You are on page 1of 1

JUAN'S UPON A TIME (Wansapanataym) marahil ay familiar kayo sa palabas na ito,

lalo na Ang batang 90's dahil sa mga kwela nitong istorya na kapupulutan mo ng aral. Sa
ating Gospel ngayon, matatagpuan din natin Ang Juan's upon a time, kung saan binigyàng
diin ni Hesus Ang ginawang pagpapatotoo ni Juan Bautista patungkol sa katotohanan at
sinabi din ni Hesus kung ano pa Ang katangian ni Juan. "Si Juan ay parang maningas na
ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag" at alam
natin na si Juan ay niliwanagan Ang Daan Ng Panginoon hanggang sa Huling sandali ng
kanyang Buhay. Kaya nga hinahamon Tayo Ng pagbasa na huwag tumulad sa mga
nakakita Kay Juan na maaliw o masiyahan Ng pansamantala lamang. Tamang Tama ho at
unang araw ngayon ng simbang Gabi, na kinaigalian na Ng mga Filipino Ang magsimba
at kompletuhin Ang 9 na Gabi ngunit marami sa atin Ang Hindi nagsisimba regularly na
Di mo na makikita na magsimba pag dating Ng January at meron din naman na di talaga
nagsisimbang gabi kundi Simbang tabi Kaya nga mainam lamang na tayo ay maging
kagaya ni Juan na nagpatotoo sa kay Hesus, di lamang ngayong palapit na ang Pasko
kundi maging sa Huling sandali ng ating buhay. hindi minsan kundi PANGHABANG
BUHAY.
Maganda na makita sa ating gawa ang mabuting halimbawa. PAGPAPATOTOO. Ito ay
nagpapakita na tayo ay nagpapatotoo sa mga aral ni Hesus sa atin. “Ngunit may patotoo
tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng
Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.” kung
tutousin hindi naman kailang ni Hesus ang Patotoo ni Juan o ng patotoo natin. Ang
Kanyang mga kilos at gawa ay sapat na patunay upang sabihing siya ang Mesiyas. Sa
buhay natin hindi naman natin kailangan ng papuri. May iba kasi sa atin na gumagawa ng
Mabuti para lamang sumikat o kaya ay masabing maka Diyos siya. Ngunit kapag wala ng
nakakakita ay di na kumikilos o baluktot ang pagkilos. Nawa ang Pagpapatotoo natin kay
Hesus ay sumalamin sa ating mga kilos at gawa at isipin natin na ang ginagawa natin ay
kikadakila ng Diyos na siya ding binabanggit sa salmon tugunan Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao. Magpatoto tayo para sa Diyos hindi para sa atin.
Sa paanong paraan tayo makakapagpatotoo sa pamamagitan ng PANININDIGAN sa
katotohanan. Ito ay nangangahulugan ng pagawa natin ng matuwid at makatarungan at
hindi sa mali sa tuwing tayo ay nagdedesisyon sa buhay. Ito rin ang wika ng Panginoon
sa aklat ni Propeta Isaias “Ayon sa katarungan at laging matuwid ang inyong gagawin.
Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating.” Maraming tao sa panahon
ngayon ang gumagawa ng hindi Maganda, nanlalamang sa Kapwa, naninira. Nawa ang
ating maging aksyon ay para sa kapakinabangan ng lahat kahit pa sabihin na sila ay mga
dayuhan. Kaya marapat lang na tayo mamuhay ng naayon sa Katarungan at May
PANININDIGAN.

You might also like