You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
A. Mabini Elementary School
Cherry Blossom St. San Roque, Tala, Caloocan City

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5

PANGALAN: __________________________________ PANGKAT: __________________ ISKOR: ____________

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. May mga pakinabang na naidudulot ang pagtatanim, pag-aani at pagkain ng gulay sa sarili,
pamilya at pamayanan. Alin sa mga sumusunod ang pakinabang nito para sa pamayanan?
A. Nagsisilbing libangan at ehersisyo.
B. Nagbibigay ng sariwang hangin, lilim at oxygen na kailangan ng tao.
C. Nagbibigay ng bitamina at mineral na kailangan ng katawan.
D. Nagbibigay ng pagkain ng pamilya.

2. Ito ang isa mga dapat gawin bago magtanim ng gulay dahil hindi sa lahat ng lugar nabubuhay
ang mga pananim.
A. Pagdidilig ng lupang pagtataniman C. Pagsasagawa ng survey
B. Pagpupunla ng mga buto D. Pag-aalaga ng mga tanim

3. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagtatanim ng halamang-gulay?


A. ito ay nakalilibang at dagdag na kita C. ito ay dagdag na hirap sa mag-anak
B. ito ay dagdag na gawain D. dagdag na gastos

4. Ang________________ ay gabay upang malaman ang mga pananim na maaaring mabuhay sa


bawat buwan o panahon.
A. kalendaryo ng pagtatanim C. talaan ng paghahalaman
B. imbentaryo ng kagamitan D. listahan ng mga gulay

5. Nais ni Maria na magtanim ng mga halamang-ugat dahil mayaman ito sa carbohydrates. Alin
sa mga ito ang dapat piliin?
A. gabi at kamote C. upo at patola
B. sitaw at bataw D. rambutan at lansones

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng abonong


organiko?
A. Napabubuti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko.
B. Malusog na paglaki ng mga pananim at hindi na kailangang bumili ng abonong komersiyal.
C. Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
D. Lahat nang nabanggit.

Address: Cherry Blossom St. San Roque, Tala, Caloocan City


Telephone No.: 02-829-43563
Email Address: 136643@dpeed.gov.ph
Website: https://aileenabejo.wixsite.com/amesportal
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
A. Mabini Elementary School
Cherry Blossom St. San Roque, Tala, Caloocan City
7. Ito ang mga pangunahing sustansya na kailangan ng lupa upang maging malusog ang mga
dahon, bulaklak, tangkay at ugat.
A. Nitrogen, Phosphorous at Potassium C. Potassium, Nitrate at Oxygen
B. Nitrogen, Oxygen at Potassium D. Phosphorous, Oxygen at Potassium

8. Ang mga dahong gulay ay ngangailangan ng pagdidilig araw-araw. Alin sa mga sumusunod
ang hindi dahong gulay?
A. petsay B. repolyo C. okra D. kangkong

9. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng compost ang unang dapat gawin?
A. Ilagay ang mga natuyong dahon, nabulok na prutas, gulay, pagkain, at iba pang nabubulok
na bagay.
B. Araw-araw itong diligan. Takpan ito ng kahit anumang pantakip.
C. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.
D. Ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 12 pulgada o
30 sentimetro ang taas.

10. Ang mga sumusunod ay katangian ng lupang taglay ang abonong organiko maliban sa isa,
alin ito?
A. Maganda ang tekstura C. Hindi mabilis matuyo
B. Malambot D. Matigas at bitak-bitak

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa abonong organiko?


A. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong urea at sabon.
B. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong asin, asukal at gatas.
C. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong nabubulok na dahon, tirang pagkain, balat
ng prutas, gulay at dumi ng hayop.
D. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong karne ng baboy at asukal.

12. Ang ________ ay isang paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang sisidlan.
A. recycling B. compost pit C. hukay D. basket composting

13. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang dagdagan ng abonong
organiko ang lupang taniman maliban sa isa, alin ito?
A. Upang bigyan ng pagkain at sustansiya ang mga halaman.
B. Upang dumami ang insekto sa lupa.
C. Upang mapalitan ang mga nawawalang sustansiya ng lupa.
D. Upang lumaking malusog at mamunga ng husto ang mga gulay.

14. Ito ang pinakamainam na lupang pagtaniman sapagkat ito ay buhaghag at masustansiya.
A. clay soil B. sandy soil C. loam soil D. muddy soil

Address: Cherry Blossom St. San Roque, Tala, Caloocan City


Telephone No.: 02-829-43563
Email Address: 136643@dpeed.gov.ph
Website: https://aileenabejo.wixsite.com/amesportal
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
A. Mabini Elementary School
Cherry Blossom St. San Roque, Tala, Caloocan City
15. Ito ay ginagawa upang makahinga at maging maayos ang pagtubo ng halaman sa lupa.
A. paglalagay ng abono C. pagdidilig
B. pagbubungkal ng lupa D. pagpupunla

16. Isang pamamaraang biological kung saan ang isang maliit na sukat ay natataniman ng
maraming halaman?
A. bio-intensive gardening C. bio-chemical gardening
B. bio-extensive gardening D. bio-expensive gardening

17. Ang pagdidilig ay isa sa masistemang pangangalaga ng mga tanim. Kailan pinakamainam
magdilig ng mga pananim?
A. umaga at hapon C. tanghali at hapon
B. umaga at tanghali D. kahit anong oras

18. Ito ay isang paraan na kung saan ang buto, sanga, o dahon ay pinatutubo muna sa isang
lalagyan o punlaan bago itanim sa permenteng lugar.
A. tuwirang pagtatanim C. paglalagay ng abono
B. di-tuwirang pagtatanim D. pagpupunla

19. Ang tawag sa pagtatanim ng higit sa dalawang uri ng halaman na karaniwang salitan ang
mga hanay ng mga tanim.
A. intercropping C. companion planting
B. cross cropping D. lahat ng nabanggit

20. Sa paraang ito idinidilig o iniispray ang solusyong abono sa mga dahon ng halaman.
A. side dressing method C. broadcasting method
B. ring method D. foliar application method

21. Paraan ng paglalagay ng abono sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman at
kadalasang ginagawa sa mga pananim na nakahilera.
A. side dressing method C. broadcasting method
B. Ring Method D. foliar application method

22. Ito ang tawag sa mga hayop, insekto o anumang nakapagdudulot ng sakit, nakapipinsala at
nakahahadlang sa paglaki ng mga pananim.
A. parasite B. virus C. bacteria D. peste

23. Ito ang tawag sa uri ng pesteng kailangang gumamit ng panghuling may ilaw upang mahuli
at mapuksa.
A. armored scale B. ring borer C. leaf rollers D. melon aphid

Address: Cherry Blossom St. San Roque, Tala, Caloocan City


Telephone No.: 02-829-43563
Email Address: 136643@dpeed.gov.ph
Website: https://aileenabejo.wixsite.com/amesportal
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
A. Mabini Elementary School
Cherry Blossom St. San Roque, Tala, Caloocan City
24. Binubutas ng mga ito ang dahon ng pananim kung kaya kailangang kayasin ang lahat ng
dahon o foliage hanggang maiwan ang buong panloob na sanga.
A. armored scale B. ring borer C. leaf rollers D. melon aphid

25. Nagtanim ng mga ampalaya si Mang Gorio. Ano ang mga palatandaan na ito ay maaari
nang pitasin?
A. maraming bulaklak at bunga C. luntian ang mga bunga at katamtaman ang laki
B. lanta na ang mga dahon D. wala ng mga bulaklak

26. Ito ang tawag sa lalagyan ng gulay at prutas kapag nag-aani.


A. sako B. plastic bag C. eco bag D. kaing

27. Paraan ng pagtitinda ng gulay sa kaunting bilang lamang.


A. pakyawan B. kooperatiba C. tingian D. kontrata

28. Sa ganitong paraan malalaman kung magkano ang halaga ng gastos at kinita sa
pagsasapamilihan ng mga inaning gulay.
A. pagtutuos B. pamamalengke C. pagbabadyet D. paglilista

29. Bakit maituturing na kapaki-pakinabang na gawain ang pag-aalaga ng manok at iba pang
kauri nito?
A. Dahil sa gatas at karne na naibibigay nito.
B. Dahil ang mga ito ay nakapagbibigay ng karne at itlog
C. Dahil ito ay nakadadaragdag lamang sa trabaho.
D. Dahil ito ay nakapagbibigay ng dagdag gastos sa mag-anak.

30. Nais ni Tonyo na mag-alaga ng manok na mainam na mapagkunan ng maraming itlog.


Anong uri ng manok ang mainam niyang alagaan?
A. starter B. broiler C. grower D. layer

31. Ang __________ ay pagkain para sa mga bagong pisang sisiw hanggang anim na lingo.
A. starting mash B. laying mash C. growing mash D. broiling mash

32. Ano ang kailangang isaalang-alang sa paggawa ng isang kulungan ng manok?


A. malamig at presko B. masikip C. mainit D. marumi

33. Madaling magulat ang ____________ kaya kailangang tahimik ang paligid sa oras ng
pangingitlog nito.
A. manok B. kalapati C. bibe D. pugo

Address: Cherry Blossom St. San Roque, Tala, Caloocan City


Telephone No.: 02-829-43563
Email Address: 136643@dpeed.gov.ph
Website: https://aileenabejo.wixsite.com/amesportal
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
A. Mabini Elementary School
Cherry Blossom St. San Roque, Tala, Caloocan City
34. Ang alagang manok ni Ben ay anim na linggo na mula noong mapisa kung kaya’t binibigyan
niya na ito ng growing mash. Ano ang kaniyang isinaalang-alang sa sitwasyong ito?
A. Lugar na pagtatayuan ng kulungan C. Dami ng hayop na aalagaan
B. Tamang paraan ng pagpapakain D. Kalinisan at kaayusan

35. Nais mong mag-alaga ng hayop na nabubuhay kahit saan at kahit anong uri ng panahon.
Alin sa mga sumusunod ang mainam mong piliin?
A. pugo B. manok C. bibe D. kalapati

36. Ang isdang ito ay mabilis lumaki. Maaari anihin ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong
buwan.
A. Bangus B. Hito C. Karpa D. Tilapia

37. Kung ikaw ay may alagang tilapya, ilang buwan mo ito bago anihin?
A. tatlo B. lima C. anim D. siyam

38. Bakit maraming mangingisda ang nawiwiling mag alaga ng tilapia?


A. dahil madaling hulihin ito C. dahil malaki ito
B. dahil madaling pakainin at paramihin D. dahil maraming nag-uulam nito

39. Si Lino ay magnenegosyo ng palaisdaan. Saan dapat niya itayo ang palaisdaan?
A. sa mainit na lugar C. sa mayroong sapat na pagkukunan ng tubig
B. sa malayong lugar D. sa malayo sa tirahan

40. Ano ang angkop na plano sa pag-aalaga ng hayop bilang mapagkakakitaang gawain?
A. pumili ng hayop na madalas mapanood sa telebisyon
B. pumili ng kahit na anong hayop na gusto mong alagaan
C. pumili ng hayop ayon sa kadalasang mapapakinabangan sa pamayanan
D. pumili ng hayop na imported dahil mataas ang kalidad nito

41. Ang paraang ito ay nagaganap bago pa anihin ang produkto, nag-uusap at nagkakaroon
ng kasunduan sa presyo ang may-ari at bibili.
A. Tingian B. Lansakan C. Kaliwaan D. Pakyawan

42. Ito ay paraan ng pagsasapamilihan ng produkto gamit ang makabagong pamamaraan ng


pagbebenta gamit ang teknolohiya kung saan sa isang website ipinapakita ang mga produkto/
alagang hayop/isda buhay man o karne na.
A. Pagtitinda sa Pamilihan C. Online Selling
B. Pagtitinda sa bahay-bahay D. Pakyawan

Address: Cherry Blossom St. San Roque, Tala, Caloocan City


Telephone No.: 02-829-43563
Email Address: 136643@dpeed.gov.ph
Website: https://aileenabejo.wixsite.com/amesportal
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
A. Mabini Elementary School
Cherry Blossom St. San Roque, Tala, Caloocan City
43. Ikaw ay maraming nakuhang karne mula sa iyong mga alagang hayop at nais mo itong
ibenta at makilala ng mas maraming tao sa mabilis na paraan. Anong estratehiya ang dapat
mong gawin upang ikaw ay kumita?
A. Magbahay-bahay at ialok ang mga panindang karne.
B. Magpautang sa iyong mga kakilala ng iyong paninda.
C. Gumawa ng flyers at magbenta online gamit ang facebook upang makilala ang iyong
produkto.
D. Maghintay ng ilang araw at magbaka-sakaling dumami pa ang paninda.

44. Sa paanong paraan maipagbibili ang mga inaning isda gaya ng tilapya, bangus, hito at
karpa?
A. banyera B. groserya C. kaing D. lahat ng nabanggit

45. Anong timbang ang basehan ng presyo o halaga ng produkto tulad ng karne.
A. takal B. kilo C. bilang D. piraso

II. Panuto: Piliin ang tamang salita sa kahon upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang
iyong sagot sa patlang

_____________________46. Sa paggawa ng Basket Composting, diligan ang laman ng sisidlan at


lagyan ng pasingawang kawayan upang _____________________ kaagad
ang basura.
_____________________47. Gumawa ng hukay sa isang lugar na ang lapad ay dalawang metro,
ang haba ay limang metro, at ang lalim ay _____________________.
_____________________48. Ang _________________ ay isang halimbawa ng Organic Plant
Supplement kung saan ang pangunahing sangkap ay mga lamang-loob
ng isda at mga hasang na itinatapon na.
_____________________49. Huwag kalimutang takpan ng _____________________ o lagyan ng
bubong ang sisidlan upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang
peste.
_____________________50. Sa paggawa ng compost pit ay humanap ng medyo __________________
na lugar, tuyo, patag, at malayo-layo sa bahay o anumang anyong tubig.

Address: Cherry Blossom St. San Roque, Tala, Caloocan City


Telephone No.: 02-829-43563
Email Address: 136643@dpeed.gov.ph
Website: https://aileenabejo.wixsite.com/amesportal

You might also like