aakyat sa puno at lalaglagan na lamang niya ng saging si Pagong.
Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas
ng puno, kinain niya ang lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.
Nanatili sa taas ng puno si Matsing at nakatulog ito sa sobrang kabusugan. Galit na
galit si Pagong kay Matsing sa ginawa nito sa kanya. Kung kaya habang natutulog ito
sa sobrang kabusugan naglagay ng mga tinik sa ilalim ng puno si Pagong. Nang
magising si Matsing ay nakita niya ang tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.
Ngunit tumangging tumulong si Pagong at iniwan na lamang doon si Matsing.
Makalipas ang sandali nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa
si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging. Nasaktan ito sa mga tinik na nakatusok
sa puno ng saging sa kanyang pagbaba. Kaya nangako siya sa sarili na gaganti siya
kay Pagong.

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si
Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan. Kinuha ni Matsing si
Pagong na takot na takot. Nagtanong si Pagong kung anong gagawin nito sa kanya,
at sinabi ni Matsing na tatadtarin siya nito ng pinung-pino. Nag-isip ng paraan si
Pagong para maisahan ang tusong Matsing. Kaya ang sambit nito kay Matsing na
kapag tinadtad siya nito ay dadami siya at susugurin siya ng mga ito at kakainin.
Nag-isip nang malalim si Matsing at naisip nito na sunugin na lamang si Pagong,
ngunit nangatwiran na naman si Pagong na hindi naman tinatablan ng apoy ang
kanyang makapal at matibay na bahay. Kaya muling nag-isip si Matsing, hanggang sa
maisipan niyang pumunta sa dalampasigan at doon na lamang itapon si Pagong.
Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan. Tuwang-tuwa
si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong
itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si
Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay
parang ang gaan ng katawan nito sa tubig. At naghalakhak si Pagong na sabihin kay
Matsing na naisahan din kita matsing dahil gustung-gusto ko na lumangoy sa
dalampasigan. Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na
maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag
naloloko ng isang kaibigan.

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

Baitang IV Baitang V
1. Ano ang pamagat ng kuwento? 4. Kung kayo si Matsing gagawin niyo rin
2. Sino ang mga tauhan sa kuwento? ba ang ginawa niya kay pagong?
3. Kung kayo ang nasa kuwento, sino 5. Ano ang inyong nakuhang aral sa
ang gusto niyong maging? Si Pagong kuwento?
ba o si Matsing? Bakit?

2. Gawain

Baitang IV Baitang V
Panuto: Tukuyin ang pangngalan kung Pantuo: Magbigay ng limang
ito ay ngalan ng tao, bagay, lugar at pangngalan, maaaring ito ay ngalan ng
hayop. tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari
na makikita o mababasa sa kuwento.
1. Pusa
2. Tatay
3. Kandila
4. Manila
5. Tsinelas

3. Pagsusuri
Mga bata ano ang inyong napansin sa ating ginawang gawain?

Sa inyong palagay, may koneksyon ba ito sa ating tatalakayin ngayon ay


patungkol sa uri ng pangngalan pero bago natin ito tatalakayin.

Ano nga ulit ang pangngalan? Natatandaan niyo ba?

Pangngalan ay bahagi ng pananalita na tinutukoy sa ngalan ng tao, bagay,


lugar, hayop at pangyayari.

Sino sa inyo ang makakapagbigay ng halimbawa?

Ang pangngalan ay dalawang uri, ito ay ang pantangi at pambalana.

Ano ba ang pantangi?


Pakibasa ng sabay-sabay.

Pantangi- ito ay ang pangngalang tumutukoy sa tiyak o tanging pangngalan ng


tao, baga, lugar, hayop at pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.

Halimbawa:
Ate Mayang
Pagong
Pasko
Pilipinas
Toyota

Pambalana – ito ay pangkaraniwang pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao, hayop at


Paangyayari. Ang mga pangngalan ito ay di-tiyak. Maliit na titik ang simula
ng salitang ito.
Halimbawa:
Kapatid
Bansa
Kaarawan
Sasakyan
Ibon
4.Paghahalaw
Baitang IV Baitang V
Mga bata, anon ga ulit ang dalawang urib Sino sa inyo ang makakapagbigay
ng pangngalan? ng pagkakaiba ng dalawang uri ng
pangngalan?
Sino sa inyo ang makakabigay ng
halimbawa ng pantangi at pambalana? Bakit mahalagang matutunan ang dalawang
uri ng pangngalan?
5.Paglalapat
Hatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral para sa gagawin nilang Gawain
Baitang IV Baitang V
Panuto: Gumawa ng pangngusap gamit ang Panuto: Magbigay ng tig dadalawanguri ng
mga summusunod na pangngalan. pangngalan at gamitin ito sa pagbuo ng
1. Andres Bonifacio pangungusap.
2. Paaralan
3. Ibon
4. Bagong taon
5. libro

IV. Pagtataya
Baitang IV Baitang V

Panuto: Tukuyin ang mmga pangngalan o salita Panuto: Bilugan ang pangngalan na ginamit sa
kung ito ay pantangi o pambalana. Ihanay ito sa pangugusap at tukuyin kung itoo ay oantangi o
kung saang pangkat ito nabibilang. pambalana. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
John Smith Ati-atihan Festival Damit
______1. Masayang naglalaro ang mga bata.
Isla ahas pista pera ______2. Ang mga ibon ay umaawit.
______3. Hitik sa bunga ang punong manga.
Ben salamin kuya
______4. Ang Manila ay magandang pasyalan.
______5. Napakabait at napakaganda ni
Pantangi Pambalana Bb. Veronza.

V. Gawaing Bahay
Bakit mahalagang matutunan ang wastong paggamit ng iba’t ibang uri ng panggalan?

You might also like