You are on page 1of 2

Araling Panlipunan 2

Study Note #6
(Ikatlong Markahan)

Mga Katangian ng Mabuting Pinuno

✔ Ang pamumuno ay paraan ng paglilingkod sa tao at


komunidad.
✔ Ito ay pagbagay sa mga mamamayan papunta sa tamang
direksyon.
✔ Ito ang pagtupad sa tungkulin na pamunuan nang maayos
ang komunidad.
✔ Ang pamumuno ng isang lider ay dapat na matuwid o tama
para umunlad at maging ligtas ang mamamayan.
✔ May pamumunong maayos at may pamumunong hindi
maayos.

1. Ang mabuting pinuno ay maaasahan at may nagagawa para sa

bayan. Marami siyang ipinapatupad na magandang proyekto para

sa mamamayan gaya ng pagkakaroon ng maayos na daan.

2. Ang isang pinuno ay kailangang tapat. Ang kanyang sinasabi ay

dapat totoo. Gagastusin nya ang pera ng bayan nang tama.

3. Ang pinuno ay kailangang masipag. Masipag sya sa paggawa ng

tungkulin sa lahat ng oras lalong-lalo na sa panahon ng

pangangailangan.

4. Ang pinuno ay kailangan matalino. Iniisip niya ang mabuting

solusyon sa mga problema ng bayan.

5. Ang pinuno ay kailangang may pagmamahal sa kapwa at sa

Diyos. Ito ang pinakamabuting katangiang dapat magkaroon ang

pinuno.
Araling Panlipunan 2
Study Note #6
(Ikatlong Markahan)

Maayos Na Pamumuno at Epekto Nito

Mga Epekto Ng Hindi Maayos Na Pamumuno

Ilang Paraan para Palakasin ang Tama, Maayos, at Makatwirang


Pamumuno

1. Dapat pumili ng tapat at mabuting pinuno ang mamamayan.

2. Kailangang sumali ang mamamayan sa mga proyektong pangkalusugan,


pangkapayapaan, at pang kagandahan ng komunidad na pinalalaganap ng
pamunuan.

3. Isumbong sa tamang opisina ang mga pinunong gumagawa ng mali.

4. Iwasang makisali sa mga dati nang maling pamamalakad.

5. Bigyan ng parangal ang mga namumuno nang tapat, seryoso, at mahusay


sa pagtupad sa tungkulin.

References:

Julian, Ailene Baisa; Lontoc, Nestor S.; Marasigan, Emily V., 2019, Bagong
Lakbay ng Lahing Pilipino,Phoenix Publishing House, pahina 309-313

You might also like